Summary

This presentation covers self-awareness activities, prompting students to reflect on their values and how they influence decisions within the Filipino curriculum. It includes questions to encourage critical thinking and includes activities for introspection using personal values.

Full Transcript

ESP 6 Day 1 Kilalanin ang sarili! Maghanda ng isang papel na may pangalan nyo,sa pagbilang ng guro,isusulat nyo ang katangian ng taong nagmamay-ari ng papel na iyong matatanggap. “Alin sa mga katangian na nakasulat sa iyong papel ang Inaasahan mo?” “A...

ESP 6 Day 1 Kilalanin ang sarili! Maghanda ng isang papel na may pangalan nyo,sa pagbilang ng guro,isusulat nyo ang katangian ng taong nagmamay-ari ng papel na iyong matatanggap. “Alin sa mga katangian na nakasulat sa iyong papel ang Inaasahan mo?” “Alin sa mga ito naman ang ikinagulat mo?” Ating tuklasin ang mga pangyayaring may kaugnayan sa iyong sarili na makatutulong sa iyo sa pagbuo ng mga desisyon na wasto at mabuti. 1. Naging madali ba o mahirap ang pagsagot sa “Values Sudoku”? Bakit? 2. Ano ang iyong mga napansin sa salitang mga nasa kahon? 3. Alin sa mga pagpapahalagang iyan ang iyong naisasabuhay? Magbigay ng isang halimbawa? 4. Nakatutulong ba ang mga pagpapahalagang kahon upang higit mong makilala ang iyong sarili? Patunayan. Day 2 Balik Tanaw sa tinalakay ng nagdaang araw. Humanap ng iyong larawan at idikit sa kwaderno. Pagkatapos ay gumuhit ng speech balloon at isulat sa loob nito ang isang kasabihan, paalala, payo o kilos ng isang importanteng tao o pangyayari sa iyong buhay na sinusunod mo o nagbigay sa iyo ng inspirasyon. Ito ay maaaring ang iyong kaibigan, magulang, guro. lider, o nabasa mo. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon. A. malikhaing pag-iisip B pagkabukas ng isipan C. mapanuring pag-iisip D. pagsusuring personal 2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa: A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon 3. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari. A. pagsusuring personal B. mapanuring pagsusuri C. malikhaing pag-iisip D. pagkabukas ng isipan 4. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon? A. Nakakatulog ka ng mahimbing B. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga C. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran. D. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala. 9 PIVOT 4A CALABARZON 5. Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera? I. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera. II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan. III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon mo na sa elementarya. IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit upang makatulong sa pamilya. V. 1. Ano ang iyong nararamdaman habang ginagawa ang PSP? 2. Naging madali sa iyo na sagutin ang mga hinihingi sa bawat kahon? Bakit? 3. Ano ang iyong natuklasan mula sa dito? 4. Sa iyong palagay, ang kakayahan mong magsuri ng mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili at mga pangyayari ay nakakatulong upang makabuo ka ng tamang desisyon? Patunayan. 5.Paano mo isinasagawa ang pagsusuri sa mga bagay na may kinalaman sa iyo o mga pangyayari sa iyo? Day 3 Balik Tanaw sa tinalakay ng nagdaang araw. Gamit ang mga titik sa loob bawat kahon, alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang. 1.“Ano ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang?” 2. “Ano ang iyong mga ideya ukol dito? Mahalaga ba ang mga ito? Patunayan.” 3. “Mahalaga ba ang mga ito sa iyong pang- araw-araw na buhay? “Patunayan Higit sa mga pisikal mong katangian, mahalaga ring makilala mo at maunawaan ang iba mo pang taglay na katangian sapagkat ito ay bahagi ng iyong sarili na makakaimpluwensiya sa mga gagawin mong desisyon o kilos sa araw- araw. Dito mahalagang maunawaan mo ang kahalagahan ng pagsusuri ng sarili o personal na pagsusuri (self-reflection) kung saan mas higit mong nauunawaan kung sino ka talaga, ano ang iyong mga pagpapahalaga, at bakit ganyan ka mag-isip at kumilos. Ipaliwanag. “Ang magagandang desisyon ay nagmula sa karanasan at ang karanasan ay nagmumula sa hindi magagandang desisyon, at Sa bawat PagKakaMali natin dun naman tayo Natututo.” Day 4 Balik Tanaw sa tinalakay ng nagdaang araw. Personal Worksheet. Isulat ang iyong mga tala o kasagutan sa kwaderno., Magtala ng 2 bagay na ginawa mo na kung bibigyan ka ng pagkakataong muli ay gagawin mo nang mas mahusay. 1. ________________________________ 2. ________________________________ Sino ang nilalapitan mo sa panahon ng pangangailangan? ________________________________________________ Sa iyong palagay, ang mga pangyayaring masasakit o malulungkot ay nakatulong upang makabuo ka ng tamang desisyon? ( Oo/Hindi ) Tanggap mo ba mahalaga ang pagsusuri ng mga bagay at pangyayari sa pagbuo ng desisyon? ( Oo/Hindi ) Handa ka ba na maglaan ng panahon upang magsuri bago magdesisyon? ( Oo/Hindi ) JOURNAL WRITING. Isipin ang isang pangyayari sa iyo o sa inyong pamilya. Suriin ang pangyayaring ito gamit ang talaan ng paraan ng pagsusuri ng sarili sa ibaba. Paano nakakatulong ang pagsusuri sa mga bagay at pangyayari sa aking pagpapapasya? Pangyayari Dahilan Paraan ng Resulta Taong Pagtugon ng makakatulong desisyon

Use Quizgecko on...
Browser
Browser