SOCIAL MEDIA PLATFORMS.pdf

Full Transcript

SOCIAL MEDIA PLATFORMS Narito ang mga uri ng social media platforms na ginagamit sa internet. SOCIAL NETWORKING Gumagamit ito ng mga website upang magkaroon ng impormal na komunikasyon sa mga tao na may parehong interes sa loob ng isang pangkat o network. Halimbawa: ○ Facebook...

SOCIAL MEDIA PLATFORMS Narito ang mga uri ng social media platforms na ginagamit sa internet. SOCIAL NETWORKING Gumagamit ito ng mga website upang magkaroon ng impormal na komunikasyon sa mga tao na may parehong interes sa loob ng isang pangkat o network. Halimbawa: ○ Facebook Inilunsad ni Mark Zuckerberg noong 2004 bilang isang eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang pinakasikat at pinakaginagamit na social media site dahil sa simpleng pamamaraan ng pag-add sa mga kaibigan at pakikipag-ugnayan sa kanila, kahit sa malalayong lugar. ○ Google+ Itinatag nina Larry Page at Sergey Brin noong 1996 bilang isang plataporma para sa social networking at pagbabahagi ng impormasyon. Ginagamit ito upang humanap ng impormasyon at datos sa pamamagitan ng search engine ng Google, ngunit isinara na ito noong 2019. ○ LinkedIn Inilunsad ni Jeff Weiner noong 2003 upang gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa isang kumpanya at para sa networking sa mga propesyonal. MICROBLOGGING Isang uri ng social media na naglalaman ng mga maiikling mensahe, impormasyon, at bagong datos. Dito rin nauso ang paggamit ng mga hashtags. Halimbawa: ○ Twitter Itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone, at Evan Williams. Ginagamit ito bilang isang instrumento ng komunikasyon sa pamamagitan ng pag-follow sa mga account at paggamit ng mga hashtags para makipag-ugnayan at makibahagi ng opinyon. ○ Tumblr Itinatag ni David Karp noong 2007, pagmamay-ari ng Oath Inc. Ginagamit ito upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, at iba pang nilalaman sa kanilang blog. BLOGGING Dito inilalagay ang mga sariling opinyon, artikulo, at kwento ng mga manunulat sa internet o blogger. Halimbawa: ○ WordPress Binuo ng WordPress Foundation noong 2003. Ginagamit ito upang lumikha ng mga blog, website, o aplikasyon na magagamit sa pagsulat. ○ Blogger Sinimulang buuin ng Pyra Labs noong 1999 at pagmamay-ari ng Google. Katulad ng WordPress, ito ay nagbibigay-daan upang lumikha ng mga website at blog na madaling gamitin kahit walang coding knowledge. PAGBABAHAGI NG LARAWAN Dito, nakapagbabahagi ang sinuman ng mga larawan sa pampubliko o pribadong account. Halimbawa: ○ Instagram Itinatag nina Kevin Systrom at Mike Krieger. Ginagamit ito para magbahagi ng mga larawan at bidyo. Mayroong direct messaging feature upang makipag-ugnayan sa iba. ○ Flickr Itinatag nina Stewart Butterfield at Caterina Fake noong 2004. Tulad ng Instagram, ito ay isang platform para sa pagbabahagi ng mga larawan at bidyo. ○ Snapchat Itinatag nina Evan Spiegel, Bobby Murphy, at Reggie Brown noong 2011. Ginagamit ito upang magbahagi ng mga larawan na may mga filter at iba pang visual effects. ○ Pinterest Itinatag ni Ben Silbermann. Ito ay ginagamit upang magbahagi ng mga larawan na may temang makakatulong sa mga gumagamit, tulad ng mga recipe at tips sa buhay. PAGBABAHAGI NG BIDYO Dito, nakapagbabahagi ang sinuman ng mga bidyo sa pampubliko o pribadong account. Halimbawa: ○ YouTube Itinatag nina Jawed Karim, Chad Hurley, at Steve Chen noong 2005. Ginagamit ito para sa pagbabahagi ng bidyo na maaaring makita ng publiko, may account man o wala. ○ Vimeo Itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein noong 2004. Ginagamit ito para sa pagbabahagi ng mga bidyo, lalo na ng mga maikling pelikula at iba pang proyekto. VIDEO CONFERENCING Tumutukoy sa pag-uusap ng dalawa o higit pang tao gamit ang internet upang makapaghatid ng bidyo at tunog. May dalawang uri ito: point-to-point at multipoint. Point-to-point: Direktang pag-uusap ng dalawang tao. Multipoint: Pag-uusap ng higit sa dalawang tao. Paano gamitin ang video conferencing? Binubuo ang sistema ng video conferencing ng tinatawag na endpoints, gaya ng kamera, mikropono at iba pangkagamitan, MCU (multipoint control unit) at koneksiyon sa internet. a. Pinayayabong ng video conference ang komunikasyon ng tao Ayon sa pag-aaral, dahil sa video conferencing, 90% ng impormasyon ang naihahatid sa utak ng tao sa biswal na pamamaraan. Dahilan sa galaw ng mata. mukha at katawan ng tao kaya mas madaling nauunawaan ng iba ang ibig ipakahulugan ng nagsasalita. b. Isinusulong ng video conference ang pagiging pokus sa gawain ng mga kalahok Kailangang maging pokus ang mga kalahok sa kanilang gawain sa loob ng video conference. Kapag nasa harapan ng webcam siguraduhing ang inyong lugar ay malinis at maaliwalas dahil maaaring maagaw nito ang atensiyon ng kausap. Dahil dito, iminumungkahi ng video conferencing ang pagkakaroon ng kahandaan at kompromiso sa makatotohanang proseso ng komunikasyon. Video Call Etiquette Mabilis na paraang komunikasyon dulot ng teknolohiya ang pagkakaroon ng video conferencing na binubuo ng dalawa o higit pang mga tao mula sa magkaibang lugar na kasali sa isang pag-uusap o tawag. Sa pamamagitan nito ay malayang nakikipagpalitan ng mga impormasyon tulad ng larawan, datos at audio. Ang mga kagamitang kinakailangan para sa video conference ay ang webcam o video camera para makita ang kausap, monitor ng kompyuter, projector, o kahit anong elektronikong kagamitan upang makita ang kausap, mikropono para marinig ng kausap, at mga speaker upang marinig ang kausap. Kung konektado na, maaari nang makita at marinig ang isa't isa. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpupulong habang Nakabidyo Ayusin ang IP (Internet Protocol) address sa site ng taong gusto mong matawagan o nakalista sa iyong kompyuter o gadget. Ayusin ang kamera bago tumawag upang hindi magkaroon ng suliranin at magamit ito ng maayos. 1-mute ang mikropono kapag nagsasalita ang kausap. Iwasang pagsabayin ang pag-tap maari itong mag-echo at magkaroon ng audio feedback na manggagaling sa audio bridge Kung nais magsalita ay alisin ang muts ng mikropono Tingnan ang kondisyon ng mga kagamitan ayusin na ito bago tumawag upang masubukan ito ng walang problema. Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Bidyo Huwag magsuot ng matitingkad na kulay sobrang itim, o maraming disenyo sa pananamit. Kung may bintana sa kwarto, isara o takpan ng mga kurtina. Tumingin sa mata ng kausap sa pamamagitan ng pagtingin sa monitor o sa kamera. Gumamit lang ng natural na kilos kapag nakikipag-usap Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Audio Huwag sumigaw, gamitin lang ang natural na boses. Itanong sa kausap kung malinaw na naririnig ang boses. Magpakilala sa kausap upang malaman kung malinaw na naririnig ang boses. Dahil sa madalas na nahuhuli ang audio kaysa sa bidyo, hintaying matapos ang sinasabi ng kausap bago magtanong o magbigay ng komento. Iwasan ang pag-ubo o ano pang kilos na maaaring makabaling sa atensyon ng kausap Iwasang magsalita nang walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Multipoint Conferences Alamin muna ang pagkakakilanlan bago magsalita sa kausap. Bigyan ng gabay ang mga katanungan ng kausap sa pamamagitan ng malinaw na impormasyon upang maiwasan ang pagkalito. Siguraduhing malinaw ang bidyo kung mayroong banner o kahit anong kagamitan na nagpapakita ng pagkakakilanlan sa lugar Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpapakita ng Nilalaman Tingnan kung mayroon bang kagamitang teknikal na nakalagay sa kompyuter gaya ng Microsoft Word at PowerPoint na maaaring kailanganin upang ipakita ang mga dokumento. Subukan at ihanda ang presentasyong gagamitin o mga nilalaman na kailangang ipakita bago tumawag. Mga Dapat Isaalang-alang sa Video Call Etiquette: 1. Ayusin ang mga kagamitan: Siguraduhing maayos ang iyong IP address, kamera, at mikropono bago tumawag. 2. Mute ang mikropono: Kapag may nagsasalita, i-mute ang iyong mikropono upang maiwasan ang echo o feedback. 3. Tamang pananamit: Iwasan ang matitingkad na kulay at maraming disenyo. 4. Pumili ng malinis at maaliwalas na lugar: Ito ay makatutulong upang hindi ma-distract ang iyong kausap. 5. Maging pokus: Tumingin sa mata ng kausap at gumamit ng natural na kilos habang nakikipag-usap. 6. Iwasan ang pagsabay-sabay na pagsasalita: Hintaying matapos ang sinasabi ng kausap bago magtanong o magbigay ng komento. Sa pamamagitan ng mga alituntuning ito, ang video conferencing ay magiging mas epektibo at maginhawa para sa lahat ng kalahok.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser