Preboard Examination Filipino Majorship PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2022
Tags
Summary
This document contains a pre-board examination for a Filipino Majorship program. It includes multiple-choice questions covering various topics in Filipino language, literature, and teaching methodologies. Keywords: Filipino Majorship, Philippine Literature, Pre-board Exam, Education.
Full Transcript
**PREBOARD EXAMINATION** Filipino Majorship 1\. Sino ang tinaguriang Huseng Batute ng panitikang Pilipino? A. Jose Corazon de Jesus B. Jose dela Cruz C. Lope K. Santos D. Francisco Balagtas 2\. Layunin ng istratehiyang ito na matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbas...
**PREBOARD EXAMINATION** Filipino Majorship 1\. Sino ang tinaguriang Huseng Batute ng panitikang Pilipino? A. Jose Corazon de Jesus B. Jose dela Cruz C. Lope K. Santos D. Francisco Balagtas 2\. Layunin ng istratehiyang ito na matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa. A. Group Mapping Activity B. Story Grammar C. Pinapatnubayang Pagbasa D. Ugnayang Tanong sagot 3\. Alin sa mga sumusunod na set ng beheybyur ang nabibilang sa antas sintesis batay sa taksonomiya ng layunin ayon kay Bloom? A. Ilarawan, isalin, ipakahulugan B. Ilapat, idayagram, tugunan C. Bumuo, balangkasin, pag-ugnayin D. Suriin, pangatwiranan, paghambingin 4\. Estilo ng komunikasyon na kadalasang ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng awdyens. A. Casual Style B. Consultative Style C. Intimate Style D. Oratorical o frozen style 5\. Tinaguriang "Ama ng Lingwistikang Pilipino" at pinakaunang linggwistikang Pilipino. A. Fe Otanes B. Cecilio Lopez C. Consuelo Paz D. Lope K. Santos 6\. Pinaglaruan ng mga manlalaro ang gym ng Quezon City. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Pokus sa ganapan B. Pokus sa direksyon C. Pokus sa instrumento D. Pokus sa Tagatanggap 7\. Ayon sa mga teorya ng kakayahang komunikatibo, ito ay ang lawak ng kasanayan na mapanatili ang komunikasyon o mabigyang lunas ang mga gap. A. Gramatikal B. Sosyo-kultural C. Diskorsal D. Istratedjik 8\. Ito ang yugto ng aktwal na pagsulat ng pananaliksik. A. Pre-writing B. Composing C. Re-writing D. Free writing 9\. Alin sa mga sumusunod ang marapat na isaalang-alang sa paggawa ng pagsusulit na maraming pagpipilian? I. Distraksyon II\. Stem III\. Tamang sagot IV\. Haba ng stem A. I, II, at IV B. II, III, at IV C. I, II, at III D. I, II, III, at IV 10\. Teoryang pampanitikan na higit na nagpapahalaga sa damdamin kaysa ideyang siyentipiko o may batayan. A. romantisismo B. realism C. humanismo D. naturalismo 11\. Mataray \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ang nanay ni Nena. A. raw B. daw C. raw/daw D. raw at daw 12\. Ano ang unang nobelang sinulat sa Kastila ni Pedro A. Paterno. A. Barlaan at Josaphat B. Ang Piso ni Anita C. Banaag at Sikat D. Ninay 13\. Ano ang obra-maestra ni G. Severino Reyes. A. Dalagang Bukid B. Kahapon, Ngayon at Bukas C. Anak ng Dagat D. Walang Sugat 14\. Teorya na ginagamit kung gusting magpahayag at maglarawan ng mga gawaing pangkababaihan na handang ipaglaban ang kanilang karapatan? A. Feminismo B. Klasisismo C. Dekonstruksyon D. Formalismo 15\. Sa modelong SPEAKING ni Dell Hymes, ano itong mahalagang salik na sumasagot sa tanong na "Ano ang tono ng pag-uusap?" Seryoso ba o pabiro?" A. Keys B. Genre C. Norms D. Ends 16\. Ang pangkat ng mag-aaral na bahagi ng fishbowl teknik sa pagtuturo ng wika na silang nagtatalakay sa aralin kaya't kadalasa'y binibigyan ng guro ng mga patnubay na tanong ang pangkat na ito. A. Nucleus B. Outergroup C. Innergroup D. Outermost group 17\. Ang tulang binubuo ng isang saknong na may apat na taludtod at ang dalawang huling taludtod ang siyang nagtataglay ng kahulugan ay ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. tanaga B. Haiku C. pantum melayu D. bugtong 18\. Aling teorya ang nagsasabing ipinanganak ang bata na may kakayahan na siya sa pagkatuto ng wika. A. Cognitivist B. Behaviorist C. Inativist D. Makatao 19.Bilang guro ng wika, madalas na pinagpapahayag ni Gng. Austria ang kanyang mga mag-aaral batay sa kanilang saloobin, persepsyon o pananaw. Sa tuwing makakarinig siya ng ilang pagkakamali hinggil sa wastong paggamit ng pagbabalarila, hindi niya agad agad na itinatama ang mga ito nang hayagan upang hindi mabalam ang pagkatuto at pag-unlad sa wika ng mga mag-aaral. Anong teorya ng pagkatuto ng wika ang isinasaad nito? A. Cognitivist B. Behaviorist C. Innativist D. Humanist 20\. Siya ang kauna-unahang itinanghal na Hari ng Balagtasan noong Panahon ng Amerikano. A. Florentino Collantes B. Ildefonso Santos C. Lope K. Santos D. Jose Corazon de Jesus 21\. Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan, pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga ipinagmamalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang maimumungkahi sa kanya? A. Makukulay na larawan sa tulong ng overhead projector B. Bagong edisyon ng magasing pampaglalakbay C. Isanateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo sa mga ito D. Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na inihanda ng kagawaran ng Turismo 22\. Aklat na ginagamit ng guro para sa isang partikular na asignatura at bilang pangunahing babasahin ng isang tiyak na kurso. A. diksyunaryo B. sanayang aklat C. Batayang aklat D. sangguniang aklat 23\. Kung bubuo ng isang aytem ng pagsusulit na interdisiplinari para sa Filipino at Matematika, anong lunsarang talaan ang maaaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral? 1\. Pamasahe sad yip sa iba't ibang ruta 2\. Pagbabadyet ng allowance at pamalengke 3\. Istadistika ng populasyon ng buong mundo 4.Mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at iba pa. A. Tambilang 1, 2 at 3 B. Tambilang 1, 2 at 4 C. Tambilang 2, 3 at 4 D. Tambilang 1, 2, 3 at 4 24\. Alin sa mga sumusunod ang ginagawa ng guro upang Makita ang lawak ng nilalaman, bilang at bahagdan ng aytem sa paghahanda ng pagsusulit? A. Bahay-aralin B. Talahanayan ng Ispesipikasyon C. Talahanayan ng Kasanayan D. Pang-ugnayan na Pagsusulit 25\. Siya ang Ama ng dulang Pilipino na kilala sa sagisag na Lola Basyang. A. Jose Rizal B. Aurora Amado C. Severino Reyes D. Jose Corazon de Jesus 26\. Ang [binagtas] na bukid ay lubhang napakalayo sa kanilang bahay. Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit? A. inaaro B. ipinasaka C. dinaanan D. inanihan 27\. Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter ng ganito: "Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?". Ang paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo ay tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. locution B. illocutionary force C. perlocution D. speech act 28\. Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang integratibong anyo at uri ng pagsusulit. Ibigay ang pagkakaiba ng tradisyunal at awtentikong pagsusulit A. Ang una ay sinauna, samantala ang huli ay modern B. Ang una ay nasusulat, samantala ang huli ay di-nasusulat C. Ang una ay gamitin, samantala ang ikalawa ay madalang gamitin D. Ang pangalawa ay sumusukat sa kasanayang naipapamalas, samantala ang una ay pagtataya sa kasanayang pampag-iisip at kaalamang natamo o natandaan. 29\. Si Minda ay tubong Ilokos ngunit lumaki sa Japan. Pagkaraan ng ilang taon ay nagtungo ang pamilya niya sa Pilipinas upang dito na manirahan at makapag-aral sa isang kilala at mahusay na unibersidad. Samakatwid, ang wikang Ingles na natutuhan niya sa kanyang paaralan ay tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. unang wika B. ikatlong wika C. ikalawang wika D. ikaapat na wika 30\. Ang iyak ng bata ay halimbawa ng anong teoryang pangwika? A. Teoryang Babble Lucky B. Teoryang Coo-Coo C. Teoryang Sing-Song D. Teoryang Pooh-Pooh 31\. Nilalayon ng pagtuturo sa Filipino para sa batayang Edukasyon ang pagkatuto ng tiyak na istrukturang gramatikal ng wika kaalinsabay ng maunawang pagbasa. Ano ang tawag sa tunguhing ito? A. Dulog Interdisiplinari B. Dulog Teaching Grammar Through Text Types C. Dulog Multiple Intelligence D. Dulog Pinogramang Pagtuturo 32\. Ito ay haligi ng pagkatuto na nakatuon sa kakayahan ng mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang angking kasanayan at husay sa paglikha ng isang produkto gamit ang kanilang natutuhan at kaugnay na karanasan. A. Pagkatutong pangkabatiran B. Pagkatutong panggawain C. Pagkatutong pangkaganapan D. Pagkatutong pangbukluran 33\. Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika na kung saan ang mga mag-aaral ay nakapagpapahalaga na ng mga salita at parirala bagamat may mga pagkakamali pa ring taglay dahil sa sariling pagkaunawa. A. Pasumala B. Otomatik C. Kamalayang Istruktural D. Unitary 34\. Ang unang wikang natutuhan ng isang bata mula sa kanyang pagsilang ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. Inang wika B. Filipino C. Tagalog D. Pilipino 35\. Ang pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap bilang pagpapaabot ng pakikiramay ay isang halimbawa ng komunikasyong di-berbal na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. proxemics B. kinesics C. haptics D. paralanguage 36\. Anong dulog sa pagtuturo ng wika ang nasasalig sa paunang kaalaman at karanasan ng mag-aaral? A. Konstruksyonismo B. Kooperatibong pagkatuto C. Pagtuturo batay sa nilalaman 37\. Akdang pampanitikan tungkol sa romansa at pakikipagsapalaran at higit na makakatotohanan ang mga tauhan ay ang A. Korido B. tula C. awit D. dula 38\. Kailan maaaring makabuluhang magamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase kung ang aralin ay tungkol sa pagsulat ng liham? A. Pagdownload ng mga modelong halimbawa ng liham mula sa ilang pangunahing websites B. Pagscan at pagprint ng mga ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito C. Pagpapadala ng ginawang liham sa kinauukulan gamit ang e-mail account nito at paghintay sa maaaring pagtugon D. Pagpopost sa facebook account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla 39\. Nakikiramay ako sa pagyao ng iyong mahal na Ama. Anong tungkulin ng wika nito? A. Heuristik B. Personal C. Impormatib D. Regulatori 40\. Mamasyal tayo sa palawan sa bakasyon. Anong bahagi ng pangungusap ang "tayo". A. layon B. panag-uri C. paksa D. di-layon 41\. Ito ay tumutukoy sa kakayahang bigyang interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. A. Linggwistik kompetens B. Sosyo-linggwistik kompetens C. Diskors kompetens D. Istratejik *kompetens* 42\. Anong antas ng wika ang salitang "DALAGANG-BUKID"? A. Pampantikan B. Pambansa C. lalawiganin D. kolokyal 43\. Basahin at unawaing mabuti ang kalagayang pangwika na