KABANATA 5: Kabihasnang Klasiko ng Gresya PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document presents an overview of the classical civilization of Greece, focusing on the Minoan and Mycenaean civilizations, as well as the Trojan War. It includes information about their contributions, societal structures, and significant historical events.
Full Transcript
KABANATA 5: Kabihasnang Klasiko ng Gresya Ano ang klasiko? Talakayin Natin Isa ang Gresya sa mga sibilisasyong umusbong sa klasikal na mundo, o ang bahagi ng mundo na nalulugar sa kalawakan ng Dagat Mediterranean. Ilan sa mga ambag ng mga kabihasnang ito ay pagtatatag ng estado, pagsasag...
KABANATA 5: Kabihasnang Klasiko ng Gresya Ano ang klasiko? Talakayin Natin Isa ang Gresya sa mga sibilisasyong umusbong sa klasikal na mundo, o ang bahagi ng mundo na nalulugar sa kalawakan ng Dagat Mediterranean. Ilan sa mga ambag ng mga kabihasnang ito ay pagtatatag ng estado, pagsasagawa ng Olympics, at pagkakaroon ng sistemang demokratiko at pamamahala. 5.1 Ang mga Sibilisasyon Nagsimula ang mga kabihasnan sa Gresya sa pagkakabuo rito ng dalawang sibilisasyon noong 2000 BCE- ang sibilisasyong Minoan at Mycenaean. Sibilisasyong Minoan Umusbong ang kabihasnang ito sa Crete, ang pinakamalaking pulo sa Dagat Aegean, noong 2000 BCE. Dahil sa hindi angkop ang tawag sa Griyego sa panahong ito ng kasaysayan, tinawag ng arkeologong si Sir Arthur John Evans ang mga mamamayan ng Crete na mga Minoan, hango sa pangalan ni Haring Minos- ang hari ng Crete sa mitolohiyang Griyego. Sibilisasyong Minoan Sinasabing nagmula ang lahing Minoan sa mga Neolitikong manlalakbay mula sa Asia Minor (Turkey). Nang marating ang Crete, nagtayo sila ng mga pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng pulo. Ayon sa mga tala, maliliit at kayumanggi ang mga Minoan. Maliliit ang kanilang baywang na pinaparisan nila ng masisikip na sinturon. Sibilisasyong Minoan Mahilig ang mga Minoan sa isports. Paborito nilang laro ay ang bull leaping na itinuturing din ng mga eksperto na isang uri ng seremonyang panrelihiyon ng mga Minoan. Sibilisasyong Minoan Mahusay din sa sining ang mga Minoan. Napupuno ng mga fresco, o pinta sa mga pader nagawa sa basing plaster, ang ilang estruktura sa Crete. Ilan sa mga karaniwang paksa ng kanilang sining ay ang ahas, simbolo ng diyosa; at ang toro, na sumisimbolo sa bull leaping. Lady in Blue Sibilisasyong Minoan Bukod sa sining at mga pamayanan, kilala rin ang mga Minoan sa natatangi nilang sistema ng pagsulat. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring nakakabasa karamihan sa mga talang isinulat ng mga Minoan. Tinawag ang sistema ng pagsulat na ito na Linear A. Linear A Sibilisasyong Minoan Pagdating sa paniniwala, maraming diyos ang mga Minoan. Pangunahin sa kanilang Diyos ay ang Inang Kalikasan. Karamihan sa mga sagradong lugar sa mga burol at kuweba ay itinatayo ng mga Minoan sa kanyang ngalan. May paniniwala ang mga Minoan na daan ang mga burol tungo sa kalangitan, at ang mga kuweba naman sa kailaliman ng mundo. Sibilisasyong Minoan Mayaman ang poulo ng Crete sa kabuhayan. Dahil naliligiran ng tubig, karamihan sa kalalakihang Minoan ay mangingisda o magsasaka. Karaniwan nilang saka ay wheat, trigo, at ubas. Nagpapastol sila ng mga baka, tupa at kambing. Sibilisasyong Minoan Walang nakatitiyak kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Minoan. Noong 1400 BCE, sinasabing nasakop ang Crete. Magmula nito, unti-unting bumagsak ang ekonomiya ng lungsod. Sibilisasyong Mycenean Mula sa kanlurang bahagi ng Asia Minor at hilagang bahagi ng Europa, dumating sa bahaging mainland ng Gresya ang mga Mycenean noong 1900 BCE. Nagtayo sila rito ng mga kabahayan at kabuhayan. Malaki ang impluwensiya ng mga Minoan sa kultura ng mga Mycenean, lalong-lalo na sa pulitika. Sibilisasyong Mycenean Likas na matatapang ang mga Mycenean, lalaki man o babae ay magaling sa pangangaso. Mahusay rin na mga mandirigma ang mga Mycenean. Noong una, sila-sila lamang naglalaban-laban. Subalit nang matuto silang maglayag at gumawa ng mga Bangka, nagsimula silang makipaglaban bilang mga pirate. Sibilisasyong Mycenean Dahil dating magkapalitan ng kalakal, halos pareho ng sistema ng kabuhayan ang mga Minoan at ang mga Mycenean. Gaya ng Minoan, naglayag din sila at nangalakal sa mga kalapit na bayan. Nagsaka sila ng olives na ginawa nilang langis. Ang kita sa pagbebenta ng langis ang nagpaunlad sa ekonomiya nila. Sibilisasyong Mycenean Nakuha nila ang kanilang sistema ng pagsulat sa mga Minoan. Sinasabong hango sa Linear A ang Linear B na siyang Sistema ng pagsulat ng mga Mycenean. Gamit ang panulat na ito, sinasabing ang mga Mycenean ang bumuo sa isa sa mga pinakakilalang likhang pampanitikan sa kasaysayan- Mitolohiyang Griyego. Sibilisasyong Mycenean Politeista ang kanilang paniniwala. Si Zeus ang hari ng mga Diyos at siyang panginoon ng kidlat. Ang kaniyang asawa na si Hera ang reyna ng mga diyos at panginoon ng pagpapakasal at panganganak. Mayroon silang mga kapatid na pawang makapangyarihan ding diyos: Poseidon at Hades. Ang Digmaang Trojan Isa sa mga kilalang kuwento sa Mitolohiyang Griyego ay ang digmaang Trojan, na hinabi ng manunulang si Homer noong 800 BCE. Ayon sa kuwentong ito, ang sanhi ng digmaan ay ang pagkuha ng prinsipeng Paris ng Troy sa prinsesa ng Mycenean na si Helen. Ang Digmaang Trojan Tinatayang naganap ang digmaang ito noong 1200 BCE. Ayon sa tala ng mga Hittite, isang malaking lungsod ang Troy (na pinaniniwalaang bayan ng Hisarlik, Turkey sa kasalukuyan). Ito ang isa sa mga pangunahing sentro ng kalakalan sa Asia Minor sapagkat hawak ng mga Trojan ang ruta ng mga mangangalakal sa Black Sea. Ang Digmaang Trojan Sinugod ng mga Mycenean ang Troy upang makuha ang control nito sa kalakalan at mapalawak ang kapangyarihan nito sa Silangan. Nagkaroon ng serye ng mga digmaang sibil sa Mycenean matapos ang Digmaang Trojan. Isang siglo matapos ang nasabing digmaan, halos ubos na ang mga palasyo sa Mycenea. Di kalaunan, dumating sa bahaging mainland ng Gresya ang mga Dorian na nagmula sa gitnang Gresya. Dahil higit na matibay ang mga bakal nilang sandata, nasakop nila ang Mycenean. Sa paglipas ng panahon, unti unting nakabawi ang mga Griyego. Muli silang nagtatag ng mga komunidad. Di kalaunan, tinawag nila ang kanilang mga sarili bilang mga Heleniko. ASSIGNMENT Sa short bondpaper, idrawing ang naiambag ng mga Minoan at Mycenean sa Gresya. 