Full Transcript

SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Philippians 4:9 Whatever you have learned or received or heard from me, or seen in me, put it into practice. And the God of peace will be with you. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY LES...

SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Philippians 4:9 Whatever you have learned or received or heard from me, or seen in me, put it into practice. And the God of peace will be with you. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY LESSON 3: Pangangailangan at Kagustuhan One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Maglista ka ng 5 pangangailangan at 5 kagustuhan mo gamit ang talaang ito. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Pangangailangan Kagustuhan One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Gabay na Tanong: 1. Naging madali ba para sa iyo ang paglilista ng iyong kailangan at gusto? Bakit? 2. Ano ang inaasahan mong matamo kapag nakuha mo na ang mga bagay na kailangan at gusto mo? 3. Maaari kayang ang gusto mo lang ngayon, ay maging pangangailangan mo na sa hinaharap? Paano? One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Kahulugan ng Pangangailangan at Kagustuhan Anumang bagay na dapat mayroon ang tao para mabuhay nang maayos ay tinatawag na pangangailangan o need. Ito ay maaaring pampisikal tulad ng pagkain, o sikolohikal tulad ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Kahulugan ng Pangangailangan at Kagustuhan Ang kagustuhan (want) naman ay anumang bagay na kahit hindi taglay ng tao, patuloy pa rin siyang mabubuhay nang maayos. Gayunpaman, ang pagtatamo ng tao ng kanyang kagustuhan ay makapagdudulot ng dagdag na kaginhawahan o kasiyahan sa kanyang pamumuhay. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Mga Salik ng Pangangailangan at Kagustuhan One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 1. Gulang o Edad Iba-iba ang mga bagay na kailangan ng tao sa bawat yugto ng kanyang buhay. Kapag sanggol pa lang, dapat ay mayroon siyang suot na diapers at may iinumin siyang gatas. Nag-iiba ang mga ito habang siya ay lumalaki. Hindi nababawasan, ngunit nababago at nadaragdagan pa nga. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 2. Kasarian Malaki na ang ipinagbago sa kung ano ang kailangan batay sa kasarian. Magkagayon man, magkaiba pa rin ang mga kailangan ng mga babae at mga lalaki bunsod ng kaibahang biyolohikal ng dalawa. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 3. Kalusugan Sa ano mang edad o gulang at kasarian, ang pangangailangang pangkalusugan ay iba-iba rin. Magmula nang maranasan ng kasalukuyang henerasyon ang pandemya, tumaas ang kamalayan ng tao sa kung paano mapalalakas ang pangangatawan. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 4. Edukasyon Magkakaiba ang mga gamit na kailangan sa bawat antas ng pag-aaral. Mula sa simpleng lapis at papel lamang noong nasa elementarya pa lang, tungo sa t-square para sa mga engineering ang kurso, stethoscope para sa gustong maging duktor at marami pang iba. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 5. Trabaho o Hanapbuhay Karugtong ng edukasyon, ang pangangailangan sa trabaho o hanapbuhay ng tao ay mga bagay na magiging sanhi ng kanyang pagiging episyente at epektibo sa gawaing pinili niya upang maging produktibong miyembro ng ekonomiya. Halimbawa: Para naman sa isang guro, kailangan ang mga gamit tulad ng lesson plan, chalk o whiteboard marker, laptop computer, at iba pa. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 6. Kita Sinasabing habang tumataas daw ang kita, dumarami rin ang idinedeklarang kailangan. Dito akmang-akma ang konsepto ng created needs. Dahil sa pagtaas ng kakayahang bumili kasabay ng pagtataglay ng mas maraming pambili, ang pagpapasya kung alin ang kailangan at hindi ay mas nagiging madali. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 7. Presyo Katulad ng salik na kita, malaki rin ang impluwensya ng pagbaba o pagtaas ng presyo sa ating pagpili kung alin ang importante o hindi. Halimbawa, kapag may mall sale, mas marami kang bibilhin na sasabihin mong kailangan mo. Ang pagpapaliban ng kailangan ay maaari ring maging epekto ng mataas na presyo ng produkto. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 8. Panahon Sa pagpapalit ng panahon, naiiba ang pangangailangan sa pananamit, pagkain at maging sa panlasa. Umaakma sa temperatura ang kapal o nipis at maging ang istilo ng ating pipiliing suutin at kainin. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 9. Panlasa (Preference) Dito naiaakma ng tao ang pagkakaiba-iba ng uri o kalidad. Halimbawa, lahat ng tao ay kailangang kumain, pero iba-iba naman ang gusto nating kainin. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Batayan ng Pangangailangan at Kagustuhan Ang pag-unawa sa kilos at gawi ng tao sa kanyang pagtatamo ng iba't-ibang pangangailangan at kagustuhan ay bahagi ng pag-aaral ng Sikolohiya (Psychology). Sa mga teorya o pag- aaral tungkol dito, dalawa ang pinaka-tampok sa lahat. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY A. Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay A. H. Maslow Ang herarkiya ng pangangailangan na binuo ni Abraham Harold Maslow na nakilala noong 1943 ay nakapaloob sa kanyang pag-aaral na tinawag niyang A Theory of Human Motivation. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Ang unang apat na lebel ang tinatawag na deficiency needs o d-needs. Ito ay ang mga pinakamahahalagang pangangailangan. Ang hindi pagtatamo ng mga ito ay maaaring makaapekto sa pisikal na kalusugan at kalagayang pangkaisipan. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Hindi maaaring matamo ng tao ang mas mataas na lebel kung hindi pa niya natatamo ang mas mababang uri ng pangangailangan. Ginamit ni Maslow ang konsepto ng meta- motivation na naglalarawan sa taglay na motibasyon ng tao na lagpasan ang pisyolohikal na pangangailangan upang mapagsumikapang mas maging mainam o mas magaling na tao. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY B. Three-Need Theory ni D.C. McClelland Isang Amerikanong sikolohista si David Clarence McClelland at nakilala sa kanyang Need Theory. Ito ay isang modelong pang-motibasyon na nagpapaliwanag kung paanong ang paghahangad ng taong magkaroon ng pagtatamo (achievement), posisyon o titulo (power) at pakikisapi (affiliation) ay nakaaapekto sa kanyang mga kilos at gawi. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 1. Pangangailangang May Mapagtagumpayan (Achievement) Ang mga tao ay naghahangad na magkaroon ng gawaing magreresulta sa pagkilala ng kanilang kakayahan. Kapag hindi natatamo ang tiwalang ito, tataas ang pangamba ng pagkabigo, ngunit kapag mataas ang tiwala sa sarili, malimit na aasang magtagumpay sa lahat ng gawain. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 2. Pangangailangang Mapabilang (Affiliation) Naglalaan ng panahon ang tao upang makisalamuha at bumuo ng relasyon. Nagnanais siyang mapabilang sa anumang pangkat kung saan niya mararamdaman ang pagtanggap at pagmamahal. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY 3. Pangangailangang Maging Impluwensyal (Power) Nagmumula ang pangangailangang ito sa pagnanais ng taong makapang-impluwensya, makapagturo o makapanghikayat. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Kaugnayan ng Kakapusan sa Pangangailangan at Kagustuhan Araw-araw, nahaharap tayo sa pagtitimbang kung alin nga ba ang ating kailangan at alin ang hindi. Sa ganitong paraan, napapadali ang ating pagtukoy sa kung alin ang uunahin at alin ang ipagpapaliban, o kung magka minsan pa nga, ay isasakripisyo natin. Pabago-bago rin ang mga ito. Maaaring ang itinuturing mong luho ngayon ay isa nang pangangailangan kinabukasan. Dahil sa kakapusan, napipilitan tayong laging pumili at gumawa ng matalinong pagpapasya. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY ORAL RECITATION One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY AKTIBIDAD One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY PANGKATANG GAWAIN One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY Sa pamamagitan ng dula – dulaan ipakita ang matalinong pagpapasya sa pagtatamo ng pangangailangan at kagustuhan. One Tomasino SAINT THOMAS BECKET ACADEMY One Tomasino

Use Quizgecko on...
Browser
Browser