Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon PDF

Summary

This document is a lesson plan or guide for a social studies class in the Philippines on creating simple maps and identifying geographical features. It includes questions, learning objectives, and activities.

Full Transcript

Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Mahalagang Kaalaman Inaasahang matututuhan ng mag-aaral ang paggawa ng payak na mapa ng mga anyong lupa at anyong tubig ng sariling lalawigan at mga karatig na lalawiga...

Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Mahalagang Kaalaman Inaasahang matututuhan ng mag-aaral ang paggawa ng payak na mapa ng mga anyong lupa at anyong tubig ng sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan sa sariling rehiyon. Link sa Slides I-click ang link upang ma-access ang presentation slides. Mahalagang Tanong Bakit mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng mapa sa pagkilala sa sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan nito sa sariling rehiyon? Isabuhay Pamamaraan 1. Magbalik-aral sa mga nakaraang paksa. Ipatukoy o ipalarawan sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. pangalan at pagkakakilanlan ng rehiyon b. mga katangiang pisikal (lokasyon, laki, at kaanyuan) c. mga karatig na lalawigan d. mga anyong lupa at anyong tubig 2. Bigyan ng sapat na minuto ang mga mag-aaral upang makapag-isip. 3. Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang sagot. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 1 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Mga Layunin sa Pagkatuto Sa araling ito, ang mag-aaral ay: nailalarawan ang sariling lalawigan at rehiyon gamit ang mapa naipaliliwanag ang kahalagahan ng kapaligiran ng sariling lalawigan at mga karatig nitong lalawigan sa rehiyon gamit ang mapa nakagagawa ng payak na mapa ng mga anyong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at mga karatig nitong lalawigan sa rehiyon Pag-aralan Pamamaraan 1. Ipaliwanag ang kahulugan at gamit ng mapang topograpiya. Sabihin na ang mapang topograpiya ay biswal na modelo at representasyong nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga rehiyon at lalawigan. Makikita rito na ang mga rehiyon ay may iba’t ibang laki, lokasyon, at kaanyuan. Mayroon ding mga simbolong makikita sa mapang topograpiya upang maipakita ang mga likas na yamang taglay nito gaya ng mga anyong tubig at anyong lupa. Ang mapang topograpiya, bilang instrumento, ay makatutulong din upang matukoy ang kahalagahan ng ating kapaligiran. 2. Ipakita ang halimbawa ng isang simpleng mapa ng Pilipinas. Ipalarawan ang kanilang mga nakikita rito. (Inaasahang kanilang mapapansin sa larawan ang mga simbolo ng mga anyong tubig at anyong lupa.) Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 2 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon 3. Sunod na talakayin ang mga simbolo ng mga anyong tubig at anyong lupa sa mapa. Simbolo ng mga Anyong Tubig talon ilog lawa dagat karagatan look batis kipot golpo Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 3 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Simbolo ng mga Anyong Lupa bundok bulkan burol bulubundukin kapatagan lambak talampas pulo kuweba 4. Sunod na ipakita at talakayin ang mga halimbawa ng mapa ng ilang piling rehiyon. Gamitin ang mapa at teksto upang mailarawan ang bawat rehiyon at mga lalawigang kabilang dito, maging ang mga anyong lupa at anyong tubig na makikita rito. a. Rehiyon II - Lambak ng Cagayan (Luzon) Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 4 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Sa rehiyong ito makikita ang mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. Nasa kanluran ng rehiyong ito ang mga lalawigan ng Cordillera Administrative Region at nakapaligid sa aming hilaga at silangan ang malawak na katubigan. Ang Batanes na binubuo ng mga isla o pulo ay mabundok at maburol. Sa lalawigan naman ng Quirino matatagpuan ang bahagi ng Ilog Cagayan at ng iba pang mga ilog: Dumatata, Addalem, at Casecnan. Samantala, ang Cagayan naman ay napalilibutan ng Dagat Pasipiko sa silangan at Babuyan Channel sa hilaga. Marami ring ilog na tumatawid dito tulad ng Ilog Abulug at Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa. Ang Nueva Vizcaya naman ay pinalilibutan ng mga bulubundukin: Cordillera sa kanluran, Caraballo sa timog, at Sierra Madre sa silangan. Marami rin ditong ilog gaya ng Magat, Matuno, Santa Fe, at Santa Cruz. Ang Isabela naman ang isa sa pinakamalalaking lalawigan sa bansa. Ito ang tahanan ng Northern Sierra Madre Natural Park na isa sa natitirang pinakamalalaking rainforest o mayabong na gubat na may masaganang ulan. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 5 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Mahalaga para sa mga mamamayan ng rehiyong ito ang mga likas na yaman dahil napayayabong nito ang agrikultura sa rehiyon. b. Rehiyon VII (Gitnang Visayas) - Visayas Ito ang rehiyon sa hilagang bahagi ng Mindanao. Binubuo ito ng mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor. Ang mga lalawigang ito ay napaliligiran ng mga anyong tubig. Ang lalawigan ng Bohol ay binubuo ng isang pangunahing isla na napaliligiran ng mahigit 70 maliliit na pulo. Ang Bohol ay tanyag din dahil sa Chocolate Hills na dinarayo ng mga turista. Kilala naman ang Siquijor sa dami ng mga talon at kuwebang may ilog sa ilalim o loob. Mayroon din ditong mga bundok na hindi gaanong mataas gaya ng Bandilaan at Malabahoc. Dinarayo naman sa Cebu ang Talon ng Kawasan at Dagat Bantayan, ilan sa mga sikat na pasyalan sa lalawigan. Dito rin ay Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 6 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon may mga bundok gaya ng Manunggal na may mataas na taluktok. Ang mga bayan naman sa hilagang bahagi ng Cebu ay may malalawak na kapatagan. Sa hilaga ng Negros Oriental ay makikita ang Bundok Kanlaon at sa timog nito ang Cuernos de Negros na isang bulkan. May mga talampas sa kanlurang bahagi ng lalawigan at sa silangan naman ay ang Kipot ng Tañon. Maraming turista ang naaakit at bumibisita sa mga likas na yamang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa rehiyong ito. c. Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) - Mindanao Ang Lanao del Sur, Basilan, Maguindanao, Tawi-Tawi, at Sulu ay ang mga lalawigang bumubuo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 7 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Ang pangunahing isla ng Tawi-Tawi ay maburol. Nasa paligid nito ang mas maliliit pang isla tulad ng Sibutu, Mapun, Turtle, at iba pa na bahagi pa rin ng Tawi-Tawi. Sa Sulu naman ay kilala ang mga bundok ng Tumantangis at Dajo (Dahu) na ilan lamang sa mga bundok na lagpas sa 600 metro ang taas. May matatagpuan ding mga ilog dito gaya ng Maimbung at mga batis tulad ng Tubig Palag at Bina’an. Ang mga maburol na kalupaan at lambak naman ang nagsisilbing malawak na taniman sa Basilan. Ang mga batis dito ay nagsisilbing drenahe o daluyan ng tubig sa lalawigan. Ang mga isla ng Tawi-Tawi, Sulu, at Basilan ay nasa pagitan ng Dagat Sulu at Dagat Celebes. Ang Maguindanao naman ay may malalawak na kapatagan. Kilala rin ang lalawigan sa Mado Hot Spring National Park. Ang Lanao del Sur naman ay napalilibutan ng mga bulubunduking nagsisilbing hanggahan nito sa mga karatig lalawigan ng Cotabato at Maguindanao. Bukod sa Lawa ng Lanao na pinakamalaking lawa sa Mindanao, ang Lanao del Sur ay mayroon ding mas maliliit pang lawa. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 8 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Kung titingnan sa mapa, napalilibutan ang BARMM ng malalawak na anyong tubig kaya bukod sa pagtatanim, isa ring pangunahing hanapbuhay rito ang pangingisda. 5. Itanong sa klase ang sumusunod: Sino ang tatlong batang nagpakilala ng kanilang rehiyon? (sagot: Lucy, Viya, Minda) Batay sa kanilang ipinresenta, saan sila nagkakaiba-iba? (sagot: Magkakaiba sila ng kinabibilangang rehiyon kaya magkakaiba-iba rin sila ng kinalakihang kapaligiran.) Paano o saan nila ginamit ang mapa? Ano-ano ang kanilang inilarawan? (sagot: Inilarawan nila ang mga katangiang pisikal at mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa mga rehiyon at lalawigang kanilang kinabibilangan.) Paano nila ipinaliwanag ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal at mga anyong lupa at anyong tubig sa kanilang mga rehiyon at lalawigan? (sagot: Iniugnay nila ang mga ito sa uri ng kabuhayan at pamumuhay na mayroon sila.) 6. Bigyang-diin din na kahit magkakaiba ang mga rehiyon, nabubuo at nabibigyan ng mga ito ng pagkakakilanlan ang kabuuan ng Pilipinas. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 9 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Mga Tip Bago ang araw ng klase, paalalahanan ang mga mag-aaral na magdala ng mapa ng Pilipinas upang mas maunawaan nila ang aralin. Makabubuti kung ang mapang gagamitin ay nagpapakita ng sariling rehiyon. Ipakita rito ang mga anyong lupa at anyong tubig na mayroon sa inyong rehiyon. Gawin itong halimbawa at talakayin sa klase. Isagawa Pamamaraan 1. Magpakita ng mapa ng sariling rehiyon at lalawigan. 2. Sa tulong ng mapa, papunan sa mga mag-aaral ang talahanayan sa ibaba. Mga Mga Anyong Pangalan Katangiang Lupa at Anyong Pisikal Tubig Rehiyon Lalawigan Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 10 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Subukan Pamamaraan 1. Balikan ang mapa ng sariling rehiyon at talakayin ang naging sagot ng mga mag-aaral sa bahaging “Isagawa.” 2. Batay sa mga napag-alamang impormasyon ukol sa paglalarawan ng mga katangiang pisikal at iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa rehiyon, hikayatin ang mga mag-aaral na ipakilala ang sariling lalawigan at rehiyon. 3. Tumawag ng ilang mag-aaral na maglalarawan at magpapaliwanag sa klase ng mapa ng sariling rehiyon. Gamiting halimbawa ang tatlong bata sa binasang teksto. Tip Maaaring hikayatin ang mag-aaral na iguhit na lamang ang mapa ng sariling rehiyon sa whiteboard o pisara kasabay ng kaniyang pagpapaliwanag kaysa gumamit ng gawa nang mapa sa presentasyon. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 11 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Iugnay Pamamaraan 1. Muling ipakita at ipasuri ang mapa ng sariling rehiyon. 2. Ipakompleto ang talata tungkol sa kahalagahan ng mga nakapaligid na anyong tubig at anyong lupa sa kanilang lalawigan batay sa naging pagsusuri sa mapa. Ang mga nakapaligid na anyong tubig at anyong lupa sa aming lalawigan ay kinabibilangan ng _________________________________________________________. Mahalaga ang mga ito sa aming lalawigan dahil _________________________________________________________. Mahalaga rin ang mga karatig na lalawigan sapagkat ________________________________________________________________ 3. Magtawag ng mga mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang sagot. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 12 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Isaisip Mahalaga ang kaalaman sa paggamit at paggawa ng payak na mapa sapagkat makatutulong ito na mailarawan at maipakilala ang mga katangiang pisikal ng mga lalawigan at rehiyon sa ating bansa upang lalo pa itong maipagmalaki. Tandaan Ang mapang topograpiya ng ating lalawigan at rehiyon ay nagsisilbing gabay upang malaman natin ang ating pinagmulang lugar at makilala ang mga bumubuo rito gaya ng mga anyong lupa at anyong tubig. Ginagamit natin ang mapang topograpiya upang madali nating mabigyan ng interpretasyon at paglalarawan ang kapaligiran ng ating sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan nito sa rehiyon. Bukod sa pagbibigay ng lokasyon, magagamit din natin ang mapang topograpiya upang matukoy ang mga anyong lupa at anyong tubig sa ating lalawigan at rehiyon. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 13 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Ano ang Natutuhan Mo? Pamamaraan Ipatukoy sa mga mag-aaral kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa mapa ng sariling lalawigan at mga karatig nitong lalawigan sa rehiyon. 1. Makikita sa biswal na representasyon o mapa na ang mga rehiyon ay may iba’t ibang laki, lokasyon, at kaanyuan. 2. Ang mapa ay nagpapakita lamang ng mga anyong lupang mayroon sa isang lalawigan at rehiyon. 