nagaganap sa klase at tukuyin ang pamaraang kaakibat nito sa pagtuturo ng wika. Sa silid 104, na kung saan ang mga mag-aaral dito ay nagtataglay ng isang istilong authority-oriented na pagkatuto at kadalasan, ang lahat ng gawaing pangklase ay nakasalalay o nakasalig sa guro bilang tagapag-utos o tagapagpaganap ng mga gawaing pamapagkatuto. A. Suggestopedia B. Silent Way C. Total Physical Response D.Natural Approach 44\. TOTOONG magaling sumayaw si Anna. Anong bahagi ng pananalita ang nasa malaking titik? A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pantukoy D. Panghalip 45\. Ano ang nobelang naging mitsa ng himagsikan ng kastila at kilusang propaganda? A. Sa Aking Mga Kababata B. Noli Me Tangere C. Mi Ultimo Adios D. Flores of Heidelberg 46\. Ang proseso ng pagsasalita ay nagmumula sa mga mekanismo na siyang nagkokoordineyt upang makalikha ng isang makabuluhang tunog na siyang bumubuo ng wika. Ang naturang pahayag ay tumutukoy sa daymensyong pangwika? A. Historikal B. Sosyolohikal C. Pilosopikal D. Pisyolohikal 47\. Isang teoryang pangwika na nagsasabing ang wika ay nagmula sa ating mga ninuno na nakikipag-ugnayan sa kanilang kapaligiran at ang mga tunog na nalilikha ng kanilang nga ritwal ay ang pinagmulan ng wika. A. Teoryang Bow wow B. Teoryang Pooh Pooh C. Teoryang Yoheho D. Teoryang Tarara-boom-de-ay 48\. Alin ang gamit ng wika na ginagamit sa interaksyon. A. Phatic B. Emotive C. Conative D. Referential 49\. Ito ang tawag sa mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan. A. Parinig B. Pasaring C. Paramdam D. Padaplis 50\. Sino ang makatang Kapampangan na katumbas ni Francisco Balagtas sa panulaang Tagalog? A. Juan Crisostomo Sotto B. Aurelio Tolentino C. Jose Corazon de Jesus D. Florentino Collantes 51\. Ang may-akda ng nobelang "Banaag at Sikat" at tinaguriang "Ama ng Balarilang Tagalog". A. Amado V. Hernandez B. Aurelio Tolentino C. Deogracias Rosario D. Lope K. Santos 52\. Ang mga sumusunod ay naging saligan ng kurikulum sa Filipino para sa Batayang Edukasyon maliban sa isa. A. Visyon- Misyon ng Kagawaran ng Edukasyon B. Haligi ng Pagkatuto C. Ang guro at ang kanyang kwalipikasyon D. Makrong kasanayan at karanasang komunikatibo 53\. Pinalitan ang Surian ng Wikang Pambansa sa katawagang ito sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan noong Enero 1987. A. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas B. Komisyon sa Wikang Filipino C. Linangan ng mga Dayalekto D. Linangan ng mga Wikain 54\. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salitang "aptan" at "tamnan"? A. Paglilipat-diin B. Pagpapalit ng ponema C. Metatesis D. Asimilasyon 55\. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang denotasyon? A.liwanag-langit\ B.ulan-luha\ C.mesa-hapag\ D. upuan-posisyon 56\. Bahagi ng semantic web na kinapapalooban ng mga tunay na pangyayari, konklusyon o paglalahat na nakuha ng mga mag-aaral mula sa kwentong binasa upang mabigyang kalinawan at katotohanan ang hibla at malaman ang kaibahan ng bawat isa. A. Pambuod na tanong (core question) B. Habeng panghibla (web strand) C. Hiblang pansuhay (strand support) D. Hiblang pantali (strand ties) 57\. Di mahulugang karayom sa dami ang nanuod sa Concert ni Gary Valenciano. A. Metapora B. Pagmamalabis C. Sinekoke D. Panawagan 58\. Ang aralin ay tungkol sa AIDS sa bansa. Anong estratehiya ang maaaring gamitin upang makabuluhan itong mailahad sa klase? A. Demonstrasyon B. KWL C. ReQuest D. Semantik Web 59\. Lumalakad na ang tatlong linggo ng pasukan nang matandaan ko ang mukhang iyon ay may kaputian, matangos ang ilong, manipis na labi at mapupungay na ang mata, isang batang babae na sampung taong gulang. Anong paglalarawang ginamit ng may-akda sa kwento? A. paglalarawan ng tauhan B. paglalarawan ng kaasalan C. paglalarawan ng damdamin D. paglalarawan ng kaisipan 60\. Kapag ang guro ay gumagamit ng mga sitwasyong batay sa reyalidad o aktwal na buhay at karanasan ng mga mag-aaral bilang lunsaran sa pagtuturo ng wika, isang paliwanag ito ng paggamit ng pamamaraang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. whole language education B. community language learning C. language ego D. natural approach 61\. Si Jose ay masusing inaanalisa ang mga impormasyong napakinggan batay sa mga ebidensya o patunay. Kung gayon, taglay ng naturang mag-aaral ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. marginal o passive na pakikinig B. masigasig na pakikinig C. mapanuring pakikinig D. malugod na pakikinig 62\. Ang teoryang pampanitikan na walang higit pangkawili-wiling paksa kaysa tao; kung pumasok man ang kalikasan sa sining ay upang lalong mapalitan ang mga katangian ng tao. A. romantisismo B. realism C. humanismo D. naturalismo 63\. Sa anong panahon lumabas ang komersyal na nobelang na anyong pocketbook na may paksang pag-ibig? A. Panahon ng Kastila B. Panahon ng Hapon C. Panahon ng Amerikano D. Kasalukuyang Panahon 64\. Mahigpit siyang makipaglaban tulad ng langgam na nangangagat kahit batid niyang siya ay titirisin. Ang paglalarawang ito kay Kabesang Tales ay nangangahulugang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. ang tunay na lalake ay kailangang matapang B. bawat tao ay may karapatang ipagtanggol ang sarili C. may panahon ng pagtitiis at pagpapakasakit D. ang taong nagigipit sa patalim