Pointers to Review in Science PDF

Summary

This document provides information on various states of matter, along with their properties and transitions in response to temperature changes. It uses Tagalog as the language and describes the characteristics of solids, liquids, and gases.

Full Transcript

Pointers to review in Science Mga Bagay sa Ating Paligid Ang Matter ay tumutukoy sa lahat ng bagay na inyong nakikita, lahat ng bagay na umookupa ng espasyo at mayroong angking bigat Solid-Ito ang uri ng matter na matigas at may sariling hugis at bigat Halimbawa: mesa, upuan, pisa...

Pointers to review in Science Mga Bagay sa Ating Paligid Ang Matter ay tumutukoy sa lahat ng bagay na inyong nakikita, lahat ng bagay na umookupa ng espasyo at mayroong angking bigat Solid-Ito ang uri ng matter na matigas at may sariling hugis at bigat Halimbawa: mesa, upuan, pisara, plato Liquid-Ito ay isang uri ng matter na may bigat ngunit walang tiyak na hugis Halimbawa: lotion, mantika, alcohol, tubig Gas-Ito ay isang uri ng matter na walang bigat, walang timbang, at hugis. Ito ay naaamoy at nararamdaman. Halimbawa: lobo, gulong, oxygen, usok Katangian ng Solid Ang solid ay mga bagay na may sariling hugis, nahahawakan, may tekstura, kulay bigat at sukat Hugis- parisukat, parihaba, bilog, tatsulok, oblong o bilohaba, heart atbp. Tekstura-Ito ay tumutukoy sa kalambutan, katigasan, kakinisan at kagaspangan ng isang bagay Bigat-magaan at mabigat Kulay- pula, berde, puti, dilaw, lila, asul, atbp. Meter stick- instrumento na sumusukat sa haba, lapad at taas ng solid. Katangian ng Liquid Ang liquid ay walang sariling hugis ang mga liquid kung kaya ito ay sumusunod lamang sa hugis ng lalagyan nito Amoy-mabango at mabaho Halimbawa: shampoo-mabango patis-mabaho Ang mga liquid ay may kakayahang dumaloy dahil ang mga molecules nito ay malayo sa isa’t-isa Pagdaloy-mabilis at mabagal Halimbawa: lotion-mabagal mantika-mabilis Ang mga liquid ay may iba’t-ibang lasa Lasa-matamis, maalat, maasim, maanghang, mapait Halimbawa: honey-matamis; patis-maalat; suka-maasim; hot sauce- maanghang; kape-mapait May mga liquid na ligtas tikman at may mga liquid na hindi ligtas tikman Halimbawa: juice-ligtas pintura-hindi ligtas Katangian ng Gas Ang gas ay sumusunod sa hugis ng lalagyan. Ang molucules nito ay malayang nakakagalaw at tumatalbog kung kaya’t nauukopa nito ang buong paligid na kinalalagyan nito. Ang gas ay isang uri ng matter. Wala itong tiyak na hugis, may bigat, hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit ito ay nararamdaman. Ang gas ay walang kulay pero kapag ito ay nahaluan ng ibang kemikal, ang kulay nito ay nag-iiba. Matatagpuan ang gas kahit saan. Halimbawa ng gas-oxygen, carbon dioxide, helium, usok Ang gas ay natural na walang amoy subalit kapag nahahaluan ng ibang kemikal nag-iiba na ang amoy ng hangin. Instrumentong ginagamit upang masukat ang bigat o mass ng isang bagay. Mga Pagbabago sa Solid, Liquid at Gas Bunga ng Temperatura Melting (Solid-Liquid) Ang pagbabagong anyo ng solid patungong liquid na dulot ng init o pagtaas ng temperatura ay tinatawag na melting. Ang molecules ng solid ay magkakadikit-dikit. Dahil sa pagtaas ng temperatura dulot ng init, ang mga molecules ng solid ay nagkakahiwa-hiwalay. Kaya ang ibang solid ay nagiging liquid. Halimbawa: yelo, ice cream, May mga solid naman na kailangan ng init ng apoy upang matunaw. Halimbawa: Crayola, stick glue, metal, plastics Freezing (Liquid-Solid) Ang thermometer ay kagamitang panukat sa temperatura ng init o lamig ng bagay. Ito at isinusulat sa digri Celcius o Fahrenheit. Kapag mataas ang temperatura ng isang bagay ito ay mainit, ngunit kapag mababa ang temperatura ng isang bagay ito ay malamig Ang pagbabagong anyo ng liquid patungong solid na dulot ng lamig o pagbaba ng temperatura ay tinatawag na freezing. Halimbawa: tubig-yelo, ice candy, ice cream May mga liquid na kusang tumitigas kahit hindi na nilalagay sa loob ng refrigerator Halimbawa: tunaw na bakal, tunaw na krayola, tunaw na kandila, gelatin Evaporation (Liquid-Gas) Ang pagbabagong anyo ng liquid patungong gas dulot ng init o pagtaas ng temperatura ay tinatawag na evaporation. May mga liquid na material na kapag ginamit ay nawawala ngunit nararamdaman at nag-iiwan ng amoy. Mayroon din naming liquid na materyal na kapag naiinitan ay nagbabago ang anyo patungong gas. Halimbawa: Pagkatuyo ng tubig mula sa kamay, Pagkatuyo ng alcohol o sanitizer sa kamay, Pagkatuyo ng tubig mula sa damit, Paglabas ng usok mula sa kumukulong tubig Sublimation (Solid-Gas) Ang pagbabagong anyo ng solid patungong gas dulot ng init o pagtaas ng temperatura ay tinatawag na sublimation Halimbawa: solid air refreshener, naphthalene balls Condensation (Gas-Liquid) Ang condensation ay isang proseso ng pagpapalit ng anyo ng matter mula gas patungong liquid. Ang proseso ng condensation ay pagbabawas ng init o temperature, kung kaya’t ang mainit na gas ay nagiging liquid ulit. Ang condensation ay ang reverse process o kabaligtaran ng evaporation. Ang proseso ng condensation ay pagbabawas ng init o temperatura, kung kaya’t ang mainit na gas ay nagiging liquid ulit. Halimbawa: Butil ng tubig sa mga dahon kahit hindi umuulan, Butil ng tubig na sumasama sa hangin na tinatawag na hamog o fog, Butil ng tubig sa eyeglass kapag malamig ang panahon, Butil ng tubig na nilalabas ng malamig na soda.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser