Mga Pamantayan sa Pagtugon sa Pangangailangan at Kagustuhan (AP Reviewer) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang AP reviewer na nakatuon sa mga pamantayan sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan. Ipinapakita nito ang iba't ibang aspekto ng ekonomiya, kabilang ang kahulugan ng equity, efficiency, full employment, growth, at stability. Tinatalakay din ang wastong pagsasagawa ng alokasyon at mga iba't ibang sistemang pang-ekonomiya tulad ng merkantilismo, komunismo, at sosyalismo.

Full Transcript

AP REVIEWER MGA PAMANTAYAN SA PAGTUGON SA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN (please basahin nyo to, I gave my blood, sweat, tears, and hours of backpain ito this reviewer) Note: keywords like names, dates, and rep. acts are in a “to remember page” for easie...

AP REVIEWER MGA PAMANTAYAN SA PAGTUGON SA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN (please basahin nyo to, I gave my blood, sweat, tears, and hours of backpain ito this reviewer) Note: keywords like names, dates, and rep. acts are in a “to remember page” for easier understanding!) Equity - Hindi man pantay ang pagtingin, naging agma o patas ang hakbanging isinigawa sa partikular sa sitwasyon dahil sa nararapat lang na unahin ang higit pang nangangailangan. Efficiency - Tumutukoy sa aspektong nakalilikha ang isang ekonomiya ng maraming produkto o serbisyong kailangan ng tao sa mas mababang halaga o paraan. Full Employment - Ang potensiyal ng manggagawa ay nagagamit nang lubos ng ekonomiya at ang ekonomiya naman ay napakikinabangan nang lubos ng mga manggagawa. - Pinakamahalagang pinagkukunang yamang ang tao dahil sa nanggaling ang paggawa. - Mararapat lang na sa plano ng ekonomiya na sila ang gawing priyoridad. Growth - tumutukoy sa lebel ng paglago o pag-angat ng produksiyon ng mga produkto at serbisyo ng isang ekonomiya kompara sa nakaraang panahon. - lebel tungo sa inaasam na pag unlad Stability - Pagpapanatili ang galaw ng paglago ng ekonomiya upang umani ng tiwala ng mga mamamayan pati na iba lang ekonomiya - Mabubunga ng mas maraming oportunidad na mapabuti ang pamumuhay sa isang ekonomiya. WASTONG PAGSASAGAWA NG ALOKASYON Alokasyon: paraan ng pamamahala at distribusyon ng pinagkukunang yaman upang makamit ang kasiyahan at pakinabang sa kabila ng pagiging limitado nito. 1. Ano ang gagawin? - Pagdesisyunan kung ano muna ang uunahing gawin para matugunan ang agarang pangangailangan at ihuli sa priyoridad ang mga bagay na maaaring ipagliban muna. 2. Paano ito gagawin? - Pagdedesisyon naman kung gagamitin ba sa produksiyon ang mas maraming manggagawa (labor incentive) o mas maraming makinarya (capital insentive) 3. Gaano karami ang gagawin? - Kailangan ding pagtuonan ng pansin kung gaano karami ang dapat gawin upang makapili ng tamang paraan sa produksiyon. - kailangan siguruhing husto lamang sa kailangan ang dapat na iprodyus. 4. Para kanino ang gagawin? - Bago mag prodyus, sinusuri muna ng kung aling bahagi ng populasyon ay maaaring kumonsumo o bumili ng produkto o serbisyong ipoprodyus nito. 5. Paano ito ipamamahagi? a. Paunahan o “First Come, First Serve” - Sa paraang ito, ang makikinabang ay kung sino ang mauuna. b. Pagrarasyon - Ginagawa ito kapag pinaglalaanan ng pamahalaan ang mga mamamayan na tipirin ang pinagkukunang yaman. - Dapat iwasan ang pag aaksaya sapagkat may mga panahong napuputol ang serbisyo ng paghahatid nito dahil sa nakaambag kakulangan nito. c. Kompetisyon - Ang kompetisyon ay maaaring maka “promote” ng karunungan, lakas, o productivity. Kapag mayroong kompetisyon, mas gaganahang mas pagandahan/galingan ang iyong serbisyo. d. Presyo - Ang presyo at sinasabing pinaka epektibo sa lahat ng pamamaraan. - Ang presyo ang maaaring gawin batayan upang ang pinagkukunan o pakinabang ay makarating sa nangangailangan o may gusto nito. IBAT IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA Pag-uuri batay sa ideolohiya 1. Merkantilismo - Nakilala ito noong ika-16 na siglo sa Western Europe. - Ang kapangyarihan ng isang partikular na bansa ay nakadepende sa dami ng supply ng ginto at pilak. - Dahil dito, maraming bansa sa Europe ay nagtuon ng pansin sa pagkolekta ng napakaraming ginto at pilak. 