Podcast
Questions and Answers
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa?
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa?
- Pagpili ng katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.
- Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing diyalekto.
- Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Filipino.
- Pagsasalin ng mga banyagang panitikan sa Filipino. (correct)
Sa anong antas ng wika kabilang ang salitang "parak"?
Sa anong antas ng wika kabilang ang salitang "parak"?
- Kolokyal
- Lalawiganin
- Pampanitikan
- Pabalbal (correct)
Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa pampanitikang wika?
Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa pampanitikang wika?
- May kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang-isip.
- Ginagamit ang salita sa ibang kahulugan.
- Gumagamit ng mga idyoma at tayutay.
- Ginagamit sa mga aklat at babasahin. (correct)
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng sawikain sa salawikain?
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng sawikain sa salawikain?
Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga”?
Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga”?
Ano ang pangunahing layunin ng palihan ng mga susing salita?
Ano ang pangunahing layunin ng palihan ng mga susing salita?
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salitang Filipino na naidagdag sa Oxford Dictionary?
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salitang Filipino na naidagdag sa Oxford Dictionary?
Ayon kay Neuman, ano ang pangunahing layunin ng pananaliksik?
Ayon kay Neuman, ano ang pangunahing layunin ng pananaliksik?
Ayon kay Sicat-De Laza, ano ang dalawang mahalagang elemento ng maka-Pilipinong pananaliksik?
Ayon kay Sicat-De Laza, ano ang dalawang mahalagang elemento ng maka-Pilipinong pananaliksik?
Alin sa mga sumusunod ang hindi gabay na tanong sa pagpili ng wastong paksa para sa pananaliksik?
Alin sa mga sumusunod ang hindi gabay na tanong sa pagpili ng wastong paksa para sa pananaliksik?
Ano ang kaibahan ng structured interview sa non-structured interview sa pananaliksik?
Ano ang kaibahan ng structured interview sa non-structured interview sa pananaliksik?
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng paksa ng pananaliksik?
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng paksa ng pananaliksik?
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng sanggunian?
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng sanggunian?
Sa konteksto ng pananaliksik, ano ang layunin ng pagsulat ng paraphrase?
Sa konteksto ng pananaliksik, ano ang layunin ng pagsulat ng paraphrase?
Sa konteksto ng pagte-teorya sa wikang Filipino, ano ang tinutukoy ng 'paimbabaw' na bahagi ng wika?
Sa konteksto ng pagte-teorya sa wikang Filipino, ano ang tinutukoy ng 'paimbabaw' na bahagi ng wika?
Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa 'malaliman' na bahagi ng wika sa konteksto ng pagte-teorya?
Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa 'malaliman' na bahagi ng wika sa konteksto ng pagte-teorya?
Ano ang pangunahing kritisismo sa kasalukuyang pagbabago ng wikang Filipino?
Ano ang pangunahing kritisismo sa kasalukuyang pagbabago ng wikang Filipino?
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng kaugaliang Pilipino?
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng kaugaliang Pilipino?
Ano ang kahulugan ng "Salus Populi est Suprema Lex"?
Ano ang kahulugan ng "Salus Populi est Suprema Lex"?
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa 'due process'?
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa 'due process'?
Flashcards
Hugot
Hugot
Isang pandiwang nangangahulugang ang isang tao ay mayroong malalim na pinagkukunan ng emosyon sa kanyang mga sinasabi.
Fake News
Fake News
Isang uri ng balita na naglalaman ng mga maling impormasyon na mabilis kumakalat sa isang particular na lugar.
Ayuda
Ayuda
Paraan ng pagbibigay tulong sa anyo ng salapi, pagkain, o kagamitan na ipinamamahagi noong pandemya.
Tagalog
Tagalog
Signup and view all the flashcards
Pilipino
Pilipino
Signup and view all the flashcards
Filipino
Filipino
Signup and view all the flashcards
Balbal
Balbal
Signup and view all the flashcards
Kolokyal
Kolokyal
Signup and view all the flashcards
Lalawiganin
Lalawiganin
Signup and view all the flashcards
Pambansa
Pambansa
Signup and view all the flashcards
Pampanitikan
Pampanitikan
Signup and view all the flashcards
Sawikain
Sawikain
Signup and view all the flashcards
Salawikain
Salawikain
Signup and view all the flashcards
Dalumat
Dalumat
Signup and view all the flashcards
Swot Analysis
Swot Analysis
Signup and view all the flashcards
Paraphrase
Paraphrase
Signup and view all the flashcards
Bill
Bill
Signup and view all the flashcards
Ordinance
Ordinance
Signup and view all the flashcards
Statute
Statute
Signup and view all the flashcards
Equal Protection
Equal Protection
Signup and view all the flashcards
Study Notes
Dalumat ng/sa Filipino
- Ito'y inihanda ni Ginoong Arnie C. Loyola.
Pampasiglang Gawain
- Ang "hugot" ay isang pandiwa na nagpapahiwatig na ang isang tao ay may malalim na pinagkukunan ng emosyon sa kanyang mga sinasabi (2016).
- Ang Dengvaxia ay isang uri ng bakuna kontra dengue na ginawa ng Sanofi Pasteur (2018).
- Ang "fake news" ay isang uri ng balita na naglalaman ng mga maling impormasyon na mabilis kumakalat sa isang partikular na lugar (2018).
- Ang "ayuda" ay paraan ng pagbibigay tulong sa anyo ng salapi, pagkain, o kagamitan na ipinamahagi noong pandemya (2020).
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
- Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa.
- Narito ang tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP):
- Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang
- Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing diyalekto
- Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Filipino
- Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa:
- (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan
- (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
- Noong Hulyo, 1997, nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.
- 1935, ang Tagalog ang katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas.
- Noong 1987, ang Pilipino ang unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.
- Ang Filipino ang kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles.
- Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang opisyal na wika na ginagamit ay Ingles at Espanyol.
Antas ng Wika
- Pabalbal/Balbal: may katumbas itong "slang" sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika na mga salitang pangkalye o panlansangan.
- Halimbawa: Parak (Pulis), Eskapo (Takas sa bilangguan), Istokwa (Naglayas), Juding (Bakla), Tiboli (Tomboy), Balbonik (Taong maraming balahibo sa katawan), at Brokeback (Lalaki sa lalaking relasyon)
- Kolokyal: mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
- Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap at ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang salitang madaling maintindihan.
- Halimbawa: Alala, Likha, Naroon, Kanya-kanya, Antay.
- Lalawiganin/ Panlalawigan: karaniwang salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno, at Bicolano at may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita kasama ang punto o accent.
- Halimbawa: Kaibigan (Kaibigan-Tagalog, Gayyem-Ilokano, Higala-Cebuano, Amiga-Bikolano), Halik (Halik-Tagalog, Ungngo-Ilokano, Halok-Cebuano, Hadok-Bikolano).
- Pambansa: ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
- Ginagamit sa mga paaralan at pamahalaan at ang salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.
- Halimbawa: Aklat, Ina, Ama, Dalaga, Masaya
- Pampanitikan: pinakamayamang uri at gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba't ibang tono, tema at punto.
- Sa ibang kahulugan at ang "kapatid na babae ng kasaysayan".
- Ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip at malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.
- Halimbawa: Mabulaklak ang Dila, Di-maliparang Uwak, Kaututang Dila, Balat Sibuyas, Taingang Kawali, Nagbukas ng Dibdib
Ang mga Sawikain
- Bagama't magkakapareho sila ng bahagi sa kulturang Pilipino, magkakaiba naman sila ng kahulugan at mga salitang lumalarawan sa isang bagay o pangyayaring kadalasan ay mahirap malaman ang kahulugan.
- Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal at di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
- Halimbawa:
- Bukas Palad: Talagang bukas palad si Juanito pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.
- Amoy Pinipig: Palaging amoy pinipig ang sangol na anak ni Aling Maria.
- Kabiyak ng Dibdib: Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.
- Butas ang Bulsa: Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.
Ang mga Salawikain
- Ang salawikain naman ay mga salitang maituturing na pilosopiya sapagkat ito ay may malalim na kahulugan at talaga namang matalinghaga kasama ang kasabihan ay mgasalita o paniniwala ng mga tao at nakakaapekto sa isa bilang maiikling pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa pang- araw-araw na pamumuhay.
- Pangungusap sa araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino.
- Ubos-Ubos Biyaya, Bukas Nakatunganga: Huwag masyadong magastos at magwaldas ng pera sa mga bagay na hindi kailangan at bukas ay wala ng natira o ipon para sasarili at mas maganda na sabihan ka ng kuripot kaysa naman pagdating ng araw ay wala na sa iyong matira.
- Pag 'di Ukol ay Hindi Bubukol: nakalaan para sayo at huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi naman talaga naka laan para sa iyo.
- Kung Walang Tiyaga, Walang Nilaga: Pagsasakripisyo para sa sarili at huwag tatamad tamad, matutong magbanat ng buto para sa magandang kinabukas ng iyong pamilya at para narin sa iyong sarili.
- Ang Hindi Marunong Magmahal sa Sariling Wika, Daig Pa Ang Malansang Isda: hindi marunong magpahalaga sa wikang ginagamit ay higit pa sa asal na walang ugali at hindi makabansa sa puso at isipan.
Ang mga Pagdadalumat
- Dalumat: malalim na pag-iisip at pagbibigay interpretasyon.
- Ito ay kaalaman at abilidad upang ihukom ang partikular na sitwasyon o paksa.
- Ambagan: pinagyaman nito ang iba’t ibang wika sa Filipino sa pamamagitan ng pagsangguni sa balarila’t leksikon ng mga wika sa bansa sa pagkuha ng mga salita mula sa katutubong wika.
Ang mga Susing Salita
- Ito ang unang pambansang palihan (hulmahan) ng wika na nakatuon sa pagbuo ng kaalaman gamit ang mga konseptong nakapaloob sa isang susing salita na hango sa anumang wika sa Pilipinas na naglalayon na:
- Paunlarin ang mga inisyal na ideyang nakapaloob sa piniling salita
- Alamin ang potensyal na ambag nito sa larangan ng pag-aaral at pananaliksik tungo sa produksyon ng kaalaman, lunsaran ang nabuong kaalaman na hango sa napiling susing salita sa artikulasyon ng mga pambansa at akademikong usapin tulad ng panunuring pampanitikan, identidad, migrasyon, modernismo, urbanisasyon, pagpaplanong pangkomunidad, wika, kultura at iba pa.
- Sa tulong ng mga guro, iskolar, mananaliksik eksperto sa iba’t ibang akademikong disiplina ay magkakaroon ng interdisiplinaryong pagsipat sa napiling susing salita matukoy ang lawak at lalim ng diskursong maaaring mabuo rito.
Mga Salitang Filipino na Kabilang sa Oxford Dictionary
- Ayon kay Danica Salazar, mayroong 40 salita na hango sa paggamit ng mga Pinoy sa ilang salitang Ingles:
- advanced – of a clock or watch: indicating a time ahead of the correct time
- bahala na- expressing an attitude of optimistic acceptance or fatalistic resignation, esp. in acknowledging that the outcome of an uncertain or difficult situation is beyond one’s control or is preordained; ‘que sera sera’. Hence also as noun (n): an approach to life characterized by this attitude.
- balikbayan- a Filipino visiting or returning to the Philippines after a period of living in another country.
- balikbayan box- a carton shipped or brought to the Philippines from another country by a Filipino who has been living overseas, typically containing items such as food, clothing, toys, and household products.
- baon- money, food, or other provisions taken to school, work, or on a journey.
- barangay- in the Philippines: a village, suburb, or other demarcated neighborhood; a small territorial and administrative district forming the most local level of government.
Masinsin at Mapanuring Pagbasa
- Ayon kay Neuman ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng mga tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran at malaking tulong sa mananaliksik ang proseso ng pagtuklas.
- Ayon kay Sicat-De Laza (2016) ang maka-Pilipinong pananaliksik:
- gumagamit ng wikang Filipino at/o mgakatutubong wika sa Pilipinas na tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mgamamamayan
- pangunahing isinasaalang-alang dito ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa samabayanang Pilipino.
- itinuturing ang Komunidad bilang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
- Gabay na tanong sa pagpili ng wastong paksa:
- May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?
- Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?
- Makakapag-ambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
- Gagamit ba ako ng sistematiko at siyentipikong pananaw upang masagot ang tanong?
- Ang metodolohiya sa pananaliksik ay sistematikong paglutas sa mga suliranin/tanong.
Mga Metodo ng Pananaliksik
- Interbyu: pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik.
- Mayroong structured kung binibigay agad ang mga tanong bago ang interbyu at halos walang follow-up natanong.
- Mayroong din non-structured o impormal na interbyu na karaniwang maraming follow-up.
- Pangkatang Talakayan: dalawa o higit ang kinapanayam.
- Sarbey: Pagsasagot sa mga talatanungan o questionnaire.
Mga Disenyo ng Pananaliksik
- Deskriptibong pananaliksik: paglalahad ng katangian ng tao, grupo, sitwasyon, bagay, phenomenon at iba pang sinusuri o pinag-aaralan.
- Komparatibong pananaliksik: deskriptibo o palarawang paghahambing/ pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng 2 grupo, tao, sitwasyon, bagay, phenomenon at iba pa.
Mga Bagay na Isaalang-alang sa Pagbuo ng Paksa sa Pananaliksik
- Kawilihan ng Mananaliksik: Pumili ng paksang interesado ka upang mapanatili ang sigasig sa pagsasaliksik.
- Kahalagahan ng Paksa: Siguraduhing may kabuluhan ang paksa at may ambag ito sa larangan ng kaalaman, lipunan, o propesyon.
- Saklaw at Limitasyon: Dapat na makatotohanan ang lawak ng pananaliksik, hindi masyadong malawak o masyadong makitid.
- Mapagkukunan ng Datos: Siguraduhing may sapat na mapagkukunan ng impormasyon tulad ng mga libro, artikulo, at iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian.
- Orihinalidad at Kabuluhan: Hangga't maaari, pumili ng paksang hindi pa gaanong napag-aaralan upang makapag-ambag ng bagong kaalaman.
- Kakayahang Maisagawa: Isaalang-alang ang panahon, badyet, at mga kasanayan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
- Etikal na Pagsasaalang-alang: Siguraduhing hindi makasasama sa ibang tao o lumalabag sa anumang etikal na pamantayan ang pananaliksik.
- Sa pagpili ng paksa, mainam din na kumonsulta sa mga eksperto, guro, o tagapayo upang masigurong angkop ito sa layunin ng iyong pananaliksik.
Pagte-Teorya sa Kontekstong Pilipino/ Filipino
- Isaalang-alang kung paano makakatulong ito upang maging masinop at masinsin ang ating pag-intindi sa wika at ang naturang gamit nito para samgatao at salipunan niyang ginagalawan.
Mga Punto ng Pagsusuri at Pagdadalumat ng Wika:
- Paimbabaw: Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba't ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika ang paimbabaw na level ng wika.
- Malaliman: Ang middle structure natatawagin lalim ng wika (WF) ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF).
- Kaibuturan: Sa ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF walang debelopment ang wika.
Tatlong Pananaw Tungkol sa Pagdadalumat ng Filipino:
- Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa.
- Mabilis na paglaganap ng TagLish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at praktika.
- Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) nanakakaapekto sa pagpili, pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino.
- Ang puwersa ng pagbabago ng wika ng WF ay hindinakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito.
- Bakit hindinagmumula sa kognisyon o sa mental naproseso ng paglikha ng wika? Dahil madalas at sa maraming pagkakataon ang internal nalohika at istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron, sa banyagang wika – Ingles.
- Pansinin: Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles kalakip ang Implikasyon nito sa ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng "kung ano ang bigkas, siya ang baybay”.
- Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng pangungusap ay nakakiling sa Ingles gaya nang laganap din ito sa broadcast media, showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa kasalukyan.
- Ang tinatawag na code-switching ay totoonamang 'di code-switching dahilganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching nanagaganap dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF.
- At ang syntactic-semantic substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-,mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally flexible saformang Taglish.
- Ang WF ay Taglish wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na gramatika kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang “maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan."
- Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz.
- Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial Tagalog;walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista at larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang larang sa akademya.
Kaugaliang Pilipino
- Bayanihan: nabuo sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong.
- Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak.
- Pakikisama: tumutukoy sa pakikipagkapwa-tao at maayos na pakikitungo sa iba ang kaugaliang ito na karaniwang nangangahulugan ng pakikiayon, pag-unawa, at pagsasakripisyo ng pansariling kagustuhan upang mapanatili ang magandang samahan sa grupo o komunidad.
- Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian.
- Palábra de Honor: May isang salita.
- Amor Própio: tumutukoy ito sa damdaming paggalang at pagpapahalaga sa sariling dignidad.
- Delicadeza: dapat kumilos ang isang tao sa tama at nasa lugar.
Tour 85
- Ang Diyos ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na ating Panginoon.
Tatlong Sangay ng Pamahalaan
- Sangay na Tagapagbatas (Legislative Branch):
- Kapangyarihang gumawa, magbago, magpawalang-bisa, o mag-amyenda ng batas.
- Binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.
- Statute: Batas na ipinasa ng Kongreso.
- Bill: Hindi pa ito batas, isa lamang itong panukala o draft.
- Ordinance: Batas na ipinasa ng sangguniang panlalawigan para sa probinsya.
- Sangay na Tagapagpaganap (Executive Branch):
- Kapangyarihang magpatupad, ipatupad, o ipatupad ang batas.
- Nakasalalay sa Pangulo ng Pilipinas.
- Mayroong iba't ibang departamento sa ilalim ng sangay na tagapagpaganap, tulad ng:
- DOT (Department of Tourism)
- DOTC (Department of Transportation and Communication)
- DFA (Department of Foreign Affairs)
- PNP (Philippine National Police)
- DILG (Department of Interior and Local Government)
- Sangay na Panghukuman (Judicial Branch):
- Kapangyarihan at tungkulin ng mga korte ng hustisya na ayusin ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga karapatang legal na hinihingi.
