Rebolusyong Siyentipiko: Pagbabago ng Kaisipan

Choose a study mode

Play Quiz
Study Flashcards
Spaced Repetition
Chat to Lesson

Podcast

Play an AI-generated podcast conversation about this lesson
Download our mobile app to listen on the go
Get App

Questions and Answers

Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko?

  • Ang paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan. (correct)
  • Pagtuklas ng mga bagong lupain at kaalaman.
  • Mga hamon sa tradisyonal na paniniwala.
  • Muling pagsilang ng interes sa sining at agham.

Anong teorya ang isinulong ni Nicolaus Copernicus na nagpabago sa pag-unawa ng mga tao sa kalawakan?

  • Geocentric
  • Heliocentric (correct)
  • Law of Ellipses
  • Law of Planetary Motion

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga ambag ni Isaac Newton sa larangan ng agham?

  • Teorya ng Empirisismo (correct)
  • Three Laws of Motion
  • Calculus
  • Law of Gravity

Paano naiiba ang kaisipan ni Thomas Hobbes tungkol sa pamahalaan kumpara kay John Locke?

<p>Si Hobbes ay naniniwala sa absolute monarchy, samantalang si Locke ay sa natural rights. (B)</p> Signup and view all the answers

Ano ang pangunahing layunin ng Panahon ng Enlightenment?

<p>Paggamit ng rason upang mapabuti ang lipunan (B)</p> Signup and view all the answers

Alin sa sumusunod ang hindi direktang resulta ng Rebolusyong Industriyal?

<p>Pag-usbong ng mga unibersidad. (C)</p> Signup and view all the answers

Bakit mahalaga ang likas na yaman ng Britanya sa pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal?

<p>Dahil mayaman ito sa coal at bakal. (D)</p> Signup and view all the answers

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Kolonyalismo at Imperyalismo?

<p>Ang imperyalismo ay pagpapalawak ng kapangyarihan, samantalang ang kolonyalismo ay pagkuha ng teritoryo. (D)</p> Signup and view all the answers

Alin sa sumusunod ang hindi naging epekto ng Imperyalismo sa Africa?

<p>Pag-unlad ng agrikultura. (A)</p> Signup and view all the answers

Ano ang pangunahing dahilan ng Rebolusyong Amerikano?

<p>Kawalan ng representasyon sa Parlamento. (D)</p> Signup and view all the answers

Flashcards

Rebolusyong Siyentipiko

Panahon ng pagbabago sa Europa kung saan lumaganap ang agham gamit ang sistematikong pag-eksperimento at obserbasyon.

Renaissance

Muling pagsilang ng interes sa sining, agham, at pilosopiya na nagbukas ng kaisipan sa rasyonal na pag-iisip.

Rene Descartes

Nagturo ng radikal na pagdududa; dapat pagdudahan ang paniniwala hangga't hindi napapatunayan gamit ang scientific method.

Teorya ng Empirisismo

Teorya na nagpapahayag na ang kaalaman ay nagmula lamang sa sensory experience.

Signup and view all the flashcards

Panahon ng Enlightenment

Panahon kung saan naniniwala ang mga Europeo na maaaring gamitin ang rason upang mapabuti ang lipunan.

Signup and view all the flashcards

Social Contract Theory

Pananaw na ang obligasyon ng tao ay nakasalalay sa isang kontrata.

Signup and view all the flashcards

Rebolusyong Industriyal

Panahon ng mabilis na pagbabago kung saan nagsimula ang paggamit ng mga makinarya sa halip na mano-mano.

Signup and view all the flashcards

Industrial

Paggawa ng maraming produkto na nagmula sa mga factory.

Signup and view all the flashcards

Kapitalismo

Umiiral ang paggawa ng produkto para sa kita.

Signup and view all the flashcards

Imperyalismo

Ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa.

Signup and view all the flashcards

Study Notes

Rebolusyong Siyentipiko

  • Gitnang Panahon: Ipinanatili ng Simbahang Katoliko ang mga paniniwala mula sa sinaunang Griyego at Romano sa kanilang doktrina.
  • Renaissance: Nagbago ang paniniwala at muling sumigla ang agham tulad ng botanika at astronomiya.
  • Maraming siyentipiko tulad ni Andreas Vesalius ang naudyok na pag-aralan ang kalikasan at kalangitan nang matuklasan nilang may mali sa lumang paniniwala.
  • Isang panahon ng makabagong kaalaman sa Europa mula ika-16 hanggang ika-18 siglo ang Rebolusyong Siyentipiko.
  • Lumaganap ang agham gamit ang sistematikong pag-eksperimento at masusing obserbasyon.
  • Umusbong ang astronomiya, matematika, pisika, biyolohiya, anatomiya, at kimika, na nagpabago sa pananaw ng lipunan tungkol sa kalikasan.
  • Unti-unting humina ang impluwensiya ng simbahan sa kaisipan ng tao, at nagbigay-daan ito sa intelektwal na kilusang panlipunan na tinatawag na Enlightenment.

Dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko

  • Renaissance: Ang muling pagsilang ng interes sa sining, agham, at pilosopiya ay nagbukas ng kaisipan ng tao sa rasyonal na pag-iisip at masusing pagsisiyasat.
  • Age of Exploration: Ang pagtuklas ng bagong lupain at kaalaman ay nagpakita ng mga bagay pang hindi alam ng Simbahan at tradisyunal na paniniwala, kaya't hinikayat ang masusing pag-aaral ng mundo.
  • Hamon sa Tradisyunal na Paniniwala: Dahil sa mga bagong tuklas at teorya, nawala ang kapangyarihan ng Simbahan.
  • Nagsimulang umunlad ang siyentipikong pamamaraan batay sa ebidensya at lohika.

Ambag sa Agham, Astronomiya, at Kaisipan

  • Nicolaus Copernicus: Pinalitan ang lumang teorya ng Geocentric (nasa gitna ang mundo sa sistemang solar) at ginawang Heliocentric (nasa gitna ang araw sa sistemang solar).
  • Galileo Galilei (Father of Modern Science): Sumuporta sa teoryang Heliocentric at gumawa ng imbensyon (telescope & thermoscope).
  • Johannes Kepler: Naniniwala rin sa Heliocentric at ginawa ang Law of Ellipses at Law of Planetary Motion (ang mundo ay umiikot sa araw gamit ang Elliptical motion.)
  • Francis Bacon (Ama ng Empirisismo): Ginamit ang Teorya ng Empirisismo (teorya na nagpapahayag na ang kaalaman ay nagmula lamang sa sensory experience.)
  • Scientific Method: Pagsasagawa ng eksperimento, obserbasyon, at pagsusuri upang makabuo ng tamang paliwanag.
  • Inductive Reasoning: Pinag-aaralan muna ang maliit na bagay bago gumawa ng pangkalahatang paliwanag.
  • Rene Descartes (Ama ng Modernong Pilosopiya): Nagturo ng radical doubt (ang tao ay dapat patuloy magisip upang magexist at makadiscover; dapat pagdudahan ang lumang paniniwala hangga't hindi ito napapatunayan gamit ang scientific method.)
  • Ginawa ang Cartesian Plane, coordinate system, at iba pa.
  • Isaac Newton: Ginawa ang Law of Gravity (ang lahat ng planeta ay sumusunod sa batas ng gravity at inertia).
  • Pinalago ang larangan ng calculus, nabuo ang three laws of motion, principle gravitation, at inverse square law.

Enlightenment (Age of Reason)

  • Enlightenment - Naniniwala ang mga Europeo na maaaring gamitin ang rason upang mapabuti ang lipunan (politika, pilosopiya, agham, at komunikasyon).
  • Ang pangangatwiran at pag-iisip na nakabatay sa isip at agham; pagbibigay ng pruweba sa mga pangyayari sa lipunan.

Social Contact Theory (Kontribusyon)

  • Social Contract Theory - Pananaw na ang obligasyon (politikal & moral) ng tao ay nakasalalay sa isang kontrata.
  • Thomas Hobbes: Isinulat ang aklat na Leviathan na itinaguyod ang Monarkiya upang magkaroon ng seguridad, stabilidad at kapayapaan.
  • Laban sa ideya na ang monarkiya ay binigyang kapangyarihan ng Diyos; isusuko ng tao ang kanilang kalayaan sa isang absolute monarchy.
  • John Locke: Itinaguyod niya ang Natural Rights na ang tao ay may karapatan at dapat ipagtanggol ng pamahalaan; maaari silang patalsikin ng mga tao sa posisyon kapag ito ay hindi naprotektahan.
  • Jean-Jacques Rousseau:Tinangkilik ang social contract theory ni Locke.
  • Naniniwala sa General Will (ang kalayaan ay makakmit lamang kung ang gobyerno ay sumusunod sa kalooban ng nakararami).
  • Francois-Marie Arouet - Freedom of speech, gumawa ng mga satirikal na gawa upang batikusin ang simbahan.
  • Denis Diderot: Siya ang nagsulat sa Encyclopedie (Koleksyon ng maaaring matamong kaalaman; hinamon nito ang awtoridad).
  • Baron de Montesquieu - Ang kanyang obra maestra na "The Spirit of Laws" ay ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko at siya ang nagtaguyod ng "Separation of Powers" (lehislatura, ehekutibo, at hudikatura).

Rebolusyong Industriyal (18th Century)

  • Rebolusyong Industriyal: Panahon ito ng mabilis na pagbabago sa mundo kung saan nagsimula ang paggamit ng mga makinarya sa halip na mano-manong paggawa
  • Industrial: Paggawa ng maraming produkto, ang aspeto nito ay galing sa mga factory at sinimulan ng Britanya
  • Dahil sa Rebolusyong Siyentipiko kaya nagkaroon ng imbensyon

Sanhi sa Rebolusyon

  • Likas na Yaman: Mayaman ang Britanya sa coal at bakal, mahalaga sa industriya
  • Yamang Tao: Maraming lumipat mula agrikultura tungo sa pabrika dahil sa pagkawala ng trabaho.
  • Bagong Teknolohiya: Naimbento ang makinaryang nagpabilis sa produksyon.
  • Pamilihan: Ang malaking imperyo ng Britain ay nagsilbing merkado ng mga produkto.
  • Pamahalaan: Matatag ang gobyerno at sinuportahan ang ekonomiya gamit ang hukbong pandagat.
  • Lokasyon: Magandang daungan at hydropower mula sa ilog ang nagpabilis sa transportasyon at produksiyon.
  • Kapital: Maraming pondo para sa negosyo at industriya.
  • Kapitalismo: Umiiral ang paggawa ng produkto para sa kita.

Epekto ng Rebolusyong Industriyal

  • Positibo:
    • Mas maginhawang buhay – Dumami ang produkto, mas mataas ang kita, at bumaba ang presyo.
    • Maraming trabaho - Dumami ang pabrika, negosyo, at pangangailangan sa manggagawa.
    • Mas malaking kita – Lumago ang industriya, kaya tumaas ang sahod.
    • Mas mabilis na produksiyon – Napadali ang paggawa ng pagkain at iba pang produkto.
    • Pag-angat ng ekonomiya – Lumakas ang kalakalan at produksyon.
    • Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon - Napabilis ang byahe at pakikipag-ugnayan.
  • Negatibo
    • Paglipat sa lungsod – Dumami ang tao sa lungsod, kaya sumikip at naging sanhi ng problema.
    • Polusyon - Lumala ang hangin dahil sa usok ng pabrika.
    • Panganib sa manggagawa - Walang sapat na proteksyon, kaya marami ang naaksidente.
    • Child labor at abuso - Pinagtatrabaho ang bata (cheap ihire ang mga bata; more labor, less expenses) at inaabuso ang manggagawa.
    • Sakit at sikip - Maruming kapaligiran at overcrowding ang nagdulot ng sakit.
    • Lalong lumaki ang agwat ng mayaman at mahirap - Yumaman ang mga negosyante, pero humirap ang manggagawa.

