Mga Mungkahing Estratehiya sa Pagtuturo Tungkol sa Pelikula PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral tungkol sa mga mungkahing estratehiya para sa pagtuturo hinggil sa pelikula. Tinatalakay dito ang kasaysayan at mga elemento ng paggawa ng pelikula. Iba't ibang detalye ng pelikula ang tinalakay, kabilang na ang mga artista, direktor, at produksiyon nito. Ang mga detalye ay may kinalaman sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga pelikula. Ito ay angkop para sa mga mag-aaral sa antas ng sekundarya kung ang layunin ay pag-unlad sa paksa.

Full Transcript

MUNGKAHING ESTRATEHIYA a Lektyur b. Pagbubuod ng impormasyon/datos c. Pangkatang talakayan d. Panonood at pagsusuri ng pelikula e. Pakikinig sa soundtrack ng pelikula f. Pagdalumat at talakayan g. think, pair and share h. Pag uulat i. bagyuhan ng utak j. larong pangwika PAGTALAKAY SA NILALAMAN A. KA...

MUNGKAHING ESTRATEHIYA a Lektyur b. Pagbubuod ng impormasyon/datos c. Pangkatang talakayan d. Panonood at pagsusuri ng pelikula e. Pakikinig sa soundtrack ng pelikula f. Pagdalumat at talakayan g. think, pair and share h. Pag uulat i. bagyuhan ng utak j. larong pangwika PAGTALAKAY SA NILALAMAN A. KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PELIKULA Pelikula - ito ay serye ng mga gumagalaw na larawang ipinapanood sa sinehan na may mabilis na pagkakasunod-sunod. Ang mga larawan ay pinakikita, o itinatanghal (projected) sa parehong bilis, 24 mga larawan sa loob lamang ng isang segundo. Ang istorya na sumasalamin sa mga "arawan" ay tinatawag na sine, pelikula, o cinema. Ang pelikula ay kilala sa kanyang katawagan bilang sine at pinilakang tabing. Isang larangan ito na sinasaklaw ang mga larawang gumagalaw bilang isang anyo ng sining o bilang bahaging industriya ng libangan at negosyo. Ang panonood ng pelikula ay isang pambansang libangan (natural pastime) dahil sa atraksyon ng manonood sa mga artista. Ito ang isang batayan kung bakit ang pelikula ay pinanonood. Bukod dito ay ang genra ng pelikula na kinapapalooban ng kuwento, make-up, costume, disenyong produksyon, akting at iba pa. Idinagdag pa ni Tolentino, 2000 na may ipinapaasa ang lumikha ng pelikula sa manonood - tried and tested na formula, pagtuhog ng personal at propesyonal na buhay ng artista, kontrobersya at iba pa. Ang pelikula sa kanyang pinakatampok na gampanin at kahalagahan ay isang midyum ng sining at libangan na pinanonood ng publiko. Ang pelikula ay punoprodyus sa lahat ng mga bansa. B. KALIGIRAN NG PELIKULA Mula pa sa simula ang pelikula ay ipinalalagay na may dyornalistik na gampanin. Ang kauna- unahang "newsreels" ay kauna-unahang ipinisinta sa Pransya bilang regular na tampok ni Charles Pathe noong 1909. Simula noon, ang pelikula ay naging mahalagang midyum ng propaganda sa mga ib't ibang bansa lalo sa panahon ng digmaan. Gayundin ang mga manonood ay may aktibong antas ng paglikha ng sistema ng kahulugan sa produksyon ng teksto. Ang manonood ay hindi na isang masa na isang pinanggagalingan at pinatutunguhan. Taong 1889 nang naimbento ni Thomas Edison at George Eastman; habang ang cinematograph, o ang camera o projector na ginagamit sa paggawa ng pelikula ay natuklasan lamang sa taong 1895. Ang mga "Silent Movie" ang unang naipalabas at ito ay may tagal lamang na limang (5) minuto. Ang mga ito ay karaniwang mga rekord ng aktwal na pangyayari katulad ng pangangampanya sa pampangulong eleksiyon ni William McKinley. Si Georges Melies, isang mahikerong Pranses ay natuklasan kung paanong maglapat o gawin ang trik sa pagkuha ng larawan o "trick photograph". Ang Amerikanong