Aralin 2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos (WILL) PDF

Document Details

PrestigiousEucalyptus

Uploaded by PrestigiousEucalyptus

P.D.A. College of Engineering

Tags

Filipino philosophy human values human nature

Summary

This document covers Filipino lessons on human nature and values. It explores the concepts of intellect, will, and consciousness, using examples like how animals and humans differ in their capacity to reason and make choices.

Full Transcript

Ang Mataas ARALIN na Gamit at Tunguhin ng 2 Isip at Kilos(WILL) Ang Tao ay Obra Maestra ng Diyos May kakayahan ba ang bawat isa na makita ang babala? Ipaliwanag. May kakayahan ba ang pusa na maunawaan ang babala? Ipaliwanag. May kakayahan ba ang tao na mau...

Ang Mataas ARALIN na Gamit at Tunguhin ng 2 Isip at Kilos(WILL) Ang Tao ay Obra Maestra ng Diyos May kakayahan ba ang bawat isa na makita ang babala? Ipaliwanag. May kakayahan ba ang pusa na maunawaan ang babala? Ipaliwanag. May kakayahan ba ang tao na maunawaan ang babala? Ipaliwanag.. Bakit nga ba maituturing ang tao bilang Obra Maestra ng Diyos? Ang tao ay obra ng Diyos dahil nilalang siya na kawangis ng Diyos. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay may katangian na tulad ng Diyos Ang tao ay binigyan ng kakayahang mag-isip, pumili at magkagusto. Ang tao ay binigyan din ng konsensiya, Kalayaan at dignidad Ang mga kakayahang ito ang nagpapaiba sa tao sa ibang nilikha ng Diyos. Kaya, mahalagang maging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao at maging matatag ang pagkaunawa mo rito upang mabigyan ng direksyon ang iyong kilos at malinang ang iyong pagkatao. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. Ano at Sino ka bilang tao? Ayon sa pilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino: Ang tao ay binubuo ng: Materyal (katawan) Ispiritwal (kaluluwa/Rasyunal na kalikasan) Sinang-ayunan rin ito ni Esther Esteban sa pagsasabing kakabit ng kalikasang ito ay ang 2 kakayahan ng tao: Pangkaalamang Pakultad (knowing Faculty) Panlabas na pandama Panloob na pandama Pagkagustong Pakultad (Appetitive Faculty) Maliban sa isip, ang tao ay nakakaalam gamit ang kanyang mga pandama. Sa pamamagitan ng panlabas na pandama, ang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy, at panlasa. Nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa kanyang paligid o tinatawag nating reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahan ng tao na makaalam. Gamit ang mga panlabas na pandama (5 senses) nalalaman at naiintindihan ng tao ang kanyang kapaligiran na siyang nagbibigay ng daan sa kanyang mga panloob na pandama: Kamalayan (consciousness) – pagkakaroon ng malay sa pandama. Memorya – kakayahang alalahanin ang nakalipas na pangyayari. Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan gamit ang isip. Instinct – kakayahang tumugon sa isang karanasan ng hindi dumdaan sa katwiran. May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami. Ano ang pagkakaiba ng hayop sa tao? Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at isakatuparan ang ating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa iba pang nilikhang may buhay. Ang hayop ay may matalas na kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o kaya’y amoy sa kanyang paligid. Ito rin ay may pakiramdam ng mabuti at masama sa kanyang sarili. Ito rin ay may kakayahang gumawa ng paraan upang makuha ang kanyang ninanais. Bakit may mga tao na hindi pa rin nakasusunod sa mga ganitong klaseng babala? Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng isip ngunit hindi nangangahulugan na parehas ang paraan kung paano gagawin o susundin ng tao ang sitwasyon. Bukod sa isip, ang tao ay mayroon ring kilos-loob. Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”. Makatwirang Pagkagusto Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos- loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser