2ND TERM EXAM Reviewers PDF - Rizal

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon at talambuhay ni Jose Rizal, kabilang ang kanyang mga sikat na pahayag, ang kanyang pamilya, at ang kanyang mga nagawa. Kasama rin dito ang detalye tungkol sa kanyang mga pag-aaral, ang kanyang nobelang Noli Me Tangere, at iba pang aspeto ng kanyang buhay.

Full Transcript

Mga Tala sa Buhay ni Rizal Mga Sikat na Pahayag ni Rizal ​ "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." (updated) ​ “Kabataan ang pag-asa ng bayan” ​ “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isd...

Mga Tala sa Buhay ni Rizal Mga Sikat na Pahayag ni Rizal ​ "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." (updated) ​ “Kabataan ang pag-asa ng bayan” ​ “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda” ​ (Ang dakilang taong ito, bagama’t patay na, ay buhay pa sa alaala ng bawat Pilipinong nagmamahal sa kanyang simulain at ideyalismo.)​ ​ ​ Ang Buong Pangalan ni Rizal José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ​ José: Ipinangalan sa San Jose, na patron ng kanyang ina. ​ Protacio: Mula sa kalendaryong Kristiyano, kaugnay ng kapistahan ni San Protacio. ​ Rizal: Galing sa salitang Kastila na "ricial," na nangangahulugang luntiang bukirin o palayan. ​ Mercado: Apelyido ng kanyang ama, Francisco Mercado. ​ Alonzo: Apelyido ng kanyang ina, Teodora Alonzo. ​ Realonda: Apelyidong ginamit ng pamilya ng kanyang ina bilang pagtalima sa utos ni Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849 na baguhin o gawing mas Kastila ang mga apelyido ng mga Pilipino. ○​ (y means “and”) ​ Ibang Impormasyon kay Rizal ​ Pambansang Bayani ng Pilipinas ​ Kailan at saan ipinanganak? 19 Hunyo 1861, Calamba, Laguna ​ Sino ang kanyang mga magulang? Teodora Alonzo, Francisco Mercado ​ Kailan at saan siya namatay? 30 Disyembre 1896 sa Bagumbayan (Rizal Park) Mga Magulang ​ Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandra II (Ang ama) ​ Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos (Ang Ina) Family Tree (Birthdates In order)​ Francisco Mercado (1818-1898) Teodora Alonso (1826-1911) 1.​ Saturnina Rizal (1850-1913) 2.​ Paciano Rizal (1851-1930) 3.​ Narcisa Rizal (1852-1939) 4.​ Olimpia Rizal (1855-1887) 5.​ Lucia Rizal (1857-1919) 6.​ Maria Rizal (1859-1945) 7.​ Jose Rizal (1861-1896) 8.​ Concepcion Rizal (1862-1865) 9.​ Josefa Rizal (1865-1945) 10.​Trinidad Rizal (1868-1951) 11.​Soledad Rizal (1870-1929) Ibang Impormasyon kay Rizal ​ mas kilala sa tawag na Jose Rizal o Pepe ​ ikapito sa labing-isang magkakapatid ​ Mga sagisag-panulat: ○​ Dimasalang (Untouchable, Untouchable) ○​ Laong-laan (Matagal ng Handa) ○​ Agno (Pure o Dalisay) ○​ Calambeño (His Birth place sa CALAMBA, Laguna) Ang Guro ni Rizal ​ Ang kanyang Ina ○​ pagbasa, pagsulat, pagbilang ○​ pagdarasal at pagsagot sa dasal (unang dapat ituro ng isang ina) Batang Rizal ​ 9 taong gulang ​ Ipinadala sa Binyan ​ Ginoong Justiniano Aquino Cruz ​ Pinayuhan na mag-aral sa Maynila ​ lahat ng nalalaman nito ay naituro na sa kanya​ ​ Pag-Aaral ni Rizal​ Sa Pilipinas: ​ Escuela Pia – Unang paaralan sa Calamba, Laguna. ​ San Juan de Letran – Nag-aral ng batas. ​ Unibersidad ng Santo Tomas (UST) – Nag-aral ng ​ Medisina at Pilosopiya. ​ Ateneo Municipal de Manila – Nag-aral ng Pilosopiya at ​ nagtapos bilang Valedictorian. ​ Sa Ibang Bansa: ​ Unibersidad ng Madrid – Nag-aral ng Medisina. ​ Unibersidad ng Paris – Nag-specialize sa Ophthalmology. ​ Unibersidad ng Heidelberg – Nag-aral ng Ophthalmology. ​ London, Inglatera – Nag-aral ng wika at kasaysayan. Isang Polyglot si Rizal ​ Filipino, Ilokano, Bisayan, Hebrew, Subanon, Chinese, Latin, Spanish, Italian, Portuguese, Greek, English, French, German, Arabic, Malay, Sanskrit, Dutch, Japanese, Catalan, Swedish, at Russian Ang Height ni Rizal ​ 5”3 si rizal ​ Waistline: 25” to“26” ​ 37’ sa dibdib Mga Babae ni Jose Rizal 1.