KABIHASNANG AFRICA, AMERICA, AT PULO NG PACIFIC PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Africa, Amerika, at mga pulo ng Pasipiko. Tinalakay ang kanilang mga paraan ng pamumuhay, kalakalan, at mga paniniwala. Isinama rin ang mga halimbawa ng kanilang mga produkto at gawa.
Full Transcript
**KLASIKONG KABIHAS NG AFRICA, AMERICA AT PULO NG PACIFIC** ***Ang mga sinaunang Africano ay nagpakita ng kahusayan sa pakikipagkalakalan sa ibang lugar. Ano ang naging paraan nila upang madala ang kanilang produkto sa ibang bayan?*** **Dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang disyerto sa...
**KLASIKONG KABIHAS NG AFRICA, AMERICA AT PULO NG PACIFIC** ***Ang mga sinaunang Africano ay nagpakita ng kahusayan sa pakikipagkalakalan sa ibang lugar. Ano ang naging paraan nila upang madala ang kanilang produkto sa ibang bayan?*** **Dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang disyerto sa pamamagitan ng CARAVAN (pangkat ng mga taong mga mangangalakal) at dala-dala ang iba't ibang uri ng kalakal. Gumamit sila ng mga KAMELYO bilang transportasyon patawid ng mga disyerto.** **Anong produkto sa Ghana ang ipinampapalit nila sa ginto?** ![](media/image2.png)**Ang dalawang pangunahing produkto na kinalakal sa Ghana ay GINTO AT ASIN. Ang ginto ay sagana sa rehiyon at naging pangunahing dahilan kung bakit maraming mangangalakal ang naakit sa Ghana, habang ang asin, ay nagmula sa mga lugar na malayo sa hilaga at dinala sa Ghana para sa kalakalan.** ***Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?*** **Ginagamit upang pampalasa at mapreserba ang kanilang mga pagkain.** **1** ***Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?*** **Dahil nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara** ![](media/image4.png) ***Ang mga sumusunod ang maaaring magbigay paliwanag kung bakit may iba't ibang uri ng pamumuhay ang mga tao sa kabihasnan na nagsimula sa Africa.*** **1. Nagtataglay ito ng iba't ibang katangiang pang heograpiya na nagpalipat lipat sila.** **2. Nagkaroon ng kalakalan sa iba't ibang bahagi ng kontinente na naging batayan ng kanilang kabuhayan** **3. Naghanap ang mga tao ng mas mainam na lugar na kung saan higit na matutugunan ang kanilang pangangailangan** **2** ***Malaki ang pagpapahalaga ng mga Olmec sa mga hayop. Anong uri ng hayop ang sinasamba ng mga Olmec?*** ![](media/image6.png)**Were-Jaguar** ![](media/image8.png) ***Paano ipinakita ng mga Aztec ang kanilang kahusayan sa pagsasaka kahit limatado lamang ang lupang kanilang sakahan?*** **Sa pamamagitan ng paggawa ng "Floating Garden"** **Ang mga Aztec ay mapamaraan at isa sa nagpatunay dito ay ang paggawa ng mga chinampas o floating garden. Ano ang dahilan kung bakit gumawa ng mga "floating garden" ang mga Aztec sa lawa ng Tescoco?** **Hindi sapat ang kanilang lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan** ***Ano ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific?*** **Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda** **Animismo ang relihiyong pinaniniwalaan ng Micronesia. Paano ito isinasabuhay?** **Inaaalagaan ang kapaligiran** **3**