Pagsasagawa ng Angkop na Kilos sa Pakikipagkaibigan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses different types of friendships based on Aristotle's philosophy. It explains how friendships influence self-discovery, interpersonal skills, and community development. It emphasizes the importance of nurturing positive friendships and their benefits for personal growth and societal harmony.
Full Transcript
Pagsasagawa ng Angkop na Kilos sa Pakikipagkaibigan MGA LAYUNIN I. natutukoy mo ang mga taong itinuturing mong kaibigan at ang mga natutuhan mo mula sa mga ito; II. nasusuri mo ang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle;. III. n...
Pagsasagawa ng Angkop na Kilos sa Pakikipagkaibigan MGA LAYUNIN I. natutukoy mo ang mga taong itinuturing mong kaibigan at ang mga natutuhan mo mula sa mga ito; II. nasusuri mo ang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle;. III. nahihinuha mo na: i. ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan; ii. maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang lipunan/pamayanan at iii. ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal; IV. naisasagawa mo ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan tulad halimbawa ng pagpapatawad. ✓ Mayroon ka bang mga kaibigan? Masasabi mo bang tunay nga silang kaibigan? ✓ Paano ba masasabing tunay o totoo nga ang napili mo at tinatawag na kaibigan? ✓ May mga palatandaan ka bang alam kung totoo sila o hindi? ✓ Anong mabuting naidudulot nila sa iyo? ✓ Gaano ba karami ang mga kaibigan mo? ✓ Ano ba ang totoong pakahulugan sa salitang ito? ✓ Kung totoong “Ang kaibigan ay kayamanan,” gaano ka na kayaman, kung ganoon? Ipaliwanag. Nakatutuwa kung ikaw ay maraming kaibigan. Nangangahulugan ito na marami ang maaari mong maging kaagapay sa paglalakbay sa buhay. Marami ang tutulong sa iyo kung may suliranin o pasanin sa buhay. Kaibigan. Ito ay ang mga tao na pinili mong pag- alayan ng personal na ugnayan, kalakip ang pagmamahal at pagmamalasakit. Naglalayon ito ng pag- unlad at kabutihan. Ayon kay Aristotle, isang pilosopo, “Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito’y isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan.” Ang wagas na pakikipagkaibigan ay nag-uugat sa malalim na pagpapahalaga sa sarili, pagkaunawa sa kung ano at sino siya at ang kapwa. Ito ay ibinibigay sa tiyak na tao na may higit na malalim na ugnayan na pinanday ng panahon na nagnanais na paunlarin ang pagkatao ng isa’t- isa tungo sa layunin ng kabutihang panlahat na nakatutulong sa pag-angat ng isang pamayanan. Sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan ay lalo mong nakikilala ang iyong sarili. Nakatutulong ito upang lalong mapataas ang tiwala sa sarili. Nangangailangan ng ibayong pagsisikap ang pagbubuo ng pakikipagkaibigan sapagkat ito ay sinusubok ng panahon at dinadalisay ng wagas na pag-ibig. Upang lalo pang lumawak ang pagkakaunawa mo sa pakikipagkaibigan, narito ang tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle: Tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle: 1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan 2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan 3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan Tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle: 1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan Ito ay ang pakikipag-ugnayan na nakasalig sa kung ano ang maibibigay ng iyong kaibigan. Ang relasyong ito ay nakatuon sa pagbibigay ng isang bagay dahil mayroon kang makukuhang kapalit mula sa iyong kaibigan. Ang uri na ito ng pakikipagkaibigan ay kalimitang hindi tumatagal sapagkat kung wala ng maibibigay ang kaibigan ay nababalewala ito. Tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle: 2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan Ang pagkakaibigang ito ay tumutugon sa sitwasyon. Sa panahon na magkasama kayo sa paglilibang ay nakadarama ng kasiyahan ngunit kapag tapos na ang okasyon o pagsasama ay maaaring mawala na ang pagnanais na makasama itong muli. Maaari ring maglaho ang ugnayan kung may makikita na hindi niya gusto sa kaibigan. Tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle: 3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan Ito naman ang pinakamalalim sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan sapagkat naglalayon ito na mapabuti ang bawat isa. Taglay nito ang birtud at pagpapahalaga na nagpapadalisay at nagpapatibay sa pagkakaibigan. Hangad ng bawat isa na mapalago at mapaunlad ang pagkatao ng isa’t isa. “Pakikipagkaibigan: pagtuklas ng sarili.” Ang layunin ng pakikipagkaibigan ay ang lumago ang pagkatao ng isang tao. Narito ang ilan sa maitutulong sa tao ng pakikipag- ugnayang nabanggit: 1. Mapatatag ang pagkakakilanlan at kaganapan ng pagkatao 2. Malilinang ang pakikipagkapwa 3. Matatamo ang mapayapang lipunan 1. Mapatatag ang pagkakakilanlan at kaganapan ng pagkatao Nakatutulong ang pakikipagkaibigan ng tao sapagkat unti-unti niyang natutuklasan kung sino at ano siya sa iba’t ibang aspeto. Nalalaman niya na may mga bagay pa pala siya na hindi alam sa kaniyang sarili. Nauunawaan niya ito sa tulong ng kaibigan. Kaakibat nito ang pagpapaunlad ng kaniyang pagkatao. Ayon sa akda ni Joy Carol (2008) na The Fabric of Friendship, ang mga sumusunod ay ang mga mabubuting naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pag-unlad ng tao: ✓ Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili ✓ Natututuhan kung paano maging mabuting tagapakinig ✓ Natutukoy kung sino ang mabuti at di-mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan ✓ Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag-kaibigan sa kabila ng ilang hindi pagkakaintindihan ✓ Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan 2. Malilinang ang pakikipagkapwa Higit na lumalawak ang pananaw kung paano umunawa, magmalasakit at magsakripisyo para sa iba sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan. Nahuhubog ka ng gawaing ito sa pagtanggap at pag-abot sa kapwa. Dahil din dito, patuloy na napauunlad ang iyong pagkatao. Natututuhan mo rin kung paano makiharap, makitungo o makisalamuha sa iba. 3. Matatamo ang mapayapang lipunan Sa iyong pakikitungo sa mga kapamilya, kapitbahay, kamag-aaral, kabaranggay at iba pang tao ay magiging maayos ang inyong pamayanan. Kung nasanay ka nang magbigay ng pagmamahal sa iyong kaibigan, hindi malabo na ito rin ay maibabahagi mo sa iba. May mga elemento na dapat taglayin ang bawat isa upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Pagmamahal 2. Katapatan 3. Pagmamalasakit 4. Pag-asa 5. Pang-unawa 6. Bukas na komunikasyon 7. Pagtitiwala Ang bawat tao ay hindi perpekto. Ikaw at ang iba pa ay maaaring nakagagawa ng pagkakamali. Ito ay maaring maging aral sa iyo at maging batayan mo sa pag-unlad kung titingnan ito sa positibong kaisipan. Hindi maiiwasan sa pagkakaibigan ang hindi pagkakaunawaan dala ng kahinaan ng bawat isa. Anoman ang pagdaanang krisis ng pagkakaibigan bunga ng pagkakamali ay may nagpapabuklod dito—ang pagmamal Halimbawa: Gaano man kalaki ang pagkakasala na nagawa sa iyo ng iyong kaibigan, tiyak na sa pamamagitan ng dalisay na pag-ibig ay mapagtatagumpayan ang lahat. Nadaraan ito sa maayos na usapan. Mainam na bigyan ng panahon na makapagpaliwanag at makapagbago. Sapagkat kung may pagmamahal, mayroon ding pagpapatawad. Napatatatag ang samahan ng magkaibigan sa mga pangyayari na hindi ginusto o inasahan subalit naganap. Maaaring magdulot ito ng sakit sa damdamin ng bawat isa. Sa kabila nito, makabubuting mangibabaw ang pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t-isa. Sa iyong pakikisalamuha sa iba ay mas nakapipili ka rin ng mga tao na gugustuhin mong maging kaibigan hanggang sa huli. Makikita mo ito sa paraaan ng kanilang pakikitungo, mga hilig o gusto na maaaring katulad ng sa iyo, at sa pag-uugaling taglay nila. Dito mo mapagpapasyahan kung dadalhin ka ng mga ito sa mabuti o sa masama. Ngayon ay naunawaan mo na ang kahalagahan ng pagsasagawa ng angkop na kilos sa pakikipagkaibigan. Matutukoy mo na ang mga natutuhan sa mga taong itinuturing mo na tunay na kaibigan. “Pagmamahal: nagpapabuklod sa magkakaibigan.”