​ SEGUNDA KATIGBAK, 2.​ MARGARITA ALMEDA GOMEZ, 3.​ LEONOR RIVERA, 4.​ LEONOR VALENZUELA, 5.​ JACINTA YBARDALOZA, 6.​ CONSUELO ORTIGA Y REY, 7.​ ADELINA BAUSTEAD, 8.​ NELLIE BAUSTEAD, 9.​ O-SEI SAN KIYO, 10.​GERTRUDE BECKETT, 11.​SUZZANE JACOBY, 12.​PASTORA NECESARIO, 13.​JOSEPHINE LEOPOLDINE BRACKEN​ Panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas (1898-1946) ​ William Howard Taft (ika-27 na Pangulo ng Estados Unidos at unang gobernador-heneral ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano ​ Pamantayan sa pagpili: ○​ isang Pilipino ○​ yumao na​ ○​ may matayog na pagmamahal sa bayan ○​ mahinahong damdamin ​ Tatlong dahilan kung bakit piniling pambansang bayani si Rizal: ○​ huwaran ng kapayapaan ○​ umakit na magkaisa ang bansa laban sa Kastila ○​ sentimental NOLI ME TANGERE​ - Wenceslao Retana ​ ½ - Madrid 1884-1885 ​ ¼ - Paris ​ ¼ - Alemanya​ ​ Berlin- Pebrero 21, 1887 ​ Limbagan-Ginang Lette, Marso 1887 ​ 2,000 sipi ​ Dr. Maximo Viola, ₱300 ​ ​ El Filibusterismo ​ Ghent, Belgium 1891 ​ Hulyo 8, 1892-La Liga Filipina sa Maynila Paglalakbay ni Rizal ​ 1882- 21anyos, Espanya ​ Agosto 5, 1887-Pilipinas ​ Pebrero 3, 1888-Europa, Hong Kong, Yokohama, San Francisco, New York, Liverpool at London. ​ Hunyo 26, 1889-Pilipinas ​ Hulyo 7, 1892-Dapitan ​ Gobernador-Heneral Despujol-Hulyo 15 ​ Nagtayo ng paaralan ​ Nagturo sa mga batang lalaki ​ Espanya vs. Cuba ​ Gobernador-Heneral Ramon Blanco 1896 ​ Hukumang Militar-Hatol-Bagumbayan Kamatayan ni Rizal ​ Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) ​ Disyembre 30, 1896 ○​ (Araw ng pangilin- Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas) ○​ (Consummatum Est in Latin, sa ingles ay It is Finished)​ ​ ​ Kasaysayan at Pabalat ng Noli Me Tangere ​ Ang magkabilang triangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan. ○​ Ang Kahapon ○​ Ang hinaharap ng bayan Lahat ng Simbolo sa Pabalat​ Sa itaas: ​ Ang krus ​ Dahon ng laurel ​ Supang ng kalamansi ​ Ulo ng babae ​ Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere ​ Simetrikal na sulo ​ Bulaklak ng sunflower Sa Ibaba: ​ Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me ​ tangere ​ Punong Kawayan ​ Lagda ni Rizal ​ Pamalo sa Penitensiya ​ Tanikala ​ Latigo ​ capacete ng guardia sibil ​ Paa ng prayle na labas ang balahibo Mga Kahulugan sa mga Simbolismo ng Pabalat SA IBABA: Paa ng prayle ​ Inilagay ni Rizal sa pinaka- ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle. ​ Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan. ​ At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan. Sapatos ​ Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. ​ Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang Ikabubuhay. - Mateo 10:10 ​ Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Nakalabas na binti sa ibaba ng abito. ​ Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. ​ O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. ​ Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng "putris" at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890) Helmet ng guardia