2nd Quarter Reviewer (English) PDF
Document Details
Uploaded by SweetheartRuthenium
Tags
Summary
This is a 2nd quarter review document containing multiple choice questions, categorized into English and Filipino sections. It includes questions on vocabulary, grammar, and comprehension, suitable for secondary school students.
Full Transcript
**REVIEWER** **[ENGLISH]** Direction:Read each question carefully. Write the letter of the correct answer on the blank. \_\_\_\_\_1. The \_\_\_\_\_ shines every day. A. sun B. ten \_\_\_\_\_2. Which of the following words has a short vowel /e/? A. get B. meet \_\_\_\_\_3. Which of the follo...
**REVIEWER** **[ENGLISH]** Direction:Read each question carefully. Write the letter of the correct answer on the blank. \_\_\_\_\_1. The \_\_\_\_\_ shines every day. A. sun B. ten \_\_\_\_\_2. Which of the following words has a short vowel /e/? A. get B. meet \_\_\_\_\_3. Which of the following words is the name of the picture below? A. pen B. cup \_\_\_\_\_4. John goes to school every day. Which of the following words used in the sentence is an action word? A. goes B. day \_\_\_\_\_5. All the words below are action words except \_\_\_\_\_\_. A. pencil B. jumps \_\_\_\_\_6. Nicole \_\_\_\_\_\_ a glass of water. A. drinks B. eats \_\_\_\_\_7. Kira and her friends [wants] to go to the celebration. What is the meaning of the underlined word? A. enjoy B. like \_\_\_\_\_8. The \_\_\_\_\_\_\_ refers to the name of the book. A. title B. author \_\_\_\_\_9. The \_\_\_\_\_\_ is the person who wrote the book. A. illustrator B. author \_\_\_\_\_10. \_\_\_\_\_ draws the pictures and illustrations of the story. A. illustrator B. author \_\_\_\_\_11. This part of the book is also called a mini dictionary. It contains a list of words and their meanings. A. Glossary B. Table of Contents \_\_\_\_\_12. It supports the body of the book and its content. A. Spine B. Cover \_\_\_\_\_13. The stories and lessons can be read on this part. A. Content B. Glossary \_\_\_\_\_14. It is a part of the book where you can find the title of the book, name of author, and illustrator. A. Cover B. Glossary \_\_\_\_\_15. Which of the following phrases or sentences best describes the picture below? A. No parking B. No picking of flowers \_\_\_\_\_16. Maria is kind. She saw her mother washing the dishes. What do you think will happen next? A. She will help her mother. B. She will continue to play. \_\_\_\_\_17. Julie is good in singing. The church needs members for the choir. A. She will volunteer to join. B. She will keep her talent. \_\_\_\_\_18. The pupils are very disciplined. Their teacher went out. A. The pupils will behave well in class. B. The pupils will roam around. \_\_\_\_\_19. Which of the following statements is false? A. Drawing is not a pre-writing activity. B. Brainstorming is one way of generating ideas. \_\_\_\_\_20. It is a pre-writing activity that uses shapes and lines to illustrate the relationship between ideas. A. Webbing B. Drawing \_\_\_\_\_21. Which pre-writing activity is being done by coming up with different ideas to provide a solution to a problem? A. Brainstorming B. Webbing \_\_\_\_\_22. It is a pre-writing activity that helps you show your understanding through pictures and images. A. Drawing B. Viewing \_\_\_\_\_23. This helps you to think freely and improve your skills in dealing with real-life problems. A. Brainstorming B. Listening ![](media/image2.png) \_\_\_\_\_24. Which of the following sentences tells what the story is all about? A. The story is about the geese that lay golden eggs. B. The story is about the ant and the grasshopper. \_\_\_\_\_25. Study the picture below and answer the questions that follow: Who is the author of the book? A. Flordeliza L. Geronimo B. Lynnor Bontigao \_\_\_\_\_26. What is the Title of the book? A. Jack and the Beanstalk B. Pido the Explorer \_\_\_\_\_27. What is the possible outcome of the picture shown below? ![](media/image4.png) A. He will get a high score in the test. B. He will retake the test. \_\_\_\_\_28. Which of the following statements tells what the story is all about? A. A boy playing with his pet. B. A boy and a girl playing with their pet. \_\_\_\_\_29. Maria is kind. What do you think will happen next? A. She will help her mother wash the dishes. B. She will watch her favorite drama series. \_\_\_\_\_30. Julie is good in singing. What will she do? A. She will volunteer to join the choir. B. She will join another group in the church. **REVIEWER** **[FILIPINO]** Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. \_\_\_\_\_\_1. Sira ang \_\_\_\_\_ kaya walang tubig na lumalabas dito. Anong salitang may klaster ang angkop na ilagay sa patlang? A. gripo B. grasa \_\_\_\_\_\_2. Patuloy ang pagtatapon ng mga tao ng basura kung saan-saan. Ano ang susunod na mangyayari? A. Magiging malinis ang paligid. B. Marami ang magkakasakit. \_\_\_\_\_\_3. Araw ng Lunes, maagang gumising si Lea. Inihanda niya ang kaniyang bag na naglalaman ng lapis, notebook, at mga aklat. Ano kaya ang gagawin niya? A. Pupunta siya sa palengke. B. Papasok siya sa paaralan. \_\_\_\_\_\_4. Nag-aral nang mabuti si Clara. Mataas ang nakuha niyang marka. Ano kaya ang maaaring susunod na mangyayari? A. Matutuwa ang kaniyang nanay. B. Malulungkot siya. \_\_\_\_\_\_5. Ano ang tawag sa unang letra ng salitang **aso**? A. patinig B. katinig \_\_\_\_\_\_6. Ano ang ibig sabihin ng kulay pula sa ilaw-trapiko? A. Maghanda sa paghinto ang sasakyan. B. Bawal tumawid. \_\_\_\_\_\_7. Dito makikita ang petsa kung kailan isinulat ang liham at tirahan ng sumulat ng liham. A. Pamuhatan B. Lagda \_\_\_\_\_\_8. Kumain ng maraming kendi si Lucas. Ano ang maaaring mangyari? A. Baka sasakit ang kaniyang ngipin. B. Baka magiging matibay ang kaniyang ngipin. Basahin ang tula: **Kumain ng Gulay** *ni Arceli Velasquez- Balmeo* Pagkain ng gulay ay hindi ko hilig. Tulad ng ampalayang pagkapait-pait. "Bakit ba Inay ako'y pinipilit?" Kapag tinikman ko ako'y namimilipit. Dapat anak, gulay ay iyong tikman, Upang paglaki mo ay iyong malaman. Gulay na ayaw mo sa hapag-kainan. Masustansiya pala, pero hindi mo alam." "Sige po Inay ko, gulay ay kakanin. Dapat lang na payo mo'y laging susundin. Gulay na masustansiya'y aking kakainin. Upang mapabuti kalusugan namin. \_\_\_\_\_\_9. Ano ang ideya ng tula? A. Ang pagkain ng gulay. B. Ang hindi pagkain ng gulay. \_\_\_\_\_\_10.Ano ang tamang reaksiyon sa tula tungkol sa pagkain ng gulay? A. Masustansiya ang pagkain ng gulay. B. Hindi dapat kumain ng gulay. \_\_\_\_\_\_11. Ano ang magiging dulot ng palaging pagkain ng gulay? A.Magiging malusog ang katawan. B.Manghihina ang katawan. \_\_\_\_\_\_12. Saan nagtatapos ang salitang **maasim**? A. patinig B. katinig Basahin ang kuwento: **Ang Batang Matulungin** *ni Arceli V. Balmeo* Matulunging bata si Mary Ann. Pagkagaling sa paaralan ay agad siyang nagpapalit ng uniporme. Inilalagay naman niya ito sa basket ng maruruming damit nila. Mayamaya ay tutulungan na niyang magluto ang kaniyang nanay. Tumutulong din siyang magwalis at maghugas ng pinggan. Sa umaga bago siya pumasok ay dinidiligan pa niya ang kanilang mga halaman. Sumunod na hapon, sa kaniyang pag-uwi ay may nakasabay siyang matandang babae na nakatungkod. Tila tatawid ito sa kabilang kanto. Pakiwari niya ay hirap na hirap ito sa paglakad. Kaya naman agad niya itong nilapitan at tinulungan. "Lola saan ka po pupunta?" tanong ni Mary Ann. "Sa kabilang kanto lang ineng," sagot ng matanda. "Sige po at isasabay ko na kayo. Doon din po ang daan ko". Inalalayan niya ito hanggang sa pareho na silang makatawid. "Maraming salamat sa iyo, nawa'y marami pang bata ang maging katulad mo," nakangiting wika ng matanda. \_\_\_\_\_\_13. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? A. ang matanda B. si Mary Ann \_\_\_\_\_\_14. Saan naganap ang kuwento tungkol kay Mary Ann? A. sa daan B. sa bahay \_\_\_\_\_\_15. Kailan naganap ang kuwento tungkol kay Mary Ann? A. Hapon B. Tanghali \_\_\_\_\_\_16. Ano ang naramdaman ng matanda nang tulungan siya ni Mary Ann? A. Masaya B. Malungkot \_\_\_\_\_\_17. Alin sa pangungusap ang salitang may diptonggo? A. paborito B. sisiw \_\_\_\_\_\_18. Kung isusulat ang salitang dahon sa paraang kabit-kabit, alin ang tama? ![](media/image6.png)A. B. dahoon \_\_\_\_\_\_19. Abala sa paglalaro si Miko. Hindi niya naalala ang pinababantayang ulam ng kaniyang nanay. Kinain ito ng pusa. Ano ang maaaring mangyari? A. Pagagalitan si Miko ng kaniyang nanay. B. Matutuwa ang kaniyang nanay. \_\_\_\_\_\_20. Saan makikita ang karatulang "Bawal pumitas ng bulaklak"? A. Sa parke B. Sa silid-aralan \_\_\_\_\_\_21. Masayang itinanim at inalagaan ng magkaibigan ang puno ng saging. Ano ang susunod na mangyayari? A. Lalaki at magkakaroon ng bunga ang halaman. B. Mamamatay ang halaman. \_\_\_\_\_\_22. Alin ang tamang pagsusulat sa paraang kabit-kabit ng salitang bata? A. bataa B. ![](media/image8.png) \_\_\_\_\_\_23.Ayon sa larawan sa itaas, ano ang unang dapat gawin sa pagtatanim ng halaman ? \_\_\_\_\_\_24. Pagkatapos gumawa ng maliit na hukay, ano ang susunod na gagawin? \_\_\_\_\_\_25. Ano ang dapat gawin upang lumaki ang halaman? \_\_\_\_\_\_26. Ano ang tamang gawin kung nais maging malusog? A. Kumain ng gulay. B. Kumain ng kendi. \_\_\_\_\_\_27. Ano ang ibig sabihin ng babalang ito? A. Bawal magkalat. B. Bawal pumitas. \_\_\_\_\_\_28. Ano ang tamang tuntunin sa pagsusulat ng kabit-kabit? A. Pagdikit-dikitin ang mga letra. B. Magsulat nang may tamang pagitan. \_\_\_\_\_\_29. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagtatapon ng basura? A. Magiging malinis ang paligid. B. Marami ang magkakasakit. \_\_\_\_\_\_30. Ano ang panapos na pagbati ng taong sumulat ng liham at nagtatapos sa kuwit? A. Bating Pangwakas B. Katawan ng Liham **REVIEWER** **[MATH]** **Panuto**: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. \_\_\_\_\_\_\_1. Aling subtraction sentence ang tama ayon sa ipinakikita ng ilustrasyon sa ibaba ? ![](media/image10.png) a. b. \_\_\_\_\_\_2. 340-21=\_\_\_\_\_\_\_ A. \_\_\_\_\_\_3. Ano ang difference ng 520-320 ? A. ![](media/image12.png)\_\_\_\_\_\_4. Ibigay ang difference ng ilustrasyon sa ibaba. A. 26 B. 29 \_\_\_\_\_\_5. Kung ang 7 ay ibabawas sa 137, ano ang sagot ? A. \_\_\_\_\_\_6. Ano ang difference kapag ang 655 ay binawasan ng 30? A. \_\_\_\_\_\_7. Ang difference ng 46-4 ay \_\_\_\_\_? A. Basahing mabuti ang suliranin at Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot Malapit na ang araw ng Pasko kaya naman bumili si Nikko ng sapatos na nagkakahalagang ₱ 225. Binigyan niya ang tindera ng ₱ 500. Ilan ang natira sa kaniyang pera? \_\_\_\_\_8. Ano ang itinatanong sa suliranin ? A. B. Ang halaga ng sapatos na binili. C. Ang halaga ng perang natira kay Nikko. \_\_\_\_\_9. Ano-ano ang mga datos na ibinigay sa suliranin ? A. a. b. \_\_\_\_\_10. Ano ang operasyon na dapat gamitin upang malutas ang suliranin ? A. a. b. \_\_\_\_\_11. Ano ang sagot sa suliranin ? A. \_\_\_\_\_12. Ano ang sagot sa 10+15-5 ? A. \_\_\_\_\_13. Ano ang sagot sa 20-12+50 ? A. \_\_\_\_\_14. 32+ 5-6 =\_\_\_\_\_ A. \_\_\_\_\_15. 68-10+ 80=\_\_\_\_ A. Basahing mabuti ang word problem at Sagutin ang mga tanong pagkatapos. May sampung bilaong biko ang inihanda ng iyong nanay noong pasko. Nagdala rin ang inyong kamag-anak ng dalawang bilaong biko. Ibinigay ng iyong nanay ang apat na bilaong biko sa inyong kapit-bahay. Ilan lahat ang natira ? \_\_\_\_\_\_16. Ano ang itinatanong sa suliranin ? A. a. b. \_\_\_\_\_17. Ano- ano ang mga impormasyon na ibinigay sa word problem ? A. a. b. \_\_\_\_\_18. Anong operasyon ang gagamitin ? A. a. b. \_\_\_\_\_19. Ilan ang bilang ng biko na natira ? A. \_\_\_\_\_20. Alin sa mga sumusunod na repeated addition ang sagot sa multiplication sentence na 3 X 8 ? A. \_\_\_\_\_21. Ano ang tamang multiplication expression sa array na ito ? A. \_\_\_\_\_22. Ano ang magiging multiplication equation ng apat na multiples ng 6? A. ![](media/image14.png)\_\_\_\_\_23. Anong multiplication equation ang ipinakikita ng number line sa ibaba? A. \_\_\_\_\_24. Anong property of multiplication ang ipinakikita sa ibaba ? **7 X 0=0 0+0+0+0+0+0+0=0** a. b. \_\_\_\_\_25. Anong property of multiplication ang ipinakikita sa ibaba? **6X 1=6 1+1+1+1+1+1=6** A. a. b. \_\_\_\_\_26. Sa 10 X 3= 30 at 3 X 10=30, anong property of multiplication ang ipinakikita ? A. a. b. \_\_\_\_\_27. Ang binaligtad na multiplication equation ng 5 x 6 = 30 ay 6 x 5 = 30. Ang pahayag na ito ay \_\_\_\_\_\_. A. \_\_\_\_\_28. Ano ang product ng 5 X 4? A. \_\_\_\_\_29. Sa pamamagitan ng counting of multiples, ano ang product ng 6X 5? **6, 12, 18,24,30** A. 24 B. 30 \_\_\_\_\_30. 8X 3=\_\_\_\_\_ A. **REVIEWER** **[ARALING PANLIPUNAN (AP)]** Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. \_\_\_\_\_\_1. Alin sa mga sumusunod ang tama ? A.Pare-pareho ang pinagmulan ng bawat komunidad. B.Magkakaiba ang pinagmulan ng komunidad. \_\_\_\_\_\_2. Paano tayo makakukuha ng kaalaman tungkol sa pinagmulan ng komunidad ? A.Pakikinig sa kuwento ng mga nakatatanda. B.Maglalaro ng mga computer games. \_\_\_\_\_\_3. Saan nagmula ang pangalan ng mga komunidad ? A.puno B. halaman C. hayop D. lahat ng nabanggit \_\_\_\_\_\_4. Dapat na \_\_\_\_\_\_\_\_ ang kasaysayan o pinagmulan ng komunidad. A.ikahiya B. pahalagahan \_\_\_\_\_\_5. Noon, bangka ang ginagamit ng mga tao na sasakyang pantubig. Ngayon, gumagamit na ng \_\_\_\_\_\_\_\_.. A.barko B. eroplano \_\_\_\_\_\_6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sinusuot ng mga tao noon ? A.baro at saya B. blusa at pantalon \_\_\_\_\_7. Sino ang namumuno noon sa barangay ? A.presidente B. datu \_\_\_\_\_8. Ang mga sumusunod ay libangan noon maliban sa isa. A.piko B. sipa C. Minecraft \_\_\_\_\_9. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng komunidad sa ngayon ? A.Baro't saya at barong tagalog ang kasuotan ng mga tao. B.Gumagamit ang mga tao ng telebisyon at iba pang kagamitang de-kuryente. C.Mga hayop ang ginagamit ng mga tao sa paglalakbay. \_\_\_\_\_10. Ito ay itinatayo kung may isang mahalagang tao o pangyayari ang naganap sa komunidad. A.istraktura B. bantayog \_\_\_\_\_11. Binubuo ito ng mga gusali, simbahan, mosque,bahay o tulay na nagpapakita kung paano nabuhay ang mga tao noon. A.bantayog B.. istraktura \_\_\_\_\_12. Ang mga bantayog at istruktura ay bahagi ng \_\_\_\_\_\_\_\_ ng komunidad. A.kalungkutan B. kasaysayan \_\_\_\_\_13. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng bantayog ? A.Monumento ni Jose Rizal B.Mosque ng mga Muslim \_\_\_\_\_14. Ano ang hanapbuhay ng mga taong nakatira malapit sa ilog ? A.pagsasaka B. pangingisda \_\_\_\_\_15. Ang mga taong nakatira naman sa kapatagan ay \_\_\_\_\_\_\_\_ ang hanapbuhay. A.pangingisda B. pagsasaka \_\_\_\_\_16. Anong produkto ang gawa sa itlog ? A.damit B. balut \_\_\_\_\_17. Alin sa mga sumusunod na kaugalian o pagdiriwang ang inilalarawan ? *Ang mga tao ay naghahanda, nag-iingay, at nagpapaputok pagsapit ng ika-12 ng hatinggabi.* A. Bagong Taon B Mahal na Araw \_\_\_\_\_18. Magkakaiba ang mga kaugalian ng bawat komunidad kaya naman ang mga ito ay dapat na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A.pagtawanan B. igalang \_\_\_\_\_19. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong sa pagsulong ng komunidad ? A.Pagtatanim ng puno. B.Pagtatapon ng basura kung saan-saan. C.Paninira sa kapwa. \_\_\_\_\_20. Ang mga produktong gawa sa komunidad ay dapat nating \_\_\_\_\_\_\_. A.ikahiya B. ipagmalaki \_\_\_\_\_21. Ano ang dapat gawin ng mga tao upang maisulong ang natatanging pagkakakilanlan ng komunidad ? A.mag-inggitan B.mag-away away C.magtulungan \_\_\_\_\_22. Ano ang magiging dulot ng hindi paggamit ng dinamita sa pangingisda ? A. Mapapangalagaan ang yamang tubig. B. Mapapangalagaan ang yamang lupa. \_\_\_\_\_23. Magiging maunlad ang komunidad kung ang mga tao ay \_\_\_\_\_\_ sa mga proyekto nito. A.manggugulo B.makikiisa \_\_\_\_\_24. Alin ang hindi makatutulong sa pagsulong ng komunidad ? A.Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo. B.Paggawa ng poster tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. C.Pagtatanim ng puno at paglilinis. D.Pagsira sa mga mahahalagang bagay sa komunidad. \_\_\_\_\_25. May paligsahan tungkol sa pagsasayaw ng katutubong sayaw sa inyong komunidad, ano ang gagawin mo ? A.Magtatago sa bahay. B.Sasali sa paligsahan upang maipagmalaki ang katutubong sayaw. \_\_\_\_\_\_26. Napansin mo na tuwing umaga ay itinatapon ng inyong kapitbahay ang basura sa tabi ng kalsada. Ano ang gagawin mo ? A.Magkukunwari na walang nakita. B.Pagsasabihan sila na masama ito sa kalusugan. \_\_\_\_\_27. Ang Malabon ay kilala sa kanilang Pansit Malabon. Anong katangiang kultural ang tinutukoy dito ? A.pagkain B. pagdiriwang \_\_\_\_\_28. Matatagpuan sa Bohol ang Tsokolateng Burol (Chocolate Hills). Ang katangiang kultural na tinutukoy ay \_\_\_\_\_\_. A. \_\_\_\_29. Ang Dinamulag Mango Festival ng Zambales ay kilala sa pagdiriwang ng masaganang ani ng matamis na mangga sa probinsya. Anong katangiang kultural ito? A. pagdiriwang B. kasuotan \_\_\_\_30. Ano ang dapat nating gawin upang mapanatili ang anyong tubig at anyong lupa ng komunidad ? A.Tapunan ito ng basura. B.Sumunod sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan. **REVIEWER** **[EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP)]** Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. \_\_\_\_\_\_1. Ito ay ang pagpapakita ng pagmamahal, pagtitiwala, at mabuting pakikitungo sa kapuwa, kamag-anak, bagong kakilala, at kapit-bahay. A.Pagiging palaaway B.Pagiging magiliwin \_\_\_\_\_2. Naglalaro kayo ng iyong kaibigan ng bigla siyang nadapa. Ano ang gagawin mo ? A.Tatawagin ko ang iba upang siya ay tulungan. B.Tutulungan ko siya. \_\_\_\_\_3. Dumating ang kamag-anak mo galing sa Maynila. Ano ang pinakainam mong gawin ? A..Pabalikin sila sa Maynila. B.Patuluyin sa inyong bahay nang maayos at asikasuhin. \_\_\_\_\_4. Tinulungan ka ng iyong kaibigan sa ipapasa mong Gawain sa paaralan. Ano ang dapat mong gawin ? A.Pauwiin siya sa kanilang bahay. B.Pasalamatan siya. \_\_\_\_\_5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging magiliwin sa kapuwa ? A.Pinagsisigawan ni John ang kaniyang mga kalaro. B..Binigyan ni Jun ang kanilang kapit-bahay ng handa noong Pasko. \_\_\_\_\_6. Nakikipanood ang iyong kalaro sa inyong bahay ng paborito niyang palabas sa telebisyon. Ano ang gagawin mo ? A..Sasabihin na bumili sila ng sariling telebisyon. B.Papapasukin siya sa loob ng bahay upang manood. \_\_\_\_\_7. Narinig mo na kinukutya ang isang batang katutubo ng iyong mga kamag-aral, ano ang mainam mong gawin ? A..Pagtatawanan ang ginagawa ng mga kaklase. B.Pagsasabihan ang mga kaklase na mali ang kanilang ginagawa. \_\_\_\_\_8. Napansin mo na hindi nagpapalit ng damit ang iyong kaklase dahil kakaunti ang kaniyang mga damit. Ano ang mainam mong gawin ? A.Lalayuan ko siya. B.Bibigyan siya ng mga damit at gamit na hindi ko na ginagamit. \_\_\_\_\_9. Kung may makakasalubong kang pilay na bata sa iyong paglalakad at nakita mo na siya ay nahihirapan, ano ang gagawin mo ? A. Pagtatawanan siya. B.Aalalayan siya sa paglalakad. \_\_\_\_\_10. Ang pagtulong sa kapuwa lalo na sa mga nangangailangan ay isang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ na gawain. A.masama B. mabuti \_\_\_\_\_11. Hindi sinasadyang naapakan mo ang paa ng iyong guro. Ano ang sasabihin mo ? A.Maraming salamat po! B.Paumanhin po. \_\_\_\_\_12. Pinahiram ka ng iyong kaklase ng lapis. Anong magalang na pananalita ang tamang gamitin ? A.Makikiraan. B.Salamat. \_\_\_\_\_13. Nag-uusap ang iyong tita at nanay sa pintuan. Gusto mong lumabas upang maglaro. Ano ang sasabihin mo ? A.Pakiabot po. B.Makikiraan po. \_\_\_\_\_14. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa kapuwa lalo na sa mga matatanda ? A.masasakit na salita. B.magagalang na pananalita. \_\_\_\_\_15. May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo ? A.Umalis kayo. B.Tuloy po kayo. \_\_\_\_\_16. Gusto mong ipaabot ang libro sa iyong kaklase. Ano ang dapat mong sabihin? A.Pakihagis ng libro. B. Pakiabot po ng libro. \_\_\_\_\_17. Binigyan ka ng regalo ng iyong ate. Ano ang sasabihin mo sa kaniya? A.Maraming salamat. B.Dapat lang na may regalo ka. \_\_\_\_\_18. Nagpapaturo sa iyo ang iyong kaklase sa pagbabasa. Ano ang gagawin mo ? A.Tuturuan siyang magbasa. B.Pagtatawanan ko siya. \_\_\_\_\_19. Inanod ang mga gamit ng inyong kapit-bahay noong nakaraang baha. Ano ang mainam mong gawin ? A.Sabihin na bumili na lang sila ng bago. B..Bigyan sila ng mga gamit at pagkain bilang tulong. \_\_\_\_\_20. Ano ang tawag sa kakayahan tulad ng pag-awit o pagpipinta na maaari nating ibahagi sa iba ? A. \_\_\_\_\_21. Ano ang dapat nating gawin sa mga kakayahan na mayroon tayo ? A.Gamitin ito sa masama. B.Ibahagi sa kapuwa. \_\_\_\_\_22. Pauwi ka na galing sa palengke ng makita mo ang iyong tiya na maraming pinamili, ano ang gagawin mo ? A.Hihingi ako sa kaniya ng pera. B. Tutulungan ko siyang magbitbit ng pinamili. \_\_\_\_23. Pauwi ka galing sa paaralan ng makita mong nalaglag ang pitaka ng isang ale. Ano ang gagawin mo ? A.Tatawagin ko siya at ibabalik ang pitaka. B.Ibibili ko ng pagkain ang lamang pera ng pitaka. \_\_\_\_\_24. Anong katangian ang ipinakikita sa pagtulong sa kapuwa sa panahon ng pangangailangan ? A.pagiging masipag B.pagiging matulungin \_\_\_\_\_25. Pagod na pagod ang inyong dyanitor sa paglilinis ng bakuran ng inyong paaralan. Nakita mo na nagtapon ng basura kung saan-saan ang iyong mga kaklase, ano ang gagawin mo ? A.Gagayahin sila. B.Pagsasabihan sila. \_\_\_\_\_26. Papasok ka sa paaralan ng hindi sinasadyang nabangga mo ang iyong guro. Nalaglag ang mga dala niyang gamit. Ano ang dapat mong gawin ? A.Tumakbo sa silid-aralan. B. Tulungan ang guro na pulutin ang mga gamit. \_\_\_\_\_27. Naglagay ang inyong kapitan ng mga babala tungkol sa maling pagtatapon ng basura, ano ang gagawin mo ? A.Sirain ang mga ito. B.Sundin ito. \_\_\_\_\_28. Nakasakay kayo sa bus ng iyong nanay. Sumakay ang isang matanda at wala siyang maupuan. Ano ang gagawin mo ? A.Ibibigay ang iyong upuan sa kaniya. B.Magkukunwaring tulog. \_\_\_\_\_29. Ano ang dapat mong gawin habang nagtuturo ang iyong guro? A.Makinig nang mabuti. B.Makipagkuwentuhan sa kaklase. \_\_\_\_\_30. Ang mga kasapi ng paaralan at pamayanan ay dapat nating \_\_\_\_\_\_. A.awayin B. igalang **REVIEWER** **[MUSIC, ARTS, PHYSICAL EDUCATION, HEALTH (MAPEH)]** Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. **MUSIC** \_\_\_\_\_1. Alin sa mga sumusunod na tono ang mas mataas sa fa ? A.. do B. so \_\_\_\_\_2. Alin ang nagbibigay ng mababang tunog ? A. ambulansiya B. tambol \_\_\_\_\_3. Alin sa mga sumusunod na instrumento ang nagbibigay ng mataas na pitch ? A.tambol B. triangle \_\_\_\_\_4. Kumpletuhin ang awit. Dala-dala'y buslo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A.Sisidlan ng bunga. B.Pagdating sa dulo. \_\_\_\_\_5. Ang mga guhit na nasa ibabaw ng mga nota ay tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_. A. \_\_\_\_\_6. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit upang magsilbing palatandaan ng pag-uulit ng isang bahagi sa awitin o tugtugin? A.Musical note B.Repeat mark \_\_\_\_\_7. Sa awit na "Ako ay Maliit na Pitsel", alin ang magkapareho ang linya ng tunog ? A.Linya 1 at Linya 2 B.Linya 1 at Linya 3 C.Linya 2 at Linya 3 D.Linya 3 at Linya 4 **ART** \_\_\_\_\_8. Ito ay hayop na may itim, makapal, at makintab na balat. A.tupa B. kalabaw \_\_\_\_\_9. Ang balat nito ay kulay puti, makapal, at may disenyong pasalit-salit. A.hipon B.. tupa \_\_\_\_\_10. Alin sa mga sumusunod na hayop ang nakatira sa gubat ? A. ahas B. isda \_\_\_\_\_11. Ang mga sumusunod na hayop ay nakatira sa dagat maliban sa \_\_\_\_\_\_. A.paniki B. alimango C. isda D. pagong \_\_\_\_\_12. Alin ang naglalarawan ng kulay ng mga isda sa dagat ? A.iba-iba ang kulay B.walang kulay \_\_\_\_\_13. Ano ang nalilikha sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at pagpaparayos-rayos ng mga linya at hugis sa isang sining? A.contrast B.ritmo \_\_\_\_\_14. Kailan masasabi na ang hugis ay may ritmo sa isang likhang sining? A.Kung isang hugis lamang ang makikita B. Kung ito ay may nauulit na iba't ibang hugis **PHYSICAL EDUCATION** \_\_\_\_\_15. Ang paggalaw ayon sa lokasyon ay maaaring sa tabi, sa harap, sa ilalim, at sa \_\_\_\_\_\_\_. A.Itaas B. paharap \_\_\_\_\_16. Alin ang hindi kabilang sa paggalaw ayon sa direksiyon ? A.Pakanan B.Pakaliwa C.Pakurba \_\_\_\_\_17. Ito ay ang paggalaw na humahati sa bahagi ng katawan sa harapan at likuran. A.Horizontal B.Frontal \_\_\_\_\_18. Ang galaw sa Pathways ay maaaring tuwid ,pakurba ,at \_\_\_\_\_\_\_. A.pazigzag B. pakaliwa \_\_\_\_\_19. Ang mga sumusunod ay paggalaw sa lebel maliban sa\_\_\_\_\_\_. A.mababa B. katamtaman C. mataas \_\_\_\_\_20. Ang paggalaw sa planes ay maaaring vertical, diagonal, horizontal, at \_\_\_\_\_. A. central B. rotational \_\_\_\_\_21. Alin ang ipinakikita ng larawan sa ibaba ? ![](media/image16.png) A.Paglakad sa tuwid na linya. B.Paglakad sa pazigzag na linya. \_\_\_\_\_22. Sa pagtayo, ang leeg at ulo ay \_\_\_\_\_ ang ayos. A.nakatungo B.. tuwid **HEALTH** \_\_\_\_\_23. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit upang makita ang ganda ng paligid ? A.ilong B. mata C. tainga D. bibig \_\_\_\_\_24. Alin ang nagpapakita ng tamang pangangalaga ng tainga ? A.Palaging pumupunta sa maingay na lugar. B.Tinutusok ng lapis ang tainga. CPumupunta sa tahimik na lugar upang magbasa. \_\_\_\_\_25. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi inalagaan ang ilong ? A.Magiging malusog ang ilong. B.Lalaki ang ilong. C.Magkakaroon ng impeksiyon ang ilong. \_\_\_\_\_26. Ano ang gamit ng ating balat ? A.upang makakita B.upang makaamoy C.upang makarinig D.upang makadama \_\_\_\_\_27. Kailan dapat magsepilyo ng ngipin ? A.Isang beses sa isang araw. B.Isang beses sa isang buwan. C.Kapag sumakit ang ngipin. D.Palagi at pagkatapos kumain \_\_\_\_\_28. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pangangalaga sa sarili ? A.Hindi nagsusuot ng tsinelas kapag lumalabas ng bahay. B.Pinahahaba ang kuko. C.Kinukusot ang mata ng kamay. D.Nagbabasa sa maliwanag na lugar. 29-30. Isulat kung **tama o mali.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_29. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_30. Maglinis ng tainga gamit ang cotton buds.