Sino ang mga Austronesian? PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Millan M. Mallari
Tags
Summary
This presentation details the Austronesian people and their origins, particularly their connection to Taiwan. It also discusses their migration across Southeast Asia and the Pacific, and the impact of their culture on different regions.
Full Transcript
Sino ang mga Austronesian? Ni Millan M. Mallari Ang mga katutubong pangkat ng Tsou sa Taiwan Anong pagkakatulad mayroon ang mga wikang Tagalog ng mga Pilipino, Malay ng mga Malaysian, Javanese ng mga Indonesian, Cham ng mga Vietnamese, Amis ng Taiwan, Fijian ng Fiji, at Malagasy ng Madagas...
Sino ang mga Austronesian? Ni Millan M. Mallari Ang mga katutubong pangkat ng Tsou sa Taiwan Anong pagkakatulad mayroon ang mga wikang Tagalog ng mga Pilipino, Malay ng mga Malaysian, Javanese ng mga Indonesian, Cham ng mga Vietnamese, Amis ng Taiwan, Fijian ng Fiji, at Malagasy ng Madagascar? Lahat ng mga ito ay kabilang sa pamilya ng wikang Austronesian. Austronesian Tumutukoy sa mga wika na naguugnay sa mga lupain mula sa Timog-Silangang Asya, Oceania, Madagascar sa Silangang Aprika, hanggang sa Timog Amerika. Tumutukoy ding sa mga katawagang lahing kayumanggl batay sa kultura at wika. Sa ngayon, ang mga taong gumagamit ng wikang Austronesian ang bumubuo sa karamihan, kung hindi man, lahat ng mga katutubong populasyon sa Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Madagascar. May 1,200 wika at halos 400 milyon ang gumagamit ng mga wikang Austronesian. Nagkakaisa ang mga siyentipiko na nagmula ang mga Austronesian sa Taiwan. Nagsimula silang kumalat mula sa islang ito halos 4,000 taon na ang nakalipas ayon sa “Out of-Taiwan Theory” na binuo ni Dr. Peter Bellwood at ng linggwistang si Robert Blust. “Out of-Taiwan Theory” Ayon sa teoryang ito, kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang kapuluan dahil sa pagdami ng populasyon at paghahanap ng mas mabuting lugar para panirahan. Ayon kay Bellwood, umalis ang mga Austronesian mula sa Taiwan noong 2000 BCE. Dumating ang mga Austronesian sa Pilipinas 2,500 taon na ang nakalipas. Sila ang itinuturing na unang ninuno ng mga Pilipino. Noong 1947, pinaniwalaan ni Prof. Henry Otley Beyer, ang Amerikanong nagtatag ng Kagawaran ng Antropolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), na may mga tao mula sa Timog Silangang Asya na dumating sa Pilipinas 25,000 taon na ang nakalipas. Ayon sa mga arkeologo, kumalat ang wika at kultura ng mga Austronesian sa Pilipinas sa kanilang paglipat-lipat sa iba't ibang bahagi ng kapuluan. Sinabi ng mananalaysay na si Dr. Zeus Salazar na ang wikang Austronesian ang batayan ng maraming wika sa Pilipinas. Ayon pa sa mga dalubhasa sa wika, may 87 wika sa Pilipinas ang nauugnay sa mga Austronesian. Naging mabilis ang pagkalat ng mga Austronesian dahil sa kanilang kaalaman at husay sa pandaragat. Noong ika-19 na siglo, ang malawak na daigdig pangkultura ng mga taong ito ay tinawag na Malayo-Polynesian. Nakilala naman sila sa tawag na Austronesian, o “mga tao mula sa katimugang isla” pagsapit ng ika- 20 siglo. Kasabay nang pagkalat ng mga Austronesian ay ang paglaganap ng kanilang wika, kultura, at teknolohiya sa iba't ibang bahagi ng daigdig na lubusang nagpabago sa pamumuhay at kapaligiran ng mga taong kanilang napuntahan. Nagkakatulad din sila sa kaalaman sa pagta-tattoo, pagtatayo ng mga bahay sa tungkod, pag-uukit, pagtatanim sa mga latian, at sining sa mga bato. Dala-dala nila ang kanilang mga kaugalian sa pag-aalaga ng mga halaman at mga hayop tulad ng manok, baboy, at aso. bahay sa tungkod Isa sa mga bakas ng kulturang Austronesian na makikita sa iba’t ibang lugar ang kanilang tradisyon sa paggawa ng mga palayok. Nahahawig ang mga sinaunang palayok na natagpuan sa Madagascar at Vietnam sa mga palayok na natuklasan sa Tabon Cave sa Palawan at sa Ayub Cave sa Cotabato. Ang mga palayok ay may pintura at may inukit na mga disenyo sa labas na bahagi ng mga ito. Matatagpuan din ang ibang kulturang Austronesian tulad ng paglilibing sa tapayan, paghahabi, at paggawa ng mga abaloryo. Ang mga Austronesian din ang nagpalaganap ng pagtatanim sa Panahong Neolithic (Makabagong Panahong Bato). Isang karaniwang kultura rin sa mga Austronesian ang pagta- tattoo bilang isang sining sa katawan. Ang masasalimuot na mga tattoo ay makikita sa kultura ng mga katutubo sa New Zealand, Pilipinas, Indonesia, at isla ng Borneo. Answer Tim e Kinikilala ng mga Austronesian ang halaga ng dagat sa kanilang buhay. Ito ang nakatulong sa kanilang paglipat sa iba’t ibang mga isla. Kaya matatagpuan ang iba’t ibang uri, hugis, at laki ng mga bangka sa kultura ng mga Austronesian mula Madagascar, Timog-Silangang Asya, at Polynesia. Mahigit 2,000 taon na ang nakalipas, nang matuto ang mga Austronesian na gumamit ng layag sa mga bangka. Bangkang proa Maraming Salamat!