sibil. ​ Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang- aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. ​ Pansinin na inilagay ni Rizal ang helmet sa ilalim ng paanan ng prayle. Latigo ng alperes. ​ Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. ​ Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan. ​ Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo sa ilalim ng paanan ng prayle. Kadena ​ Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Suplina ​ Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili. Halamang kawayan ​ Isang mataas ngunit malambot na puno. Ang pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga mahahalagang kagamitan at kasangkapan sa kapanahunan ni Rizal. ​ Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan. ​ Kaniyang nobela ay ang taong 1887. ​ Paiitaas sa taong 1887 ang malaking bahagi ng manuskrito paghahandog ng nobela. ​ Pansinin sana na pagkatapos ng paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng tatsulok. ​ Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni Rizal na nakikini-kinita na niya ang paglalaho ng kolonyal na lipunan, bilang resulta ng kaniyang nobela. SA ITAAS:​ Bulaklak ng sunflower ​ Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa sikat ng araw. ​ Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kaniyang kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan. Simetrikal na sulo ​ Iginuhit ni Rizal ang sulo bilang simbolo ng Noli Me Tangere. ​ Pansining mabuti ang disenyo na kinalalagyan ng liwanag. ​ Mapupuna ng mga nakapagbabasa ng mga lumang libro, na ito ang karaniwang disenyo na ginagamit noon sa mga pahina ng aklat. Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ni Rizal. ​ Pansining mabuti na ang sulo ay nag- ooverlap sa manuskrito ng paghahandog ni Rizal ng kaniyang nobela. ​ Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na ang kaniyang sinulat na nobela ay magsilbing liwanag ng bayan, upang makita natin ang ating mga kahinaan na siyang nagiging dahilan ng ating pagiging huli sa karera ng kaunlaran. ​ O maaring ang mga taong mayroong maliwanag na isipan lamang ang makakatuklas ng tunay na kahulugan ng nobela. Ulo ng babae ​ Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. ​ Ito ay walang iba kundi ang INANG BAYAN Krus ​ Ang krus ang siyang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino. ​ Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. ​ Nakakataas o nakapaghahari sa isipan ng Inang Bayan at ng mga Pilipino. Kalamansi ​ Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. ​ Ito ang dahilan, kung bakit mayroon pang mga produktong panlaba at panlinis ng plato na ipinagmamalaki na mayroong halong sangkap ng kalamansi, ​ Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal supang nga kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan. ​ Walang pinag-iwan sa isang tao na alam mong hindi naliligo at naamoy mo na ang pagiging mabaho. ​ Pagkatapos mong makita at maamoy ang baho ay saka mo ilalagay sa kaniyang tabi ang isang sabong pampaligo. ​ Ganyang mang-insulto si Rizal sa kaniyang sining. Masasabi ko ito, dahilan sa halos maraming mga sining si Rizal na kaniyang nilikha bilang isang anyo ng protesta. Mga Dahon ng Laurel ​ Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandangsibilisasyong kanluranin. ​ Ito ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan. ​ Mapapansin na ang mga dahon laurel ay hindi pa napipitas sa halaman. ​ Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag- asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng inang bayan. ​ Ang katotohanan ay pinagtabi ni Rizal ang krus at supang nga kalamansi at mga dahong laurel. ​ Dahilan sa mayroong dalawang uri ng konsensiya ang nais na ilarawan ni Rizal sa kaniyang nobela. ​ Una ay ang sinasabi ni Ibarra na "bulag na konsensiya ng bayan". ​ At ang pangalawa ay ang isang "PAMBANSANG KONSENSIYA' na nais ni Rizal na sumibol para sa sambayanang Pilipino na hinahadlangan lamang noon ng mga makapangyarihang alagad ng kolonyal na simbahan. Kasaysayan ng Noli Me Tangere ​ unang nobela ni Rizal ​ 24 na taong gulang ​ maituturing na walang kamatayan ​ Isinulat sa dugo ng puso – Dr. ​ Blumentritt Bakit Pamagat ay Noli Me Tangere ​ Juan 20:13-17 ○​ “...Sinabi ni Jesus sa kanya: “Huwag kang kumapit sa akin. Sapagkat hindi pa ako umaakyat sa Ama...” ○​ “Huwag mo akong salingin. ○​ “Touch me not.” ○​ “Stop clinging to me.” Layunin ni Rizal ​ Nakita ni Rizal ang aawa-awang kalagayan ng mga Pilipino. ​ Kalupitan ng mga Espanyol. ​ Pagmamalupit sa mga babae at mga bata. ​ Si Donya Teodora ay biktima rin ng kawalang katarungan. ​ Paggarote sa kina Padre Burgos, Gomez at Zamora. ​ Pagbabago sa pamamagitan ng karunungan at edukasyon ​ The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ​ 1884, Madrid 1⁄2 ​ 1885, Paris 1⁄4 ​ Pebrero 21, 1887 Alemanya Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Don Crisostomo Magsalin Ibarra ​ isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan Maria Clara delos Santos ​ ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na anak ni Doña Pia Alba. Siya ang kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay inilarawan bilang maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, at mapagpasakit. Elias ​ isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito. Pilosopong Tasyo ​ Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya. Padre Damaso ​ Si Dámaso Verdolagas ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego. Siya rin ang nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal. Don Santiago delos Santos (Kapitan Tiago) ​ ay isang mangangalakal na tiga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kaniya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi sang salapi Don Rafael Ibarra ​ ama ni Crisostomona namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinaiingitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahanad ng katarungan para sa kapwa. Sisa ​ Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak. Padre Bernardo Salvi ​ Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego Padre Hernando Sibyla ​ paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Basilio at Crispin ​ magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes ​ puno ng mga guwardiya sibil at matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Donya Consolacion ​ napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-uugali Donya Victorina de Espadana ​ ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya. Don Tiburcio de Espadana ​ isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Alfonso Linares ​ Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio Tiya Isabel ​ Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang Donya Pia Alba delos Santos ​ Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara Tenyente Guevarra ​ isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama. Kapitan Heneral ​ pinakamakapangyarihang kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra Kapitan Basilio ​ isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapan sa lupa. Siya rin ang ama ni Sinang Don Filipo Lino ​ Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilis magbasa ng Latin. Lucas ​ kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Siya ay humuhingi ng danyos ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan Don Saturnino Ibarra ​ Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias Don Pedro Ibarra ​ Nuno ni Crisostomo Ibarra Maestro Nol Juan ​ Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan Kapitan Maria ​ tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alala ng ama Kapitan Pablo ​ Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias Salome ​ Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias (Few Reminders: Read the Book Also in Noli Me Tangere about the characters and a summary of the Kabanatas) Kabanata 1 (Isang Handaan) Buod ​ Parang daloy na kuryente ang pagkalat ng balitang magdaraos ng isang handaan si Kapitan Tiago. ​ Dinaluhan ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ang nasabing handaan. ​ Masasalamin ang ugali ng mga Espanyol at kung paano nila tinitingnan ang mga Pilipino. ​ Nauwi sa pagtatalo nina Padre Damaso at ng tenyente ng Guardia Sibil. ​ Namagitan si Padre Sybila kina Padre Damaso at sa tenyente. Matalinghagang Pahayag ​ Parang daloy na kuryente ang pagkalat ng balitang maghahanda ng isang hapunan si Kapitan Tiago ​ Siya ay hinog na sa karanasan kaya naman ang kanyang mga payo ay maaaring panghawakan. ​ Maraming politiko sa kasalukuyan ang mabubulaklak magsalita. ​ Ang mga dumating na panauhin ay isa-isang humalik ng kamay kay Padre Damaso. ​ Simbolismo ​ Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa may pampang ng Ilog Binondo. ​ Mababa ang bahay ng may handaan at hindi gaanong maayos. ​ Bukas sa lahat ang handaan. Implikasyon ​ Nagtalo ang Pari at Tenyente ​ Mainit na Pagtanggap sa mga panauhin Kabanata 2-3 (Crisostomo Ibarra, Sa Hapunan)​ ​ Buod ​ Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra. ​ Nilabag ni Ibarra ang tuntunin sa pakikipagkapwa ng mga Pilipino. ​ Nag-agawan sa kabisera ang dalawang Prayle. ​ Napunta kay Padre Damaso ang upo at sabaw na may leeg at pakpak ng manok. ​ Ininsulto ni Padre Damaso si Crisostomo Ibarra. Mga Talinhaga ​ “Hindi ko matitiis na hindi batiin ang pinakamahahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.” - Crisostomo ​ “Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalaala.” - Crisostomo ​ “Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo.” - Crisostomo (pg. 464) ​ “Nakikita kong ang kasaganaan at paghihikahos ng mga bansa ay may tuwirang relasyon sa kanilang kalayaan at pagkaalipin. Kung gayon ay may kinalaman iyon sa pagsusumakit o sobrang pag-ibig sa sarili ng mga ninuno.” - Crisostomo ​ Para sa mga prayle, ang pinakamataas mang pinuno ng pamahalaan ay mababa pa kaysa legong kusinero sa simbahan. Mga Simbolismo ​ Isang talop na leeg at makunat na pakpak ng manok ​ lamang loob ​ kabisera sa hapag Mga Implikasyon ​ Tuntunin sa pakikipagkapwa (konserbatibo ang mga Pilipino lalo na ang kababaihan) ​ Mababang pagtingin ng mga prayle sa pinuno ng pamahalaan (kinikilala nila ang mga sarili bilang pinakamataas sa lipunan) Kabanata 4-5 (Erehe at Supersibo, Bituin sa Karimlan) Buod ​ Nakita ni Ibarra ang mabagal na pagsulong ng bansang Pilipinas. ​ Sinabi ni Tenyente Guevarra ang totoong kinahinatnan ni Don Rafael Ibarra. ​ Nakulong at pinaratangan si Don Rafael ng mga kasong hindi naman niya ginawa at iyon ay