kumakapit 65\. Ano ang tawag sa proseso kung paanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hinihinga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig? A. Punto ng Artikulasyon B. Paraan ng Artikulasyon C. Pwersa ng Artikulasyon D. Pulso ng Artikulasyon 66\. Sa ating bansa, ang asawang babae ang siyang "naghahawak ng susi". Ang lahat ng kinikita ng asawang lalaki ay ibinibigay sa kaniya, upang ingatan at gugulin sa tamang paraan. Maaari rin siyang maghanapbuhay upang madagdagan ang kinikita at naiipon ng pamilya. Karaniwan nang sinasabi na kapag masipag at matipid ang asawang babae ay umuunlad ang pamilya ngunit kung waldas ay ang pagkawasak ng pamilya. Ang tekstong binasa ay nasa uring A.perweysib B. informatib C. argumatib D. naratib 67\. Sa anong pananaw ang sumusunod na pahayag? Si Don Pedro ay humadlang Wala ka ring karapatan Pagkat ako ang panganay Nasa akin ang katwiran A. Panlipunan B. Panrelihiyon C. Pangkultura D. Pansarili 68\. Anong kayarian ng salita ang "yamang-dagat"? A. Maylapi B. Tambalan C. Inuulit D. Payak 69\. Napansin agad ni Miss Sanchez ang kakatwang kilos at alingasngas ng kanyang mga kanayon kay Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni Aling Ambrosia na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. A. Pagmamalupit B. Pagtulong C. Paghihiganti D. Paghihinala 70\. Sa paraang ito nililinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na kilatisin ang impormasyon nakapaloob sa binasang teksto at iniuugnay ang mga pangyayari sa tauhan at iba pang pangyayari. A. Journalistic Approach B. Fan-fact analyzer C. Venn Diagram D. Story Frame 71\. Si Gng. Azurin, isang guro sa Filipino para sa ikalawang taon ng Mataas na Paaralan ay matamang tinuturuan ang iba't ibang pangkat ng mag-aaral gamit ang mga gawaing ayon sa istilo ng kanilang pagkatuto, antas ng kanilang kaalaman at kasanayan sa wika bagama't sinusunod niya ang itinadhanang pare-parehong paksa o aralin. Samakatuwid, ito ay nagpapamalas ng \_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. metodolohiya B. dulog C. teknik D. kagamitang pampagtuturo 72\. Namangha si Ruth sa nakita. Naggagandahang lambana, mababangong bulaklak na iba't-ibang klase at nagkikislapang mamahaling hiyas sa kapaligiran. A. Nakarating siya sa daigdig ng pantasya B. Nanaginip lang siya C. Mayaman ang napuntahan nila D. Narating niya ang Mall of Asia 75\. Ang kalinangan ng mga mag-aaral sa maramihan nilang kakayahan at kakanyahan na siyang tinutukoy ng multiple intelligence approach ay matutugunan ng guro sa pamamagitan ng kanyang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. masteri ng aralin B. husay sa pamamahala sa klase C. iba't ibang mabisang estratehiya D. taas ng antas ng pagtataya 76\. Isang proseso ng pagkuha o paggamit ng bahagi ng populasyon. A. Sarbey B. Baliditi C. Sampling D. Case Study 77\. Walang Sugat: Ama ng Sarswelang Tagalog, Isang Dipang Langit:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ A. Ama ng Manggagawang Pilipino B. Makatang Manggagawa C. Makata ng Pilipino D. Makata ng Manggagawa 78\. Ang nagdududa sa kapwa, siya ring gumagawa. Ito ay isang uri ng A. kasabihan B. sawikain C. bugtong D. talighaga 79\. Ang nagdududa sa kapwa, siya ring gumagawa. Ito ay isang uri ng A. kasabihan B. sawikain C. bugtong D. talinghaga 80\. Ang teoryang pampanitikan na walang higit pangkawili-wiling paksa kaysa tao; kung pumasok man ang kalikasan sa sining ay upang lalong mapalitan ang mga katangian ng tao. A. romantisismo B. realism C. humanismo D. naturalismo 81\. Sa anong panahon lumabas ang komersyal na nobelang na anyong pocketbook na may paksang pag-ibig? A. Panahon ng Kastila B. Panahon ng Hapon C. Panahon ng Amerikano D. Kasalukuyang Panahon 82\. Ang salawikaing "kung minsan ang awa, masakit ang hiwa" ay nangangahulugang A. huwag ka nang tumulong para walang masabi B. tumulong ka na nga, masama ka pa rin C. pag nahiwa ka, masasaktan ka D. ang taong maawain ay masakitin 83\. Ano ang tawag sa proseso kung paanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hinihinga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig? A. Punto ng Artikulasyon B. Paraan ng Artikulasyon C. Pwersa ng Artikulasyon D. Pulso ng Artikulasyon 84\. Inilalarawan dito kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpipigil pag-abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig. A. Punto ng Artikulasyon B. Paraan ng Artikulasyon C. Pwersa ng Artikulasyon D. Pulso ng Artikulasyon 85\. Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, [isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin]. Ano ang tawag sa sinalungguhitan? A. Layon ng pang-ukol B. Pamuno sa layon ng pang-ukol C. Pamuno sa layon ng pandiwa D. Layon ng pandiwa 86\. At ngayon, malaki ang aking dalita ay di humahanap ng maraming luha; sukat ang kapatak na makaapula... kung sa may pagsintay puso mo'y magmula. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapahayag ng matinding damdamin? A. dalita B. makaapula C. luha D. pagsinta 87\. Sa ating bansa, ang asawang babae ang siyang "naghahawak ng susi". Ang lahat ng kinikita ng asawang lalaki ay ibinibigay sa kaniya, upang ingatan at gugulin sa tamang paraan. Maaari rin siyang maghanapbuhay upang madagdagan ang kinikita at naiipon ng pamilya. Karaniwan nang sinasabi na kapag masipag at matipid ang asawang babae ay umuunlad ang pamilya ngunit kung waldas ay ang pagkawasak ng pamilya. Ang tekstong binasa ay nasa uring A.perweysib B. informatib C. argumatib D. naratib 88\. Ang bait-bait mo naman. Sana kunin ka na ni Lord. Anong tayutay ang makikita? A. Simile B. Paglumanay C. hyperboli D. pag-uyam 89\. Isang berbal na paraan sa pagpapahayag ng kaisipan sa harap ng maraming nakikinig. A. Panayam B. Talumpati C. Pakikinig D. Pagsasalita 90\. [Bahag ang buntot] ng taong iyan tuwing may kaguluhan. Ang antas ng wika may salungguhit ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. pampanitikan 91\. Alin sa sumusunod ay dapat gawin upang malabanan ang stage fright. A. Maghanda nang mabuti B. Ilakip sa paghahanda ang panalangin C. Sanayin ang sasabihin D. Lahat ng nabanggit 92\. Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. ponema B. tunog C. morpema D. wika 93\. Ito ang antas ng wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook. A. Dayalekto B. Lalawiganin C. Tagalog D. Pambalana 94\. Alin sa sumusunod ang nagsisilbing tulay sa pagkakaisa ng mga Pilipino? A. Wikang Ingles B. Wikang Tagalog C. Wikang Filipino D. Wikang Bernakular 95\. Kapansin-pansin ang biglaang pagdami ng mga [laman ng lansangan] nitong huling taon. Ano ang kahulugan ng may salungguhit? A. Kriminal B. Pulubi C. Palaboy D. Tambay 96\. Bakit ba bumababa ang mga marka mo? Baka pinababayaan mo na ang iyong\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. pag-aaral B. pinag-aralan C. pag-aaralin D. takdang aralin 97\. Ano ang gamit ng bahaging may salungguhit? Pinalakad ang nahuling holdaper na [nakapiring ang mga mata]. A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Pananggi 98\. Kung minsan ang kagandahan ay nasa kapangitan. Anong tayutay ito? A. Epipora B. Oksimoron C. Metapora D. Simile 99\. Anong tungkulin ng wika ang tumutulong sa tao sa pagkontrol sa asal ng iba o sitwasyon? A. Instrumental B. Interaksyunal C. Regulatori D. Representasyonal 100\. Mabisa itong nagagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan hinggil sa isang paksa. A. Imersyon B. Brainstorming C. Questioning D. Pag-interbyu 101\. Paraang ginagamit ng tao sa pagpapalawak kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. A. Simbolo B. Tunog C. Titik D. Wika 102\. Ang wika raw ay salamin ng pagkatao; \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo. A. Dahil B. Samakatuwid C. Kung gayon D. Subalit 103\. Uri ito ng komunikasyon kung saan ang sarili ang siyang tagapahatid at tagatanggap ng mensahe. A. Interpersonal B. Interaksyonal C. Intrapersonal D. Representasyonal 104\. Uri ng pakikinig na may layuning makatulong at makapagpataas ng mo ral ng isang tao. A. Kritikal B. Pasibo C. Impormatib D. Replektib 105\. Pinasyalan ng mga mag-aaral ang [Underground River] sa Palawan. Ang pandiwa ay nasa pokus \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. direksyunal B. gamit C. sanhi D. tagatanggap 106\. Anong pangungusap na nagpapahiwatig ng pagpuna sa tumatabang kaibigan? A. May dinaramdam ka ba? B. Naglalagi ka yata sa kusina C. Inihanda ko na ang pagkain D. Napabayaan ka bas a pagkain? 107\. Piliin ang gawi ng pagsasalita. Ayokong sumunod sa iniuutos mo sa akin. A. Pakiusap B. Pagtanggi C. Pagtatanong D. Pagkamangha 108\. Ang mga mag-aaral ay nagbabalak ng proyekto tungkol sa pagsugpo ng sakit ng AIDS. Ang antas ng komunikasyon sa pangungusap ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. Pampubliko B. pangmasa C. pangkaunlaran D. pangkultura 109\. Pumunta si Ana sa silid-aklatan upang malaman ang mga direksyon kung paano gamitin ang laptop. Anong uri ng pagbabasa ang kanyang gagawin? A. Skimming B. Analytical C. Kritikal D. Scanning 110\. Ang pamagat ng isang naratib na komposisyon ay kinakailangang maging \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. kawili-wili B. hindi palasak C. maikli D. lahat ng nabanggit 111\. Pinalakpakan ng lahat ang sayaw na Tinikling. Ang pangungusap ay mayroong panaguring \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. pang-uri B. pandiwa C. pangngalan D. panghalip 112\. Daig ng maagap ang masipag. Ito ay isang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A.salawikain\ B.sawikain\ C. kasabihan D. kawikaan 113\. [Ang ugali ni Melanie ay nagustuhan ko.] Ano ang karaniwang ayos ng pangungusap nito? A. Ang ugali nia ay nagustuhan ko. B. Ugali ni Melanie nagustuhan ko. C. Nagustuhan ko ang ugali ni Melanie. D. Ang nagustuhan ko ay ugali ni Melanie. 114\. Ipinangpagpag ng alikabok [ang basahan,] Ang pokus ng pandiwa ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. sanhi B. gamit C. tagatanggap \` D. direksyunal 115\. Ipinakita ang ebidensya sa huwes. Ito ay nasa pokus \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A sanhi B. gamit C. tagatanggap D. layon 116\. Ano ang tawag sa Diyos ng mga Blaan? A. Kabunian B. Dwata C. Handiong D. agbabaya 117\. Ang awit na Pen Pen de Sarapen ay isang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. ditso B. kundiman C. oyayi D. diona 118\. Ang mga makabuluhang yunit ng isang salita katulad ng panlapi at salitang-ugat ay tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. ponema B. morpema C. pangungusap D. diskurso 119\. Alin sa sumusunod ang kilala bilang tugmang walang diwa? A. Tugmang Ganap B. Tugmang Pambata C. Tugmang Matalinghaga D. Tugmang Pangmatanda 120\. Anong kwentong-bayan ang gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. A. Pabula B. Parabola C. Alamat D. Epiko 121\. Akdang nagsalaysay ng pakikipagsapalaran, kabayanihan na kinapapalooban ng mga di-kapani-paniwalang mga pangyayari? A. Nobela B. Epiko C. Alamat D. Pabula 122\. Alin sa sumusunod ang nagbabadya ng pagbabago ng tagpuan? A. Eksena B. Tagpo C. Kuwadro D. Kabanata 123\. Ano uring akda ang Florante at Laura? A. Awit B. Maikling kwento C. Korido D. Nobela 124\. Ibigay mo kay Cesar ng para kay [Cesar], at sa [Diyos] ang para sa [Diyos]. Ang mga salitang sinalungguhitan ay tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. layon ng pandiwa B. pamuno sa layon ng pandiwa C. layon ng pang-ukol D. pamuno sa layon ng pang-ukol 125\. Ipinagmamalaki mo siya subalit BAHAG naman pala ANG kanyang BUNTOT, ang ibig sabihin ng may malaking titik ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. kuripot B. duwag C. mahiyain D. bulagsak 126\. Sa hakbang na ito ng pagsulat ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar. A. actual writing B. pre-writing C. rewriting D. final writing 127\. Aling uri ng pagsulat ang naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens hinggil sa isang paksa? A. Akademik B. Propesyonal C. Malikhain D. Reprerensyal 128\. May nag-aabang na patibong sa bawat pagliko, balar aw na tumutugis sa mga nagpapatulog. Anong tayutay ang makikita? A. Pagtutulad B. Pagpapalit-saklaw C. Pagbibigay-katauhan D. Paghihimig 129\. Labanan [ngipin sa ngipin.] Ang kasalungat ng salitang may salungguhit ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. gantihan ng ubos-kaya B. kagatan C. marahan D. walang sakitan 130\. Alin sa sumusunod na proseso ang pagpapahayag ng kaalaman, ideya at nararamdaman ng isang tao sa bawat isa sa paraang nauunawaan ng nakararami? A. Komunikasyon B. Pagsasalita C. Pagbasa D. Pagsulat 131\. Alin ang pangungusap na walang kaugnayan sa talataan? A. Si Mang Lucas ay masipag na tao. B. Kamukhang kamukha niya ang kanyang nag-iisang anak. C. Hindi mo siya kailanman makitang walang ginagawa. D. Bawat oras ay kaniyang ginugugol sa makabuluhang bagay. 132\. [Sinaksak mo ang puso ko] nang sabihin mong wala akong pag-asa sayo! Anong tayutay ito? A. Simili B. Personipikasyon C. Metapora D. Hyperbole 133\. Alin ang naglalarawan ng kasukdulan na katangian? A. Hinahangaan ang matalinong lider ng bansa. B. Di-gaanong matalino ang kanilang pinunong bayan. C. Pagkagaling-galing ang kanilang tagapangulo ng samahan. D. Magkasinggaling ang aming mga pinunong baranggay. 134\. Ito ay paglilipat ng isang kaalaman mula sa isang anyo patungo sa ibang anyo ng simbolo at pananalita. A. Pagsasalin B. Pagkakapit C. Pagbubuo D. Pagpapaliwanag 135\. Aling pamamaraan ang ginagamit ng guro na nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat? A. pabalak B. patuklas C. pasaklaw D. pabuod 136\. Anong kayarian ng pangungusap ang: "Ang pagbaha ay mapipigilan at masusugpo ang polusyon kung magtatanim ng mga puno." A. Tambalan B. Langkapan C. Payak D. Hugnayan 137\. Pinuntahan nila ang sakahan. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Sanhi B. Tagatanggap C. Direksyon D. Tagaganap 138\. Ang mga ekspresyon ng pagbati gaya ng "Magandang umaga!" at "Diyan na muna kayo, uuwi na ako." ay halimbawa ng \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ na gamit ng wika. A. phatic B. conative C. expressive D. emotive 139\. Sa araw-araw na pagsasalita ng isang taal na tagapagsalita ng wika, hindi niya namamalayan na gumagamit siya ng mga pangungusap na mali ang balarila. Bahagi lamang ito ng tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. performance slip B. grammar translation C. clustering D. redundancy 140\. Binibigyang-diin nito na dapat itaguyod ang anumang pagkatuto sa pamamagitan ng pidbak. A. Simulain ng kamalayan B. Simulain ng pagtataya C. Simulain ng pananagutan D. Simulating sosyo-kultural 141\. Nag-aapuhap ng kanyang isasagot ang kriminal. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. nag-iisip B. nagsisikapan C. naghahagilap D. lumilikha 142\. Alin sa sumusunod ang tinatawag na pormal na pagtatalo? A. Brainstorming B. Argumentasyon C. Debate D. Diskusyong Panel 143\. Alin sa sumusunod ang pangungusap? A. Nanay! B. Magandang Umaga po C. Aray! D. Lahat ng nabanggit 144\. Ang sumusunod ay hakbang sa pagsulat ng intebyu [maliban] sa isa: A. Paggawa ng balangkas B. Pagbibigay ng mabuting gawa at kaasalan sa kakapanayamin C. Paghahanap ng mga mahahalagang sinasabi ng iniinterbyu D. Pagsulat sa mga napag-usapan sa interbyu 145\. Alin sa sumusunod ang pinakamabilis, daglian at payak na pagkilatis at pagtataya ng kasanayang pagsasalita? A. Pagbigkas ng isang dagliang talumapati B. Madamdaming pagbigkas ng isang tula C. Aktibong pakikilahok sa talakayan D. Pagganap sa isang tauhan ng dula-dulaan 146\. Maaari siyang magpunta. Anong panghalip ang ginamit? A. Pamatlig B. Panao C. Panaklaw D. Katapora 147\. Si Titser Abby ay nagbigay ng gawaing pananaliksik sa mga naatasang mag-aaral hinggil sa mga napiling paksa na kanilang iuulat sa susunod na pagkikita. Ang naturang gawain ay nagtataglay ng anong tungkulin ng wika? A. Transaksyunal B. Interaksyunal C. Interpersonal D. Reperensyal 148\. Hand-to-mouth existence Salin: Isang kahig isang tuka. Anong uri ng pagsasalin ang ginamit? A. Literal B. Matapat C. Idyomatiko D. Eksakto 149\. Noong maliit pa ay isang paruparo, nang lumaki ay naging isang latigo. Ito ay halimbawa ng isang? A. Dagli B. Tigsik C. Salawikain D. Bugtong 150\. Binasa ng guro ang mga sulatin ng kanyang mga mag-aaral at bumuo siya ng pangkalahatang impresyon. Pagkatapos ay ibinigay niya ang mga puna upang mapabuti ng mga mag-aaral ang kanilang wika. Anong paraan ng ebalwasyon ang ginamit ng guro? A. Pagmamarkang holistik B. Pagmamarkang analitik C. Mapamiling pagmamarka D. Dalawahang pokus ng pagmamarka 151\. Ang tawag sa paggamit ng unang titik ng mga salita sa isang katawagan bilang pagpapaikli nito. A. Akronim B. Eupemismo C. Eponismo D. Anapora 152\. Ang klase sa Filipino ay pinangkat ni Gng. Arceo upang basahin ang isang kwento. Pagkatapos ay pinagawa niya ang bawat pangkat ng mapa ng konsepto hinggil sa kanilang binasa na kanilang ipinakita at inilahad sa klase. Anong estratehiya ang ginamit ng guro sa nasabing sitwasyong pampagtuturo? A. KWL (What I know, Want to know, Learned) B. GMA (Group Mapping Activity) C. DRTA (Direct Reading Thinking Activity) D. Request (Reciprocal Questioning) 153\. Sobra pa sa \"ordinaryo\" ang hepe ng baryo. Ano ang kahulugan ng salitang nasa panipi? A. Sobrenatural B. Pang-araw-araw C. Kakaiba D. Ispesyal 154\. Anong teorya ng pinagmulan ng wika na nagsasabing ang wika raw ay nagmula sa walang kahulugang bulalas ng mga tao. A. Teoryang Babble Lucky B. Teoryang Coo-Coo C. Teoryang Sing-Song D. Teoryang Pooh-Pooh 155\. Alin sa sumusunod ang maylaping kabilaan? A. Bumalik B. Ingatan C. Pag-isipan D. Hintayin 156\. Ito ay ang saglit na pagpigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahiwatig sa ating kausap. A. Haba B. Diin C. Tono D. Antala 157\. Ito ang paraan na kung saan naipapahayag natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pakikipagkapwa, pagpapahayag at pagbati sa okasyon. A. Personal B. Interaksyunal C. Multikultural D. Heuristik 158\. Anong tawag sa pag-aaral ng morpema at pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita? 159\. Ano ang ibang tawag sa panlapi? 160\. Itinuro ni titser Ronea ang wika gamit ang pamaraang padikta na kung saan inilahad niya sa mga mag-aaral ang proseso ng paggawa ng mungkahing pangkalakal pagkatapos ay nagtanong siya ng tungkol dito. Ibigay ang layunin ng guro. A. Nahihinuha ang paksa ng usapan B. Natutukoy ang mahahalagang kaisipan at pagtatanggal ng mga di-mahalaga C. Nakakalap ang mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala D. Nahihinuha sa mga pahiwatig na impormasyon ang intensyon at saloobin ng tagapagsalita 161\. Ito ay simulaing kognitibo sa pagtuturo ng wika na nagsasaad na ang matagumpay na pagkatuto ay nakasalalay sa inilaang panahon, pagsisikap at atensyon sa wika sa pamamagitan ng pansariling estratehiya upang maunawaan at masalita ang wikang pinag-aaralan. A. Otomatisiti B. Risk Taking C. Strategic Investment D. Language Ego 162\. Anong kaantasan ng wika ang salitang "SITAK"? A. Pampanitikan B. Kolokyal C. Balbal D. Lalawiganin 163\. Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitang panturo sa paglalahad ng aralin sa iba't ibang klase na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaaring maimungkahing mabisang gamitin? A. Telebisyon B. Larawang ipapakita sa tulong ng LCD projector C. Isinateyp na dayalogo D. DVD 167\. Isalin sa Filipino ang "Fall in line"? A. Pumila nang maayos B. Hulog sa linya C. Mahulog sa linya D. Ihulog sa pila 168\. Si Jose ay masusing inaanalisa ang mga impormasyong napakinggan batay sa mga ebidensya o patunay. Kung gayon, taglay ng naturang mag-aaral ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. marginal o passive na pakikinig B. masigasig na pakikinig C. mapanuring pakikinig D. malugod na pakikinig 169\. Anong kayarian ng salita ang "yamang-dagat"? A. Maylapi B. Tambalan C. Inuulit D. Payak 170\. Napansin agad ni Miss Sanchez ang kakatwang kilos at alingasngas ng kanyang mga kanayon kay Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni Aling Ambrosia na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. 171\. "Matangkad ang bahay namin." Alam ko ang ibig mong sabihin \-\-\-\-- "Mataas ang bahay ninyo, hindi ba? Ito ay halimbawa ng tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. interlanguage B. holophrastic speech C. risk taking D. language ego 172\. Ito ang tawag sa inaawit ng isang lider sa semonya na ginagawa sa pagnonobena o siyam na araw na debosyon. A. Pasyon B. Dalit C. Dung-aw D. Korido 173\. Kapag ang mag-aaral ay may layon sa pakikinig na mahango ang kahulugan ng mensahe sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos panglinggwistika, maituturing na siya ay gumagamit ng prosesong \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. top down B. bottom-up C. aktibong pakikinig D. pagdinig vs. pakikinig 174\. Kapag ang mga guro ay nag-uusap hinggil sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral, anong wika ang kanilang ginagamit sa usapan? A. Idyolek B. Sosyolek C. Dayalek D. Lingua Franca 175\. Siya ang sumulat ng pinakamahusay na bersyon ng Pasyon. 176\. Binasa ng guro ang mga sulatin ng kanyang mga mag-aaral at bumuo siya ng pangkalahatang impresyon. Pagkatapos ay ibinigay niya ang mga puna upang mapabuti ng mga mag-aaral ang kanilang wika. Anong paraan ng ebalwasyon ang ginamit ng guro? 177\. Ano ang ginamit bilang nakalathalang larawan sa pahayagan na malaki ang kaugnayan sa balita? A. Fold B. Cut C. Lead D. Box 178\. Alin sa sumusunod ang isang paraang pasasaling- wika na nagsisikap na makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal? A. Literal B. Matapat C. Adaptasyon D. Idyomatiko 179\. Ayon kay Mendiola (1991), ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ay isang pagbalikwas sa patriarkal na sistema ng lipunan \-\-- na ang lalake ang may kontrol ng lipunan, na ang papel ng babae'y tagasunod lamang sa lalake sa lahat ng larangan. 180\. Sa pangungusap na "Ang dalagang iyon ay si Alice, [ang pinsan ko.]". Ang may salungguhit ay tinatawag na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 181\. Alin sa sumusunod ang pinakamabilis, daglian at payak na pagkilatis at pagtataya ng kasanayang pagsasalita? 182\. Dapat silang magkita. Anong panghalip ang ginamit? A. Pamatlig B. Panao C. Panaklaw D. Katapora 183\. Si Titser Abby ay nagbigay ng gawaing pananaliksik sa mga naatasang mag-aaral hinggil sa mga napiling paksa na kanilang iuulat sa susunod na pagkikita. Ang naturang gawain ay nagtataglay ng anong tungkulin ng wika? 184\. Ito ay ang mga paulit-ulit na huwarang bahagi o sangkap na makikita sa mga akdang pamapanitikan tulad ng mga tauhan, imahen, uri ng kwento, pangyayari at simbolo. 185\. Higit na naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahang komunikatibo sa pamamagitan ng paglalapat ng wika sa mga sitwasyong pang-araw-araw na buhay. Samakatuwid, ito ay nasa yugto ng \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. paglalahad B. pagsasanay C. paglalahat D. aktwal na pagsasalita 186\. Anong taon nagsimula ang pagdadaos ng Buwan ng Wika? A. 1997 B. 2000 C. 2004 D. 1998 187\. Ang unang yugto ng pagkatuto ng wika na nabubuo sa malikhaing tunog na bunga ng vocalizing, cooing, guggling at bubbling ng mga bata. A. Unitary B. Ekspansyon at Delimitasyon C. Otomatik D. Pasumala 188\. Ito ay estratehiya sa pagbasa hinggil sa paghanap ng tiyak na impomasyon para sa katumbas na sagot at kadalasa'y nakatuon sa pagkuha at pagtatala ng detalye. 189\. Upang matukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang hinango sa binasang teksto, gumuhit sa Titser Ana ng mga kahon sa pisara bilang palatandaan sa mga titik na bubuo sa hinahanap na talasalitaan. Batay sa nabanggit na halimabawa, anong estratehiya ang ginamit ng guro? 190\. Kung nais ng guro na gawing lunsaran ng kanyang aralin sa wika ang pagbeyk ng keyk, anong uri ng teksto ang kanyang gagamitin? A. Jornalistik B. Prosijural C. Literari D. Referensyal 191\. Ibinalot ni Jay ang mga natirang pagkain. Ang pangungusap na ito ay nagpapakita ng komplementong \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 192\. Ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaraaln ng Bayabas ay nakalilinanag na ng kasanayan sa mabilis na pagbabasa at pag-unawa sa teksto bunga ng masigasig na pagtitiyaga ng guro sa paggabay sa kanila. Ito ay malinaw na nagpapakita na ang mga naturang mag-aaral ay nasa anong yugto ng kahandaan sa pagbasa? A. Panimulang pagbasa B. Maunlad na pagbasa C. Malawakang pagbasa D. Kahandaan sa pagbasa 193\. Anong lawak ng kasanayan ang tinutukoy sa sumusunod na implikasyong pandiskurso? 194\. MAY ULAM NAMAN PALA. Ang pangungusap na ito ay kakikitaan ng \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 195\. Ang paggamit ng tekstong hango sa disiplinang Araling Panlipunan sa pagtuturo ng Filipino para sa antas sekondari ay nagpapamalas ng dulog \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. A. Content-Based Instruction (CBI) B. Teaching Grammar Through Text Types (TGTT) C. Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) D. Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) 196\. Anong pamamaraan sa pangangalap ng datos kabilang ang paggamit ng card catalog (CC) at online public access catalog (OPAC)? E. Pananaliksik sa laboratory F. Pananaliksik sa aklatan G. Pananaliksik sa larangan H. Pananaliksik sa internet 197\. Bakit piniling muling isama sa kurikulum ng Filipino para sa antas sekondari ang apat na kilalang obra maestra (Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo)? A. Upang mabigyang daan ang panitikang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino B. Upang maitangi ang mga naturang akda na higit sa lahat ng iba pang akda C. Upang maging daan ito sa pagpapahalaga sa ganda ng ating sariling panitikan D. Upang makilala at masuri ang mga tauhan at maunawaan ang nilalaman ng mga ito. 198\. Ano ang kadalasang iminumungkahing paraan sa pagbibigay-kahulugan sa mga termino sa isang pananaliksik pangwika? A. Operasyunal B. Konseptwal C. Teoritikal D. Sayantifik 199\. Alin sa sumusunod na simulain sa pagtuturo ng pagsulat ang may tunguhin bilang gawaing komunikatibo? A. Kontrolado B. Pinatnubayan C. Malaya D. Padikta 200\. Kung nais ipakita sa mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng pagputol ng puno sa kagubatan, anong estratehiya ang higit na mabisang gamitin? A. Fishbowl Teknik B. Fishbone Teknik C. Semantik Web D. Klayn Teknik