2nd-Quarter Reviewer - Limay National High School - PDF

Document Details

BeautifulYew

Uploaded by BeautifulYew

Limay National High School

Tags

filipino ethics human actions philosophy

Summary

This document is a reviewer for the second quarter, covering the topic of human actions and voluntariness. It's for secondary school students in the Philippines. It details different types of actions and their ethical implications.

Full Transcript

Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BAT...

Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Ang Pagkuha ng Makataong Kilos (Voluntariness of Human Act) Sa mga nakaraang modyul, natutuhan mo na ginagamit ng tao ang isip at kilos- loob, konsensiya at kalayaan hindi lamang upangmabuhay siya bilang tao, kundi upang siya ay magpakatao. Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan at pakultad upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga kakayahan sapagkamit nito. Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao? Paano niya ginagamit ang mga salik na nabanggit sa pagsisikap niyang magpakatao? Ayon ka Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Dahil sa Isip at Kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang katulad na kaniyang taglay tulad ng Kalayaan, siya ay may kapangyarihanang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Ayon pa rin kay agapay, ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may Control at pananagutan sa sarili. Dalawang uri ng Kilos Ang Kilos ng Tao (Act of Man) + Kilos na nagaganap sa tao. + Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. + Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging Mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisasagawa ito. + Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao: + Paghinga + Pagtibok ng puso + Pagkurap ng mata + Pagkaramdam ng sakit mula sa sugat; + Paghikab at iba pa na may kinalaman sa biyolohikal at pisyolohikal na kilos. Ang Makataong Kilos (Human Act) + Kilos na isinagawa ng tao nang may Kaalaman, Malaya at Kusa. + Ang kilos na ito ay Resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. + Karaniwang tinatawag itong Kilos na Niloob. + Ang makataong kilos ay kilos na Malayang Pinili mula sa Paghuhusga at Pagsusuri ng Konsensiya. + Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos.Kung Mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. + Kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at Kalayaan sa piniling kilos upang masabi ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinahaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito (degree of willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman o Kalayaan na tinatamasan. Tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan (accountability) Ayon kay Aristoteles + Kusang loob: Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. + Di Kusang Loob: Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang- ayon makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagamat may kaalaman sa Gawain na dapat isakatuparan. + Walang Kusang Loob: Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang- ayon sa kilos, ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa. Batayan ng Mabuti at Masamang kilos + Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o Mabuti. + Ang pagiging Mabuti at Masama nito ay nakasalalay sa Intensiyon kung bakit ginawa ito. Makataong Kilos at Obligasyon + Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay Obligado. + Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Kabawasan ng pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos + Ayon kay Aristoteles, may eksepsyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may pagkukulang sa proseso. + May apat na element sa prosesong ito: + Paglalayon + Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin + Pagpili ng pinakamalapit na paraan + Pagsasakilos ng paraan + Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. + Ngunit! Hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban kung apektado ito ng mga salik na maaring makapagwala ng kapananagutan. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya Napag-aralan natin sa nakaraang modyul ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao gaya ng Kamangmangan, Masidhing Damdamin, Takot, Karahasan at Gawi. Ang mga salik na ito ay nagdadala ng pagbabago sa kilos ng isang tao. Ngunit ano naman ang magiging papel ng mga salik na ito sa kalalabasan ng kilos? Malaki Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN ang impluwensya ng mga salik na ito sa magiging bunga ng isang kilos at maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos. Upang mas maunawaan, tingnan natin ang halimbawa na ito. Ipagpalagay na ikaw ay bagong drayber sa isang lugar. Hindi mo alam na bawal ang pumasok sa daan na iyon. Dahil sa kakulangan ng kaalaman(Kamangmangan) pumasok