Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon PDF

Summary

This document discusses the causes and effects of migration, focusing on the Philippines. It examines both internal and international migration and the factors that drive people to move, such as economic hardship and natural disasters. The piece also explores the impact of migration on families and communities.

Full Transcript

**[Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon]** Sa panahon ngayon, marami na tayong kakilalang mga kapwa Pilipino na nag- iibayong-dagat. Patuloy ang paglawak ng migrasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa. Maraming sanhi ang paglabas ng mga maggagawang Pilipino sa bansang sinilangan. Isa sa mga pangunahing...

**[Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon]** Sa panahon ngayon, marami na tayong kakilalang mga kapwa Pilipino na nag- iibayong-dagat. Patuloy ang paglawak ng migrasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa. Maraming sanhi ang paglabas ng mga maggagawang Pilipino sa bansang sinilangan. Isa sa mga pangunahing salik nito ay ang malala nang kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa. Ito ay nadagdagan pa dahil sa paglaganap ng nakamamatay na Corona Virus Infectious Disease (COVID-19) na nakaapekto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami sa atin ang nangangarap na pumunta sa ibang lugar - sa Maynila dito sa Pilipinas kung ikaw ay taga-probinsiya o ibayong-dagat upang magtrabaho o manirahan. Sinasabinh migrasyon ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng isang tao sa ibang lugar. Sa panana ng maraming Pilipino, talagang isanh oportunidad ito para sa kanila. Ito ay maaaring makapaghatid ng maraming benepisyo kagaya ng mas maraming oprtunidad at mas mataas na sahod. Ngunit sa kabila ng maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong masamang resulta o panganib sa buhay. **Migrasyon** Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-aalis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo patungo sa iba pa maging iot man ay pansamantala o permanente. Ang mga sanhi ng pag-alis o paglipat ay kalimitanh nag-uugat sa ilang dahilan gayundin ang mga epekto nito. ***2 Uri ng Migrasyon*** **Panloob na Migrasyon (Internal Migration)** ay ang migrasyon sa loob lamang ng bansa. Maaaring magmula ang tao sa isang bayan, lalawigan, or rehiyon paungo sa ibang lugar. **Migrasyong Panlabas (International Migration)** kapag lumipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon. **Migrante** ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar at sila ay nauuri sa dalawa pansamantala (***migrant***) at pampermanente (***immigrant***) Kagaya ng nabanggit, ang panloob na migrasyon ay nangyayari sa loob ng bansa. Ayon sa pananaliksik, ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga mamamayang taga-baryo patungong lungsod. Ang mga anak ay dumadayo sa lungsod upang makapag-aral sa mas magandang paaralan o unibersidad hanggang sila ay makahanap ng trabaho sa lungsod. Ang gawaing ito ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino at naipagpatuloy hanggang sa kasalukuyan Samantala, ang panlabas na migrasyon ay nangyayari kapag ang isang tao ay lumilipat ng ibang bansa upang manirahan o magtrabaho. Maraming nangingibang-bayan upang makahanap ng trabaho na may mataas na sahod. Sa kasalukuyan, marami sa ating mga kababayan ang nagtatrabaho sa ibayong-dagat. Sila ay tinatawag na Overseas Filipino Workers (OFW). May ilang ding permanente nang naninirahan sa ibang bansa kasama ng kanilang mga pamilya doon. Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kanya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan o pang-ekonomiko, seguridad o pampolitikal o maging personal. Ang kasalukuyang pandarayuhan ay mas mabilis kumpara sa nakaraan, na may komplikadong dahilan at epekto sa mga lugar na pinanggalingan, pinuntahan, at babalikan. Sa pag-aaral ng international migration, mahalagang maunawaan ang mga terminong flow at stock figures. Ang ***flow*** ay tumutukoy sa bilang ng mga nandarayuhang pumapasok at umaalis sa isang bansa sa isang takdang panahon, habang ang ***stock figure*** ay ang kabuuang bilang ng mga nandayuhan na nananatili sa bansa. Ang flow ay nakatutulong sa pag-unawa sa mga trend ng migrasyon, habang ang stock ay mahalaga sa pagsusuri ng pangmatagalang epekto nito sa populasyon. **Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon** **Push-factor na dahilan** - Mga negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon **Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan** Walang sinoman ang nagnanais na tumira sa isang magulong lugar na B madaring magdulot ng panganib sa kanya. Isang halimbawa nito ay ang pag-alis ng mga mamamayan ng Marawi noong kasagsagan ng pananalakay ng Maute Group doon. Dahil sa pananalakay ng Maute Group, umabot sa 200,000 residente ng Marawi ang umalis. Tinatayang 70% sa kanila ang pansamantalang nanirahan sa mga government shelters sa lligan, Cagayan de Oro, at Lanao del Norte noong Mayo 2018. Ayon sa United Nations, 2,500 katutubong Lumad ang umalis noong Disyembre 2017. Noong Mayo 2018, 70% ng mga residente ang nakabalik na sa Marawi, at sa ulat ng Department of Social Welfare and Development DSWD, 64,564 pamilya ang nakauwi noong Hulyo 2018. 2\. **Paglayo o pag-iwas sa kalamidad** Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay daanan ng mga bagyo at iba pang kalamidad. Sa panahon ng kalamidad, nagkakaroon ng paglikas ang mga tao, na naiwan ang kanilang mga bahay, ari-arian, at alagang hayop. Ang mahalaga, ang mga taong ito ay napupunta sa mas ligtas na lugar na tinatawag na evacuation centers. 3\. **Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan** Ang kahirapan ay isa sa mga problemang kinakaharap ng maraming Pilipino. Ito ay tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, maayos na tirahan,damit at iba pa. Dahil sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad sa buhay. Subalit, para naman sa iba nating kababayan, ang kahirapan ay isang hamong kailangan nilang labanan. At isa sa mga paraan upang makaahon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan sa buhay ay angpakikipagsapalaran sa ibang lugar o bansa. B. **Pull-factor na dahilan** - Positibong salik na dumarayo dahil sa sumusunod na dahilan: **Pumunta sa Pinapangarap na Lugar o Bansa** Maraming Pilipino ang nangangarap na manirahan sa mga kalunsuran, tulad ng Metro Manila, dahil iniisip nilang mas maganda ang buhay dito. Sinasabing mas mataas ang antas ng pamumuhay sa mga lungsod dahil sa kaunlaran. Marami rin ang nagnanais makapunta sa kanilang \"dream country.\" Nais nilang maranasan ang malamig na klima sa Estados Unidos, umakyat sa Eiffel Tower sa France, maglakad sa Dakilang Pader ng Tsina, o makita ang Black Pink at BTS sa Korea. Para sa iba, ito ay luho at pagkakataon na maglibang at mag-relax, lalo na para sa mga may kaya sa buhay. 2\. **Magandang oportunidad gaya ng trabaho at mas mataas na kita** Maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa kaysa sa mga mahihirap. Ito ang dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang ilan nating kababayan, dala ng kawalan ng oportunidad. Ang mga mayayamang bansa na nangangailangan ng manggagawa ay nakakaranas ng malakas na migrasyon, kung saan ang mga economic migrants ay nag-aambag sa kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng remittances na ipinapadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas. 3\. **Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.** Maraming pamilyang Pilipino ang matagal nang naninirahan sa ibang bansa. Dahil dito nagnanais din silang makuha ang kanilang mga kamag-anak lalung-lalo na ang kanilang mga anak upang manirahan doon. 4\. **Pag-aaral sa ibang bansa.** Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay at lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. May mga pagkakataong makapag-aral sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan ng scholarship programs. Dito ay higit na nalilinang ang mga angking talento ng isang mag-aaral sapagkat naibibigay ang tama at dekalidad na edukasyon sa kanya. **Mga Epekto ng Migrasyon** **Pagbabago ng Populasyon** Ang pagbabago ng populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. Sa mga mahihirap na bansa na mabilis ang pagtaas ng populasyon, kadalasang nagiging sanhi ito ng mataas na buwis at kakulangan sa serbisyo, na nag-uudyok sa maraming mamamayan na mangibang-bansa para sa mas magandang oportunidad. Sa kabilang dako, ang mga mayayamang bansa na nakakaranas ng pagbaba ng populasyon ay malugod na tumatanggap ng mga migrante. Gayunpaman, nagiging suliranin ito kapag hindi kayang suportahan ng ekonomiya ang pagdami ng populasyon, na nagiging dahilan ng pag-uwi ng mga migrante. Isang halimbawa nito ay ang Nigeria noong 1983, kung saan pinabalik ang 2 milyong migranteng karamihan ay mula sa Ghana. Noong 2008, mahigit 350,000 migrante ang pinauwi ng Estados Unidos, at 300,000 naman mula sa South Africa. Sa kabuuan, ang ugnayan ng pagbabago ng populasyon at migrasyon ay nagdadala ng mga benepisyo at hamon para sa iba\'t ibang bansa. Ngunit, nagiging suliranin ito kung ang ekonomiya ay hindi kayang suportahan ang pagdami ng populasyon. Halimbawa, noong 1983, pinabalik ng Nigeria ang 2 milyong migrante mula sa Ghana. Noong 2008, mahigit 350,000 migrante ang pinauwi ng Estados Unidos at 300,000 mula sa South Africa. Sa kabuuan, ang ugnayan ng populasyon at migrasyon ay nagdudulot ng mga benepisyo at hamon. 2\. **Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang-pantao** Ayon sa International Organization for Migration, milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles at nahaharap sa mapanganib na mga paglalakbay, pang-aabuso mula sa mga ilegal na recruiter at smuggler, at mahirap na kondisyon ng pamumuhay. Dahil sa kanilang ilegal na kalagayan, madalas silang takot humingi ng tulong sa pamahalaan kapag sila ay naabuso. Isang malaking pagbabago sa migrasyon sa nakalipas na 50 taon ay ang pagdami ng kababaihang migrante, na mas madalas na naaabuso kumpara sa mga lalaki. Karamihan sa kanila ay napipilitang magtrabaho sa mababang sahod na walang proteksyon ng batas, tulad ng mga kasambahay. Ang mga kababaihang ito ay madalas na target ng human trafficking at sexual exploitation, na naglalantad sa kanila sa karahasang sekswal at mga sakit, ngunit kulang ang serbisyong medikal at legal na natatanggap nila. 3\. **Negatibong implikasyon sa pamilya at pamayanan** Ang pangingibang-bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. Nangungulila ang mga anak at naiiwan sa pangangalaga ng ibang kaanak. Ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng extended family o mga kaanak ay nakatutulong upang masiguro ang mabuting pagpapalaki sa kabataan kahit na malayo ang kanilang mga magulang. 4\. **Pag-unlad ng Ekonomiya** Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang kanilang mga remittance o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing capital para sa negosyo. Napakarami na ring mga OFW ang nakapagahon sa kanilang pamilya sa kahirapan at nakapagpatapos sa kanilang mga anak sa pag-aaral. 5\. **Brain Drain** Ang isa pang epekto ng migrasyon ay ang tinatawag na \"brain drain\" kung saan matapos makapag-aral sa pilipinas ang mga eksperto sa iba\'t-ibang langaran ay mas pinipiling mangibang-bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sakanila Sa kabilang banda, ang \'brain drain\' naman at nakatutulong sa bansang pinupuntahan ng mga manggagawa at migrante sapagkat nadaragdagan ang mga kwalipikadong manggagawa ang kanilang bansa na nakatutulong sa higit pang pag-unlad ng kanilang ekonomiya. 6\. **Integration at Multiculturalism** Sa pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa, ang destinasyon o tumatanggap na bansa ay nahaharap sa hamon ng integrasyon (integration) at multiculturalism. **[Bastat galing sa group 3!!]** Ang migrasyon ay may malaking impluwensiya sa mga kabataan. Ang linyang \"Paglaki ko, mag-aabroad ako!\" ay nagsasaad ng masidhing pagkagusto at pagnanais ng mga anak na mangibang-bansa para makapagtrabaho tulad ng kanilang mga magulang (Anonuevo at Sopena, 2008). Ang saloobing ito ay masasalamin sa ibat ibang kuwento ng totoong buhay sa likod ng pangingibang-bansa ng ilang mga Pilipino at hindi lingid sa ating kaalaman na hindi lahat ng mga OFW at ng kanilang pamilya ay naging matagumpay sa kanilang pangingibang bansa sa kabila ng paglayo sa pamilya. Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon na dulot ng globalisasyon. Ngunit, may mabuting epekto ito sa migranteng manggagawa dahil sa malaking pasahod sa ibang bansa na makakatulong sa kanilang pamilya upang makaahon sa kahirapan at ang kanilang remittance ay nakakatulong din sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Sa kabilang banda, may negatibo rin itong epekto sa mga migrante ang ilan pasa kanila ay namamatay, nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho at nagiging biktima pa ng human trafficking. Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang epekto ng migrasyon. **Hanap-buhay** - Nagbibigay ng malaking kita na hatid ng masaganang pamilya **Forced Labor** - Isang anyo ng human trafficking kung saan ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho **Refugee** - Ang paglikas sa sariling bayan upang umiwas sa labanan, kaharasan, at gutom sanhi ng kalamidad. **Brain Drain** - Ang mga nakapagtapos sa Pilipinas ay mas piniling mangibang bansa para sa mas magandang oportunidad. **Human Trafficking** - Ang pagre-recruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng di tamang paraan para sa hindi magandang dahilan tulad ng forced labor o sexual exploitation. **Pag-angkop sa Pamantayang Internasyonal** Sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bansa upang makasabay sa mga bansang mauunlad ay may bagay na dapat baguhin dala na marahil ito sa patuloy na epekto ng migrasyon na dulot ng globalisasyon. Kaya kinakailangang sumali ang Pilipinas sa iba\'t ibang samahang internasyonal upang hindi naman mapag-iwanan ang nga migranteng Pilipino. Ang **Bologna Accord** ay hango mula sa pangalan ng University of Bologna sa Italy na kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europa, ito ay isang kasunduan na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat bansa para ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito. Ang **Washington Accord** na nilagdaan ay kasunduang pang-internasyonal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba\'t ibang kasaping bansa. Sumakatuwid, ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi itinuring na engineer sa mga bansang nabanggit, kaya maraming Pilipinong propesyonal sa ibang bansa ay hindi nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos. Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang **K to12 Kurikulum** na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Kung ihahambing noon, isa ang Pilipinas sa may maikling bilang ng basic education kaya second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino. Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa. Sa kabilang dako naman, gumawa ng isang pag-aaral ang Oxford University tungkol sa **multiculturalism**. Dito ay sinabi nilang ang multiculturalism ay isang doktrinang naniniwala na ang iba\'t ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa. Binibigyang-diin dito ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga migrante sa mga institusyon sa lipunan, kabilang ang labor market at edukasyon, habang malaya nilang natatamasa ang karapatang magamit ang sariling wika, maipagpatuloy ang relihiyon at makabuo ng mga komunidad. Subalit kung tutusin, maaaring makaranas ng diskriminasyon ang ating mga kababayan sa ibang bansa lalo na mula sa kamay ng mga tinaguriang \"racists\" na naniniwalang higit na nakaaangat ang lahing kanilang pinagmulan at kinabibilangan. Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay maaaring mangyari sa antas ng institusyon o sistema, mula sa mga pang-araw-araw na patakaran at mga istruktura na hindi naman talaga sinasadya o dinisenyo upang magdiskrimina. Ibig sabihin nito, kahit na hindi mo balak na gawin, ang iyong \"normal na paraan ng paggawa ng mga bagay\" ay maaaring may negatibong epekto sa mga taong kinapopootan dahil sa lahi. \- f :)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser