Mga Katitikan ng Pulong PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a guide on writing meeting minutes in Filipino. It covers topics such as the importance of meetings, recording meeting minutes, and guidelines for writing them. Examples and templates are shown within the document.
Full Transcript
PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG Ika-anim na Aralin ↓ Mahalaga ba ang pagpupulong sa isang pangkat o organisasyon? 1) Paggawa ng mga desisyon, mosyon, o boto 2) Pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin 3) Pagtukoy at pagsubaybay ng mga problema at aksyon ┐Paano malalaman at mauunawaan...
PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG Ika-anim na Aralin ↓ Mahalaga ba ang pagpupulong sa isang pangkat o organisasyon? 1) Paggawa ng mga desisyon, mosyon, o boto 2) Pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin 3) Pagtukoy at pagsubaybay ng mga problema at aksyon ┐Paano malalaman at mauunawaan ng mga hindi nakadalo ng pulong ang mga napag-usapan at napagkaisahan sa mismong pulong? https://www.youtube.com/watch?v=rW6VUDy82lc KATITIKAN NG PULONG ( MINUTES OF MEETING) ❑ kalimitang isinasagawa ng pormal , obhetibo at komprehensibo ❑ Dito makikita ang mga pagpapasiya at mga usaping kailangan pang bigyang-pansin para sa susunod na pulong. Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at pook na pagdarausan ng pulong, at maging ng tala ng mga dumalo at di dumalo ang katitikan ng pulong (Mangahis, Villanueva 2015). KATITIKAN NG PULONG ( MINUTES OF MEETING) ❑ Nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay ❑ Isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. ❑ nagsisilbing opisyal o legal na kasulatan ng isang samahan, kompanya o organisasyon KAHALAGAHAN NG KATITIKAN NG PULONG 1. Matiyak at mapagbalik-tanaw ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula sa pagpupulong na naganap na. 2. Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. 3. Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong. 4. Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. 5. Ito’y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong. 6. Ito’y batayan ng kagalingan ng indibidwal. MGA INIREREKORD SA KATITIKAN NG PULONG 1. Napagpasiyahang aksiyon 2.Rekomendasyon 3.Mahahalagang isyung lumutang sa pulong 4.Pagbabago sa polisiya 5.Pagbibigay ng mga magandang balita Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ❑Bago ang Pulong ✓ Ihanda ang sarili bilang tagatala. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat. (Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong). ✓ Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder. ❑ Habang nagpupulong ✓ Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon. ✓ Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos. ✓ Tandaan: hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok. ❑ Pagkatapos ng pulong ✓ Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo. ✓ Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. ✓ Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagprerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong. ✓ Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa 5. iskedyul ng susunod na pagpupulong 1. heading 2. Mga kalahok o dumalo 6. Pagtatapos 3. Pagpapabasa /at Pagpapatibay ng nagdaaang katitikan ng pulong 7. lagda 4. Active items/ usaping napagkasunduan KRAYTERYA 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 1. NILALAMAN (Wasto ang impormasyon at angkop ang nabuong sintesis sa katitikan ng pulong-5% 2. PRESENTASYON(kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong at komprehensibo ang pagtalakay dito)-3% 3. Mekaniks (Maingat , Maayos, wasto at angkop na paggamit ng wika. 2% KABUUAN- 10 % Indibidwal na Gawain Blg. 1: ❖ Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Direksyon: Manood ng isang pagpupulong mula sa telebisyon, social media o iba pang internet site, pagkatapos gawan ito ng katitikan ng pulong. Sundin ang pamantayan sa ibaba. ❑ kopyahin ang link ng pinagkunan ng bidyo ng pulong. KRAYTERYA 1 2 3 4 5 1. NILALAMAN (Wasto ang impormasyon at angkop ang nabuong sintesis sa katitikan ng pulong-5% 2. PRESENTASYON(kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong at komprehensibo ang pagtalakay dito)-3% 3. Mekaniks (Maingat , Maayos, wasto at angkop na paggamit ng wika. 2% KABUUAN- 10 % https://classroom.google.com/w/Mjg0MDI4MjYwOTA4/t/all ATPUT BLG. 1 : PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG KRAYTERYA ISKOR (Pwedeng magkapartner) 1. NILALAMAN (Wasto ang ❖ Pagsulat ng Katitikan ng Pulong impormasyon at angkop ang nabuong sintesis sa Direksyon: Dumalo sa Parent- katitikan ng pulong-5% Teacher Conferences ngayong 2. PRESENTASYON(kompleto araw, pagkatapos gawan ito ng ang bahagi ng katitikan ng katitikan ng pulong. Gawing gabay pulong at komprehensibo ang pagtalakay dito)-3% ang template na kalakip nito. 3. Mekaniks (Maingat , Maayos, wasto at angkop na Sundin ang pamantayan sa ibaba. paggamit ng wika. 2% ❑ Isulat ang katitikan ng pulong sa KABUUAN- 10 % MSWord, ❑ 12 font size, TNR o Arial-font style ❑ Gawing gabay ang format na kasunod ng pahina nito. FORMAT AWTPUT BLG. 1 PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG Inihanda nina: Antas/Seksyon HEADI NG