AP 8 ARALIN 28: Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo PDF
Document Details
![LuckiestUnderstanding6978](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-4.webp)
Uploaded by LuckiestUnderstanding6978
Tags
Summary
This document covers the second phase of colonialism, highlighting its effects on colonized nations and colonizers. It discusses changes in technology, population growth, migration, economic and political ideas. The document also examines the impacts on colonized societies, including cultural changes, economic disparity, and political conflicts.
Full Transcript
## Ang Iklawang Yugto ng Kolonyalismo ### Kabihasnan sa Mga Katutubo * Kabihasnan ng mga katutubo sa mga kolonyang sinakop. * Ang tinatawag na White Man's Burden. ### Kenya * Ano ang nangyari sa pamumuhay ng mga tao pagkatapos maging kolonya ng mga Kanluranin? ### Ang Ikalawang Yugto ng Kolonya...
## Ang Iklawang Yugto ng Kolonyalismo ### Kabihasnan sa Mga Katutubo * Kabihasnan ng mga katutubo sa mga kolonyang sinakop. * Ang tinatawag na White Man's Burden. ### Kenya * Ano ang nangyari sa pamumuhay ng mga tao pagkatapos maging kolonya ng mga Kanluranin? ### Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo * Naganap noong 1870 hanggang huling bahagi ng ika-19 siglo. * Pagtatatag ng mga nasyong-estado o nasyon na sinimulan ng mga taga-Kanluran. * Kompetisyon sa pagitan ng mga bansa sa Asya, Amerika at Africa. * Pagbabago sa buhay ng mga mananakop at nasakop. ### Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo sa Mga Kolonyalista * Ang pagdating ng mga Kanluranin noong ika-16 hanggang ika-19 siglo ay nakaapekto sa pampolitika, pang-ekonomiya, at panlipunan ng mga tao sa Asia, Africa, at Amerika. * **Industriyalisasyon:** * Ang Rebolusyong Industriyal ang nagbigay daan sa mga kagamitan tulad ng makinarya na nakapagpadali at nakapagparaming produksiyon. * Nagdulot ito ng paghahangad ng mas maraming hilaw na sangkap para sa produksiyon. * Ibayong paghahanap ng mga lupain ang solusyon upang matugunan ang pangangailangan. * Mabilis na paggawa ng mga produkto. Ang mga produkto ay ipinadala sa mga kolonya. * **Kapitalismo:** * Ang Rebolusyong Industriyal ang nagbigay daan sa kapitalismo bilang batayan ng ekonomiya. * Pangangailangan para sa malaking tubo o kita ang nag-udyok sa mga Kanluranin na maghanap ng bagong lupain. * Paglago ng salapi sa Asya at ang mga minahan at plantasyon. * **Nasyonalismo:** * Ang mataas na pagtingin sa sarili ng mga Kanluranin ay naka-apekto sa kanilang paniniwala. * Malaki ang paniniwalang ang sibilisasyon nila ay nakaaangat sa iba. * Tungkulin nilang turuan ang mga bansang nasakop. * Ang pagtingin na ito ay inilarawan sa akdang "White Man's Burden" ni Rudyard Kipling. * Ang mga natamong kapangyarihan, karangalan at kayamanan ay itinataas sa ngalan ng kanilang bansa bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bansa. ### Epekto sa Mga Kolonya * Positibo at negatibong epekto ng Iklawang Yugto ng Kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga Kanluranin. #### Positibong Epekto * Pagtatatag ng sentralisadong pamahalaan at pagtatakda ng teritoryong nasasakupan. * Pagpabilis ng mga gawain sa pamamagitan ng mga tulay, kalsada, at riles ng tren. * Pagpapabilis ng pag-uugnayan sa mga lalawigan at pagluluwas ng mga produkto. * Pagpapasigla ng komunikasyon sa pamamagitan ng telegrapo. * Pagtatayo ng mga paaralan ng mga misyonero. * Urbanisasyon at pag-unlad ng mga siyudad. * Mabilis na paggawa ng mga produkto. * Pagsibol ng nasyonalismo sa pamamagitan ng edukasyon. #### Negatibong Epekto * Pagkasira ng kultura ng mga bansang nasakop. * Pagkasira ng mga lupain, pagiging rancho, asyenda, at plantasyon. * Taggutom sa mga Asyano at African. * Sapilitang kumbersiyon ng lupa para sa mga cash crop. * Pinaghati-hati ang populasyon batay sa uri, etnisidad, lahi at relihiyon. * Patakarang apartheid sa Africa. * Ang pagtatakda ng hangganan ng mga bansang kolonya na nagdulot ng mga hidwaan. ### Pandaigdigang Epekto * Mga epekto sa mga bansang kolonya at sa kanilang mga nasakop na kolonya. #### Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo sa Mundo * **Pagbabago sa Teknolohiya:** * Paggamit ng fossil fuel (coal) para sa produksiyon imbes na kahoy na nagdulot ng mas mataas na produksiyon. * Pagtaas ng produksyon ng kuryente at mga panibagong enerhiya tuladng gas, petrolyo, at nuclear power. * **Pagtaas ng Populasyon:** * Pagtaas ng populasyon dahil sa pagbabago sa pamumuhay at pag-unlad ng mga siyudad. * **Pandarayuhan:** * Pandarayuhan ng mga tao mula sa Europa patungo sa ibang mga bansa upang maghanap ng trabaho, opurtunidad, at mas maayos na pamumuhay. * Sapilitang pagdala ng mga African sa Amerika para sa mga plantasyon. * Pandarayuhan ng mga Indian at Tsino sa ibang mga bansa para sa mga minahan at plantasyon. * **Ekonomiya at Politika:** * Ang pag-usbong ng makabagong kaisipan sa ekonomiya at politika, ang kaisipang "laissez-faire", na nagsasaad ng malayang pakikipagkalakalan at walang panghihimasok ng pamahalaan sa negosyo. ### Tandaan * Ang ikalawang yugto ng kolonyalismo ay naglalarawan ng hangarin ng mga Europeo na magkamal ng malaking kapangyarihan at kayamanan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga hilaw na sangkap sa mga kolonya. * Naging pamilihan ang mga kolonya ng mga sobrang produkto ng mga Kanluranin. * Lumaganap ang prinsipyo ng kapitalismo sa mga Kanluranin na nagbigay-daan sa pagmamay-ari ng mga pribadong sektor na naglalayon na magkamal ng malaking tubo o kita. * Malawak na epekto ang naidulot ng ikalawang yugto ng kolonyalismo sa politika, ekonomiya, at anlipunang pamumuhay ng mga tao.