Document Details

Uploaded by Deleted User

Tags

research methodology academic writing research paper research

Summary

This document discusses research methodology, outlining the purpose, methods, and theoretical framework for conducting research. It covers concepts like research objectives, data collection methods, and the importance of ethical considerations.

Full Transcript

**Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik.** -------------------------------------------------------------------------------------------------- 1. **Layunin** - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo...

**Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik.** -------------------------------------------------------------------------------------------------- 1. **Layunin** - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa. 2. **Gamit** - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. 3. **Metodo** -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Angpangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba\'t ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa. 4. **Etika** - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba\'t ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan. **Balangkas Teoretikal** Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik (Adom, 2018) **Attachment Theory** - ito ay isang subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas na sumasagot sa kung bakit nga ba nagkakaroon nang pang-aabuso sa baryabol na "Child Abuse". **Balangkas Konseptuwal** Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. **Datos Empirikal** Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.) 1. **Tekstuwal**. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata. 2. **Tabular**. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan. 3. **Grapikal.** Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph. - **Line Graph**. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon. - **Pie Graph**. Isang bílog na nahahati sa iba't ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral. - **Bar Graph.** Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing. **Ang mga proseso/hakbang sa pagsulat ng Papel Pananaliksik** 1. Pagpili ng Paksa 2. Pangagalap ng Paunang Impormasyon 3. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis 4. Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas 5. Pagbuo ng Konseptong Papel 6. Pangangalap ng impormasyon at Pagbuo ng Bibliograpiya 7. Pagsulat ng Borador Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may **apat na bahagi** ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta. **Konsepto** - Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan. **Konseptong Papel** -- Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Isang kabuoang idea na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin. **Pangunahing bahagi ng konseptong papel** 1. **Pahinang Nagpapakita ng Paksa -** Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito. 2. **Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (*Rationale*) --** Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababása rito ang kahalagahan ng paksa. 3. **Layunin --** Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. 4. **Metodololohiya --** Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon. 5. **Inaasahang awtput o resulta --** Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. 6. **Mga Sanggunian -** Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral. Ang **editing** ay ang paghahanap ng maliit na suliranin sa teksto na medaling masolusyonan gaya ng pag-aalis o pagdaragdag ng salita o pangungusap, pag-aalis o paglilipat ng talata, at iba pa. Narito ang ilang gabay sa mananaliksik sa pagsasagawa ng rebisyon. Maaaring gamitin ang sumusunod upang bigyan ebalwasyon ng mananaliksik ang burador. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 1. **Tukuyin ang pangunahing punto ng papel-pananaliksik.** Ano ang pangunahing nais sabihin ng inyong papel? Subuking ibuod ang pangunahing tesis ng papel at ang mga ebidensiyang ginamit upang mapatunayan ito. Malinaw ba ang tesis ng papel at may tiyak ba itong pinatutunguhan? 2. **Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at kung ano ang mga layunin nito.** Kamit ba ng papel- pananaliksik ang mga tinukoy na layunin? Kung para ito sa tiyak na populasyon o grupo ng kalahok, magbibigay linaw ba ang pananaliksik sa paksang tinalakay. 3. **Tasahin ang iyong mga ebidensiya.** Sinusuportahan ba ng kabuuan papel ang tesis ng iyong pag-aaral? May sapat bang mga ebidensiya at datos upang mapanindigan ang mga argumento ng papel? Kung gumamit ka ng mga sipi mula sa kaugnay na literature at pag- aaral, maayos mo bang natukoy at kinilala ang pinagmula nito? 4. **Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik.** Lahat ba ng ideya ay may kinalaman sa pangunahing ng papel? May mga ideya bang walang kinalaman sa paksa o tesis ng pag-aaral? Kung mayroon man, kailangan mo bang baguhin ang tesis ng pag-aaral o alisin na lamang ang ideya. 5. **Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik.** May mga malabong ideyapangungusap ba dahil sa hindi maayos na gamit ng wika? Basahin ng malakas ang iyong papel at pakinggan kung may hindi akmang mga salita at malabong ideya. Alisin ang mga salitang may malabong kahulugan at maling paggamit. 6. **Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal**. May mga pagkakamali bas a gramatika, pagbabantas, at pagbaybay? Kung may pagkakamali, tiyakin ang maayos na pagtatala ng mga ito, at kung hindi tiyak sa tamang gamit, maaaring komunsulta sa mga dalubhasa sa wika. **Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong mambabasa.** Magkunwang binabasa moa ng pananaliksik ng ibang tao. Ano sa tingin moa ng mga punto ng kalakasan at kahinaan ng papel? Bakit? Ano sa tingi moa ng mga magagawa upang mapabuti pa ang iba't ibang bahagi ng papel? Madali bang maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik

Use Quizgecko on...
Browser
Browser