si Edwin S. Porter, sa kanyang pelikulang "The Great Train Robbery" taong 1903 ay gumamit ng "close-up" o malapitan at ang malayuang pagkuha upang mabuo ang mga eksena. Ang dalawang naunang pagtuklas at pagbuo ng pelikula ang naging simula ng lahat ng mga teknik. Sa mga taong 1914- 1918, ang industriya ng pelikulang Amerikano ay mabilis na nakilala sa Hollywood, California kung saan mayroong malakas at malina na liwanag na nagpapaganda sa pagkuha ng larawan. Si Mack Sennett, isans komedyante ay gumawa ng mga maikling pelikulang katatawanan na ginamitan ng mga camera tricks. Si Charlie Chaplin ay nagsimula kay Sennett, kinalaunan ay gumawa ng kanyang mga sariling pelikula, at nakilala sa buong mundo. Ito ay simula ng higit na mas mahabang pelikula na naipalabas sa mga sinehan. Ang ga naunang "silent movie" ay pinalalabas sa sinehan na mayroong saliv ng musikang piyanist okaya ay may tumutugtog ng organ. Ang malalaking sinehan ay gumgamit ng orchestra. Ang mga dayalogo ay ipinakikita sa pamamagitan ng "subtitles." Ang mga salita ay naka encode sa ilalim ng larawan. Ang unang pelikula na may tunog ay ang "The Jazz Singer" ni Al Jolson, ng Warner brothers na ipinalabas noong 1927. Sa pagsisimula ng taong 1947 ang pelikula ay nakikipagkumpetensiya sa telebisyon. Upang mahigitan ito, ang pelikulang may kulay o "collored motion picture" ay ginawa upang maka humaling ng manonood. Ang pelikulang Cinerama ang kauna-unahan na gumamit nito noong 1952. Tatlong malalaking "screen" ang pinagsama-sama sa tatlong magkakahiwalay. na istrip ay na I - project. Dahilan sa lubhang may kamahalan, ang payak na "cinemascope" ay ipinakilala. Kinalaunan ay nasundan ito ng katulad na sistema na TODD- AO, vista-vision at technirama. Ang atraksyon sa mga manonoood upang tangkilikin ang inihahaing uri ng pelikula ay naghuhudyat ng karisma na dulot ng mga taong may kinalaman dito. Ang mga sumusunod ay may malaking gampanin sa ikapagtatagumpay ng pelikula. 1. ARTISTA - malaking salik ang mga aktor na gumaganap ng mahahalagang karakter sa pelikula. Ang kanyang imahe sa industriya ay nagpapatingkad upang siya ay tangkilikin sa kanyang papel o karakter bilang bida o kaya ay kontrabida sa isang pelikula. Nagagawang pakilusin, hikayatin o impluwensiyahan ng kahusayan ng artista ang mga manonood upang ang mga ito ay mapatawa, mapaiyak, mainis, mapagalit o makumbinsi kaya. Ang mga diyalogong binibitawan ng mga artista ay tumatatak sa manonood. Hudyat ito ng kabisaan kung paanong natumbook ang sensibilidad ng manonood sa pelikula. 2. PRODYUSER - Siya ang may pangkalahatang may kontrol sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa produksyon ng pelikula. Nagsisilbi siyang tagapamagitan sa financer at sa direktor ng pelikula. 3. DIREKTOR - Siya ang gumagawa, ang nagdidirihe ng pelikula. kinukunan niya ang mga eksena at pinamamahalaan ang lahat ng mga artista, cameramen at ang mga trabaho sa lahat ng departamento. 4. MGA TAOSA PRODUKSYON-Ang "production designer" ang nangangasiwa sa "art department." Ang "sets" ay idinidisenyo ng "art department". Tumutukoy ang "sets" sa lahat ng itinayo o ipininta na magpiprisinta sa bawat paggagganapan ng eksena. Maaaring mga kuwarto, mga kagamitan o maging ang buong kalye na dapat na ayusin. Ang parehong eksena ay maaaring i-shoot ng ilang beses hanggang ang direktor ay masiyahan sa naging pagganap ng kanyang mga artista. Matapos ang buong araw, ang "laboratories" ay maglalabas ng mga unang prints mula sa mga negatibo. Ang mga na develop na prints ay kailangang magdaan sa mapanuring mga mata ng direktor at cameraman at kailangang may pagsang-ayon o pag-aprubang direktor at ng cameraman. Maaaring i-edit, putulin, i-ayos ang mga prints sa lalong ikagaganda ng film. Paunti-unti ang mga bahagi ng film ay ilalapat nang sama-sama ayon sa pagkakasunod-sunod ng iskrip. Ang "sound track" ay kailangang idadgdag, pati ang "background music" katulad ng sa lagay ng trapiko at iba pang tunog at ingay na kinakailangan. Hindi tulad sa pagtatanghal sa teatro, ang pagkuha o pag take sa eksena ay hindi kinakailangan ang pagkakasunod-sunod sa iskrip. Ang lahat ng eksena sa partikular na set ay kinukuhanan bago lumipat o magbago ng set. Halimbawa, nito, ang mga eksena ay maaring magsimula at magtapos sa set na ang ipiniprisinta ay ang loob ng bahay. Kukuhanan muna ang lahat ng eksena sa simula at katapusan, sa magkaparehong set at saka pa lamang isusunod ang mga eksena sa mga pagitan nitc. Ang mga eksena sa labas o "exterior scenes" ay kinukuhanan sa mga lokasyon. Gagamitin din ang "set" na iniayos sa labas ng studio. Maraming mga eksena ay ginagawang higit na masining na ginagamitan ng "Special Effects". Mayroong departamento na mangangasiwa nito. Halimbawa. Maaaring mga eksena ng barko sa karagatan. Sa pamamagitan ng paggamit ng modelo o artipisyal na lawa ng tubigan o "pond" ay naipakikita ng tila totoo ang eksena ay kinunan sa karagatan. Ang manunulat at ang mga aktor ay kailangang may teknik upang makabuo ng magandang pelikula. Ang "scriptwriter" ay naglalarawan sa isip na kung paanong isasakilos ng tauhan ang hinihinging aksyon sa eksena. Ang mga maliliit na eksena, mga pagkilos ng aktor katulad ng kung paano bubuksan ang pinto, hahawak sa cellphone, pagngiti, pagtaas ng kilay ay kasinghalaga din ng mga dayalogo na bibitawan o sasalitain. Ang aktor ay karaniwang kinukuhanan ng "close-up" kung kaya kinakailangang paghusayin at gawing makatotohanan. Ang Sinematograpiya ay isang elemento sa paggawa ng pelikula. Ang pokus ng elementong ito sa paggawa ng isang pelikula ay upang magbigay ng tunay na pakinabang sa mga karanasang batid ng mata. Sining ng Sinematograpiya Sa Sinematograpiya, may mga mahahalagang bagay ang pinagbibiyang tuon: 1. Pag-iilaw 2. Paggalaw ng Kamera 3. Posisyon ng Kamera Eye Level Ginagamit ito sa karaniwang pag-uusap ng mga tauhan sa eksena. High Angle Ang kuhang ito ay mataas sa karaniwan, ang kamera ay nakatungo sa kinukunan. C. MGA SIKAT NA DIREKTOR AT ANG KANILANG MGA SINING Hindi matatawaran ang mahalagang kontribusyon ng mga kinikilalang direktor ng mga pelikula sa Pilipinas. Nagbigay karangalan sila upang ang pelikulang Pilipino ay tangkilikin. Jose Nepumoceno Siya ang "Ama ng Pelikulang Filipino". Sapagkat siya ang kauna-unahang prodyuserng mga pelikulang Tagalog. Siya ang prodyuser, direktor, sinematograper, at manunulat ng kauna-unahang pelikulang Pilipino na may ganap na haba, ang "Dalagang Bukid," na kauna-unahan ding silent film sa bansa at ipinalabas noong 1919. Batay ang pelikula sa sarsuwelang may gayunding pamagat nina hermogenes Ilagan at Leon Ignacio. Ang dalawa pa sa mahahalagang pelikulang ginawa ni Nepomuceno, na may pamagat na Ang Tatlong Hambog (1926), na nagpalabas ang kauna-unahang halikan sa pinilakang tabing; at Ang Punyal na Ginto (1933), ang unang Tagalog na talkie o pelikulang nilapatan o may kasamang tunog. Bukod sa paggawa ng pelikula, si Nepomuceno rin ang nakatuklas at nagsanay sa maraming artista, direktor, at teknisyan sa nagsisimulang industriya ng pelikulang Pilipino. Isinilang siya noong 15 Mayo 1893 sa Quiapo, Maynila, nag-aral sa San Beda College at nagtapos ng Painting at Electrical Engineer. Naging retratista muna siya sa sariling aral at sikap at binuksan niya ang isa sa mga tanyag na estudyo noon, ang Electro-Photo Studio Parhelio. Siya rin ang unang retratistang Filipino ng kumuha ng retrato sa gabi. Sinimulan ni Nepomuceno ang kaniyang karera sa pelikula noong 1917. Noong 1940, siya ang kauna-unahang prodyuser ng mga komersiyal para sa sine. Pagkatapos ng ilang dekada ng pangunguna sa industriya, naglakbay siya pa-Estados Unidos upang pag-aralan ang color film, ngunit inatake sa puso at isinakay sa barkong ospital. Pumanaw siya noong 1 Disyembre 1959 bago naipamahagi sa Filipinas ang mga napulot na kaalaman. Ishmael Bernal Kilala siya sa paggawa ng mga pelikulang melodrama na pumapaksa sa mga isyung pangkababaihan at awtoridad. Ang kanyang pelikula na himala ay pinagbibidahan ni Nora Aunor noong 1982 ay isa sa mga pelikulang Pilipino. Siya din ang nagdirehe ng mga sumusunod na pelikula, Pagdating s Dulo, Pableng, Working Girls I at II. Itinuturing siya na isa sa pinakamahusay na direktor ng pelikula at ng telebisyon. Siya ay isa ding actor at scriptwriter. Si Ishmaél Bernál ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula noong 2001. Isa siyáng direktor sa pelikula at itinuturing na pangunahing haligi ng tinaguriang Ikawalang Gintong Panahon ng pelikulang Filipino. Isa siyá sa nagpaunlad at nagtaas ng kalidad ng pelikula sa pamamagitan ng paglihis sa nakagawiang pamamaraan at nilalaman sa paglikha ng pelikula. Mga mohon sa larang ng paglikha ng pelikula sa bansa ang mga obra niyang Pagdating sa Dulo (1971), Nunal sa Tubig (1976), Manila By Night (inilabas na City After Dark, 1980), Himala (1981) at Hinugot sa Langit (1985). Ilan pang mahahalagang hiyas sa mahigit sa 50 pelikulang nagawa ni Bernal ay ang sumusunod: mga tumatalakay sa kasaysayan na El Vibora (1972) at Lahing Filipino (1976); mga may temang nagpapalawig sa iba't ibang uri ng kara-kterng indibiwal at pakikipagrelasyon; Pabling (1981), Ligaw na Bulaklak (1976), Working Girls I (1984), Till Death Do Us Part (1972), Walang Katapusang Tag-Araw (1977); Galawgaw (1982), Ito Ba ang Ating Mga Anak (1982); eksperimental na pelikula, ang Scotch on the Rocks to Remember, Black Coffee to Forget (1975). Ang peliku- lang Wating (1994) ang pinakahuling obra ni Bernal. Bukod sa paggawa ng pelikula ay nasangkot din siyá sa dulaan. Gumanap siyá sa mga dulang Kamatayan sa Anyo ng Isang Rosas (1991) at Bacchae (1992). Nagbigay rin siyá ng mga palihang panteatro at nagdirihe ng mga dula para sa Sining, isang pederasyon ng mga grupong panteatro ng mga kabataan sa komunidad. Kinilala siyá ng Urian bilang Pinakamahusay na Direktor sa mga pelikulang Dalawang Pugad, Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985); at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Kinilala rin siyá bilang manunulat nang igawad sa kaniya ang Pinakamahusay na Iskrip para sa City After Dark (1980). Ginawaran din siyá ng FAMAS, Catholic Mass Media Awards (CMMA), at Metro Manila Film Festival. Lino O. Brocka Isa sa mga pinakamahusay na direktor ng Pelikulang Tagalog. Ang kanyang mga pelikula ay pumapaksa sa mga tema na iniiwasan sa lipunan. Ang kanyang idinerehe na pelikula na "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula ng FAMAS noong 1976. Postumong ginawaran ng pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula si Lino O. Brocka (Líno O Bró-ka) noong 1997. Isa siyáng direktor, manunulat, at prodyuser ng pelikula. Ang kaniyang mga obra ay kinilala sa Filipinas at sa buong daigdig. Maituturing na mapangahas ang kaniyang paglikha dahil sa paglihis niya sa nakagawiang motibo at pormula ng paggawa ng pelikula. pinanganak sa Pilar, Sorsogon kina Regino Brocka at Pilar Ortiz si Catalino Brocka. Nagtapos siyá nang may maraming karangalan sa Nueva Ecija North Fligh School at kasunod nitó'y nakatanggap ng iskolarsip sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siyá ng Bachelor of Arts in English Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos. Namatay siyá sa isang aksidente noong 22 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon. Ang una niyang pelikula ay ang Wanted: Perfect Mother ng Lea Productions. Tumabo ito sa takilya kayâ sinundan pa ng Santiago (1970); Tubog sa Ginto (1970); Stardoom (1971); at iba pa. Nagtayô rin siyá ng sariling produksiyon, ang Cine Manila na lumikha ng mga pelikulang pin- uri ng mga kritiko gaya ng Tinimbang Ka, Ngunit Kulang (1974) at Tatlo, Dalawa, Isa (1974). Ang pagsangkot ni Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malayà ay hindi lamang sumentro sa paggawa niya ng pelikula. Itinatag niya at pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas nakilala bilang Concerned Artist of the Philippines (CAP). Nanguna ang CAP sa paglaban sa pagataw ng gobyerno ng sensura sa pelikula at sa paggigiit ng malayang pagpapahayag. Produkto ng kaniyang makalipunang pananaw ang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975), Insiang (1977), Ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), at Orapronobis (1989). Kinilala si Brocka bilang pinakamahusay na direktor ng maraming institusyon sa larangan ng pelikula gaya ng FAMAS, Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine Movie Press Club, Catholic Mass Media, at ng taunang Metro Manila Film Festival. Ipinalabas din ang mga obra niya sa internasyonal na esibisiyon: Insiang (1977), Jaguar (1980), Bona (1981), Bayan Ko: Kapit sa Patalim na pawang ipinalabas sa Cannes Film Festival sa France. Kinilala rin si Brocka bilang isa sa sampung pinakamahuhusay na direktor ng dekada 1980 sa ginanap na Toronto Film Festival noong 1986. Tinanggap din niya ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts (1985), at ang FAP Lifetime Achievement Award (1992), isang taón pagkatapos niyang pumanaw. (RVR). Brocka, Lino O.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Wenn Deramas Ang Kanyang mga pelikula ay kapupulutan ng mga aral tungkol sa kabaklaan at matalinhagang imahinasyon. Ang mga pelikula ni Direk Wenn ay sertipikadong blockbuster at kumite ng milyones. Isa sa mga ito ay ang Beauty and the Bestie na kumita ng mahigit 500 milyong piso. Ang kanyang The Amazing Praybeyt Benjamin naman ay mahigit 400 milyong piso. Laurice Guillen Nagtapos siya ng AB English bago tinapos ang MA in communiation sa Ateneo de Manila University. Taong 1967, siya ay kumuha ng kurso sa produksyong pampelikula sa ilalim ng pagtuturo ni Nestor Torre. Ang kanyang unang pagganap sa indie film ay ang "Karera" taong 2009. Ang kauna-unahang pelikula sa ilalim ng kanyang pagdidirehe ay ang Kasal 1979 na sinundan ng Kung Ako'y liwan Mo noong 1980 at ang Solome noong 1981 na ginampanan ni Gina Aljar. Ito ay isang tagumpay kung saan nanalo bilang Best Director sa Gawad Urian. Kinalaunan ay ipinalabas ito sa Toronto International Film Festival at inilarawan bilang Comparative Literature sa University of Sto Tomas. Siya ang puno ng Competition at Monitoring Commission ng Cinemalaya Independent Film Festival, at umuupo din sya bilang puno sa Student Short Film Competition sa Metro Manila Film Festival Olivia M. Lamasan Direktor sa telebisyon at pelikula, manunulat, production