Soberanya - Mother Goose Special School System, Inc. PDF
Document Details
Uploaded by PrudentBiedermeier
Mother Goose Special School System, Inc.
2024
Tags
Summary
This document is a reference card about sovereignty for students at Mother Goose Special School System, Inc. in the Philippines, for the 2024-2025 school year. It defines sovereignty, identifies its key components and discusses the role of government in protecting the country's territory.
Full Transcript
Reference Card #2 Ang isang bansa o estado ay binubuo ng mga tao na naninirahan nang palagian sa isang tiyak na teritoryo sa ilalim I ng isang pamahalaang may soberanya. Ang Pilipinas ay isang SS estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambaya...
Reference Card #2 Ang isang bansa o estado ay binubuo ng mga tao na naninirahan nang palagian sa isang tiyak na teritoryo sa ilalim I ng isang pamahalaang may soberanya. Ang Pilipinas ay isang SS estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. GS Ano-ano ba ang elementong bumubuo sa estado? Tao- mamamayang naninirahan sa bansa Teritoryo – lupaing nasasakupan Pamahalaan- sistema ng pamamahala sa bansa Soberanya- pinakamataas na kapangyarihang magpatupad M ng batas sa tao at nasasakupang teritoryo ng isang estado. Ano ang Soberanya? Ipinahayag ang ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at kalakip nito ang soberanyang katangian ng isang bansang MGSSSI: School Year 2024-2025 malaya. Ang Soberanyang ito ang nagpapahalaga sa ating pagiging ganap na estado o bansa. Ito ang pinakamataas na kapangyarihang magpasunod at magpatupad ng batas sa bansa. May ilang katangian ang soberanya: I Palagian – ang kapangyarihan ng estado ay magpapatuloy hanggang hindi nawawala ang estado. SS Malawak – sakop nito ang lahat ng mga tao at ari-arian ng estado. Di-naisasalin – hindi maaaring ilipat sa ibang bansa ang kapangyarihan ng estado. GS Lubos – hindi ito maaaring ipatupad ng baha-bahagi lamang. May Dalawang Uri ng Soberanya: Panloob na Soberanya- Kapangyarihang magpatupad ng mga kautusan, batas, at patakaran sa loob ng teritoryo ng M bansa. Panlabas na Soberanya- Kapangyarihan ng isang bansa sa pagsupil o pagpigil sa panghihimasok ng mga dayuhan o ibang bansa sa pamamahala ng isang bansa. Ang Pagtatanggol sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa MGSSSI: School Year 2024-2025 Bilang isang bansang malaya at may soberanya, nararapat lamang nating siguruhing mapanatili ang kalayaang mayroon tayo. Sa pamamagitan ng pagtatanggol sa teritoryong nasasakupan natin kung saan namamayani ang ating kalayaan at soberanya, maiiwasan natin ang mga bantang pananakop mula sa ibang bansa. I Ano-ano ang mga paraan para maipagtanggol ang SS pambansang teritoryo? 1. Sa pamamagitan ng SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS o Armed Forces of the Philippines Ayon sa Artikulo II, Seksyon 3, sila ang tagapangalaga ng GS sambayanan. Itinatag sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 o kilala bilang National Defense Act. Mga Sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas: Hukbong Panlupa o Hukbong Katihan (Philippine Army) Sila M ang nagtatanggol sa panahon ng digmaan; tanod laban sa mananakop, at lumalaban sa mga nais magpabagsak sa pamahalaan. MGSSSI: School Year 2024-2025 Hukbong Himpapawid (Philippine Air Force) Tinatawag ding Tanod ng himpapawid kung saan walang kaaway na makakapasok sa bansa gamit ang himpapawid dahil sa kanilang pagbabantay. I Hukbong Dagat (Philippine Navy) Bantay-Dagat; Hinuhuli ang SS mga smuggler o mga taong nagpupuslit ng mga produktong walang karampatang buwis. GS 0. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayaman (Department of Environment and Natural Resources o DENR) - Nangangasiwa sa pangangalaga ng likas na yaman ng M bansa. 0. Kagawarang Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs o DFA)- Pagtatanggol sa hangganan ng teritoryo ng MGSSSI: School Year 2024-2025 Pilipinas sa pamamagitan ng pagdalo sa mga usapin o isyung pang-teritoryal. I SS GS M MGSSSI: School Year 2024-2025