Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat PDF
Document Details
Uploaded by LikableDivergence
Tags
Related
- Aralin 1_ Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat PDF
- Ang Akademikong Pagsulat (Filipino) PDF
- Pagsulat ng Iba't Ibang Uri ng Paglalagom PDF
- FIL03 - Pagsulat sa Filipino sa Akademikong Larangan - Panggitnang Pagsusulit
- Pagsusulat-Summative Reviewer PDF
- Filipino sa Piling Larangan - Akademik PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang talakayan tungkol sa kahalagahan ng pagsusulat, lalo na sa konteksto ng akademikong pagsulat. Inilalahad nito ang iba't ibang layunin at paraan ng pagsulat, at ang mga kasanayang kailangan para sa epektibong pagsusulat. Ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at/o mga taong naghahangad na mapabuti ang kanilang mga kakayahan sa pagsusulat.
Full Transcript
Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat Ang Pagsusulat ayon kay… CECILIA AUSTERA Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid mensahe, ang Wika. EDWIN...
Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat Ang Pagsusulat ayon kay… CECILIA AUSTERA Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid mensahe, ang Wika. EDWIN MABILIN Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil dito naipapahayag tao ng ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Ayon kay Mabilin.. “Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman.” Dahilan ng Pagsulat… Para sa mga mag-aaral: Matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtamo sa kasanayan. Para sa mga propesyonal: bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabahong kanilang ginagampanan. Para sa iba: Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa parang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Limang Makrong Kasanayang Pangwika PAKIKINIG, PAGBABASA, PANONOOD Madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. PAGSASALITA AT PAGSUSULAT Ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinasabi at isinulat. Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat (Ayon kay Mabilin) Personal o Ekspresibo Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsusulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat. Halimbawa: Sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. Panlipunan o Sosyal Layunin ng pagsusulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ay transaksiyonal. Halimbawa: Liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon. Mga Pangangailangan sa Akademikong Pagsulat WIKA Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, tiyak, at payak na paraan. PAKSA Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na inilalagay sa akda o komposisyong susulatin. Ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang pansin. LAYUNIN Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalalman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa. PAMARAAN NG PAGSUSULAT May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng sumulat. 1. Paraang impormatibo: magbigay impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa 2. Paraang Ekspresibo: naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. 3. Pamamaraang Naratibo: magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkaka-ugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. 4. Pamamarang Deskriptibo: maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. 5. Pamamaraang Argumentatibo: manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. KASANAYANG PAMPAG-IISIP Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. Kailangan maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. Maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapliwanag ng mga impormasyon at kaisipang inilalahad sa sulatin. KAALAMAN SA WASTONG PAMARAAN NG PAGSULAT Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular na sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN Kakayahang mailatag ang mga kaiisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito. LAYUNIN NG PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD Mga kailangang tukoyin upang makuha ang mahahalagang detalye ng akda: Sino - pangunahing tauhan Ano - pangyayari Kailan - oras o petsa Saan - lugar Bakit - rason Paano - paraan Mga dapat tandaan sa pagssulat ng sinopsis o buod: Gumamit ng ikatlong panauhin sa pagsulat nito. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kailangang maihlahad o maisama na rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at suliraning ikinaharap. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuo ng dalawa o higit pang talata. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay at mga bantas na ginamit sa pagsusulat. Huwag kalimutang isulat at sangguniang ginamit kung saan hinago o kinuha ang orihinal sa sipi ng akda. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod 1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa. 2. Suriin at hanapin ang pangunahing at di pangunahing kaisipan. 3. Habang nagbabasa magtala at kungmaari ay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyang ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinulat. 5. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin kung mapaikili pa ito ng hindi mabawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod. BIONOTE Ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kaniyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites, at iba pa. Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE: Sikaping maisulat lamang ito ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kinakailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa inyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na makamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 – 3 na pinakamahalga. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawiliwili ito sa mga mambabasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka. Basahin muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.