naging sanhi ng kanyang kamatayan. ​ Pumasok si Ibarra sa silid ng Hotel Lala at gulong-gulo ang isip. ​ Samantala, si Maria Clara ay nasa kabilang… Mga Talinhaga ​ “Parang pangarap lamang ang gabing ito sa loob ng pitong taong itinigil ko sa Europa! Diyos ko!” -Crisostomo Ibarra ​ Matuling nagdaan ang magagandang sasakyan samantalang mabagal ang takbo ng mga paupahang kalesa. ​ “Mag-iingat kayo, binata! Maging aral sana sa inyo ang sinapit ng inyong ama!” -Tenyente Guevarra ​ “Nagpupunta rito ang mga taong isinusuka na sa Espanya.” Tenyente Guevarra ​ “Subalit ang labis na yaman, pananalig sa katarungan, at poot sa gawaing ilegal ang nagpahamak sa inyong ama.” -Tenyente Guevarra Mga SImbolismo ​ Don Rafael Ibarra (Ama ni Crisostomo) ​ Kolektor ng Buwis (Namatay sa Suntukan nila ni Rafael ​ Bituin sa Karimlan (Rafael sa Kulungan) Implikasyon ​ Mabagal na pag-unlad ng Pilipinas (walang pinagbago ang liwasan ng Binondo, maski ang rehas na bakal na kanyang binaluktot ay naroon pa rin) ​ Pagiging mabuting ama ni Don Rafael (labis ang paghihinagpis ni Crisostomo) Kabanata 6-8 (Si Kapitan Tiago, Suyuan sa Balkonahe, Mga Alaala) Bonus Questions​ 1.. Ano ang naging katungkulan ni Kapitan Tiago sa malaking komunidad ng mga mestiso? Gobernadorcillo 2. Sino ang napangasawa ni Kapitan Tiago? Pia Alba 3. Ilang taon silang nagsama ngunit hindi nabiyayaan ng supling? 6 4. Anong halaman ang negosyo ni Kapitan Tiago na nag-aakyat sa kanya ng limpak-limpak na salapi? Opyo/Opium 5. Sa payo ni Padre Damaso,kaninong pintakasi sa Obando sumayaw ang mag-asawa upang magkaanak? San Pascual Bailon 6. Sino ang naging ninong ni Maria Clara pagpanganak sa kanya? Padre Damaso 7. Ilang taon si Maria Clara noong siya ay ipasok sa kumbento? 13-14 8. Anong dahon ang ibinigay ni Maria Clara na itinago pa ni Crisostomo? Dahon ng sambong 9. Sino ang ipinagkasundo na mapangasawa ni Maria Clara? Crisostomo Ibarra 10. Ano ang pamagat ng kabanata 7? Suyuan sa Balkonahe Buod ng Si Kapitan Tiago (Kabanata 6) ​ Si Kapitan Tiago ang pinakamayamang tao sa Binondo. Naging gobernadorcillo na laging nakasuot ng prak at sumbrero. ​ Madalas siyang magbigay ng regalo sa mga tao sa gobyerno. ​ Nakikiayon siya sa mga lumalait sa mga Pilipino, dahil ipinapalagay niyang hindi siya Pilipino. ​ Para sa mga taong hindi siya kapanalig, itinuturing siyang walang awa, malupit at mapagsamantala. ​ Napangasawa niya si Pia Alba na taga Santa-Cruz. ​ Sa loob ng anim na taong pagsasama ay hindi sila nagkaanak kaya't nagnobena at namanata sa iba't ibang pintakasi pati na ang magsayaw sa Obando sa kapistahan ni San Pascual Bailon para magkaanak. ​ Siya ay nabuntis at naging anak si Maria Clara. ​ Ngunit sa kanyang paglilihi ay naging malungkutin si Pia Alba na naging dahilan para magsakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan pagkaraang magsilang. Buod ng Suyuan sa Balkonahe (Kabanata 7) ​ Malakas ang kabog sa dibdib ni Maria Clara nang dumating si Crisostomo sa kanilang tahanan. ​ Nag-usap sila sa balkonahe kung saan muli nilang binalikan ang kanilang matatamis na alaala at wagas na sumpaan bago sila ganap na magkahiwalay. ​ Inalala ni Maria noong sila ay madalas na maglaro ni Crisostomo pati na ang dahon ng sambong na ibinigay niya kay Crisostomo. ​ Binasa naman ni Maria Clara ang sulat ng binata bago ito umalis papunta sa Europa. ​ Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay sinunod niya ang kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa upang mag-aral upang makapaglingkuran