ka sa daan na iyon at ikaw ay sinita ng Barangay Tanod. Excuse ba ang drayber na ito sa kanyang kapanagutan? Wala bang pagkukusa ang drayber na ito sa kanyang kilos? Unang-una, mananagot pa rin siya sa kanyang kilos ngunit ito ay maaaring may kabawasan sapagkat kulang sya ng kaalaman dito. Walang pagkukusa sa kanyang kilos sapagkat hindi niya alam na bawal pala ang pagdaan doon. Kung ating suriin ang halimbawa, makikita natin na naapektuhan ang naging bunga ng kilos ng tao dahil sa mga salik na nakakaapekto dito, ang Kamangmangan. Upang maiwasan natin ang hindi magandang kahihinatnan ng isang kilos, lagi nating isipin kung ano ang mabuti.Laging iisipin ang magiging bunga ng gagawin. Hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang kilos o gawa ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari; Sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin at; Hindi makapaghahangad ang isang tao kung wala itong pinaka huling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.- Sto. Tomas de Aquino Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na PANANAGUTAN Upang lubos na maunawaan ang mga Mga Salik Na Nakaaapekto Sa Pananagutan Ng Tao Sa Kahihinatnan Ng Kilos At Pasya, ating isa-isahing ang mga sumusunod na salik. 1. Kamangmangan ( Ignorance) 2. Masidhing Damdamin 3. Takot 4. Karahasan 5. Gawi Kamangmangan ( Ignorance): Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: 1. Nadaraig (vincible) ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito Hindi nadaraig (invincible) ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba. Sa madaling salita, naibigay na ang lahat ng paraan upang maitama ang kamangmangan. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa Ngunit kung ang kamangmangan na kayang baguhin sa pamamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN may kapanagutan na siya sa kaniyang kilos. Maaari itong makapagbawas ng pananagutan dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan ang kamangmangan. Masidhing Damdamin: Ito ay ang dikta ng bodily appetites- pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin, a natural desire to satisfy a bodily need Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip - para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa nito ay ang Pag-ibig, Pagkamuhi, Katuwaan, Pighati, Pagnanais, Pagkasinddak, Pagkasuklam, Pagnanasa, Desperasyon, Kapangahasan, Pangamba, at Galit. Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao. Ang paghubog ng mga positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin. Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli (consequent). 1. Antecedent ito ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos na nasa sa ilalim ng damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). 2. Consequent ito ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. (human act) Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin. Takot: ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan lamang. Ito ay dahil malinaw pa rin sa isip ang ginagawa mo Karahasan: Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ngunit kailangan mong maglapat ng ibang paraan sa gitna ng karahasan bago masabing hindi ka mapanagot. Gawi: Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos. Halimbawa nito ay ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao. Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao (act of man) dahil sa pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng kaalaman at kilos-loob. Mga Isyung Moral tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan Ang Misyon ng Katotohanan Ø Ang katotohanan ang nag sisilbing ilaw ng tao sa pag hahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ø Sa bawat tao na nag hahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag aalinlangan na sundin, ingatan, at pag yamanin. Ø Ang sinumang sumusunod dito ay nag kakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life ) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya. Ø Ang pagsukat ng kanyan katapatan ay nangangailangan ng pag sisikap na alamin ang katotohanan. Fr. Roque ferriols: Ø Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kundisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan. Ø Dahil dito, malaya ang isang tao na gamitin ang wika sa maraming paraan lalo na sa pakikipag talastasan. Higit pa rito, nagagamit ito bilang instrumento sa pag- alam ng katotohanan. Ang Imoralidad ng Pagsisinungaling Ø Ayon kay Sambajon Jr. (2011), ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng tao sa isang grupo o lipunan. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN 3 Uri ng Kasinungalingan Jocose Lie isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid kasiyahan/tawanan ngunit hindi sadya ang pasisinungaling. Halimbawa: Ang pag kukwento ng ina sa kanyang anak tungkol kay Santa Claus na nag bibigay ito ng regalo tuwing pasko upang maging mabait ito. Officious Lie pag sasabi upang maipagtanggol ang sarili o kaya ay paglikha ng kwento o pag dadahilan. Halimbawa: Ang pag pag papaalam sa guro na lalabas upang mag cr ngunit bibili lamang sa canteen. Pernicious Lie nagaganap ito kapag sumisira ng repotasyon ng isang tao na pumapabor sa interes ng iba. Halimbawa: Pinag kalat ni Ben na magnanakaw daw ang kanilang kaklase na si Clint. LIHIM Ø Ang lihim o sekreto ay isang usapan na maaring sa pagitan lamang ng dalawang tao o ng grupo na sila lang dapat ang nakakaalam at hindi dapat ipag sabi sa ibang tao. Ø Hindi dapat ipinag sasabi o ibinu-bunyag sa iba. 3 Uri ng Lihim Natural Secrets sikreto na hindi dapat ipag sabi sapagkat maari itong mag dulot ng ikakasakit ng isang tao. Halimbawa: Nag kwento sayo ang iyong kaibigan tungkol sa kanyang naranasan o sakanya pag katao. Promise Secrets ito ay ang pangako ng taong pinag katiwalaan sa lihim./ lihim na Ipinangako ng taong ipinagkakatiwalaan nito. Haalimbawa: Sinabi nya sa kanyang kanyang kaibigan ang kanyang gagawing negosyo pati ang kanyang planong ilalagay rito. Committed or Entrusted Secrets Ito ay lihim bago ang impormasyon sa isang bagay ay nabunyag. Ang Lihim na ito ay maaaring ikapahamak ng maraming tao. Halimbawa: Lihim na Pagsalakay ng Militar upang masakop ang Ibang Bansa. Ang Lihim na ito ay May dalawang uri: a.Hayag- kapag ang lihim na ipinako o kaya'y sinabi ng Pasalita o pasulat. b.Di hayag-Nagaganap kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inilihim sa taong nakakaalam dahil sa kanyang Pwesto sa isang Institusyon. Hayag Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Halimbawa: Ang sekretarya ng doctor ay inilihim ang medical records ng kanyang pasyente. Di-Hayag Halimbawa: Mga kasalanang ikinumpisal sa mga pari na binigyan ng ganap na kapatawaran at iba pang di ginagawa ng hayagan. Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may matinding dahilan upang gawin ito. Sa kabilang banda , ang paglilihim ay maaaring mag bunga ng malaking sakit at panganib sa taong nagtago nito, sa ibang taong may kaugnayan rito at maging sa kaniyang lipunang ginagalawan. Mental Reservation Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak naimpormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito. Ito ay paraan ng paggawa ng kasinungalingan. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo – ang magulang at mga taga gabay ay may karapatan na malaman ang katotohanan tungkol sa kanilang mga anak at maging sa kanilang pinangangasiwaan. Magandang intensiyon sa paglilihim dito –hindi man matatawag na tunay na makatarungan ang pagprotekta sa kaalaman ng tao sa pagtatago ng mga lihim gaya ng edad, tirahan, o personal na impormasyon gaya ng isang charitable institution na humahawak sa talaan nito upang masagip ang reputasyon mula sa kahihiyan sa mga taong mapanghusga. Ang kaligtasanng buhay ng isang tao mula sa kamay ng mga hoodlums o sa kamay ng kaniyang mga kaaway May mga kondisyun sa paggamit nito, Ang ilan ay ang sumusunod: A. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo B. Magandang intensyon sa pag lilihim dito. Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa pamamagitan ng pag iwas (evasion) at pag lilihis ng mga maling kaalaman(equivocation). Makatutulong ito kung ang isyu ay hindi lubhang mahalaga at ang isang partido ay may pahintulot dito. Prinsipyo ng Confidentiality Ang pagsasabi ng totoo ay nag nag papahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sankatotohanan. Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, pagiging totoo ay solusyon sa mga posibleng hidwaan, mga pag kakaiba-iba sa pananaw, hindi pag-uunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakakabawas ng pagkakahiwalay-hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan. Moral issue: Plagiarism Ø Ito ay isang pag labag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003). Ø Ito ay maituturing na pag nanakaw at pag sisinungaling dahil inangkin ang hindi sa iyo. Ø Ito ay isyu na may kaugnayan sa pa-nanagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos,mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, himig, programa, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil ilegal na pangongopya. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Moral issue Intellectual Piracy Ø Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay nai-papakita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Code of the Philippines 1987. Ø Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha. Ø Ang piracy ay isang uri ng pag nanakaw o pag labag dahil may intensyon para sa pinansiyal na dahilan. Ø Ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag aari ng iba na walang pag galang sa karapatannakapaloob dito. Ø Ang pagda-download ng kahit anong files sa internet ay matatawag na piracy pagnanakaw. Anuman ang maging dahilan sa pag-download, ito ay maituturing pa ring paglabag sa karapatang-ari ngtaong nararapat sa pag kilala at pag-galang. Karapatang-Ari at ang Prinsipyo ng Fair Use Kinikilala ng ating bansa ang Prinsipyo ng Fair Use na magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang Karapatan at tamasan ito. Ang sumusunod ay ilan lamang sa pangunahing eksepsyon sa karapatang ari. Ang pagsasapubliko ng anumang likha o gawa, maging ito man ay personal na kopya o sipi at walang bayad (free charge) o di kaya ay mahigpit na patnubay ng mga nasa mapagkawanggawa at panrelihiyosong institusyon o Samahan. (Sek.184,1 Talata a) Ang Paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga gawang nailimbag kung magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use. (Sek.184.1 Talata b) Ang paglalathala, pagbabalita, at iba pang uri ng komunikasyon upang isapubliko ito, sound recording o anumang pelikula, kung ang mga ito ay gagamitin sa pagpapakita ng halimbawa ng pagtuturo sa silid aralan at iba pang-akademikong layunin at magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may makatuwirang dahilan sa paggamit nito, sa ganitong pagkakataon, mahalagang banggitin ang mga pinagkunan at ang pangalan ng awtor, kung ang kaniyang gawa ay gagamitin. (Sek.184.1 Talata e) Whistleblowing Ø Ang whistleblowing ay pag sisiwalat o ang pag sasabi ng sikreto ng tao na nag sabi sayo o nag tiwala sayo na ikwento o sabihin ang kanyang lihim o sikreto. Dalawang uri ng Whistleblowing Internal Whistleblowing; ito ay ang pagsisiwalat ng isang empleyado ng mga ilegal na gawain ng kanilang kumpanya o kapwa empleyado. (Ito ang kadalasan na nagaganap na uri.) External Whistleblowing: ito ay pagsisiwalat ng nalalaman o nalaman na sikreto ng isang organisasyon o kumpanya ng isang tao na hindi empleyado. Ang gampanin ng social media sa paglinang ng kaalaman at kamulatan ng tao sa pagpapasiya patungo sa kaliwanagan at katotohanan Hindi maipagkakaila ang laki at lawak ng impluwensiya ng social media sa ating kalsalukuyang panahon. Ang mga impormasyong nakapaloob dito ay magbibigay sa bawat tao ng sapat na kaalaman na kailangan niya sa aspekto ng edukasyon, Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN kabuhayan at maging sa pagpapasiya at pagpili ng mga bagay na nakaapekto sa kaniyang pagkatao at mga mahalagang gampanin niya sa araw-araw na pagganap ng tungkulin sa sarali, tahanan, paaralan at hanapbuhay. Ayon sa “The Social Age Study “ ng Knowthenet.org.uk, tinatayang 59% ng mga bata sa edad na 10 ay maagang gumagamit ng social network. Social Media Statistics in the Philippines [Updated 2024]. This blog is based on the Global Digital Report 2024 – produced in partnership with Meltwater and We Are Social. See Simon Kemp's article about The Changing World of Digital in 2024. Download the Global Digital Report 2024 and the Global Digital Report 2023 for free. LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, AT KAHIHINATNAN NG MAKATAONG KILOS Sa mga nakaraang modyul, natutuhan mong pananagutan ng tao ang anumang kahihinatnan ng kaniyang kilos, mabuti man o masama. Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na kaniyang isasagawa dahil hindi magiging ganap ang pagiging tao niya kung hindi siya kumikilos ayon sa kabutihan. Pero teka muna, naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng kilos Hindi lahat ng kilos ng tao ay ma-ituturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti Sa etika ni Santo TomasAquino: Ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob. Samantalang ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang isa-katuparan ang panloob na kilos. Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. Halimbawana lamang ang kwento ni Robin Hood. May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi Una, Layunin ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer ); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumawa ng kilos. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito. Ikalawa, Paraan Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomasde Aquino, may nararapat na obheto ang kilos. Ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas nakilos ay ang nararapat na obheto nito. Ang bawat kilos ay may layunin. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Ang kilos ng uminom ay may obheto na makainom, ngunit kung iinom ka ng muriatic acid ito ay masama dahil nakakamatay ito. Samakatuwid, ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito. Ikatlo, Sirkumstansiya Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya: Sino Ano Saan Paano Kailan Tunay ngang makikita na ang kilos ay nagiging mas mabuti o mas masama ayon sa sirkumstansiya. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. Mayroon din namang pagkakataon na kung saan nakapagdaragdag ng panibagong kabutihan o panibagong kasamaan sa kilos na ginagawa. Sirkumstansiya “SINO” Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos. Halimbawa, si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang Lola Ester. Nakita niya kung saan itinatago ng kaniyang lola ang pera nito. Isang araw ay pumunta siya sa bahay nito at kinuha niya ang pera sa lagayan. Masama ba ang ginawang kilos ni Arnold? Bakit? Ang pagkuha ni Arnold ng pera ay masama dahil pagnanakaw ito. Nadaragdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan niya ay ang mismo niyang lola. Sirkumstansiya “ANO” Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Halimbawa, gamit pa rin ang halimbawa sa bilang isa, ang kaniyang Lola Ester ay naubusan ng gamot para sa sakit nito. Kinailangan nito ng pera upang makabili ng gamot ngunit nawala sa lagayan ang pera nito. Ang uri ng kilos ni Arnold ay nagpakita ng mas masamang kilos dahil nahirapan sa paghinga ang kaniyang lola hanggang madala ito sa ospital.. Sirkumstansiya “SAAN” Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Halimbawa, nagtawanan nang malakas ang ilang kabataan dahil pinag-uuspan nila ang isang kamag-aral na biglang naghirap dahil nalulong sa sugal ang ama nito. Ginawa nila ito sa sambahan. Sa iyong palagay, nararapat ba na gawin nila ito sa kanilang kamag-aral? Bakit? Ang paninirang puri sa kanilang kamag-aral ay masamang kilos at hindi makatarungan sapagkat hindi alam ng tao na siya ay pinag-uusapan at wala man lang siyang magawa upang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Isa pa, nadaragdagan ang masamang kilos dahil sa lugar kung saan isinagawa ito. Sirkumstansiya “PAANO” Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN Halimbawa, matalinong mag-aaral si Nestor. Pinaghandaan niya nang mabuti ang kanilang pagsusulit upang siya ay mapasama muli sa Top Ten sa kanilang seksiyon. Ngunit habang sumasagot siya sa pagsusulit, mayroon siyang hindi maalala na sagot sa tanong. Nanghihinayang si Nestor na hindi ito masagutan dahil alam niyang pinag-aralan niya ito, iyon nga lamang ay nakalimutan niya. Napatingin siya sa papel ng kaniyang katabi at nakita niya ang sagot, kaya’t kinopya niya ito. Mabuti ba o masama ang ginawa ni Nestor? Bakit? Maaaring makabawas o makaragdag ng kasamaan o kabutihan ang sirkumstansiya. Sa kaso ni Nestor, nababawasan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil hindi ito pinagplanuhan o pinaghandaang gawin. Kaya, lumiliit ang bigat ng parusa rito. Sirkumstansiya “KAILAN” Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos. Halimbawa, nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Chris. Sa halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya. Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris? Dito ay mas lalong nadaragdagan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil sa sit¬wasyon ng pamilyang nasunugan. Ikaapat, Kahihinatnan Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan. Mahalaga na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat isaalang-alang. Kung minsan, nagkakaroon ng suliranin sa pagpapasiya dahil sa Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. kawalan ng kaalaman kung ang pinili niyang kilos ay mabuti o masama. Kung minsan, dahil sa bilis ng takbo ng isip ng tao ay nakapag-iisip at nakagagawa siya ng kilos na hindi tinitingnan ang kahihinatnan nito. Ngunit sa ikaapat na salik, sinasabi na ang bawat tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos na kaniyang pipiliin. Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang magiging resulta ng anumang kilos na gagawin. Halimbawa: Si Leo ay isang doktor, matagal siyang nag-aral sa larangan ng panggagamot. Alam niya kung makasasama o makabubuti sa isang pasyente ang kaniyang ireresetang gamot. Kung itinuloy pa rin niya ang pagrereseta sa pasyente ng gamot kahit makasasama ito sa huli, mayroon siyang pananagutan sa anumang kahihinatnan nito. Kung kaya’t sa pagsasagawa ng kilos gaano man ito kalaki o kaliit, kailangang pag-isipan itong mabuti at tingnan ang maaaring maidulot nito. Hindi lamang kailangag tingnan ang sarili kundi pati ang kabutihang panlahat. Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa. Kaya’t mula sa layunin, Republic of the Philippines Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN LIMAY NATIONAL HIGH SCHOOL DUALE, LIMAY, BATAAN paraan, at sirkumstansiya ng kilos ay madaling makikita o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito. Kung gayon, inaanyayahan kitang pagnilayang mabuti ang iyong mga kilos. Ang kilos mo ba ay palaging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos? Nagpapakita ba ito ng makataong gawain? Sana ay naging malinaw sa iyo na kailangan mong hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting tao, na may kamalayan sa bawat kilos dahil ito ang iyong magiging gabay tungo sa iyong pagpapakatao. Prepared by: Oliver T. Magtalas, MAEd EsP Teacher III

Use Quizgecko on...
Browser
Browser