5.2 HELENIKO Kilala sa kasalukuyan ang mga sinaunang tao sa gresyo bilang mga “Griyego”. Gayumpaman, iba ang bansag ng mga sinaunang Griyego sa kanilang sarili. “Heleniko” ang tawag sa mga sinaunang Griyego na nabuhay pagkatapos ng sibilisasyong Mycenenaean. Nagmula ito sa pangalan ng teritoryong kanilang pinaninirahan, ang Hellas. Pag-usbong ng mga Polis Matapos makabawi sa panahon ng karimlan, unti-unting lumago ang agrikultura at populasyon ng mg Heleniko. Dumalang ang kanilang pagpapalipat-lipat ng tirahan kung kaya’t dumami ang mga naninirahan sa mga partikular na pook. Dahil dito umusbong ang mga lungsod-estadong tinatawag na polis. Pag-usbong ng mga Polis Kaiba ang Polis sa lungsod na dati nang mayroon sa lupain ng Hellas. Malaya ang bawat Polis sa aspektong nauugnay sa Pulitika, Paniniwala at mga gawi. Bawat polis ay umaaktong tila estado- kung kaya’t tinawag itong lungsod-estado- na may natatanging kultura, teritoryo, at soberanya. Pag-usbong ng mga Polis Bandang 700 BCE, inilunsad ng mga Heleniko sa polis ng Olympia ang Olympics, isang palaro sa ngalan ni Zeus. Ginaganap ito kada apat na taon, tapat sa pista ni Zeus. Ilan sa mga patimpalak sa Olympics ay ang wrestling, boksing, pagtakbo, at pagpapatakbo ng karwahe. Pag-usbong ng mga Polis Simple lamang ang pamumuhay mga naninirahan sa mga polis. Kadalasang pagsasaka ng trigo, olives, at ubas ang kabuhayan ng mga karaniwang mamamayan. Ibinebenta nila ang kanilang mga produkto sa pamilihang tinawag nilang "agora”. Pag-usbong ng mga Polis Iba ang kalagayan ng kababaihan. Bagama't kinikilala sila bilang mga mamamayan, limitado lamang ang maaari nilang gawin sa lipunan. Pangunahin nilang responsibilidad ay ang pagpapalaki ng anak, pag- aalaga ng pamilya, at paghahabi ng wool. Ang mga babaeng nasa matataas na antas ng lipunan ay pinagbawalang makihalubilo sa ibang hindi nila kauri, maging sa mga lalaking hindi nila kadugo. Ang Sparta Karaniwang maliliit lamang ang mga polis sa Hellas. Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang Sparta sa katimugan. Napalago ng Sparta ang kanyang pamayanan sa pamamagitan ng pananakop. Dahil dito, lahat ng kanilang mga mamamayan ay sinanay sa pakikidigma at matindingdisiplina. Ang Sparta Pagsapit ng isang batang lalaki sa edad na pitong taon, agad siyang hinahasa sa sandatahan at pakikidigma. Ganap na nagiging kawal and mga Spartan sa edad na 30. Sa ganito, naging kilala ang Sparta bilang ang pinakamakapangyarihang sandatahan sa Hellas. Ang Athens Hindi gaya ng Sparta, mas sinusuportahan ng mga mamamayan ng Athens ang paglinang kakayahan at talino. Mayroong mga guro ang mga kabataan na nagtatalakay ng heograpiya, matematika at sining sa pagtatalumpati. Ang Athens Hindi gaya ng Sparta, mas sinusuportahan ng mga mamamayan ng Athens ang paglinang kakayahan at talino. Mayroong mga guro ang mga kabataan na nagtatalakay ng heograpiya, matematika at sining sa pagtatalumpati. Ang Athens Nang magkaroon ng pag-aalsa sa mga polis, nabagabag ang mga Athenian na matulad sa mga ito. Dahil dito, nagtalaga sila ng isang tao na magsisilbing punong tagapamahala at tagapag-ayos ng mga kaguluhan sa kanilang nasasakupan. Isa si Draco sa mga unang nagsilbing pinuno ng Athens. Ang Athens Kilala si Draco sa kanyang mahigpit na pagbabatas. Lahat ng mga nagkasala- mababaw man ang krimen o mabigat-ay pinapatawan ng parusang kamatayan. Sa kanyang kamatayan, pinili ng mga naghaharing-uri ang manunulang si Solon bilang kanyang kahalili. Ang Athens Kinilala si Solon bilang isa sa pitong pantas ng Hellas. Sa kanyang pamumuno, pinawalang-bisa ni Solon ang lahat ng mga utang sa lupa ng mga Athenian at pinalaya ang lahat ng mga alipin. Binago rin niya ang mga batas ni Draco at ginawang mas katanggap- tanggap ang mga parusa para sa mga nagkasala. Pinayabong din niya ang pakikipagkalakalan ng Athens sa ibang mga polis upang umunlad ang kanilang ekonomiya. Ang Athens Binigyang-pansin ni Peisistratus ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Athens. Nagpahiram siya ng salapi sa mga mamamayang nangangailangan ng kapital, at hinikayat niya ang mga taong ikalakal ang kanilang mga produkto. Dahil dito, nakarating pa sa Iberia at Syria ang ilan sa mga gawang paso ng mga Athenian. Sinuportahan din niya ang sining ng Athens. Nagpatayo siya ng mga templo kung saan maaaring magtanghal ang mga alagad ng sining. Umunlad ang mga likhang sining gaya ng eskultura at pagpipinta. Dahil dito, naging sentro ng sining sa Hellas ang Pamahalaang Athenian Bagama't may boses ang mga mamamayan pamahalaan, napamumunuan pa rin sila ng mga opisyal. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Sampung strategoi, o mga heneral pangmilitar 2. Siyam tagapamahala ng mga bagay hinggil sa pulitika at paniniwala 3. Konseho ng 50 bouleutai, o mga konsehal na siyang naghahanda sa bawat asamblea Ang Pilosopiya, Agham, at Matematika ng mga Heleniko Dahil sa kanilang pagpapahalaga sa kaalaman, maraming mga pantas ang umusbong sa Athens. Ito ang nagbunsod sa pag-usbong ng pilosopiya, o ang pag- aaral sa lahat ng mga katanungan ng sangkatauhan. Tatlo sa mga pantas na umusbong sa Athens ang pinakatinatangi sa kasaysayan ng pilosopiya: sina Socrates, Plato, at Aristotle. Ang Pilosopiya, Agham, at Matematika ng mga Heleniko Nabuhay si Socrates, ang binansagang "Ama ng Kanluraning Pilosopiya," bandang 400 BCE. Tanyag si Socrates sa pagiging mahusay na pilosopo na hindi isinusulat ang kanyang mga kaalaman. Si Socrates ang nagpasimula ng Socratic Method, o ang paggamit ng tanungan at talakayan upang makabuo ng mas konkretong kaalaman hinggil sa isang paksa. Ang Pilosopiya, Agham, at Matematika ng mga Heleniko Naging mag-aaral ni Socrates si Plato. Siya ang nagsulat ng The Republic, ang kalipunan ng mga turo ni Socrates sa kanilang mga diyalogo. Siya ang nagtayo ng kauna-unahang pamantasan sa mundo, ang Akademya. Layon nito na hasain sa agham at matematika. Ang Pilosopiya, Agham, at Matematika ng mga Heleniko Si Aristotle naman ay matagal na mag- aaral sa ilalim ni Plato sa Akademya. Napukaw ng napakaraming bagay ang isipan ni Aristotle. Nag-aral at nagsulat siya tungkol sa agham, matematika, metapisika, panitikan, lohika, pulitika at retorika. Sa kaniyang panahon, nahubog ang geocentrism. 5.3 Mga Sigalot na Kinaharap Tandaang ang panahong ito ng kasaysayan ang kasagsagan ng imperyalismo. Sa ikapitong baiting, natalakay na ang imperyalismong sinimulan ng mga Persyano ang dahilan upang magwakas ang ilang mga sibilisasyon sa kabihasnang Mesopotamia. Ang Digmaang Persyano Ang Persia ay isang malawak na kaharian sa timog-silangan ng Asia Minor. Napalaki nila ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pananakop. Nagsimula sila sa pananakop noong 540 BCE, at pinatalsik ang hari ng Lydia, maging ang mga namumuno sa mga polis ng lonia (na nasa bahagi ng Turkey ngayon) at Ehipto. Ang Digmaang Persyano Kilala sa Athens ang Persia sapagkat nakikipagkalakalan sila rito bagama't magkakaiba ang kanilang mga gawi at paniniwala. Pagkatapos ng pananakop kinumbinsi ni Aristagoras, pinuno ng Miletus sa lonia, ang mga polis upang magkaisa at mag-aklas bago pa umano mapalawak ng Persia ang teritoryo nito sa Hellas. Bilang kapalit, mapapamunuan na umano ng mga Heleniko ang kabuuan ng lonia. Hindi sumang-ayon ang mga kinumbinsi ni Aristagoras, subalit nakaramdam ng pangangamba ang mga Athenian at iba pang Heleniko. Dahil dito, nagpahiram sila ng mga barko at manlalayag bilang suporta sa rebolusyong lonian. Ang Digmaang Persyano Subalit, natalo ang rebolusyon. Nawasak ang Miletus at iba pang polis sa lonia. Nagalit ang emperador ng Persia noon na si Haring Darius sa pagkakasangkot ng mga Helenikong polis. Dahil dito, sinugod ng kanyang puwersa ang mga polis na ito upang wasakin. Bilang tugon, ipinadala ng Athens ang kanilang puwersa sa Marathon, sa hilagang-silangan ng Athens, upang salubungin ang mga Persyano. Ipinadala nila ang sundalong si Pheidippides sa Sparta upang humingi ng tulong sapagkat higit na marami ang puwersang Persyano kaysa sa kanila. Ang Digmaang Persyano Sa kabila ng mga pangamba, nagawa pa ring magwagi ng mga Athenian dahil sa kanilang mas magagandang sandata at kasanayan sa pakikipaglaban. Tinatayang halos 200 Athenian lamang ang namatay sa labanan, samantalang libo-libo ang mga Persyanong nasawi rito. Labis na ipinagdiwang ng Athens ang pagkapanalong ito. Sa kanilang palagay, wala nang mas makalalamang pa sa husay ng mga Athenian. Gayunpaman, iba ang pakiwari ng pulitikong si Themistocles. Batid niyang hindi pa rin ligtas ang Athens sa mga banta ng digmaan. Humingi siya ng mas maraming buwis mula sa mga Athenian upang makabuo ng mas at mas matatag na puwersang pandagat. Hindi nagkamali si Themistocles sapagkat ipinagpatuloy ng anak ni Haring Darius I na si Haring Xerxes ang pakikidigma ng ama nito. Sa pagkakataong ito, mas marami at mas malakas na ang puwersang Persyano. Muling humingi ng tulong ang Athens mula sa Sparta. Sa pagkakataong ito, maluwat na itong tinugunan ng hari ng Sparta na si Ang Delian League at ang Panahon ni Pericles Matapos ang kanilang pagkapanalo sa digmaan laban sa mga Persyano, tagumpay. lalong lumakas ang kapangyarihan ng Athens sa rehiyon. Sa kabila ng kanilang nanatiling banta sa mga Heleniko ang mga Persyano. Dahil dito, may ilang mga polis malapit sa Persia ang nanghingi ng tulong sa Athens na bumuo ng isang ligang magtatanggol sa lahat sakaling may sumiklab uling digmaan. Ito ang nagbunsod sa pagkakabuo ng Delian League, isang samahan ng mga polis sa paligid ng Dagat Aegean, na siyang pinamunuan ng Athens. Sa pagkakabuo ng Delian League, ganap na napatunayan ang kapangyarihan ng Athens sa klasikong panahon. Natamo ng Athens ang ginintuang panahon sa panahon ni Pericles, isang na nagpasimula ng mga reporma upang