2. Komunismo - Ipinatupad sa Russia noong 1927 ni Vladimir Ilich Lenin. Samantala, ipinalaganap naman ito sa China noong lumilikha ng makataong lipunang hindi tumitingin sa kaurian o estado ng ninuman. - Naninindigan sa prinsipyong “Mula sa bawat isa bataybsa kaniyang kakayahan, para sa bawat isa batay sa kaniyang mga pangangailangan” - Mahigpit na pinagbabawalan ang pag aari ng pribadong industriya. - Ang aklat na sinulat ni Karl Marx na Das Kapital ang itinuturing na bibliya ng komunismo. 3. Sosyalismo - Pamahalaan ang mga pangunahing industriya o gawain gayundin ang mga gamit sa produksyon. - Pinapayagan sa sistemang ito ang pagmamay-ari ng tao ng maliliit na negosyo ngunit may mga uri pa rin ng negosyo na maaaring kontrolin ng pamahalaan. - Pangunahing layunin ay ang pagkakaroon ng patas o pagkakapantay-pantay na kalagatan ng mga tao sa isang bansa. - Ang ideolohiyang “Welfare state” ay isang daan upang maibigay ang mga pangangailangan ng lahat ng tao. 4. Pasismo - Sinimulan ni Benito Mussolini sa bansang Italy noong 1922 - Si Adolf Hitler naman ang nagpakilala nito sa Germany. - Pinangungunahan ng isang diktador na mayroong absolutong kapangyarihan. - bawal ang pag aangkat ng produkto galing sa ibang bansa. - Ang mga tao ay walang karapatang sumuway at magreklamo. 5. Kapitalismo - Ideyal na ekonomiya at hindi gaanong makatotohanan dahil sa mahirap nitong masunod at mahihigpit na katangian. - Ginagamit ito bilang pamantayan (benchmark) sa pagsusuri kung mabisa ang mga patakaran at gawaing pang ekonomiya. PAG-UURI BATAY SA KASALUKUYANG KATAWAGAN 1. Tradisyonal na Ekonomiya - Pinakauna at simpleng anyo ng sistemang pang-ekonomiya. - Ang pagpapasiya ay nagagabayan at nakabantay sa kinagisnang tradisyon at paniniwala na idinikta sa kultura. - Sentro ng gawaing pangkabuhayan dito at ang pamilya. 2. Market Economy (Ekonomiyang Pampamilihan) - May kalayaan ang lahat ng kalahok sa ekonomiya na gumalaw ayon sa mga pansariling interes at hangad. 3. Command Economy (Ekonomiyang Minamanduhan) - Kabaligtaran ng Market economy. - Hindi pinapayagan ang pribadong pag-aari kung kaya ang pagpapasiya sa kung ano at paanonito gagawin at kung gaano karami ang ipamamahagi ay nakasalalay sa itinakda ng pamahalaan. 4. Mixed Economy (Sistemang Pinaghalo) - Kombinasyon ng mga katangian ng market at command economy. - Ang pangunahing industriya ay nasa ilalim ng pagpapasiya ng estado at ang iba pang mga negosyo o produksyon ay nasa kamay ng pribadong bahay-kalakal. PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER Ang PPF ay isang graph na nagpapakita ng lahat ng kombinasyon ng mga produkto o serbisyo na malilikha kung lubos na gagamitin ang limitadong sangkap ng produksyon. Tinatawag din na “Transformation Curve” KAHULUGAN NG PAGKONSUMO - Lahat ng tao ay konsumer. - Bahagi na ng buhay ng tao simula ng kaniyang pagsilang sa mundo. Tumutukoy sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan o kagustuhan upang magtamo ng kasiyahan o pakinabang. Ayon kay Adam Smith, mula sa kaniyang aklat na “The Wealth of Nations” ang pangunahing layunin ng paggawa ng produkto o serbisyo ay dahil sa pagkonsumo. URI NG PAGKONSUMO Tuwiran o Direkta - Pagkonsumong nakapagbibigay ng agarang kasiyahan o pakinabang. Ex. Pagbili ng pagkain o inumin. Produktibo - Pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na maaaring gamitin upang makalikha pa ng panibagong pakinabang o kasiyahan. Ex. Sangkap na ginagamit sa produksyon. Mapanganib o Mapaminsala - Pagbili ng mga produktong hindi nakabubuti sa kalusugan o kaligtasan ng sarili o ng iba. Ex. Pagbili ng sigarilyo at alak. ANYO NG PAGKONSUMO Ang pagkonsumo ng tao ay ibinabatay sa kaniyang kakayahan bunga ng kaniyang taglay na kita, yaman, o motibo. 