WEEK-1-AKADEMIKO.pptx
Document Details

Uploaded by FantasticSelenite4815
Tags
Related
- EAPP-S1-wk-1 English for Academic & Professional Purposes PDF
- EAPP Q1/Q3-Module 7 Writing Concept Paper PDF
- 课程与教学论 PDF
- Study Skills 1 - Assignment Writing - Dr Hisham - Fall 2024 PDF
- Language Used in Academic Texts From Various Disciplines PDF
- English for Academic and Professional Purposes Grade 12 PDF
Full Transcript
Fili 002 MAGANDANG ARAW SA LAHAT! Inihanda ni: Vic Angelou C. Nuñez AKTIBIDAD Bilang isang mag-aaral mag-isip ng iyong sariling kahulugan kung maririnig ang salita na “Akademiko sa Pagsusulat” Isulat sa isang sangkapang papel at ibahagi ito sa mga kaklase. GABAY NA TANONG: Gaano...
Fili 002 MAGANDANG ARAW SA LAHAT! Inihanda ni: Vic Angelou C. Nuñez AKTIBIDAD Bilang isang mag-aaral mag-isip ng iyong sariling kahulugan kung maririnig ang salita na “Akademiko sa Pagsusulat” Isulat sa isang sangkapang papel at ibahagi ito sa mga kaklase. GABAY NA TANONG: Gaano ito kahalaga sa iyong napiling Larangan? Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat at ng akademikong pagsusulat? LAYUNIN: 1.Ang mga mag-aaral ay Nakapagbibigay ng sariling-kahulugan ang akademikong pagsulat 2.Naipaliliwanag ang kahulugan, kalikasan at katangian ng pagsusulat 3.Makakapagsagawa ng sariling sulatin akademikong sulatin. ARALIN 1: Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating akademik ANO ANG PAGSULAT? Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al.,1998) - Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. AKADEMIKONG SULATIN? Ayon sa mga eksperto ang akademikong sulatin ay pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na larangang akademik. Ito ay maituturing na intelektuwal na pagsulat na naglalayong mapalawak at mapataas ang kaalaman hinggil sa iba’t ibang larangan at paksa. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumsalamin sa kultura, karanasan, reaksyon, at opinion base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapabatid ng mga impormasyon at saloobin. HALIMBAWA Talumpati Posisyong papel Katitikang pulong Bionote Agenda Memorandum Lakbay sanaysay Pictorial essay Panukalang proyekto Abstrak MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT Isa sa pinakamahahalagang output ngsinumang mag-aaral ang mga gawaingnauukol sa akademikong pagsulat. ito ayisang masinop at sistematikong pagsulatukol sa isang karanansang panlipunan namaaaring maging batayan ng maramipang pang-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT Isa sa pinakamahahalagang output ngsinumang mag-aaral ang mga gawaingnauukol sa akademikong pagsulat. ito ayisang masinop at sistematikong pagsulatukol sa isang karanansang panlipunan namaaaring maging batayan ng maramipang pang-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. KATANUNGAN Ano ang kaibahan ng Akademikong sulatin at Malikhaing sulatin? Paano sila nagkaiba? Ang pagbuo ng akademikong sulatin aynakadepende sa kritikal na pagbasa ng isangindibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala saganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulatdahil may kakayahan siyang mangalap ngmahahalagang datos, mag- organisa ng mga ideya,lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunongmagpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at mayinobasyon ay kakayahang gumawa ng sintesis. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1.PORMAL Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. 2. OBHETIBO Ang layunin ng akademikongpagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. 3. PANININDIGAN kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon nadapat idinudulog at dinepensahan,ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. 4. MAY PANANAGUTAN Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng 5. MAY KALINAWAN Ang sulating akademiko ay may paninindigan sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sapagsulat ay direktibo at sistematiko. LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG SULATIN 1.Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat. 2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat. 3. Natatalakay ang paksa ng mga na isagawang pag-aaral sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa. 4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral. 5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin. 6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sapagkakaroon ng mataas napagkilala sa edukasyon. KATANUNGAN Bakit mahalagangmabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng Akademikong Pagsulat? KATANUNGAN Ano-ano ang mga katangian dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa akademikong pagsulat?Magtala ng limang katangian at ipaliwanag (3 puntos TAKDANG ARALIN (1/2) Magsulat Ng Isang halimbawa Ng akademikong sulatin na siyang nag papakita Ng kahalagahan sa inyong pipiliing larangan sa kolehiyo. MARAMING SALAMAT at God Bless