1.2-KULTURANG-POPULAR.pptx
Document Details
Tags
Full Transcript
Kulturang Popular: Pagpapakahuluga n at pagpapaliwanag By: Miss Michelle M. Enostacion KAHULUGAN NG KULTURA Ang Kultura ay tumutukoy sa: ❏ aktibidad ng sangkatauhan ❏ "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay ❏ ito ang kuro o opinyon ng...
Kulturang Popular: Pagpapakahuluga n at pagpapaliwanag By: Miss Michelle M. Enostacion KAHULUGAN NG KULTURA Ang Kultura ay tumutukoy sa: ❏ aktibidad ng sangkatauhan ❏ "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay ❏ ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa. ❏ Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan ❏ Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng pakikipagkapwa ❏ Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat KULTURANG POPULAR Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon: sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng Kanluran (ang mga Klasiko) Ayon sa Oryentasyon ng Kanluran: itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang ‘bakya, baduy at basura’” Sa pagsusuri,ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami. “… ang namamayaning kultura …ay ang kulturang nauunawaan ng nakararaming mamamayan.” nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…” “…panahon na upang pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng mga artipak o mga nilikha o ginawa ng kapwa-Pilipinong manlilikgha/manunulat…” Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura Pagpasok ng teknolohiya Ugnayan ng bumibili at ng may-akda Pag-unawa sa karanasan Ano ang Kulturang Popular? Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman angpagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao natanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernongprodukto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ngdepinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaringteknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakdang makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga: 1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaringito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at ibapa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya;natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at ibapa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para langmatugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasamasa kulturang popular kinalaunan. 2. Latak Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kayasila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso atgamit na ng lahat. 3. Pangmasa o komersyal na kultura Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing gamitay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayonay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga. 4. Ginagawa ng tao Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang- libangan lamang. 5. Larangan ng gahum Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura. 6. Pagkalusaw ng mga hangganan Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular.Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popularna kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa. Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon. THANK YOU!