Mga Uri ng Pamilya (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by FlashySurrealism2530
Tags
Related
- Aralin 1: Ang Pamilya bilang Hulwaran ng Pagkatao at Pakikipagkapwa PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, Panimulang Edukasyon PDF
- Ap History Notes PDF
- Q2W4_SAMA-SAMANG PANANALANGIN NG PAMILYA_VE7.docx PDF
- Tradisyonal o Moderno: Pamilya Noon at Ngayon PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng pamilya sa Tagalog. Tatalakayin nito ang mga joint, blended, at pamilya na may solong magulang. Binibigyang-diin ang mga halaga, responsibilidad, at relasyon.
Full Transcript
Joint na Pamilya. Ito ay pinalawak na nuclear na pamilya. Nagsasama ang mga magkakapatid sa isang bubong kasama ang kani-kanilang pamilya. Sa kontekstong ito ng pamilya, maaaring mapalakas ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa mga anak at maaari ring matuto ang mga anak sa mga pinsan, tiyo at tiya na ka...
Joint na Pamilya. Ito ay pinalawak na nuclear na pamilya. Nagsasama ang mga magkakapatid sa isang bubong kasama ang kani-kanilang pamilya. Sa kontekstong ito ng pamilya, maaaring mapalakas ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa mga anak at maaari ring matuto ang mga anak sa mga pinsan, tiyo at tiya na kasama sa pamilya (The Editors of Encyclopaedia Britannica, 2023). Blended na Pamilya. Kapag ang mag-asawa ay may mga anak mula sa nakaraang relasyon at nagsama sa isang tahanan, maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagpapahalaga ng mga bata. Maaaring mas mapanghamon ang pagtuturo at mas mangailangan ng pagsisikap at komunikasyon ang bawat kasapi ng pamilya. Mga Pamilyang may Solong Magulang. Ang ganitong pamilya ay humaharap sa karagdagang hamon sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa anak. Nahahati ang oras ng magulang sa kaniyang anak, trabaho, at iba pang responsibilidad dahil mag-isa niyang titinataguyod ang kaniyang anak. Maaari ring makaapekto sa epektibong pagtuturo ng pagpapahalaga ang hamon sa pinansiyal at emosyonal na stress. Ang mabuting dulot nito ay hindi naririnig ng bata ang magkasalungat na opinyon o pagtuturo dahil iisang magulang lang ang kaniyang nakakasama. Pagtukoy sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na Nagsisilbing Moral na Kompas Pagproseso ng Pag-unawa Bagamat may mga pagbabago sa estruktura at komposisyon ng pamilyang Pilipino, nananatili ang natural na pagtuturo ng mga magulang ng mga pagpapahalaga at paghubog ng karakter at birtud sa kanilang mga anak at iba pang kasapi. Upang maging mabuting mamamayan sa hinaharap ang a bata, sila ay dapat lumaki ayon sa pamantayang etikal na tutulong sa kanila na mamuhay kasama ang iba at bumuo ng kanilang pagkatao. Kaya naman, ang pagtuturo ng mga pagpapahalaga sa mga bata ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Mga Pagpapapahalagang Itinuturo ng Pamilya sa mga Anak Pagmamahal at Suporta. Ang walang-kondisyong pagmamahal, pagtanggap, at emosyonal na suporta na ibinibigay, na nagpapaunlad ng pakiramdam ng seguridad, pag-aari, at kagalingan sa lahat ng kasapi ng pamilya. Respeto o Paggalang. Ang pagsasaalang-alang sa mga damdamin, kagustuhan, karapatan, o tradisyon ng iba. Tratuhin ang mga miyembro ng pamilya at iba pang mga tao nang may pag-iingat at pagiging magalang. Responsibilidad. Ang pagkakaroon ng kamalayan na ang iyong mga aksiyon ay may kahihinatnan na mabuti at masama, at iyon ang dahilan kung bakit dapat ingatan at maging responsible sa iyong mga aksiyon. Mapagbigay o Pagkabukas-palad. Ang pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng iba at pagbabahagi nang hindi umaasa ng anumang kapalit. Pangako (commitment). Ang pagtatakda ng mga layunin at pagsisikap na makamit ang mga ito sa mahabang panahon. Italaga ang iyong sarili sa pagtupad ng mga pangako at layunin. Kapakumbabaan. Ang pagkilala na walang perpekto, na ang bawat isa ay may kanya-kanyang lakas at kahinaan din. Pasasalamat. Ang pagpapahalaga sa mga pagsisikap at kabutihan ng iba. Ito rin ay ang pagkilala na nag lahat ng mabuti ay galing sa isang mas mataas at mas makapangyarihang nilalang. Katapatan. Ang pagsasabi ng totoo, hindi pagsisinungaling o pagbabago ng mga katotohanan. Pakikipagkaibigan. Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan, pagbibigay ng suporta at suporta, pag- imbita ng mga kaarawan, pagbabahagi at pakiramdam na pinahahalagahan tayo ng ibang tao. Pasensya. Ang pagpapaliban ng mga kasiyahan, upang maunawaan na na sa maraming pagkakataon ay kailangan maghintay bago makuha ang pinakahihintay na gantimpala. Mga Pamilyang may Solong Magulang. Ang ganitong pamilya ay humaharap sa karagdagang hamon sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa anak. Nahahati ang oras ng magulang sa kaniyang anak, trabaho, at iba pang responsibilidad dahil mag-isa niyang titinataguyod ang kaniyang anak. Maaari ring makaapekto sa epektibong pagtuturo ng pagpapahalaga ang hamon sa pinansiyal at emosyonal na stress. Ang mabuting dulot nito ay hindi naririnig ng bata ang magkasalungat na opinyon o pagtuturo dahil iisang magulang lang ang kaniyang nakakasama. Mga Salita ng Pagpapatibay (Words of Affirmation) Ang "mga salita ng pagpapatibay" ay tungkol sa pagpapahayag ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, papuri, o pagpapahalaga sa kasapi ng pamilya. Kapag ito ang pangunahing wika ng pag-ibig ng isang tao, nasisiyahan sila sa mabubuting salita at pampatibay-loob, nakapagpapasiglang mga kasabihan (quote), mensahe ng pag-ibig, at nakatutuwang mga text message. Nararamdaman nila ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpupuri sa kanila o pagsabi kung ano ang mahusay nilang ginagawa. Kalidad na Oras (Quality Time) Ang isang taong may ganitong wika ng pag-ibig ay nagnanais ng lubos na atensiyon. Pakiramdam nila ay mahal sila kung naroroon ang ibang kasapi at nakatutok sa kanilang pangangailangan. Nangangahulugan ito na kapag kasama sila, ibababa ang cell phone, patayin ang computer, makipag-eye contact, at aktibong making sa kanila. Pisikal na Pagpaparamdam (Physical Touch) Ang isang taong may pisikal na pagpaparamdam bilang kanilang pangunahing wika ng pag-ibig ay nakadarama ng pag-ibig sa pamamagitan ng pisikal na pagmamahal. Nararamdaman nilang mahal sila sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang kamay, pagyakap, paghalik, paghaplos sa likod, o binibigyan sila ng masahe sa pagtatapos ng nakakapagod na araw. Mga Gawa ng Serbisyo (Acts of Service) Ang mga gawa ng paglilingkod ay magagandang bagay na ginagawa mo para sa iba na nagpapadama sa kanila na minamahal at pinahahalagahan mo sila, gaya ng pagtulong sa gawaing bahay ng mga anak o pagtulong ng mga magulang sa paghahanap ng mga materyales na kakailanganin ng anak sa eskuwela. Kung ang pangunahing wika ng pag-ibig ng kasapi ay mga gawa ng paglilingkod, mapapansin at pahahalagahan nila ang maliliit na bagay na ginagawa mo para sa kanila. May posibilidad din na isinasagawa rin nila ang paglilingkod at kabaitan sa iba. Pagtanggap ng mga Regalo (Receiving Gifts) Para sa isang taong gumagamit at tumutugon sa wikang ito ng pag-ibig, ang pagbibigay ng regalo ay nagpapahiwatig ng pagmamahal. Pinahahalagahan nila hindi lamang ang regalo mismo kundi pati na rin ang oras at pagsisikap na inilaan ng nagbigay ng regalo. Ang mga taong nasisiyahan sa pagtanggap ng mga regalo bilang bahagi ng kanilang pangunahing wika ng pag-ibig ay hindi kinakailangang umasam ng malaki o mamahaling regalo; mas mahalaga ang pagsisikap at pag-alaala sa likod ng regalo. Mga Pangunahing Hamon at Banta sa Pamilyang Pilipino Ayon sa dalawang Arsobispo na sila Antonio Luis Cardinal Tagle, at Socrates B. Villegas, apat na pangunahing hamon ang kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan. Una sa listahan ang paghihiwalay ng pamilya dahil sa migrasyon. Nagkakahiwalay ang mga mag-asawa hindi dahil wala na ang pagmamahal nila sa isa’t isa kundi dahil sa pangangailangang pinansiyal na ang tanging makatutugon ay ang pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa. Pangalawa ay ang kahirapan. Sinasabi sa isang pag-aaral ng OCTA Research (2023) na 13.2 milyong pamilya o kalahati ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ayon kay Tagle, kahirapan, higit sa lahat ang nakaaapekto sa pamilyang Pilipino. Ikatlo, ang diborsyo, mga iregular na relasyon katulad ng pakikipag-live-in, magkahiwalay na magulang, at iba pang uri ng relasyon. Ayon naman sa Obispong si Jesus Varela, Bishop-Emeritus ng Diocese of Sorsogon, isa pang banta sa pamilya ang negatibong impluwensiya ng mass media. Halimbawa nito ang mga palabas na nagpapakita ng mga bagay na taliwas sa turo ng simbahan tulad ng seks at karahasan. Isa rin sa nabanggit ang materyalismo. Prayoridad at nagiging katayuang panlipunan (social status) na ngayon ang pagkakaroon ng materyal na yaman at tagumpay. Tinukoy din sa isang pag-aaral na hindi ligtas ang pamilyang Pilipino sa mga hamong panlipunan na dulot ng nagbabagong panahon. Isinulat ni Gozum (2020) na nag-ugat ang mga hamong ito sa mga epekto ng modernisasyon tulad ng kahirapan, antroposentrismo (paniniwalang ang tao ang sentro at natatanging nilalang na mahalaga sa mundo), at iba pang salik para makapagpalit ng pamamaraan ng pamumuhay. Sa mga nabanggit na hamon at banta sa pamilya, sinasabing malaki ang gampanin ng magulang. Ang pagiging mabuting ehemplo at responsableng magulang ay mabuting binibigyang- diin at pansin sa lahat ng oras. Bukod dito, walang hamon ang hindi malalagpasan ng walang kondisyon na pagmamahal, pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, at pagpapakita ng pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.