sa kanyang Inang Bayan. Buod ng Mga Alaala (Kabanata 8) ​ Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay agad na iniwan ni Crisostomo ang dalaga dahil naalala niyang kailangan niyang umuwi sa San Diego. ​ Sakay ng karwahe ay binagtas ng binata ang San Gabriel. ​ Sa kanyang paglalakbay ay muling nagbalik sa kanyang alaala ang bayang kanyang nilisan pitong taon na ang nakararaan. ​ Nagunita niya ang Europa na ibang-iba sa nakikita niyang tanawin sakay ng karwahe. Matalinghagang Pahayag ​ Ipinaliwanag ni Tiya Isabel na bunga ng paglilihi ni Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Noon daw ay madalas na makitang umiiyak si Donya Pia sa harap ng imahe ni San Antonio, pero sinabing napaglihian daw si San Miguel. Ayon naman sa pinsan ni Kapitan Tinong ay impluwensiya ng mga planeta ang pagka-mestisa ng bata. ​ Paano kita malilimot? Kasama kong lagi ang iyong alaala at siyang nagliligtas sa akin sa lahat ng panganib sa paglalakbay. Ang alaala mo ang nagpapawalang bisa sa joto sa Europa - isang prutas na pag kinain ay nakakalimutan ang sariling bayan. - Crisostomo ​ - Naaalaala ko ang ating paglalaro, pinipili mo ang magagandang siklot. Namumulot ka sa ilog ng makikinis at maliliit na bato para sa paglalaro natin ng sintak. Napakadaya mo naman sa Sungka. - Maria Clara ​ Nanguha ako ng dahon ng sambong. Sinabi kong isapin mo sa loob ng iyong sumbrero para hindi sumakit ang ulo mo sapagkat matindi ang init ng araw. Napangiti ka at hinawakan ko ang iyong kamay at nagkasundo tayong muli. - Maria Clara ​ Kung wala na ako ay baka ka matulad sa halamang binabanggit ni Baltazar. Gaya ng halamang lumaki sa tubig daho'y nalalanta munting di madilig, ikinaluluoy ang sandaling init. - Don Rafael ​ Nakabukas pa para sa iyo ang kinabukasan, sa akin ay pinid na. Ang mga pag-ibig mo ay isa-isa pa lamang sumisilang samantalang ang sa akin ay isa-isa nang naghihingalo. Sumusulak pa ang dugo sa iyong ugat samantalang sa akin ay unti-unti nang nanlalamig. - Don Rafael ​ Magtulos ka ng dalawang kandila. Isa para sa Poong San Roque at para kay San Rafael na pintakasi ng mga manlalakbay. -Kapitan Tiago ​ “Gumising tayo, pagkat namumulat na rin ang bayan! Dapat mong malaman na makapangyarihan lamang tayo habang pinaniniwalaan. Ang totoo’y kailangan naman talagang kalabanin tayo para makita ang ating kamalian, para tayo lalong mapabuti. Nalulunod tayo sa pananahimik nila at labis na papuri. Hindi natin alam na pinipintasan tayo ng marami.”” -Matandang pari ​ “Tingnan natin kung sino ang mas malakas! Tingnan natin!” -Padre Damaso Kabanata 9-10 (Iba’t Ibang Pangyayari, Ang San Diego) Buod ng Iba’t Ibang pangyayari (Kabanata 9) ​ Kasama si Tiya Isabel, kinuha ni Maria Clara ang kaniyang gamit sa Beaterio at nakasalubong si Padre Damaso. ​ May mahalagang pinag-usapan sina Kapitan Tiago at Padre Damaso ​ Nagtungo si Padre Sibyla sa kumbento ng mga Dominiko upang kausapin ang isang matandang paring may sakit. ​ Napag-usapan nila ang tungkol sa alitan ni Padre Damaso at Crisostomo Ibarra. ​ Ipinaliwanag din ng matandang pari na namumulat na ang mga tao sa katotohanan. Buod ng Ang San Diego (Kabanata 10) ​ Inilarawan sa kabanatang ito ang bayan ng San Diego. ​ Ito ay isang karaniwang bayang nagtataglay ng malaking sakahan sa Pilipinas na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa. ​ Taglay ng bayang ito ang isang alamat kung paano ito nagsimula at bahagi nito ang kuwentong may kinalaman sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser