Summary

Ang handout na ito ay nagpapaliwanag ng iba't ibang uri ng pagsusulat sa Filipino, kabilang ang teknikal, referensyal, dyornalistik, at akademiko. Naglalaman ito ng mga halimbawa at mga katangian ng bawat uri.

Full Transcript

SH1673 Mga Uri ng Pagsusulat I. Ano ang Teknikal na Pagsusulat? Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya, medisina, batas, r...

SH1673 Mga Uri ng Pagsusulat I. Ano ang Teknikal na Pagsusulat? Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya, medisina, batas, resipi sa pagluluto, siyensiya o agham, at bokasyunal. (Cruz, et al., 2010) Ano-ano ang mga uri ng Teknikal na Pagsusulat? - mga batas na nilalathala - mga dyornal pangmedikal - resipi ng pagkain - iitiketa ng gamot - instruksyon ng mga gamit Kadalasan ito ay kinapapalooban ng pagsasaliksik at matagalang pag-aaral. Ang isang resipi ng pagkain ay masasabi nating isang teknikal na lathalain dahil ito ay kinapapalooban ng pag-aaral at pananaliksik lalo na sa timbang at dami ng rekados na gagamitin. May iba’t ibang klase ng putahe at pamamaraan ng pagluluto. Paminsan-minsan ay isinasatitik ang mga resipi na napaglipasan ng panahon upang mabasa at masundan ang proseso at upang matikman ng mga mambabasa sa kasalukuyan. II. Ano ang Refererensyal na Pagsusulat? Ang referensyal na pagsusulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong paglalahad ng isang paksa. Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay datos at impormasyon sa mambabasa. Layunin ng uri ng pagsusulat na ito ay ang mailahad ang katotohanan, wastong paggamit ng isang kasangkapan, o para makabuo ng isang maganda at obhetibong konklusyon (Deguiñon, 2011). Ano-ano ang mga uri ng Referensyal na Pagsusulat? - teksbuk - ulat panlaboratoryo - manwal - feasibility study III. Ano ang Dyornalistik na Pagsusulat? Ito ay ang pagsulat na pampalimbagan. Maaring balita, lathalain, editorial, balitang pampalakasan, anunsyo, o mga advertisements sa isang pahayagan. Ang Dyornalistik na lathalain ay kailangan magsaad ng pawang katotohanan, may pagkaobhetibo at walang pinapanigan. Kadalasan ay naglalaman ito ng mga artikulong pumupukaw sa ating human interest mga makasaysayang datos, mga pang politika at makaagham na pagaanalisa, pananawagan, at mga payanam sa ibang mga personalidad. 02 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 SH1673 Ano-ano ang mga uri ng Dyornalistik na Pagsusulat? - pahayagan - anunsyo - tabloid IV. Ano ang Akademik na Pagsusulat? (Mendoza & Romero, 2012) Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito ay maari din tawagin na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, pamanahong papel, ulat pang laboratoryo at iba pa. May sinusunod itong istriktong kumbensyon. At kadalasan ito ay isinasailalim sa masusing pagbabatikos mula sa mga eksperto. Ito ay ginagawa upang maisaayos ang datos, impormayson, at nilalaman ng sulatin. Sa madaling salita, ito ay dumadaan sa sinasabi nating defense. Kaakibat ng pangakademikong pagsusulat ay ang mahabang pagsasaliksik. (Canaria, 2013) Mayroong tatlong (3) konsepto ang akademikong pagsusulat. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. 2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. 3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento. Ano-ano ang mga uri ng Akademik na Pagsusulat? - akademikong sanaysay - pamanahong papel - feasibility study - tesis - disertaysyon - bibliograpiya - book report - position paper - panunuring pampanitikan - policy study Mga Sanggunian: Canaria, K. (2013, July 16). Uri ng pagsulat. Retrieved December 8, 2014, from https://prezi.com/9p0ok62j5nk_/uri-ng-pagsulat/ Cruz, B., et al. (2010). Filipino 2: Pagbasa at pagsulat sa masining na pananaliksik sa antas tersaryo. Manila. Mindshapers Co.,Inc. Deguiñon, E. (2011, June 13). Teknikal na filipino. Retrieved December 8, 2014, from http://teknikalnafilipino.blogspot.com/2011/06/teknikal-na-filipino.htm Mendoza, Z., & Romero, M. (2012). Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina sa antas tersarya. Manila: Rex Bookstore. 02 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2

Use Quizgecko on...
Browser
Browser