Wika, Kultura at Lipunan - Aralin 1 (ACLC College)
Document Details
Uploaded by Deleted User
ACLC College
Tags
Summary
This lecture document discusses the Filipino language and its history. It covers the different periods of development and how the Filipino language was established. It also includes practice exercises (gawain).
Full Transcript
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN FILIPINO: WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL ARALIN 1 KAHULUGAN NG WIKA Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong k...
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN FILIPINO: WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL ARALIN 1 KAHULUGAN NG WIKA Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ayon kay Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999) Ang wika ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales et al. 2002) PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC MGA KALIKASAN NG WIKA 1. Ang wika ay may masistemang balangkas. 2. Ang wika ay arbitraryo. 3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura. Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay o dinamiko. Bawat wika ay unique o natatangi. Walang wikang may magkatulad na magkatulad na katangian. May kani- kanilang lakas o kahinaan din ang wika. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC HETEROGENEOUS – ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito. HOMEGENOUS – ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito. BERNAKULAR – ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o kalakal. (Wikang Panrehiyon) BILINGGUWALISMO – ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw PAGMAMAY-ARI sa pagiging NG ACLC COLLEGE OF bilingguwal ng isang tao ORMOC UNANG WIKA – ay tinatawag ding “wikang sinuso ng ina” o “inang wika” dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. PANGALAWANG WIKA - ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. Halimbawa: Cebuano ang unang wika ng mga taga – Cebu. Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kanila. Ang Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay tinatawag ding pangalawang wika. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC WIKANG PAMBANSA Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.” PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC WIKANG PANTURO Iniatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC OPISYAL NA WIKA Tinatawag na opisyal na wika ang isang binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon nilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ang Filipino at Ingles. Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, “Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.” lingua franca – tulay ng komunikasyon sa bansa PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC WIKA, KULTURA AT LIPUNAN KASAYSAYAN AT PAGKAKABUO NG WIKANG PAMBANSA ARALIN 2 GAWAIN Sa tagal ng panahon ng pananatili ng mga Espanyol dito sa ating bansa, napakaraming bokabularyo ang humalo na sa ating talasalitaan. Ano ang baybay ng mga sumusunod na salita sa Filipino? 1. juez 2. reloj 3. vacio 4. cebollas 5. hielo 6. cerrado 7. cilla 8. azucar 9. guapo 10. jabon 11. tenedor 12. ambicioso 13. como esta 14. cuchillo 15. celoso 16. baño 17. cuchara 18. romantico 19. leccion 20. sello PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC PANAHON NG BIAK-NA-BATO (1897) Itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC PANAHON NG AMERIKANO (1898 – 1946) PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC SALIGANG BATAS 1935 ART. XIV SEK. 3 "Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana.” PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC BATAS KOMONWELT 184 Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na naatasang pumili ng iisang katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC KAUTUSANG TAGAGANAP BLG. 134 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC PANAHON NG PANANAKOP NG HAPON (1942 – 1945) PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC BATAS KOMONWELT BLG. 570 Simula sa Hulyo 4, 1946, ang Tagalog ay isa sa mga opisyal na wikang pambansa. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC PANAHON NG PAGSASARILI PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BILANG 7 (Agosto 13, 1959) Naglabas si Kalihim Jose E. Romero, ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na tukuyin ang Wikang Pambansa bilang Pilipino. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC 1987 Constitution Ang Wikang Pambansa ay Filipino. PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC TAGALOG, PILIPINO, at FILIPINO TAGALOG – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959) FILIPINO – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987) PAGMAMAY-ARI NG ACLC COLLEGE OF ORMOC