3. Ang mga simbolo sa mapa ay nagbibigay ng impormasyon at paglalarawan sa mga likas na yaman sa isang lalawigan at rehiyon. 4. Naipakikita ng mapa ang sariling lalawigan at ang mga karatig lalawigan nito sa rehiyong kinabibilangan. 5. Ang ibang mga lalawigan ay walang kinalaman sa sariling rehiyon dahil sa iisang lalawigan lamang tayo naninirahan. Sagot 1. tama 2. mali 3. tama 4. tama 5. mali Tip Talakayin ang mga tamang sagot sa klase upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 14 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Mga Sanggunian About the Philippines. United Nations Development Programme. In-access noong ika-10 ng Disyembre 2021. https://www.ph.undp.org/content/philippines/en/home/countryinfo.html. Department of Environment and Natural Resources. 9 Oktubre 2019. Regional Profile. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://r2.denr.gov.ph/index.php/about-us/regional-profile. Dumaguete. 2022. Municipalities and Cities in Negros Oriental. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://dumaguete.com/negros-oriental/. The Editors of Encyclopaedia Britannica. Basilan. Britannica. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://www.britannica.com/place/Basilan. The Editors of Encyclopaedia Britannica. Bohol. Britannica. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://www.britannica.com/place/Bohol. Everything Cebu. Geography. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://www.everythingcebu.com/attractions/places/geography/#:~:text=Ce bu%20has%20narrow%20coastlines%2C%20limestone,that%20reach%20over%2 01%2C000%20meters. Islands Properties.com. 2019. Siquijor Province. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://www.islandsproperties.com/places/siquijor.htm#:~:text=Siquijor%20is% 20the%20smallest%20of,Bandilaan%2C%20at%20557%20m. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 15 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon It’s More Fun in The Philippines. 2018. Welcome to Bohol. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://philippines.travel/destinations/bohol. Johannash05. 19 Hulyo 2015. Batanes is an Extreme Place. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://johannash05.wordpress.com/2015/07/19/batanes-is-an-extreme-plac e/. Journey Beyond the Horizon. An explorer’s guide to Siquijor Island- a mysterious gem of the Philippines. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://journeybeyondhorizon.com/what-to-do-in-siquijor/. Nueva Vizcaya. About Nueva Vizcaya Province. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. http://www.region2fun.ph/nueva-vizcaya/. PeoPlaid. 12 Abril 2019. Lanao Del Sur History, Geography, Economy. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://peoplaid.com/2019/04/12/lanao-del-sur/. PeoPlaid. 12 Abril 2019. Maguindanao History, Geography, Economy. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://peoplaid.com/2019/04/12/maguindanao/. Place and see. 2022. Mado Hot Spring National Park. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://placeandsee.com/wiki/mado-hot-spring-national-park. Province of Isabela Region. Geography. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. http://provinceofisabela.ph/index.php/general-info/geography. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 16 Gabay sa Pagtuturo Araling Panlipunan 3 Aralin 1: Ang Mapa ng Aming Rehiyon Province of Lanao Del Sur. 2022. History of Lanao del Sur. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://lanaodelsur.gov.ph/about/history/. Regional Development Council. Nueva Vizcaya. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. http://rdc.rdc2.gov.ph/?p=74. Saleeby, Najeeb. 1908. Chapter 1 - Geographical Description of the Sulu Archipelago. The History of Sulu. In-access noong ika-22 ng Pebrero 2022. https://historyofsulu.wordpress.com/2014/09/17/chapter-i-geographical-desc ription-of-the-sulu-archipelago/#:~:text=Geographical%20features,average% 20width%20about%2010%20miles. Ang Mapang Topograpiya ng Aming Rehiyon 17

Use Quizgecko on...
Browser
Browser