Summary

This is a Tagalog document that describes sex and gender, explaining the biological characteristics differentiating male and female. It also covers the concept of gender, which is socially constructed. The document explores various gender identities.

Full Transcript

**SEX AT GENDER** **SEX** - tumutukoy sa natural o biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. - Ang biyolohikal na katangiang ito ay tumutukoy sa pagkaka-uri ng tao ayon sa pisikal na anyo at pisyolohikal na aspeto na kadalasang idinid...

**SEX AT GENDER** **SEX** - tumutukoy sa natural o biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. - Ang biyolohikal na katangiang ito ay tumutukoy sa pagkaka-uri ng tao ayon sa pisikal na anyo at pisyolohikal na aspeto na kadalasang idinidikta ng ating *genetic inheritance* o ng genes na nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian na ating namamana at naipapasa sa mga salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupling - **Dalawang Kategorya ng Biyolohikal na Pagkakaiba-iba ng Sex** (Biological Differences) 1. **Primary Sex Characteristics** - Napapaloob dito ang [pisikal] na pagkakaiba ng babae at lalaki ayon sa kanilang "ari". Ang mga babae ay mayroong obaryo (ovary), matris (uterus) tinggil o klitoris (clitoris) at puke (vagina) samantalang may bayag (testes) at titi (penis) naman ang mga lalaki. 2. **Secondary Sex Characteristics** - Napapaloob dito ang [pisyolohikal] na pagkakaiba-iba ng babae at lalaki. Ang katawan ng babae ay gumagawa ng *estrogen* samantalang gumagawa naman ng *testosterone* ang katawan ng lalaki. - Tumutukoy din ito sa katangiang panlabas ng babae o lalaki. - Ang sex ay tumutukoy din sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. - Ito rin ay itinuturing na panlahat o universal at hindi natural na nagbabago. Ang pagiging babae at lalaki ang dalawang kategorya ng sex. - Ayon sa *The American Society of Plastic Surgeons (ASPS*) maaari itong mapalitan sa pamamagitan ng operasyon, pag-inom ng iba't ibang gamot, at iba pang medikal na pamamaraan. - *Sex reassignment surgery* *(SRS),* kilala din sa tawag na *gender affirmation surgery (GAS)*, ang medical na pamamaraan sa pagbabago ng pisikal at sekswal na katangian ng mga transgender. - Iba pang termino na ginagamit ay ang *Gender Confirmation Surgery* or *GCS*, *sex change operation*, *genital reconstruction surgery*, *sex realignment surgery*, *at sex reconstruction surgery*. **GENDER** - Ang ***gender o kasarian*** naman ay tumutukoy sa katangiang sikolohikal ng tao na itinuturing na "*socially constructed*" o impluwensya ng kultura. - Ito rin ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. - Ang *gender expression* ay may dalawang kategorya: pagkababae (*feminine)* at pagkalalaki *(masculine).* - Maaaring magkaiba ang mga kultura sa kanilang paniniwala tungkol sa kung ano ang pambabae at panlalaki. - Ipinahihiwatig nito na ang ideya ng kasarian ay nakatali sa paniniwalang panlipunan at maaring mabago bunsod ng mga pagsusulong at pagbabagong panlipunan. - Ang pagtatalaga ng kung ano ang pambabae at panlalaki ay pabago- bago sa paglipas ng panahon. Halimbawa, sa ating kasaysayan, may mga kasuotan at hanapbuhay na dati'y panlalaki lamang ngunit maaari na ring maging pambabae sa kasalukuyan. - **PANGUNAHING KASARIAN** **LALAKI** -- tumutukoy sa pisikal , emosyonal at panlipunang papel ng isang lalaki **BABAE** -- tumutukoy sa pisikal , emosyonal at panlipunang papel ng isang babae. - **LGBTQAI+** **LESBIAN** -- babae na romantikong sekswal na naaakit sa kapwa babae. **GAY** -- lalaki na romantikong o sekswal na naaakoit sa kapwa lalaki **BI -- SEXUAL** -- naaakit sa isang kasarian na kadalasan ay parehong babae o lalaki **TRANSGENDER** -- ang kasarian ay hindi tumutugma sa kasarian na itnalaga sa kanila ng kapanganakan. **QUEER** -- isang pangkalahatang termino para sa mga hindi sumusunod sa tradistunal na kategorya ng kasarian at sekswalidad. Mga tao na nasa proseso ng pagtuklas o pag unawa sa kanilang sekswalidad o kasarian. **INTERSEX** -- mga tao na ipinanganak na may mga pisikal na katangiang hindi pasok sa tipikal na kahulugan ng lalaki o babae. **ASEXUAL** -- mga tao na walang o kaunti ang sekswal na atraksyon **CISGENDER** -- ang pagkakakilanlan ng kasarian ay tugma sa kasarian na itinakda sa kanila sa kapanganakan. Halimbawa: Ipinanganak bilang lalaki ang sarili bilang lalaki. **TRANGENDER** -- ang pagkakakilanlan ng kasarian na itinakda sa kanila sa kapanganakan. Halimbawa: Ipinanganak biang babae , kinikilala ang sarili bilang lalaki o babae ( transman o tranwoman ) **NON -- BINARY o GENDERQUEER**-- Hindi umaayon sa tradisyunal na konsepto ng babae o lalaki **AGENDER** -- walang kasarian o hindi nakikilala ang sarili sa anumang kasarian. **BIGENDER** -- nakikilala bilang dalawang kasarian halimbawa babae at lalaki. **GENDERFLUID** -- ang kasarian ay nagbabago o nag iiba -- iba depende sa oras o sitwasyon. **PANSEXUAL** - tao na may romantikong pagmamahal sa mga tao ng anumang kasarian. **TWO-SPIRIT** -- isang tradisyonal na termino mula sa isang indigenous na kultura na tumutukoy sa mga taong may aprehong Espiritu ng lalaki at babae **DEMIGENDER** -- mga tao na bahagyang nakikilala sa isang kasarian Tinatawag na demiboy o demigirl. **ANDROGYNOUS** -- ang identidad o ekspresyon ng kasarian na pinaghalong katangian ng isang lalaki at babae. - **GENDER STEREOTYPES** STEREOTYPES -- isang pangkalahatang paniniwala , ideya o imahe tungkol sa isang grupo ng tao na madalas batay sa kanilang kasarian , lahi , edad , trabaho o iba pang katangian. Karaniwan , ito ay hindi totoo o hindi patas dahil ito ay nagpapalagay na ang lahat ng miyembro ng isang grupo ay may parehong ugali kakayahan at gawi. **MGA KATANGIAN NG STEREOTYPE** 1. **Pangkalahatan ( Generalized )** Hindi ito isinasaalang alang ang pagkakaiba sa loob ng isang grupo 2. **Nakabase sa Assumption** Minsan ay walang basehan o ebidensiya ang mga ito - 3**. Nagiging mapanira** - Nagdudulot ito ng pagkiling (bias ) o diskriminasyon **SA MGA LALAKI** 1. **MATIBAY O MALAKAS** - Paniniwala na ang lalaki ay dapat laging matatag at hindi nagpapakita ng emosyon o kahinaan. 2. **BREADWINNER** - Ang lalaki ang pangunahing provider o tagapagtaguyod ng pamilya 3. **BABAERO** - Pagpapalagay na natural sa lalaki ang pagiging malapit sa babae 4. **MACHO** - Pag asang ang lalaki ay may maskuladong katawan o malakas na pangangatawan 5. **ALPHA MALE** - Ang lalaki ay dapat dominante o lider sa lahat ng aspeto 6. **HINDI UMIIYAK** - Kultura ng pagsupil sa emosyon , dahil iniisip na ang pag iyak ay senyales ng kahinaan. 7. **MAYABANG** - Ang lalaki ay inaasahan na laging nagpapakitang gilas o nagpapakita ng lakas. 8. **TAGAPAGLIGTAS** - Paniniwalang ang lalaki ang dapat laging magligtas o tumulong sa mga nasa panganib. 9. **PASAWAY** - Ang lalaki ay mas mahilig sa kalokohan kaysa sa seryosong usapan. 10. **GENTLEMAN O MAGINOO** - Pagkakakilanlan ng mga lalaki na mabait sa simula ngunit may ibang intension. **SA MGA BABAE** 1. **MAHINHIN** - Paniniwala na dapat ay laging magalang at maayos kumilos 2. **TAGAPAG ALAGA** - Pangunahing responsible sa buhay , sa pamilya at pagpapalaki ng mga anak 3. **MARUPOK** - Madaling masaktan at emosyonal 4. **MADALDAL** - Mahilig sa tsismis o paguusap 5. **SELOSA** - Natural na mainggitin o possessive sa relasyon 6. **MAHILIG SA SHOPPING** - Magastos at nagilig bumili ng mga luho o gamit 7. **EMOSYONAL** - Madaling magpadala sa damdamin kaysa sa lohika 8. **MAARTE** - Palaging particular sa detalye o maselan 9. **PAIBA IBA ANG DESISYON** - Madaling magbago ang isip at desisyon. 10. **SELOSA** - Madaling makaramdam ng selos. **SA MGA LGBTQAI+** 1. **CLOWN O PABIBO** - Laging nakakatawa o tagapagpasaya 2. **EFFIMINATE O PARLORISTA** - Paniniwala na ang lahat ng gay ay mahilig sa make up o fashion o trabaho sa salon. 3. **MATARAY O MALANDI** - Palaging naghahanap ng karelasyon o partner 4. **WEAK O WALANG LAKAS** - Hindi kayang makipag sabayan ng tradisyunal na lalaking gawain 5. **PREDATOR** - Maling akusasyon na ang gay ay laging may malisyosong intension sa kapwa lalaki 6. **GREEDY O MALIBOG** - Maling paniniwala na palaging hanap ang pakikipagtalik 7. **SEX WORKER** - Maling akusasyon na karamihan ay nagtratrabaho bilang sex worker 8. **IMMORAL** - Paniniwala na ang mga gawain ay labag sa moralidad 9. **REBELDE** - Ideya na ang LGBTQ ay palaging laban sa tradisyunal na kultura o relihiyon 10. **SAYANG** - Pinaniniwala na nakakapang hinayang kung part ng ng LGBTQ

Use Quizgecko on...
Browser
Browser