at creative consultant. Kilala sa kanyang matatagumpay na pelikulang Sana Maulit Muli ait Maarasta noong 2012 na kumita ng may 300 million. Siya ay kilala sa tawag na "Inang" ng Kanyang mga kaibigan sa industriya. Ang kanyang "Starting Over Again" ay box office at kumita ng may 410 milyong piso. Taong 2016, ang Barcelona: A Love Untold ay isa ding box office at kumita ng 300 milyong piso. Marami pang mga pelikulang tumatak sa takilya at nagbigay karangalan sa mga gumanap at sa kanya. Ang kanyang i dinirehe katulad ng Got 2 Believe, In my Life at In the name of Love. Brillante Mendoza Kilala siya bilang Pilipinong direktor ng mga Indie Film sa Pilipinas. Ang kanyang pagkakapanalo bilang Benst Director sa 62 na Cannes International Film Festival sa pelikulang Kinatay (The Execution of P), fill length na pelikula ay higit na nagpatanyag sa mga pelikulang indie at sa bansang Pilipinas. Siya ay ang kauna-unahang direktor na Pilipino na nagkamit ng parangal. Marami sa kanyang mga pelikula ng pagkilala at karangalan ay ginagawaran sa ibang panig ng mundo. Mike De leon Ang kanyang husay sa pagpapalitaw sa pelikula ng mga isyung panlipunan at pampolitika ay ang katangi - tanging kahusayan ni Dw leon. Itinuturing din siya bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor, scriptwriter, cinematographer at film producer. Ang kanyang mga pelikulang Itim (1976) Sister Stella (1984) Kakaba ka ba? (1980) at Batch 81 ( 1982) ilan lamang sa mga kalibreng pelikula ng kanyang ginawa. Peque Gallaga Siya ay isa sa mga may pinakamaraming parangal na tinanggap bilang film maker. Ang kanyang mga pelikula ay ang Oro Plata, Mata (1982) Sorpio Nights (1985) Unfaithful Wife (1986) Hiwaga sa Balete Drive (1988), at Impaktita (1989). Eddie Romero Sa kanyang mga tinanggap na parangal para sa limang pelikula. Ang nagdala sa kanya sa FAMAS Hall of Fame, Ang mga pelkulang ito ay ang Buhay Almang (1953) Passionate Strangers (1966), Durugin si Totoy Bato (1979) Aguila (1980) at Padrino (1984). Carlo J. Caparas Siya ay Pilipino comic strip artist na nagpauso sa mga pinoy super heroes. Direktor at prodyuser din siya ng mga pelikulang Kuratong Baleleng at Cory Quirino Kidnap, NBI Files. Nagkamit sya ng parangal sa sagisag Balagtas Award noong 2008. Kilala sya bilang "Komiks King". "Kidlat Tahimik" Eric Oteyza de Guia Siya ay itinuturing na "Ama ng malayang pilipinong pelikula" Kilala siyang direktor, manunulat at actor sa pelikula. Ang kanyang mga pelikula ay ang "Mababangong Bangungot" at "Turumba" anlipunan at ring din siya rapher at film akaba ka ba? yang ginawa. g film maker. Vights (1985) 39). 1g nagdala sa Imang (1953) adrino (1984). uper heroes. eng at Cory 8. Kilala sya D. MGA KATANGIAN NG PELIKULA Tinataglay ng pelikula ang mga sumusunod na katangian: 1. Ito ay audio-visual. Ginagamitan ng mga sensoring paningin at pandinig ang panonood ng pelikula. Nakakadala para sa mganonood ang mga naririnig na linya ng mga gumaganap. Ang batuhan ng linya ay hindi makalalagpas sa nakikinig na manonood. Ang mga nakikita ng mga mata na humihikayat sa manonood upang panoorin at sundan ng paningin ang bawat anggulo ng mga artistang hinahangaan, ang lugar na pinagganapan, mga kasuotan ng mga aktor, ang pagkaka-make-up at iba pang nakapagpapasaya at nagpapatingkad ng reyalidad o katotohanan sa paningin ng manonood ay kabisaan upang sabihin na ang ginagamit sa panonood ng pelikula ay ang mata at teynga. Ang mga "special effects" na inilalapat sa mga eksena, "background music", "sound track" ay nagpapatingkad sa katangiang ito ng pelikula. 2. Integratibong Sining Ang pagiging malikhain ng lahat ng mga tong bahagi ng pelikula kasama ng boong produksiyon ay may malaking impak sa iakagaganda ng mensahe. Ang pinagsamang kahusayan sa pagganp ng mga actor, ang kagalingan ng director na maihirehe ang lahat ng mga nagsissigananap, at ang kaningningan ng lahat sa likod ng kamera ay nakapagpapaganda upanang makalikha ng isang obra. Ang pelikula at ginagawa ng hindi iisang tao lamang, kung kaya ang maraming taong bumubuo rito ay mag malaking bahagi o ambag sa kabuuan ng pelikula. 3. Dinamiko at Naratibo Ang iskript sa pelikula ay maaaring nagbabago-bago. Ang pagiging "open" o bakas ng sumulat, ng director, mga actor at prodyuser. Sa mga "flow" sa pagkuha ng mga eksena, muling i-shoot kung kinakailangan ang eksena at baguhin ang kanilang linya. Ang kakayahang ito ng pelikula na tanggapim at gawin ang ilang mga pagbabago para sa layunin na higit na maging maganda ang kalabasan ng pelikula. Ang nagaganap na pagbabago sa mga simula, gitna at wakas ay possible. Ang pagsasagawa ng pre-screening o sneak preview. Upang ang lahat ng mga tao sa likod at hanap ng kamera ay makapanuod. Nag-aanyayang mga piling manonood. Mula sa magiging pagtanggap ng "core audience" ay ang posibilidad ng ilang pagbabago. 4. Involve ang Maraming Tao Ang pelikula ay hindi mabubuo ng isang tao lamang. Ang pagtutulong-tulong ng lahat mula sa crew, lahat ng units, artista, sumulat, produksiyon, director, at prodyuser, ay magkakasamang nagtutuwang upang makabuo ng mga mahusay na pelikula. May mga kaniya-kaniyang tungkulin ang lahat ng mga tao na bahagi ng isang pagbuo ng pelikula. 5. Ginagamit ang Multimedia Nagsasangkot ang pelikula ng iba-ibang porma ng paglalahad o pakikipag ugnayan o tinatawag ma multi media. May mga anyo din ng sining tulad ng musika, pagkuhang larawan o photography, panitikan at dulang pantanghalan ang maaring gamitin para sa natatanging kakanyahang ito ng pelikula. 6. Kinakasangkutan ng Maraming Elemento Ang mga katangiang nabanggit sa mga naunang bahagi ay sumasalamin sa pagsasangkot ng mga salik at element na sa pelikula. Ang susunod na paksa na tumatalakay para dito. 1. Panoorin ang isang naiibigang pelikulang Pilipino na may temang... 2. Pumili ng isa sa mga sumusunod na pelikulang Pilipino. 3. Suriin ang napiling pelikula gamit ang pormat sa ibaba I. Pamagat ng Pelikula a. Direktor b. Scriptwriter/Prodyuser c. Pangalan ng Produksyon II. Mga tauhan a. Kaanyuan b. Karakter ng protagonista, antagonista at iba pang tauhan. III. Buod IV. Banghay ng mga pangyayari a. Tagpuan at Panahon b. Tunggalian c. Mga Pangyayari sa Paglutas ng Tunggalian d. Katapusan V. Tema VI. Aspektong Teknikal a. Musika at Tunog b. Set at Production C. Set Design d. Sinematograpiya VII. Mensahe ng Pelikula a. Impresyon o/at aral na iniwan sa manunuod. E. SANGKAP NG PELIKUKA: 1. Kuwento - Tumutukoy ito sa nilalaman, istorya at mga pangyayari na nagaganap o umiikot sa istorya. Sa perspektibo ing mga Pilipino, napapalutang ang mabisang paglalarawan na ang tinatalakay ay ang sariling karanasn ng mga tao sa komunidad at/o sa bansa. Ang pag-atake sa mga pinagdaraanang sitwasyon, kalagayan at kondisyon ng tao ay higit na nagiging makabuluhan sa pagbibigay "laman" sa pelikulang Pilipino. 2. Tema - Nangangahulugan itong paksa ng kuwento. Tumutukoy ito sa sentral na ideya, siwa, kaisipan at ang pinakapuso ng pelikula. Maaring ang tinutukang temang mga pelikula sa panahonh ito ay nagkokonsidera sa naisin ng mga kabataan; ng mga millennial, ay ang tungkol sa temang "ralidatum mula sa social media", tema tungkol sa pagtanda, karamdaman g mga matatanda tulaad ng Alzheimer's disease, depresyon, pangarap, paglayo, paglisan, pag-ibig, "forbidden love", "LGBTQIA+", at maging ang relihiyon, pag-asa, pangamba at marami pang iba. 3. Tauhan - Ito ang karakter sa kwento ng pelikula. Binibigyang buhay nila ang napkahalagang gampanin sa pelikula. Uri ng mga tauhan 1. Bida - Protagonista sya at ang may pinakamalaking "role" o gampanin: Sumesentro ang malalaking eksena sakanya. 2. Kontrabida - 3. Dinamiko - Pabago bago ang kanyang tauhan. Maari na magsimula ang kanyang karakter na mabuti at kinalaunan ay magiging masama o kaya naman ay masama na nagging mabuti. 4. Lapad - ang kanyang karakter ay walang pagbabago. Karaniwan na kakaunti lamang ang mga detalye ng katauhan. 5. Bilog - Katulad ito na tauhan ng dinamiko, may pagbabago ang karakter habang ang kwento ay dumadaloy 6. Villain - Katulad din ng kontrabida. Subalit higit na masama sa mga ito. 7. Stock - Tauhan ito na walang dayalogo at kilos, kaya hindi nakapagdudulot ng epekto sa kuwento. 4. Diyalogo - Ito ang binibigkas ng mga tauhan sa istorya. Itinuturing na din na usapan sa pagitn ng dalawa o higit pang kraketer. Sa pamamagitan ng mga binibitiwang linya ng mga tauhan ay nagagawang maipakita at ibat - ibang pangangailangan, maipadama ang mga nararamdaman at emosyon. TEKNIKAL NA ASPETO 1. Sinematograpiya - Linabibilangan ito ng pag-iilaw, galaw, komposisyon at ibang kaugnay na teknik ng kamera. Ang tinatawag na "timing" upang makunan sa tamang anggulo ang karakter ay nakakpagpaganda sa kasiningan ng pelikula. 2. Tunog at musika - nakakapagpainting ang mga ito ng emosyos ng manonood. Nagagawang mapataas ng musika at tinig ang tingkad ng damdamin at ang atmospera sa istorya. Napaniningning nito ang daloy at ritmo ng pelikula. 3. Editing - Sa maayos na pagpapalawak o pagpapalaki ng pagkakatagpi - tagpi sa galaw, oras o panahon ng pelikula. Nasasalalay na maganda ang editing ng pelikula. Ang pagkakasunod-sunod ng eksena ay mabisang dahilan upang ituring na mahusay ang editing. 4. Disenyong Pamproduksyon - Ito ay ang kaangkupan ng pook, tagpuan, kasuotan, kagamitan, background at make up upang mapanatili ang viswal na paglalahad ng kwento. Pinamamahalaan ng production designer ang mula sa pasado (Pampelikulang Smahan ng mga dalubguro) 2020. Ang disenyong pamproduksyon ang nagbibigay ng hitsa ng pelikula. Nararapat na ang disenyo nito ay tumutugma sa pokus ng istorya ng pelikula. Dinadala ng disenyong produksyonang manonood sa panahonkung kailan naganap ang pelikul. Mahusay ang disenyong produksyon kung tumpak ang lithang representasyon mito sa lugar, panahon, pananamit, make up; istlong buhok, props at namumuong damdamin para magkaroon ng kaugnayan ito sa mga tauhan, istorya at konsepto. Masasabing ang pagpapalitaw at pagpapanatiling kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masusi na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Ang ibat ibang antas ng gaspang at kinis ng tekstura ng kamera na nagtatanghal ng pappapatung-patong ng mga imahen. Ang mga ito ay nagbibigay ng panibagong kulay sa mga naunang nailuwal na eksena. Pagsusuri ng Pelikula Maaaring gamitin ang mungkahing pormat sa pagsusuri ng pelikula. I. Pamagat ng Pelikula II. Pangalan ng Produksyon II. Pangalan ng Direktor IV. Paglalarawan o pagpapakilala sa mga pangnahing actor V. Buod ng Pelikula VI. Disenyong pamproduksyon VII. Pagganap ng mga tauhan VIII. Tunog at Musika IX. Paglalahad ng pelikula/iskript X. Sinematograpiya XI. Mensahe o aral na natutunan XII. Konklusyon XIII. Rokomendasyon

Use Quizgecko on...
Browser
Browser