- Kapangyarihang bigyang-kahulugan ang batas.
- Ang Kataas-taasang Hukuman ang pinakamataas na hukuman sa bansa.
- Si Alexander G. Gesmundo ang ika-27 Punong Mahistrado ng Kataas- taasang Hukuman.
Iba't Ibang Korte sa Pilipinas
- Municipal Trial Court, Regional Trial Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeal
Espesyal na Kapangyarihan ng Pamahalaan
- Kapangyarihang kumuha ng pribadong pag-aari (Power to take private property): Para sa mga pampublikong layunin o pampublikong paggamit, magbabayad ang pamahalaan ng makatarungang kabayaran.
- Kapangyarihang magpatupad ng mga batas (Power to enact laws): Sa relasyon sa mga tao at ari-arian na maaaring magsulong ng pampublikong kalusugan, moral, kaligtasan, at pangkalahatang kapakanan.
- Kapangyarihang magpataw ng mga pasanin o singil (Power to impose burdens or charges): Sa mga tao at ari-arian para sa layunin ng pagpapataas ng kita para sa pampublikong layunin
- Artikulo III - Bill of Rights (Mga Karapatan) NG 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES ARTICLE 3:
-
- Gumagabay sa relasyon sa pagitan ng mga indibidwal at ng estado/pamahalaan.
-
- Hindi ito nababahala tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga indibidwal at mga pribadong sektor.
-
- Pinoprotektahan ang mga tao laban sa arbitraryo at diskriminasyong paggamit ng kapangyarihang pampulitika.
-
- Artikulo III, Seksyon I: “Walang taong aalisan ng kanyang buhay, kalayaan, o ari-arian nang walang angkop na proseso ng batas, ni hindi dapat ipagkait sa sinumang tao ang pantay na pangangalaga ng mga batas.
Constitutional Provisions Related to Tourism & Hospitality
Saligang Batas (Constitution)
- Basic at pinakamataas na batas ng bansa ang Supremacy of the Consitution.
- Ito ay mayroong Doktrina kung saan, kung ang batas o kontrata ay lumalabag sa anumang pamantayan ng konstitusyon, ang batas o kontratang i yon ay hindi balido (not valid).
- Saligang Batas ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas -Walang sinumang tao ang maaaring mahalal na Pangulo maliban kung siya ay isang natural-born citizen ng Pilipinas, isang rehistradong botante, may kakayahang bumasa't sumulat, hindi bababa sa apatnapung taong gulang sa araw ng halalan, at isang residente ng Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa sampung taon bago ang naturang halalan."
Espesyal na Kapangyarihan ng Pamahalaan
- Kapangyarihang kumuha ng pribadong pag-aari para sa mga pampublikong layunin o pampublikong paggamit, magbabayad ang pamahalaan ng makatarungang kabayaran.
- Kapangyarihang magpatupad ng mga batas sa relasyon sa mga tao at ari-arian na maaaring magsulong ng pampublikong kalusugan, moral, kaligtasan, at pangkalahatang kapakanan.
- Kapangyarihang magpataw ng mga pasanin o singil sa mga tao at ari-arian para sa layunin ng pagpapataas ng kita para sa pampublikong layunin
- “Walang taong aalisan ng kanyang buhay, kalayaan, o ari-arian nang walang angkop na proseso ng batas, ni hindi dapat ipagkait sa sinumang tao ang pantay na pangangalaga ng mga batas"
- Buhay: Hindi maaaring alisin ng pamahalaan ang buhay ng isang tao nang wala ang angkop na proseso.
- Kalayaan: Kalayaan sa kanyang kalooban sa mga ayos na paraan, upang mabuhay o magtrabaho kung saan niya nais ang ari-arian at tumutukoy sa personal o tunay, hindi natitinag o maaaring ilipat, nahahawakan at hindi nahahawakan.
- Equal protection: nangangahulugang ang mga tao sa parehong klase ay dapat tratuhin nang pareho.
Artikulo III, Seksyon 6
- Artikulo III, Seksyon 6. “Ang kalayaan sa paninirahan at pagbabago ng parehong nasa loob ng mga limitasyon na inireseta dahil ang batas ay hindi dapat mapahina maliban sa utos ng korte. Hindi rin dapat mahina ang karapatang maglakbay maliban na lamang kung sa interes ng pambansang seguridad, pampublikong kaligtasan, o pampublikong kalusugan, ay maaaring ibigay ng batas."
Studying That Suits You
Use AI to generate personalized quizzes and flashcards to suit your learning preferences.