umunlad ang kanilang polis. Ang Delian League at ang Panahon ni Pericles Napapaloob ang pamamahala ni Pericles sa tatlong layunin: Bigyang-pugay ang Hellas; Palakasin ang Delian League; at Payabungin ang demokrasya sa Hellas. Ang Delian League at ang Panahon ni Pericles Malaki ang naging kaibahan ng pamahalaang Athenian sa panahon ni Pericles. Dito, maging mahihirap ay maaari nang manungkulan basta't sila ay mahalal. At kahit binigyan niya ng mas maraming tungkulin ang mga opisyal ng pamahalaan. nagkaroon din naman ang mga ito ng kalakip na mataas na pasahod. Nang mamuno ang Athens sa Delian lalong uminit ang iringan nito at ng Sparta. Bagama't nagtulungan laban sa Persia, mayroon nang hindi pagkakaunawaan ang dalawang polis sanhi ng marami nilang pagkakaiba, lalong higit sa pamamahala. Sa panahon ni Pericles, higit na nalinang ang sining at kaalaman ng mga Athenian. Isa sa mga pinakakilalang likhang-sining sa panahong ito ay ang Parthenon, ang templong inialay sa ngalan ng diyosang si Athena. Sa larangan ng eskultura, matutukoy sa pagiging balanse, matiwasay, at pantay ang mga likha ng mga Athenian. Ang pinakakilalang eskultor sa Athens ay si Phidias, na naglayong maipakita ang kalakasan at pagiging perpekto ng mga Athenian sa Ang Delian League at ang Panahon ni Pericles Naging tanyag naman sa panitikan si Homer, isang manunulat na siyang sumulat ng Iliad (ang kuwento ng Digmaang Trojan) at Odyssey (ang kuwentong nakasentro kay Odysseus at sa kanyang paglalakbay matapos ang digmaang Trojan). Bukod kay Homer, nakilala rin si Sappho at ang kanyang mga tulang naglalaman ng ritmong maihahalintulad sa musikang may liriko. Bukod sa mga kuwentong pampanitikan. umusbong din sa panahong ito ang pagtatala sa mga pangyayari kasaysayan dahil kay Herodotus, na kinikilala rin bilang "Ama ng Kasaysayan." Nagsimula siya sa pagsusulat ng mga pangyayaring naganap noong digmaan laban sa Persia. Naging tanyag din ang manunulat na si Thucydides dahil sa kanyang mga sapantaha na anuman ang pangyayaring pulitikal na nagaganap sa kanyang panahon ay mangyayaring muli sa hinaharap. Ang Digmaang Peloponnessian Bandang 600 BCE, isang siglo bago ang pagkakatatag ng Delian League, buo na ang liga ng ilang mga polis sa Hellas na pinamunuan ng Sparta-ang Peloponnesian League. Kabilang sa ligang ito ang polis ng Corinth, na noong mga panahong iyon ay karibal ng Athens pagdating sa kalakalan at paglalayag. Noong 432 BCE, pinuksa ng Athens ang rebolusyong nagaganap noon sa Politidea, isang kolonya ng Corinth. Ikinagalit ng Corinthian kung kaya’t dagli silang nagpatawag ng pulong sa Peloponnesian League. Hinamon nila ang Sparta hinggil sa pananahimik nito sa kabila ng mga panggigipit ng Athens at ang pagpapalawig nito bilang imperyo. Naglaban ang mga Sparta at Athenian sa loob ng ilang taon. Minsan nanalo ang mga Sparta at minsan naman ay ang Athens. subalit Noong 420 BCE, naging strategol Alcibiades. Naglunsad siya ng pagsugod sa Sicily laban sa Syracuse. natalo rito. Nang malamang nakusahan siya ng paglalapastangan sa ni Hermes at maaari siyang ipatapon dahil dito, tumakas si Alcibiades at nagtungo sa Sparta. Dito, sinuportahan niya ang Sparta laban sa Athens. Ang Pananakop ng Macedonia Matagal nang nais ni Haring Philip ng Macedonia mapasakamay ang mayamang lungsod ng Athens. Naisakatuparan niya ito nang humina ang dating makapangyarihang polis pagkatapos ng Digmaang Peloponnesian. Hindi pamahalaang itinatag doon ng Sparta. Sa ganito, madaling nasakop ni Haring Philip ang Athens noong 338 BCE. Idineklara pa niya ang kanyang sarili bilang isa sa mga diyos ng Olympus. Hindi pa nakontento si Haring Philip sa pagkakasakop ng Athens. Matapos maimpluwensiyahan ang iba pang mga polis sa Hellas, ninais din niyang masama sa kanyang imperyo ang Persia. Bago pa man niya ito maisakatuparan, pinaslang na siya. Sumunod sa trono ni Philip ang kanyang anak sa labas na si Alexander. Bagama't bata pa, matalino at mahusay sa pakikipaglaban ang bagong hari. Sa katunayan, naghasa siya ng dunong sa ilalim ni Aristotle. Tinupad ni Alexander ang mga pangarap ng ama. Naglunsad siya ng pananakop sa Ehipto, Babylon, Persia hanggang kanluran ng India. Tinatayang ang imperyo ni Alexander ang pinakamalawak sa kanyang panahon. Namatay sa sakit si Alexander sa Babylon noong 323 BCE. Hindi malinaw kung sino ang susunod sa kanya bilang pinuno ng Imperyong Macedonian kung kaya't unti-unting nanghina 5.4. Ang Sibilisasyong Heleniko Sa kabila ng kamatayan ni Alexander, lumaganap na sa kanyang mga nasakop na teritoryo ang kultura at mga kaalamang Heleniko. Maliban sa kanyang mga lupaing nakamit, napagtagumpayan niya ang kanyang adhikaing mapaghalo- halo ang mga kulturang Heleniko, Persyano, at iba pa. Tinawag na bahagi ng Sibilisasyong Heleniko ang mga sakop na lungsod ni Alexander sa kanyang pagkamatay. Hinati ang kanyang imperyo sa tatlong bahagi. Pinangalagaan ito ng iba't ibang pinuno: ang Macedonia ay nasa ilalim ni Antigonus; ang Ehipto ay na kay Ptolemy; at ang Syria at Persia ay kay Seleucus. Maituturing ang lungsod ng Alexandria sa Ehipto, na mayroong populasyong kalahating milyon, bilang pinakamaunlad na sibilisasyon sa panahong ito. Magaganda ang mga kalsada at sistema ng patubig dito. Mayaman ang kalakalan sa pagitan ng iba't ibang lungsod. Mayroon din itong silid- aklatang naglalaman ng 700 000 aklat. Sinasabing ang panahong ito ang naging batayan ng pamumuhay ng mga sumunod na sibilisasyon. Ang Gresya Dahil wala nang matatag na pinuno, madaling napasakamay ng mga bagong mananakop ang lupain ng mga Heleniko. Sunod na sumakop sa kanila ay ang mga Romano mula sa Italya. Sinasabing nagmula ang katawagang "Graeci" o "Griyego" sa pagtawag ni Aristotle sa mga taong dating naninirahan sa Dodona at Achelous. Madalas itong naririnig sa rehiyon ng Epirus, sa hilagang- kanluran ng Hellas. Dahil dito, ito na rin ang pagkakaalam na katawagan ng mga Romano sa mga Heleniko na kanilang nakakapalitan pa lamang noon ng kalakal. Nang sakupin ng mga Romano ang Hellas, binansagan na nila itong "Gresya." Labis na hinangaan ng mga Romano ang kulturang Griyego. Sa katunayan, marami sa kanilang kultura ang hinango nila mula sa mga Griyego. Subalit sa kabila ng mga pag-aangkop na ito, nagdulot ang magkakasunod na sigalot ng unti-unting pagbagsak ng dating matayog SALAMAT ! CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, and includes icons by Flaticon and infographics & images by Freepik Please keep this slide for attribution