Kontribusyon sa Rebolusyong Industriyal

  • Agrikultura
    • Seed Drill - Pagkalat ng binhi sa lupa.
    • Four-Field Crop Rotation - Pagbabakante sa lupain tuwing pangatlong taon; ginawa upang hindi masira ang crops.
    • Animal Breeding - Pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop.
  • Transportasyon at Komunikasyon
    • Telegrapo - unang long distance communication na nagawa
    • Telepono
    • Wireless Telephone
    • Ponograpo
    • Steam Boat
    • Steam Locomotive - unang transportasyon na ginagamit ang daang bakal.
  • Industriya ng Tela
    • Flying Shuttle - Pinapabilis ang paghahabi ng tela.
    • Spinning Jenny Pinapabilis ang pag-ikid ng sinulid.
    • Water- powered spinning Frame - Pinapabilis ang paggawa ng tela.
    • Spinning Mule - Nakagawa ng estrambre (yarn) sa paggawa ng muslin (bulak na tela)
    • Cotton Gin - Pinabilis ang paghihiwalay ng buto sa bulak.
    • Power loom - De-makinang panggawa ng tela na mas mabilis kaysa sa mga mano-manong estilo.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

  • Imperyalismo: Ang pagpapalawak ng kapangyarihan.
  • Ikalawang Yugto ng Imperyalismo: Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, naging sukatan ng kapangyarihan ng isang bansa ang dami ng kolonya at ito ay ang pagkuha ng teritoryo.
  • Layunin: Pagkakaroon ng pamilihan. Sa ekonomiks, ang pamilihan ay tumutukoy din sa tao.
  • Dahil sa Rebolusyong Industriyal kaya maraming sobrang produkto kaya ibinebenta sa mga nasakop nilang kolonya dahil hindi ito nakikita sa mga lokal nilang pamilihan.

Dahilan ng Imperyalismo

  • Industriyalisasyon
    • Pagpapatayo ng military base: Upang hindi masakop ng ibang bansa.
    • Pagkakaroon ng kontrol sa mga daungan: Upang makuha at makontrol ang daanan ng produkto.
    • Pagkakaroon ng status symbol: upang imaintain ang power; dahilan ng pagkaroon ng Nasyonalismo.
    • Pagpapalaganap ng isang kaisipan: Kristiyanismo.
  • Kapitalismo - Dahil sa sobrang produksyon, naghanap ang mga industriyalista ng bagong pamilihan, habang lumaki ang pangangailangan ng mga bansa.
  • Nasyonalismo - Naghanap ng higit pang kolonya upang palakasin ang kanilang kapangyarihan at impluwensiya.
  • Social Darwinism - Ang Social Darwinism ay paniniwalang nakahihigit ang mga Europeo at tungkulin nilang (Europeo) dalhin ang kabihasnan sa itinuturing nilang mas mababang lahi. Tinatawag itong "White Man's Burden"

Imperyalismo sa Africa

  • Nakontrol ng Britanya ang Suez Canal at Egypt.
  • Dahilan: Gold, diamond, rubber atbp., pangkapayapaan, moral na isyu, at kompetisyon sa kolonyalismo.
  • Epekto:
    • Pinaghati-hatian ang Africa,
    • Nawala ang mga lokal na kaharian at kultura,
    • Matinding pagsasamantala sa likas na yaman,
    • Mga alitan at digmaan.
  • Berlin Conference - Ang pagplano para paghati-hatian ang lupain at teritoryo sa Aprika.
  • Scramble for Africa - Mabilis na pagpapasailalim ng teritoryo ng Aprika sa kapangyarihan ng mga mananakop

Imperyalismo sa Tsina

  • Epekto:
    • Pagkabawas ng soberanya sa Tsina,
    • Pagbukas ng mga daungan sa dayuhan,
    • Pagyaman ng mga dayuhan,
    • Pagsagawa ng rebelyon,
    • Pag-usbong nga mga ideolohiya.
  • Opium Wars - Labanan tungkol sa ilegal na pagbebenta o pagpasok ng Great Britain ng opyo sa China. Nanalo rito ang Britanya.
  • Treaty of Nanking - Nagbukas ng limang daungan para sa mga British.

Imperyalismo sa India

  • Epekto:
    • Matinding parusa,
    • Ganap na napasailalim ng British Raj,
    • Mas mahigpit ng kontrol ng Britanya sa India,
    • Pagpapalakas ng makabayang damdamin ng mga India.
  • Rebelyong Sepoy - Isang malawakang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy laban sa pamamahala ng Britanya dahil sa paggamit ng oil ng baboy at baka sa kanilang bala.

Epekto ng Imperyalismo

  • Pampolitika:
    • Pagkawala ng kalayaan.
    • Pag-usbong ng kilusang Nasyonalismo.
    • Nakilala ang mga produkto ng dayuhan.
  • Ekonomiya:
    • Prayoridad ang pagtanim ng cash crops at plantasyon.
    • Pagpataw ng mas mataas na buwis at presyo.
    • Mabilis na pag-unlad sa mga inobasyon.
    • Paggawa ng mga eskwela at ospital.
    • Tumaas na literacy rate.
  • Panlipunan
    • Pagkakaroon ng diskriminasyon.
    • Pagbabago ng kultura at tradisyon.

Rebolusyong Amerikano

  • Labanan sa pagitan ng Britanya at labintatlong kolonya ng Britanya sa North America (1765-1783).
  • Dahilan
    • Hindi makatarungang buwis
    • Sa kawalan ng kinatawan (representative) sa Parlamento
    • Ideya mula sa Enlightenment - naging inspirasyon sa mga Amerikano na magtaguyod ng kanilang kalayaan at prinsipyo (laban sa Ingles)
    • Pagnanais ng demokrasya
  • Enlightenment

Mga Patakaran

  • Navigation Act - Ang mga kalakal ng mga colonies ay kinakailangang isakay sa mga barko upang maprotektahan ito.
  • Quartering Act - Pagpilit sa mga colonies na magpatuloy sa kanilang bahay at bigyan ang mga sundalong British ng kanilang mga pangangailangan.
  • Stamp Act - Pinatawan ng buwis ang lahat ng mga printed documents.
  • Townshend Act - Lahat ng imported products na ipapasok sa Amerika ay may buwis.
  • Tea Act - Sa British East India Company lamang pwede makakuha ng tsaa; hindi pwede kumuha ang mga Amerikano sa ibang bansa.
  • Uminom sila (Amerikano) ng kape.
  • Boston Tea Party - Kilos-protesta na tinapon ng mga colonist ang mga kahon ng tsaa mula sa British East India Company.
  • "No taxation, without representation." Hindi naman sila pumayag sa mga buwis na ito.
  • Kaugnayan sa Enlightenment: Ang mga ideya na ginamit dito ay kay John Locke, Voltaire, and Rousseau na nagbigay-inspirasyon sa mga Amerikano na magpasya laban sa pamamahala ng Britanya at itaguyod ang kanilang sariling mga prinsipyo at kalayaan.
  • Thomas Jefferson - Idineklara ang paghihiwalay ng 13 kolonya sa imperyo ng Britanya ng Hulyo 4th, 1776.

Maaaring palitan ng taumbayan ang pamahalaan kung hindi na nito ginagawa ang kanyang obligasyon at may likas na karapatan na dapat tinatamasa.

  • Rebolusyong Pranses
  • Naganap noon 1787 na nag-iwan ng dalawang epekto sa France: Ang pagwawakas ng absolutong pamamahala at pagtatatag ng isang republika.

Dahilan ng Rebolusyong Pranses

  1. Kawalan ng pagkakapantay-pantay
  2. Sobrang taas ng bilihin at serbisyo.
  3. Di-makatarungang buwis
  4. Ang kawalan ng pondo dahil sa maluhong pamumuhay ng mga maharlika
  5. Pagpasok ng mga pinuno sa mga digmaan.
  6. Ang pagnanais ng mga bourgeoisie na bigyan sila ng pagkakataon at karapatan na mamuno sa lipunan.
  7. Ang mga ideya mula sa Kilusang Enlightenment.
  8. 1770-1880: Mababang ekonomiya, mababang produksyon dahil sa mga natural na causes. Nagkaroon ng kahirapan.
  9. Pagkakaroon ng deficit, ang budget ay lumiliit dahil sa expenses.
  • Lipunan noong Rebolusyong Pranses

Unang Estado: mga matataas ang katungkulan sa simbahan; hindi nagbabayad ng buwis.

  • Ikalawang Estado: Mga dugong-bughaw (nobility), hindi sila nagbabayad ng buwis.
  • Ikatlong Estado: Mga ordinaryong mamamayan na nagbabayad ng buwis. Ex. peasants, proletariat, bourgeoisie

Mahahalagang Pangyayari

  1. Estado-Heneral (1789) - Ipinatawag ni Haring Louis XVI upang makalikom ng pondo, ngunit hindi nagkasundo ang mga kinatawan sa paraan ng pagboto.
  2. Hunyo 17th, 1789 - Nagkaroon ng Pambansang Asembleya.
    • Tennis Court Oath: Nanumpa na hindi nila ibubuwag ang National Assembly hangga't magkaroon ng bagong constitution.
  3. Hulyo 14th, 1789 - Dito nagkaroon ng Storming of the Bastille kung saan nilusob ang rebolusyon ng mga armas.
  4. Augusto 26, 1789 - Nagkaroon ng Declaration of the Rights of Man and Citizen kung saan nakasaad dito na ang tao ay malaya sa pagpapahayag. "Legality, Equality, Fraternity"
  5. Setyembre 20, 1792 - Ang national assembly ay naging national convention.
  6. Reign of Terror - Panahon kung saan ipinapapatay ang mga may connection sa pamahalaan. Ginagamit nila ang Guillotine.
  7. Pagkakaroon ng Unang Consul - Nagkaroon ng bagong pamahalaan at napagpasiyahan ng mamamayang Pranses na baguhin ang saligang batas. Si Napoleon Bonaparte ay naging Unang Consul ng Pransya.
  8. Pag-aalsa ng mga Magsasaka - Nilusob ng mga magsasaka ang bahay ng maharlika, sinunog ang listahan ng renta, at nagnakaw ng nakaimbak na pagkain.
  9. Pagkilos ng mga Kababaihan (Oktubre 1789) - Sumugod ang mga kababaihan sa Versailles dahil sa kakulangan ng pagkain at dinala ang hari sa Paris.
  10. Reporma ng Asambleya - Ipinatupad ang pagbuwag sa piyudalismo at nilagdaan ang Declaration of the Rights of Man.
  11. Digmaan Laban sa Austria (Abril 20, 1792) - Nagdeklara ng digmaan ang France matapos tangkain ng Austria at Prussia na ibalik ang hari sa trono.
  12. Pagkubkob sa Tuileries - Nilusob ng mamamayan ang palasyo, ikinulong ang hari, at winakasan ang monarkiya.
  13. Pagtatatag ng Republika (Setyembre 21, 1792) - Idineklara ng Pambansang Kumbensiyon na isa nang republika ang France.
  14. Pagbitay kay Haring Louis XVI (Enero 1793) - Hinatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng guillotine, kasunod ang kanyang asawang si Reyna Marie Antoinette.
  • Kaugnayan ng Kaisipang Enlightenment
    • Voltaire - Ang kanyang paninindigan laban sa tiranya at katiwalian ng simbahan at gobyerno ay nagbigay-inspirasyon sa mga rebolusyonaryo na labanan ang absolutong monarkiya sa France.
    • John Locke - Ang kanyang ideya na may likas na karapatan ang tao sa buhay, kalayaan, at ari-arian ay naging batayan ng mga rebolusyonaryo sa kanilang laban para sa isang makatarungang pamahalaan.
    • Rousseau - Ang kanyang social contract theory, na nagsasabing ang gobyerno ay dapat naglilingkod sa mamamayan, ay ginamit bilang katuwiran sa pagbuwag ng monarkiya at pagtatatag ng republika sa France.

Studying That Suits You

Use AI to generate personalized quizzes and flashcards to suit your learning preferences.

Quiz Team

Related Documents

More Like This

Scientific Revolution & Enlightenment Quiz
12 questions
Scientific Revolution and Enlightenment Concepts
24 questions
Scientific Revolution and Enlightenment
24 questions
Use Quizgecko on...
Browser
Browser