1. Induced Consumption - Ayon kay John Maynard Keynes sa kaniyang theory in consumption function, ang pagkonsumo ng tao ay nakabatay sa antas ng kaniyang kasalukuyang tinatanggap na kita. - Malaki ang kita = Mataas ang kantang purchasing power (kakayahang bumili) 2. Autonomous Consuption - Ito ang anyo ng pagkonsumong hindi nakaayon sa lebel o antas ng kita. - Ito ang uri ng pagkonsumo ng tao kapag ang kaniyang kita ay nasa antas na zero. Ex. maghingi o manlimos para lamang makakain. 3. Conspicuous consumption - Ayon kay Thorstein Veblen, sa kaniyang aklat na “The Theory of the Leisure Class” may mga pagkonsumong ang motibo ay makapagyabang at hindi makatugon sa pangangailangan. Ex. Pagbibili ng mas bagong modelo ng isang selpon kahit gumagana pa rin ang selpon na gamit mo ngayon. 4. Artificial Consumption - Nakakukuha ng motibasyon sa mga pag aanunsiyo na sinasadyang maging kaakit-akit. (Propaganda, Ads) a. Bandwagon effect “everyone is doing it” o “trend” para ikaw ay mahikayat. b. Testimonial Pagpapatotoo ng isang o iilan ng kanilang positibong karanasan sa paggamit ng produktong ineendorso. c. Brand tatak na ang nais na epekto ay ang kalidad ng isang produkto dahil sa ang tatak nito ay subok na. d. Pressure intimidasyon na ang epekto ay ang isipin ng mamimili na kaunti lang o mga “limited edition” ang nagawang produkto. e. Slogan madaling tandaan ng lahat. “Tibay Lakas” “Gandang Natural” f. Emosyon Inaasahang na sa pamamagitan nito, maaantig ang loob ng mga mamimili at sila ay susubok bumili. g. Aktuwal na Pagpapasubok Mga free taste sa Mall ay halimbawa nito, para ikaw ay bumili ng kanilang produkto. GAWI SA PAGKONSUMO (Consumption Pattern) Kahiligan sa magkakaterno o magkakapareha - “Complementary Goods” - sadyang nakapagbibigay ng mataas na pakinabang o kasiyahan kapag kinokonsumo ng sabay. Ex. Tinapay at kape, medyas at sapatos, panulat at papel. Pagbili ng mga produktong magkakaiba - “Variety Goods” - bumibili at ginagamit ng mga produktong iba-iba. Ex. Libro para sa ibat ibang asignatura. Pagkakaroon ng priyoridad sa pagbili - Maraming pamilyang Pilipino ay nabibilang sa pangkat na “below poverty line.” - Sila ay tinatawag na praktikal na konsumer o may mga simpleng pangangailangan lamang at hindi himibili ng hindi gaanong mahalagang bagay. Panggagaya sa iba - Maaring negatibo o positibo. - Negatibo: kung bumibili at gumagamit ang isang tao ng mga bagay dahil naiinggit sya sa ibang mayroon ng bagay na ito. - Positibo: kung totoong motibo ay mapabuti ang isang indibidwal sa paggamit o pagbili nito tulad ng mga naging karanasan ng iba. Saturation effect o pagkasawa - Iniiwasan ng mga tindera na manawa ang mga mamimili sa kanilang itinitinda. - Dahil dito, iniiba nila ang lasa, itsura, presentasyin, pakete atbp. - Sa ekonomiks, ang gawing ito ay nagsasaad ng tinatawag na “law of diminishing marginal utility” (DMU) o batas ng papaunting karagdagang pakinabang o kasiyahan. Pinalawig naman ang teoryang ito ni Alfred Marshall sa pamamagitan ng paggamit ng matematikong pagdulog. Ayon sakanya, ang bawat kasiyahang natatamo ng tao sa pagkonsumo ay masusukat sa pamamagitan ng yunit na tinatawag na util. ANG MATALINONG MAMIMILI 1. Makatwiran - May kakayahang ipahayag ang karapatan bilang mamimili lalo na sa harap ng mapanlinlag na nagtitinda. 2. Sumusunod sa badyet - Inuuna ang pangangailangan at hindi priyoridad ang luho. 3. Hindi nagpapadaya - May kaalaman sa lahat ng impormasyong may kinalaman sa kondisyon ng pamilihan at presyong umiiral. 4. Mapanuri - tumitingin sa etika bago bumili 5. May alternatibo - may pamalit kung sakalingnsala ang nakasanayant produkto. 6. Hindi nagpapanic buying - hindi nakikinig sa walang batayang espekulasyon at hindi kumpirmadong impormasyon MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI Ang mga karapatang taglay ng tao ay hindi dapat pinagsusubalian o nilalagyan ng kondisyon. BATAS REPUBLIKA Blg. 7394 (Consumer Act of the Philippines) Nilikha alinsunod sa tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang interes ng mga mamimili. Pinagtibay ito noong Abril 13 1992 sa ilalim ng administrasyon ndating pangulong Corazon Aquino. - Pangalagaan ang mga namimili mula sa mga hindi ligtas, hindi katiwa-tiwala, at hindi patas na gawain sa pagbebenta ng produkto. - Magkaroon ng malawakamg pagpapalaganap ng impormasyon na makatutulong sa mga konsumer na gumawa nang maayos at patasnma desisyon. - Mabigyan ang mga konsumer ng pagkakataon na maisakatuparan ang kanilang mga karapatan at mailabas ang kanilang hinaing. - Magkaroon ng mga kinakatawan ang mga konsumer sa paggawa ng mga patakarang pang-ekonomiya at panlipunan. REPUBLIC ACT NO. 5921 - may pananagutan ang mga nagtitinda ng gamot at lason na sira ng lalagyan. MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA NAGBIBIGAY-PROTEKSYON SA KARAPATAN NG MAMIMILI ACRONYMS: Department of Trade and Industry (DTI): - tinitiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga produkto - nagmimonitor ng mga bilihin sa pamilihan tulad ng tamang timbang, bigat, warranty, at price tag. Department of Health (DOH): - sinisigurong ligtas, malinis, at may tamang etiketa ang mga ipinagbibiling pagkain, gamot, at kosmetiko. Department of Agriculture (DA): - tumitiyak sa kalidad ng mga produktong agrikultural Energy Regulatory Commission (ERC): - dumidinig sa mga reklamo at usapin na may kinalaman sa langis at LPG. National Consumer Affairs Council (NCAC): - nangangasiwa sa ugyanan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong samahan patungkol sa mga karapatan ng mamimili. TO REMEMBER Vladimir Ilich Lenin - Gumanap ng Komunismo sa Russia noong 1927. Karl Marx - nagsulat ng aklat na “Das Kapital” at ito ay ang itinuturing na bibliya ng komunismo. Welfare state - isang daan upang maibigay ang mga pangangailangan ng lahat ng tao. Benito Mussolini - Gumanap ng Pasismo sa Italy noong 1922 Adolf Hitler: Introduced Pasismo sa bansang Germany John Maynard Keynes - Teoryang “Consumption Function”. Consumption Function: Pagkonsumo ng tao ay nakabatay sa antas ng kaniyang kasalukuyang tinatanggap na kita. Thorstein Veblen - nagsulat ng teoryang “The Theory of the Leisure Class” The Theory of the Leisure Class: May mga pagkonsumong ang motibo ay makapagyabang at hindi makatugon sa pangangailangan. Alfred Marshall - Pinalawig ang saturation effect gamit ng matematikong pagdulog. ang bawat kasiyahang natatamo ng tao sa pagkonsumo ay masusukat sa pamamagitan ng yunit na tinatawag na util. BATAS REPUBLIKA Blg. 7394 (Consumer Act of the Philippines) - Nilikha alinsunod sa tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang interes ng mga mamimili. Pinagtibay ito noong Abril 13 1992 sa ilalim ng administrasyon ng dating pangulong Corazon Aquino. REPUBLIC ACT NO. 5921 - may pananagutan ang mga nagtitinda ng gamot at lason na sira ng lalagyan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser