Q2-Aralin 3: Ang Konsepto ng Suplay (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Senator Renato 'Compañero' Cayetano Memorial Science and Technology High School
Sir Mark Anthony T. Galan
Tags
Related
Summary
This document is a presentation on the concept of supply in economics. It outlines various aspects of supply, including the definition, factors influencing it, and ways to represent it numerically and graphically. The handout might also be part of a larger set of classroom study materials.
Full Transcript
YUNIT II ARALIN 3 Ang Konsepto ng Suplay Inihanda ni: Sir Mark Anthony T. Galan (SRCCMSTHS) Panimula: Tungkulin ng bahay-kalakal (business firms) ang lumikha ng mga kalakal. S...
YUNIT II ARALIN 3 Ang Konsepto ng Suplay Inihanda ni: Sir Mark Anthony T. Galan (SRCCMSTHS) Panimula: Tungkulin ng bahay-kalakal (business firms) ang lumikha ng mga kalakal. Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay-kalakal ang uri at dami ng produkto na dapat likhain. Ano ang SUPLAY? ✓ Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. ✓ Nais magbenta ng mga negosyante ng isang kalakal o serbisyo kung mataas ang halaga nito. BATAS NG SUPLAY Mataas ang supply ng isang kalakal kung mataas ang presyo nito. Bumababa naman ang supply ng isang kalakal kung bumababa ang presyo nito. 3 PARAAN SA PAGPAPAKITA NG SUPLAY Price Quantity 1. SUPPLY SCHEDULE (P) Supplied (Qs) - Isang talaan na 5 50 nagpapakita ng dami, kaya at 4 40 gustong ipagbili ng mga 3 30 prodyuser sa iba’t ibang 2 20 presyo. 1 10 0 0 3 PARAAN SA PAGPAPAKITA NG SUPLAY 2. SUPPLY CURVE - grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. SHIFTING OF THE SUPPLY CURVE Ang pagtaas ng suplay ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng suplay sa kanan. SHIFTING OF THE SUPPLY CURVE Ang pagbaba ng suplay ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng suplay sa kaliwa. 3 PARAAN SA PAGPAPAKITA NG SUPLAY Qs= c + d (p) 3. SUPPLY FUNCTION Qs - Quantity supplied - matematikong p - Presyo pagpapakita ng ugnayan ng presyo at ng suplay. a - intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0) b- slope (ang bilang ng Qs sa bawat 1 pagbaba at pagtaas ng presyo.) SUPPLY FUNCTION Qs= 0 + 5 (p) Price (P) Quantity Supplied (Qs) 2 10 4 20 6 30 8 40 10 50 Iba pang Salik na nakakaapekto sa SUPLAY PAGBABAGO SA TEKNOLOHIYA Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply. PAGBABAGO SA HALAGA NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa Lakas Paggawa Produkto Kapital Entreprenyur PAGBABAGO SA BILANG NG NAGTITINDA Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser ng mag prodyus at magtinda nito. PAGBABAGO SA PRESYO NG KAUGNAY NA PRODUKTO Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa supply ng mga produktong kaugnay nito. EKSPEKTASYON NG PRESYO Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. SUBSIDY NG PAMAHALAAN Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Supply 1. Dapat bigyang-pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon upang hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto. 2. Pagtuunan ng masusing pag-aaral bago pumasok sa isang negosyo. 3. Magplano sa inaasahang natural na kalamidad. 4. Bigyang-pansin ang kapakanan ng mga konsyumer, lalo na ang mga mahihirap. REFERENCES: Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag- unlad, VPHI Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI