Batayang Kaalaman sa Wika PDF
Document Details
Uploaded by PurposefulOceanWave
Tags
Summary
This module provides basic knowledge of the Filipino language, discussing its functions, historical context, and different varieties used. It examines the development of the national language in the Philippines and the roles of Filipino in contemporary society. It also highlights important historical events and key figures in the evolution of the Filipino language.
Full Transcript
MODYUL BLG. 2 BATAYANG KAALAMAN SA WIKA MGA LAYUNIN Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod na kasanayang pampagkatuto: A. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. B...
MODYUL BLG. 2 BATAYANG KAALAMAN SA WIKA MGA LAYUNIN Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod na kasanayang pampagkatuto: A. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. B. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. TUNGKULIN NG WIKA TUNGKULIN NG WIKA PERSONAL Naipapahayag ang sariling damdamin, pananaw, opinion at maging personalidad ng isang indibidwal. TUNGKULIN NG WIKA PERSONAL Halimbawa: Keith: Talaga? Sinasagot mo na ako? Yahooo! Diane: Oo, sinasagot na kita! TUNGKULIN NG WIKA IMAJINATIV Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan ng mapapansin ito sa mga gawang masining o estitiko. TUNGKULIN NG WIKA IMAJINATIV Halimbawa: Sheimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya? Christian: Siyempre ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong mundo. TUNGKULIN NG WIKA INTERAKSIYUNAL Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga relasyong panlipunan. TUNGKULIN NG WIKA INTERAKSIYUNAL Halimbawa: Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll! Aubrey: Siyempre, Salamat po Doc ang drama ko! TUNGKULIN NG WIKA IMPORMATIBO/ REPRESENTASYONAL Ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangan maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos, at impormasyong hatid ng mundo. TUNGKULIN NG WIKA IMPORMATIBO/REPRESENTASYONAL Halimbawa: Dominic: Alam mo ba na ang salitang goodbye ay nagsimula sa pahayag na God be with you? Jaja: A, Talaga? TUNGKULIN NG WIKA INSTRUMENTAL Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibiduwal ang kanyang nais gawin. TUNGKULIN NG WIKA INSTRUMENTAL Halimbawa: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Jean: Ganun ba? Sige walang problema. TUNGKULIN NG WIKA REGULATORYO Ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan na may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. TUNGKULIN NG WIKA REGULATORYO Halimbawa: Islogan ng MMDA: Bawal umihi rito. Multa: Php 500. George: Naku saan kaya ako maaaring umihi? Bawal pala dito. TUNGKULIN NG WIKA HEURISTIKO Gamit ito ng mga taong nais na matuto at magkamit nga mga kaalamang akademik at/o propesyunal. TUNGKULIN NG WIKA HEURISTIKO Halimbawa: Giko: Ngayon ko lang nalaman na ang Dalamhatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen language. Nixon: A, oo. Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika sa mundo ay kinakailangang naka aangkop sa pagbabago ng panahon upang matuloy at umunlad. VARAYTI O BARAYTI NG WIKA Ang bawat wika sa rehiyon ay may pagkakahawig o pagkakaiba at ito ay tinaguriang varyedad ng wika sa ibang rehiyon o lalawigan. URI NG VARAYTI (AYON KAY CATFORD, 1965) A. PERMANENTENG VARAYTI Ito ay para sa mga tagapagsalita o tagabasa. >DIYALEKTO Panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocubulary) HALIMBAWA Ang salitang “ibon” sa Tagalog ay “langgam” naman sa Sinugbuanong Binisaya. >IDYOLEK Kaugnay ng personal na kakayahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibiduwal. HALIMBAWA “it’s not that galit na galit ako. It’s just that, Nakakasabaw, SOBRA!” A. PANSAMANTALANG VARAYTI Ito ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. >REGISTER Batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinaguusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang mga salik o factor. HALIMBAWA (Talakayan sa klase sa Filipino) Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang- araw-araw na buhay? Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon parang walang buhay ang mundo. Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang mga tao. >TENOR/ESTILO Nakabasi sa relasyon ng nagsasalita sa kausap: formal, kolokyal, intemeyt/personal >MODE/MODA Midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasakita o pasulat HALIMBAWA MODANG PASALITA MODANG TEXT E1: Kain na tayo. E1: Kain tau. E2: Tara, San? E2: Wer? E1: Sa resto. E1: Resto E2: San nga e? E2: Wat resto? E1: E di sa Gerry’s. E1: S Gerry’s n lng. E2: Okey. E2: K >SOSYOLEK Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit sa wika sa lipunang kanyang ginagalawan. HALIMBAWA MAHIRAP MAYAMAN “Sira ang ulo” “Nervous breakdown” “Magnanakaw” “Kleptomaniac” “Negrita” “Morena” “Payatot” “Slender” >PIDGIN Wikang umunlad o napaunlad sa dahilang praktikal, walang masalimuot o kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan HALIMBAWA You buy this? ( Will you buy this?) You go back when? (When will you go back?) Boss, in or out? (Is the boss in the office or somewhere?) >CREOLE Ang pidgin, kapag naging Inang Wika o mother tongue ng isang pangkat ng tao ay tinatawag na Creole, at ginagamit sa mas malawak na larangan. HALIMBAWA Chavacano KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS “Sa alinmang bagay ay wala ng napakamahalaga na tulad ng pagkakakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkilala sa bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng iisang wikang panlahat.” -Pangulong Manuel L. Quezon WIKANG PAMBANSA Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan sa ginagamit nito sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mga taong sakop nito. KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG WIKANG PAMBANSA: Bigkis ng pagkakaisa Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad. Ugat ng nasyonalismo. Kaluluwa ng bayan. MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA KASAYSAYAN NG PAGKAKATATAG NG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS >SALIGANG-BATAS NG BIYAK-NA-BATO (1896) Itinalaga ang Wikang Tagalog bilang opisyal na wika ng Pilipinas. >SALIGANG-BATAS NG 1935 (SEKSYON 3, ARTIKULO XIV) Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapa-unlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. NOBYEMBRE 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Bldg. 184. DISYEMBRE 30, 1937 Naiproklama ng Pangulong Quezon na ang Wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. BATAS KOMONWELT BLG.. 184, S. 1936, SEKSIYON 8, TALATANG (5) Batayan sa paghirang sa Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa: BATAS KOMONWELT BLG.. 184, S. 1936, SEKSIYON 8, TALATANG (5) 1. Sapagkat napatunayang ito ang wikang “higit” na maunlad sa istruktura/kayarian 2. Maunlad sa Mekanismo BATAS KOMONWELT BLG.. 184, S. 1936, SEKSIYON 8, TALATANG (5) 3. Maunlad sa literature 4. Tinanggap at ginagamit sa kasalukuyang panahon ng pinakamaraming Pilipino. DISYEMBRE 13, 1939 Nakapaglimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino si Lope K. Santos (ang Ama ng Balarilang Pilipino) NOBYEMBRE 30, 1943 Nilagdaan ni Pangulong Jose P. Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtakda ng ilang repormang pang-edukasyon, isa sa mga iyon ay ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng publiko at pribadong paaralan ng hayskul ,kolehiyo at unibersidad. HUNYO 4, 1946 Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal PROKLAMASYON BLG. 13 NOONG MARSO 26, 1954 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang tungkol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29- Abril 4. PROKLAMASYON BLG. 186 NOONG SEPTYEMBRE 23, 1955 Nagsasabing inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na binigyang karangalan “ Ama ng Wikang Pambansa.” KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 7 NOONG AGOSTO 13, 1959 Nagsasabing na ang wikang pambansa ay Pilipino. KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. (1967) Na pangalanan sa Pilipino ang mga gusali at tanggapan ng ating pamahalaan. RESOLUSYON BLG. 70 (1970) Ay nagsasabing ang wikang pambansa ay nagging wikang panturo sa antas elementarya. RESOLUSYON BLG. 73 (1973) Iniluwal ang patakarang bilingguwal. Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula unang baiting ng mababang paaralan hanggang Kolehiyo sa lahat ng paaralan. NOONG 1974-75 Ay sinimulang ipatupad ang patakarang Edukasyong Bilingguwal. ·Constitutional Commission ( Setyembre 10, 1983 ) – nagpatibay na ang Pilipino ay gagawin bilang Wikang Pambansa. OKTUBRE 12, 1986 Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika, gaya ng isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ( Artikulo 4 seksyon 6 ). “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika” KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 117 (ENERO 1987) Ang dating Surian ng Wikang Pambansa ng (SWP) ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP). KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 84 (1988) Nag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS na isakatuparan ang kautusang tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transakyon ng pamahalaan. MARSO 19, 1989 Ipinalabas ng kalihim Isidro Carino ng Edukasyon , kultura at Palakasan ang kautusang pangkagawaran Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin. BATAS REPUBLIKA BLG. 7104 (AGOSTO 14, 1991) Nilikha ang komisyon Sa Wikang Filipino (KWF) bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 konstitusyon HULYO 15, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula Agosto 1- 31 na dating Linggo ng Wika. MGA TAGAPAG-ULAT Shamaine Christine Aristotle Michaela Honey Albellar Abadines Amargo Antido Asis MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!