Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Wika PDF

Summary

These lecture notes detail the nature and characteristics of language. It highlights the concept that language is a system of sounds, has a structure, and is used for communication by people within a culture. An analysis of the components and characteristics is also given.

Full Transcript

Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Wika Ayon kay Gleason na binanggit nina Bernales, et al. (2000), ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Kun...

Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Wika Ayon kay Gleason na binanggit nina Bernales, et al. (2000), ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Kung hihimay-himayin natin ang ibinigay na kahulugan ni Gleason hinggil sa katuturan ng wika, nangingibabaw ang sumusunod na pahayag: masistemang balangkas sinasalitang tunog arbitraryo ginagamit sa komunikasyon pantao kultura Masistemang Balangkas. Ang wika ay may 2 masistemang balangkas (1) balangkas ng mga tunog, (2) balangkas ng kahulugan. Lumilitaw na ang wika ay may kayariang sumusunod sa isang sistematikong balangkas o paraan ng pagkakabuo. Pinagsama-sama ang mga tunog upang makabuo ng makahulugang yunit gaya ng mga salita. Ang mga salita kung pagsasama-samahin, makabubuo ng parirala o pangungusap. At ang mga pangungusap kung pagsasama- samahin, makabubuo ng isang diskurso. Ang wika ay may balangkas ng tunog at kahulugan. Ang makabuluhang tunog ng isang wika ay tinatawag na ponema. Ang ponema kapag pinagsama-sama, makabubuo ng salita o morpema. Halimbawa ang mga makabuluhang tunog o ponema sa Filipino na /l/ /a/, /i/, at /s/ kapag pagsasama-samahin magiging /alis/,sila/isla/. Maaari rin namang pagsamahin ang “alis”, “sila”, “sa”, “isla” upang makabuo ng pariralang “alis sa isla” o “sila sa isla”. Samahan natin ng ”ang” ”nasa” at ”ay” at mabubuo ang pangungusap na ”Sila ay nasa isla. ” Kung babalikan ang mga halimbawa, ang naging kinahinatnan ng pagkakaroon ng sistema ng tunog ay pagkakaroon ng balangkas at sistema ng kayarian ng wika. Ang huling halimbawa na “ Sila ay nasa isla.” o “Nasa isla sila.” ay kapuwa nagtataglay rin ng sistema ng kayarian at maging sa kahulugan. Ito ang ikalawang uri ng balangkas, ang balangkas ng kahulugan. Bali-baliktarin man ang kaayusan nito hindi pa rin ito nagbabago. Ang karaniwang balangkas ng kayarian ng wikang Filipino ay panaguri na sinusundan ng paksa subalit maaari rin naman ang kabaliktarang ayos nito, ang paksa na sinusundan ng panaguri. Ito ang isang katangian ng wika na mayroong sistematikong balangkas. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ito ay katangian ng wika at bahagi ng kahulugan ng wika na ibinigay ni Gleason. Maraming naririnig na tunog sa paligid natin tulad ng tunog na likha ng ihip 1|EL 150_N ddpungtilan ng hangin, lagaslas ng tubig, pagsabog ng paputok, bagsak ng troso, dagundong, busina ng mga sasakyan, huni ng ibon, kahol ng aso at iba pa. Tunog nga ang mga ito subalit hindi sinasalita. Ang wika ay tunog na nabuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita gaya ng labi, ngipin, ngalangala, babagtingang pantinig at iba pa. Kung ang wika ay tunog na sinasalita, samakatwid ang pasulat ay represesntasyon lamang ng wikang pasalita. Ang pagsulat ay paraan lamang ng pagtatala ng mensaheng ibig ipahayag ng nagsasalita. Ang wikang pasalita ay ang tunay na wika. Ang pasulat ay representasyong pasulat ng wika o ng tunog na sinasalita. (Panday II,1988). Ang wika ay arbitraryo. Isang katangian ng wika ang pagiging arbitraryo. Isinaayos ang mga makabuluhang tunog sa paraang napagkasunduan ng pangkat ng taong gumagamit nito. Arbitraryo ang wika samakatuwid wala itong batas na sinusunod. Ang kaayusan nito ay nakabatay sa napagkasunduan ng mga kasangkot sa komunikasyon o gumagamit ng wika. Ang wika ay pantao. Ang wika ay sadyang pantao lamang sapagkat tanging ang tao lamang ang may kakayahang magsalita at makipagtalastasan. May mga hayop na nakapagsasalita tulad ng parrot subalit limitado lamang ang mga wikang kaya nitong bigkasin. Nakasalalay ang dami ng nabibigkas niya sa naituro sa kaniya. Subalit wala siyang kakayahang makipagtalastasan sa pamamagitan ng wika sa tao. Tunay na may mga sangkap siya ng pananalita na kanyang magagamit sa paglikha ng tunog subalit walang sistema ang mga ito. Ang tunog na nililikha niya ay kapuwa ibon o kalahi lamang niya ang nakakaintindi samantalang ang tao kahit na sino o anong lahi ay may kakayahang makipagtalastasan. Pansinin, kapag ang isang bata na ipinanganak dito sa Ilocos at kapagdaka’y dinala sa Maynila at nanirahan doon, siya’y matututo at makapagsasalita ng wikang Tagalog. Samantala, ang isang pusa isama man sa isang kawan ng aso ay hindi kailanman matututong kumahol na gaya ng aso. Natututuhan lamang ng hayop ang sariling ungol o huni ng kalahi nito (Panday II,1988). Ang tao saanman mapadpad at makihalubilo ay may likas na kakayahang matuto sa wikang ginagamit ng mga tao sa kaniyang paligid dahil ang wika ay sadyang pantao lamang. Ang wika ay komunikasyon. Ang wika ay komunikasyon. Ito ay behikulo ng talastasan ng dalawa o higit pang nag-uusap. Ginagamit nila ang wika upang maipahayag ang kanilang naisin pangangailangan, nararamdaman o naiisip. Wika ang ginagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa at ang wika ang isang mabisang paraan upang magkaroon ng epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ang wika ay may kultura. Bakit iba-iba ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig? Bakit ang mga Pilipino ay may iba’t ibang wika, maging ang mga Ilocano ay may kaniya-kaniyang baryasyong Iloco at sariling mga kataga na sila lamang ang nakakaintindi. Paanong nagkaiba-iba ang wika? Ang sagot…dahil magkakaiba ang kanilang kulturang kinabibilangan. Ito ang dahilan kung bakit may mga kaisipan sa isang wika na wala sa iba at kung bakit may mga termino o konsepto sa ibang wika na wala sa iba. Pansinin ang halimbawa sa ibaba. Gamitin natin ang Ingles at Filipino (Hango sa halimbawa nina Bernales, et al. 2000). Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng ice formation? 2|EL 150_N ddpungtilan Kung mapapansin, limitado ang katumbas ng ice formation sa wikang Filipino at ganun din sa wikang Ingles ng katumbas ng rice o palay. Bakit limitado? Ang sagot hindi bahagi ng kulturang Ingles ang agrikultura. Sa katunayan hindi nila kultura ang kumain ng kanin samantalang ang mga Pilipino, ito ang pangunahing pangangailangan nila, ang bigas upang mabuhay. Gayon din ang ice formation, walang katumbas na termino sa Filipino dahil hindi naman nararanasan ng Pilipinas na umulan ng yelo, samakatuwid wala sa kulturang Pilipino ang ice formation. Naging bahagi rin ng kulturang Filipino ang paniningalang pugad, pamamanhikan, mahabang dulang, padasal, panag-atang, at iba pa, inglesin man ito ay tiyak na hindi mauuunawaan ng isang Amerikano sapagkat hindi ito bahagi ng kanilang kultura IBA PANG KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay dinamiko. Ang wika ay dinamiko at patuloy na nagbabago. Napapalitan ang mga talasalitaan ng bagong mga terminolohiya. Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya. Gaya ng maraming wika, ang wikang Filipino ay nagbabago ng alpabeto, gayon din sa sistema ng palabaybayan at palapantigan. Bukod pa rito, may ilang mga salitang dati ay ginagamit sa mga usapan, ngunit ngayon ay madalang na lamang o hindi na ginagamit. Gaya halimbawa sa wikang Ilocano: malabi, sagapa, alsong, al-o, arado, muriski, sagumbi; sa Filipino: batya, banggera, bandehado, at paminggalan ang mga ito ay mga kasangkapan sa bahay at ang ilan ay gamit sa agrikultura subalit hindi na naririnig at ginagamit ngayon dahil napalitan na ang mga ito ng mga makabagong 3|EL 150_N ddpungtilan kagamitan tulad na lamang ng malabi sa water dispenser, muriski/arado sa traktora, alsong at al- o na ginagamit pambayo ng palay na ngayon ay napalitan na ng kuno o makinang de-bayo. May mga storage room o bodega na rin ngayon bilang panghalili sa sagumbi ng mga Ilocano. Inangkin na rin natin ang mga makabagong salita tulad ng xerox, cel (pinaikling cellphone), computer (dito maraming mga salita ang ngayo’y ating naririnig at nababasa tulad ng : internet, cyber chat, e- mail, camera, tweeter, facebook, youtube, SMS at iba pa.). Nagsulputan din ang mga katagang netizen, millenial slangs, net language at iba pa. Ang wika ay malikhain. Ang isang katutubong nagsasalita ng wika ay nakalilikha at nakabubuo ng mga pangungusap na maaaring hindi pa niya naririnig, nababasa o nasasabi. Nagagawa niya ito sapagkat nasa kanyang isipan ang tuntunin ng wika o ang masistemang balangkas nito. Ang mga Filipino ay sadyang malikhain at mabilis bumuo ng mga salita na may kaugnayan sa nais nilang bigyang kahulugan. Patunay nito ang mga wika ng mga bakla, gaylingo o bekimon tulad ng ‘ethosera’, ‘charot’, ‘karakaraka’, ‘ganern’, ‘plangak’ at marami pang iba. Ang gaylinggo ay isa sa mga wikang nalikha at pinakadinamiko. Ito ay mabilis sumulpot at niyakap ng masa subalit mabilis ding nawawala o nakakalimutan at napapalitan ng bago. Ang jejemon na nauso dahil sa text messaging ay nalikha rin. Ang tawag sa mga nagpauso at gumagamit nito ay ‘Jeje’ o mga ‘Jologs’. Ang ilang mga salita ay ‘jejemon’, ‘eow’ para sa hello, ‘aqou’ para sa ako at ‘pfouw’ para sa ‘po’, iMiszqcKyuH para sa ‘I miss you’. Maging ang paggamit ng pinagsamang numero at titik ay lubos na ipinauso ng mga jejemon. Ang ilang halimbawa nito ay ‘74b8 para sa ‘labs’ 3ow pho3, mUszt4h n4!. Kusang sumulpot at niyakap din ng masa ang wika ng internet na kung tawagin ay ‘net linggo’. Ito parang kabuteng sumulpot at ginamit ng mga netizensat lumaganap dahil sa paggamit ng mga social media. Ang ilang halimbawa nito ay ATM, ito ay nangangahulugang ‘at the moment’ at hindi ATM card na isinusuksuk sa automated machine upang mag-withdraw o magdeposito ng pera. Jgt na pinaikling ‘just got home’, YOLO, daglat ng ‘you only live once’ PPL (people) BRB (be right back), IDC (I dont care), Tbh (to be honest) at marami pang iba. May mga millenial slangs din na nagsulputan at niyakap ng mga kabataan o mga millenials sa kasalukuyang panahon tulad ng pots para sa K o Ok na ayon sa mga lumikha nito ay mula sa chemical symbol na K o potasium; scoob na nangangahulugang di o hindi; salt, na sa Filipino ay asin na pinaghiwalay ang pantig kaya naging ‘as-in’; shark na may katumbas sa Filipino na pating na dinagdagan ng hulaping - in kaya naging ‘ patingin’ at marami pang iba. Ang bawat wika ay natatangi. May kanyang sariling set ng mga tunog, mga yunit gramatikal at sistema ng palaugnayan ang bawat wika. Walang dalawang wikang magkatulad. Ang bawat katangiang pansarili niya na ikinaiba niya sa ibang wika, kaya’t walang masasabing wikang superyor o wikang imperyor. 4|EL 150_N ddpungtilan Mga Paniniwala o Teorya sa Pinagmulan ng Wika Batay sa nailahad sa mga naunang aralin, naniniwala si Gleason na ang wika ay may sistema, balangkas at mga kaparaanan ng pagkakabuo nito. Magkagayon pa man, marami pa ring mga linggwista ang nakabuo ng mga teorya hinggil sa pinagmulan ng wika, kung paano ito sumulpot o nabuo dito sa mundong ibabaw. Narito ang ilan sa mga pinaniniwalaang pinagmulan ng wika na nailahad sa aklat nina Lilia F. Antonio, et al., (2005:8), na pinamagatang Komunikasyon sa Akademikong Filipino: 1. Ang wika ay iisa. Ayon sa kuwento mula sa Bibliya, ang Tore ng Babel” na sa simula’y iisa lamang ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Nagpalipat-lipat lamang sila ng lugar hanggang magawi sila sa Silangan sa isang kapatagan sa Sinai. Dito sa lugar na ito nagkasundo ang lahat na gumawa ng tore. Gumawa sila ng maraming tisa, niluto ito upang lalong maging matibay at ito ang ginamit nila bilang bato at alkitran ang kanilang naging semento. Nagtayo sila ng tore na pagkataas- taas na halos abot langit sa hangaring maging tanyag at hindi na magkawatak-watak. Bumaba si Yahweh upang tignan ang lungsod, nakita niyang nagkakaisa ang lahat dahil iisa ang kanilang wika. “Pasimula lamang ito ng anumang maibigan nila ay kanilang gagawin, mabuti pa‘y guluhin ang kanilang wika upang hindi na sila magkaunawaan”, ang naibulong ni Yahweh sa kaniyang sarili, at ganon nga ang nangyari. Nahinto ang pagpapatayo ng Tore ng Babel. (Sipi sa Magandang Balita para sa Ating Panahon, (11:1-9). 2. Teoryang Bow-wow. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga sinaunang tao ay nakalikha ng wika dahil sa panggagad ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop at tunog na likha ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang kahol ng aso na bow-wow o aw-aw at huni ng ibon na twit-twit. Maging ang lagaslas ng tubig ay pinaniniwalaang nanggaling sa tunog na assh-assh, at splash para sa malakas na pagbagsak nito at ang salitang pagaspas ay pinaniniwalaang mula sa tunog na likha nito na passh-passh. Gayon din ang tunog na likha ng nag-uumpugang kawayan o sahig na yari sa kawayan na iit-iit kaya nakalikha ng salitang langitngit, ang malaking troso na hinihila ng malaking trak ay nakalilikha ng tunog na ngoot-ngoot kaya nabuo ang salitang langutngot. Ang ganitong paniniwala ay bunga marahil ng kasalatan ng kaalaman sa wika ng mga primitibong tao noon kaya’t kahit papaano ay nakatulong ang panggagagad nila sa mga tunog na naririnig nila mula sa mga hayop at kalikasan sa kanilang pakikipagtalastasan. 3. Teoryang Ding-dong. Kung ang teoryang bow-wow ay mula sa mga tunog ng kalikasan, ang teoryang ding-dong naman ay naniniwala na ang anumang bagay sa paligid na likha ng tao ay may sariling tunog. Halimbawa nito ay ang door bell na tila ang tunog na nililikha ay ding-dong, bzzzr sa buzzer, tang-tang o klembang- klembang o tang-tang sa kampana, tik-tak sa orasan at marami pang iba. 5|EL 150_N ddpungtilan 4. Teoryang Pooh-pooh. Naniniwala ang teoryang ito na anumang nararamdaman ng tao ay naibubulalas niya at nakalilikha ng tunog. Halimbawa, ang pag-iyak, paghikbi at paghagulgol ng tao ay tanda ng kaniyang kalungkutan o pighati, minsan ito rin ay sanhi ng kanyang pagkatuwa. Ang pagsigaw at paglakas ng boses ay tanda ng matinding galit, pagkatakot o silakbo ng damdamin. Ang pagtawa o paghagalpak ay sanhi ng pagkatuwa o kaligayahang nadarama ng lumilikha nito. Ganon din sa pagsimangot at pagkunot ng noo na tanda minsan ng pagkainis at di pagsang-ayon sa sinasabi ng kausap. 5. Teoryang Yo-he-ho. Ang teoryang ito ay naniniwalang ang wika ay nagsimula sa pwersang pisikal ng mga sinaunang tao. Ang anumang mabigat na gawain ay maaaring magdulot ng tunog. Halimbawa nto ay ang sabayang paggaod ng bangka, pangangarate, pagtutulak at pagbubuhat ng mabigat na bagay at iba pang pwersang pisikal. Ayon sa paniniwalang ito ang pagsasagawa ng mga nabanggit na gawain ay maaaring makalikha ng tunog na kalaunan ay naging salita. 6. Teoryang Sing-song. Sa teoryang ito, naniniwala na nagsimula ang wika sa pag- humming o chanting ng mga sinaunang tao na kalaunan ay naging wika. Mahilig ang ating mga ninuno sa pagha- humming lalo na sa pagpapatulog sa mga bata. Dahil sa nakagawian ng gawin ito kung kayat naging bahagi na ng kanilang komunikasyon ang anumang malikha nilang salita mula rito. 7. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Nananalig ang teoryang ito na ang wika ay nagsimula sa mga gibirish language o ritwal na isinasagawa ng ating mga ninuno. Kalimitang isinasagawa ang ritwal ng ating mga ninuno bilang paghahanda sa pakikidigma, o kaya nama’y mga espesyal na pagdiriwang tulad ng kasal pag-aalay at iba pa. Ang ritwal ay pinangungunahan ng babaylan o babaeng pari ng tribu. 8. Teoryang Ta-ta. Ang ta-ta ay mula sa wikang Prances na nangangahulugang “goodbye” sa Ingles. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang wika ay nagmula sa anumang kumpas ng kamay. Sinasabayan ng bibig kung kaya’t nakalilikha ng wika. Halimbawa (kumpas ng kamay kasabay ng bibig) ba-bye, close-open, apir, give me five, hi-five, katok, at iba pa. 9. Teorya ng mga Antropologo. Ang mga antropologo ay naniniwala na ang wika at lahi ay sabay na sumibol sa mundo. Naniniwala ang pananalig na ito na nang sumulpot ang lahi ng tao sa mundo ay mayroon na rin itong wikang sinasalita. 10. Teorya ni Charles Darwin. Si Charles Darwin na kilala sa kaniyang “Theories of Evolution” ay naniniwala na ang wika ng mga tao ay mula sa mga homo-sapiens o mga unggoy. Nag- evolve lamang ito at naging tuwirang wika. 6|EL 150_N ddpungtilan 11. Teorya ng Ehipto. Sa teoryang ito ibinatay ang paniniwalang ang wika ay kusang natututunan. Ito ay napatunayan ni Haring Psammatichus, hari ng Ehipto. Nagpakuha siya ng dalawang sanggol, ang isa ay naiwan sa siyudad ng Ehipto at ang isa naman ay dinala sa bundok na tanging ang mag-aalaga ang kasa-kasama nito na isang pipi. Natuklasan niya na mas naunang nakapagsalita ang sanggol na dinala sa bundok na walang makausap. Unang binigkas nito ay salitang “becos” (tinapay) na salitang Prygian kapamilya ng wikang “Aramaic”,isa sa pinakasinaunang wika sa mundo. Dahil sa pangyayaring ito, napagtanto ni Haring Psammatichus na ang wika ay kusang natututunan (Lachica, 1998). Antas ng Wika Ayon kay Juaquin de Manila na nakatala sa aklat nina Bernales, et al (2008) ay may grado ang wika na ginagamit ng mga tao. Ito raw ang sumusukat sa kaniyang kinabibilangang antas ng lipunan. Inisa-isa niya ang antas ng wika at pinangkat niya ito sa dalawa, ang: Pormal. 1. Pampanitikan. Itinuturing na pinakamataas ang antas ng wika. Makikita ang mga ito sa mga aklat pampanitikan. Kinabibilangan ito ng mga matatalinghagang salita tulad ng idyoma, salawikain, kasabihan, at iba pang mga akdang pampanitikan. 2. Pambansa. Karaniwang kataga o salita. Kalimitang ginagamit sa paaralan at lipunan. Ito ay wikang naiiintindihan ng madla. Di-Pormal 1. Balbal. Maituturing na pinakamababang antas ng wika. Kabilang dito ang wika ng mga bakla, wika ng lansangan (street language), wika ng mga lasing at maging ang bulgar na mga salita tulad ng mura ay kabilang sa antas na ito. 2. Kolokyal. May kagaspangan ang antas ng wika na ito, depende sa gumagamit. Isang palatandaan na kabilang ang salita o wika sa antas na ito ay ang pagkawala ng ilang letra o pagpapaikli sa salita tulad ng na’san para sa nasaan, meron sa mayroon, pista sa piyesta, at sa’yo sa halip na sa iyo. 3. Lalawiganin. Ito ay maihahalintulad sa dayalektal o dayalek. Wika ng rehiyon. Mga kataga na nagmumula sa isang lalawigan. Halimbawa, bana (asawa), pinakbet (lutong Ilocano na pinagsama-samang gulay), saluyot at iba pa. 7|EL 150_N ddpungtilan Tungkulin ng Wika Ang gampaning pangwika o tungkulin ng wika ay sadyang naglalayo sa kahulugang nais ipabatid sa kausap. Hindi nakasalalay sa sinasabi ng nagsasalita ang kahulugan nito kundi sa mensaheng nais iparating nito. Narito ang ilang gampaning pangwika mula kay Verderber na binanggit ni Ulit (2010): 1. Representatib. Ito ay nagbibigay ng impormasyon. Maaaring nagsasaad, nag-uulat, nagsasalaysay, o nagkukwento. 2. Direktib. May layuning magpakilos tulad ng pag-uutos o pakiusap. 3. Komisib. Nananakot o nagsasaad na gagawin pa lamang sa hinaharap ang anumang pagkilos o bagay. 4. Ekspresib. Pagsasaad ng damdamin, tulad ng pasasalamat, pagbati, pagkatuwa, pagkalungkot at iba pa. 5. Deklaratib. Pag-uulit ng isang pahayag subalit iba na ang kahulugang ipinababatid. Halimbawa, nahuli ng boss ng isang kumpanya si Jimmy na natutulog sa oras ng trabaho. Ipinatawag siya sa opisina at sinabi ng Boss na (galit) “ Tanggal ka na sa trabaho!” (ekspresib). Lumabas si Jimmy sa silid na nakasimangot, mangiyak-ngiyak at laylay balikat, nakita siya ng kaopisinang si Jun at tinanong siya kung bakit ganoon ang itsura niya, sinabi niyang “tanggal na siya sa trabaho”. Nagulat si Jun at naibulalas nitong “Tanggal ka na sa trabaho?” (nagtatanong o naninigurado). Paulit-ulit na nagamit ang pahayag na “tanggal ka na sa trabaho” sa itaas magkagayun pa man nagtataglay ito. 6. Hyuristik. Kabaliktaran ng impormatib. Ang gampaning pangwikang ito ay may layuning humingi ng impormasyon. Ginagamit ito kung nagtatanong o nakikipanayam o nagsasaliksik. 7. Poetik. Matatalinghagang pananalita ang ginagamit dito. Minsan hindi ito nauunawaan dahil sa lalim ng nais ipakahulugan nito. Kalimitang makikita ang mga pahayag na ito sa mga aklat pampanitikan. 8. Kontak. Anumang salita o kataga na hudyat ng pagsisimula, pagpapatuloy at pagtatapos ng isang usapan ay nabibilang sa kategoryang ito. Halimbawa nito ay ang pagtawag sa iyong pangalan bilang pasimula ng inyong pag-uusap. Maging ang “psst”, at “hoy” na tanging sa Pilipinas lamang maririnig at isinasagawa ay nabibilang dito. Maging si M.A.K. Halliday (1975) ay nagtala ng pitong tungkulin ng wikang ginagamit sa komunikasyon. Ayon sa kaniya nagaganyak ang tao na matutuhan ang wika sa dahilang may tungkulin o gampanin ito sa kanilang buhay (Ampil, et al. : 183). Narito ang mga tungkulin ng wika na tinukoy ni Halliday: 1. Instrumental. Ginagamit sa pagpapahayag ng pangangailangan. Halimbawa: Ugaliin mong uminom ng turmeric tea ngayong panahon ng pandemya. 2. Regulatori. Ginagamit upang kontrolin o pakilusin ang kausap. 8|EL 150_N ddpungtilan Halimbawa: No face mask No face shield No entry. 3. Interaksyonal. Ginagamit upang magkaroon ng ugnayan sa iba. Halimbawa: Kumusta ka na? 4. Personal. Ginagamit upang ipahayag ang opinyon, damdamin o naisin sa iba. Halimbawa: Hindi ako sang-ayon sa death penalty. 5. Heuristik. Ginagamit upang makakuha ng impormasyon. Halimbawa: Saan matatagpuan ang MMSU-CAS? 6. Imahinatibo. Ginagamit sa pagpapahayag sa masining na paraan. Halimbawa: Balat-sibuyas si Sandra. 7. Impormatib. Ginagamit upang magbigay ng impormasyon. Halimbawa: Pangunahing kakanin ng mga Ilokano ang tupig, baduya at linapet. Baryasyon ng Wika. Sa aklat nina Antonio, et al., (2008), inilahad nila na may tatlong baryasyon ang wika. Ito ay ang idyolek, sosyolek at dayalek. Idyolek. Ang idyolek ay wikang pekyulyar sa sarili. Nagsisilbi itong pagkakakilanlan, tatak o ekspresyon ng gumagamit nito. Kalimitan, ang mga indibidwal tulad ng mga guro ay hindi maiwasang gumamit ng “alright”, “however”, “very good”, “correct” ‘di ba” at marami pang iba. Ito ay paulit-ulit na binabanggit habang nagsasalita o nagtuturo sa klase. Minsan pa nga, nagiging katuwaan pa ng mga ilang estudyante na i-tally kung ilang beses bigkasin ng kanilang guro ang mga katagang ito. Masasabing tatak na ng isang indibidwal ito na minsang nagiging sanhi ng pagkakabansag sa kanya, tulad ng “Miss However”, Ma’am Correct, “Bb. Allright “o “Sir Pogi”, o kaya naman ay “si Mam Di ba.” Ang mga ito ay nabibilang na idyolek. Sosyolek. Ang sosyolek ay wikang pekyulyar sa pangkat na kinabibilangan. Nagsasaad ito ng katayuan sa buhay at okupasyon. Nagpapahiwatig din ito minsan ng iyong pagkatao. Sa isang larangan, kayo-kayo lamang ang nakakaintindi sa mga terminolohiyang ginagamit ninyo, tulad ng horticulture, omniculture, agronomy, para sa agrikutura; ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, sematika,linggwistika sa wika; usb, hard drive, mouse sa computer, at ER, ICU, 50/50 ay para naman sa hospital o medisina. Jargon ang tawag sa mga ito. Mga terminolohiya na ginagamit sa isang larang. Ang wika ng mgabakla na matatawag na bekimon, gay language o swardspeak ay nabibilang din sa baryasyong ito. Dayalek. Wikang pekyulyar sa isang rehiyon o lalawigan. Wikang tatak ng lugar na pinagmumulan ng wika tulad ng Ilokano sa Rehiyon 1, Cancanae sa Bontoc, Cebuano sa Cebu, Bicolano sa Bicol, Pangasinan sa Pangasinan at iba pa. Isinasaalang-alang sa baryasyong ito ang punto at lugar na pinagmulan ng nagsasalita. Sa Ilocos, kilala ang pinakbet, saluyot, bagnet, manang at manong. Sa Visaya at Cebu, kilala ang Inday at Dong. Sa Batangas ang puntong “ ala eh”, ganire, gay’on” ay tanging sa kanila nagmula. Maging ang mga taga- Cagayan ay may tatak na “nak” sa dulo ng 9|EL 150_N ddpungtilan kanilang mga salita kapag binibigkas. Tulad ng mapanak (pupunta ako), mabiitnak (sandali lang ako) at meron din silang “madik”(ayaw ko o hindi ) na diak kayat o haan ang sa ibang mga Ilocano. Ang paggamit naman ng “yumao” ng mga Katagalugan tulad ng Rizal at Laguna ay may ibang kahulugan sa ibang rehiyon. Ang “yumao” sa mga Katagalugan ay nangangahulugan paglisan o pag-alis samantalang sa ibang rehiyon, ito ay nangangahulugang “namatay o pagpanaw”. Ayon kay Curtis McFarland na binaggit ni Dinglasan (2007)ang dialect ay nauuri sa tatlo: 1. Dialectal variation. Tumutukoy sa distribusyon ng ilang mga salita, aksent, pagbigkas ng isang wika sa loob ng isang language area. Halimbawa: Ilukano: Cagayan, Baguio, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Benguet, Pangasinan, Tarlac at marami pang iba. 2. Discrete Dialectal. Hiwalay ito sa ibang mga dayalek dulot ng heyograpikang lokasyon at pagiging distinct ng dayalek. Halimbawa: Tagalog-Marinduque na hindi maikakaila na mas malayo sa ibang dalayek ng Tagalog. 3. Social Dialect. Naiiba sa heyograpikal na dayalek dahil ito ay sinasalita sa iba’t ibang uri ng lipunan. 10 | E L 1 5 0 _ N ddpungtilan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser