Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.docx

Full Transcript

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Nababasa nang may wastong pag-unawa ang mga teksto sa iba’t ibang disiplina. Nagagamit nang mahusay ang Filipino sa pagbuo ng isang sulating pananaliksik. MGA BATAYANG KONSEPTO Pagpapakahulugan sa pagbasa Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan s...

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Nababasa nang may wastong pag-unawa ang mga teksto sa iba’t ibang disiplina. Nagagamit nang mahusay ang Filipino sa pagbuo ng isang sulating pananaliksik. MGA BATAYANG KONSEPTO Pagpapakahulugan sa pagbasa Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga simbolong nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Pag-unawa ito sa wika ng awtor o manunulat ng mga nakasulat na simbolo (Semorlan, et.al., 1999). Sinasabing unang hakbang sa pagtatamo ng kaalaman. Tumutukoy sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensahe ng wikang nakasulat. Isang proseso ng pagkuhang muli at pag-unawa sa mensahe ng ilang anyo ng nakaimbak na mga impormasyon o mga ideya (Alejo, et.al., 2005) Mahalagang salik sa pagbasa ang papel ng dating kaalaman o teorya ng iskema. Inumpisahan ni Bartlett (1932) at nilinang nina Anderson (1977) at Rumelhart (1981) ang teoryang ito na nagsasaad na 111 nakaiimpluwensiya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang mga alam na o hindi alam ng mambabasa. Mga uri ng iskema: Content o nilalaman (tumutukoy sa mga sistema ng tunay na katotohanan, balyus at kombensiyong kultural) Formal (tinatawag ding tekstwal na iskema, na may kaugnayan sa kaalamang retorikal na istruktura ng teksto at mga genre ng panitikan tulad ng mga nobela, maikling kwento, dula, resipe, patalastas, talambuhay, liham, jornal, atbp.) Linggwistika (tinatawag ding iskema ng wika, na tumutukoy sa istruktura ng wika, bokabularyo, impleksyong gramatikal at mga gamit pang-ugnay (cohesive devices)). Pagpapakahulugan sa pagsulat Paggawa o pagbuo ng mga titik, simbolo at mga salita. Isang paraan upang ang mga mahahalagang bagay na hindi matandaan ay muling mapagbalikan sa isipan (Lorenzo, et.al., 2011) Isang mabagal at kompleks na proseso at itinuturing na isang sining na nangangailangan ng malalim na pag-unawa at pag-iisip Badayos, 2000) Makatutulong sa lalong pagkakamit ng mabisang pagpapahayag at pagsulat ng apat na anyo ng pagpapahayag: Paglalahad (nagbibigay impormasyon at nagpapaliwanag) Paglalarawan (nagpapalutang ng mga katangian) Pagsasalaysay (nagkukuwento) Pangangatuwiran (nanghihikayat na isaalang-alang ang pananaw ng manunulat) Tinatawag din ng ilan ang lapat na anyo ng pagpapahayag bilang genre ng wika. Samantalang, tinatawag na genre ng nakasulat na teksto ang maikling kuwento, sanaysay, mga alamat, talumpati, talambuhay, mga tula, atbp. Ang genre ng nakasulat na teksto ay may dalawang anyo sa paggamit ng salita: Anyong tuluyan Sanaysay - talambuhay -editorial Anekdota - ulat -dula Balita - alamat - pabula Salaysayin - talumpati - mito - atbp. Anyong patula Tulang pandamdamin / liriko: elehiya, oda, kantahin, soneto Tulang pasalaysay: epiko, awit, kurido Tulang pandulaan Napakahalaga para sa kasaysayan sa pagbasa at pagsulat ang patuloy na pagpapayaman, pagdaragdag ng bokabularyo / talasalitaan ng mga mag- aaral. Naririto ang ilang paraan sa pagpapalawak ng bokabularyo: Kaanyuan / kayarian / pagbuo ng mga salita 112 Pagkakabit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa salitang-ugat upang mabigyan ng iba’t-ibang kahulugan ang mga ito Halimbawa: Pag-uunlapi = umisip Paggigitlapi = tumulong Paghuhulapi = linisin Pag-uunlapi + paggigitlapi = ikinuha Pag-uunlapi + paghuhulapi = pagsabihan Paggigitlapi + paghuhulapi = tinabasan Pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi = pinagsumikapan Pag-uulit ng salita Parsyal  kani-kanila Ganap  tuwang-tuwa Tambalang salita  bahay-kubo Salitang balbal  oks, tsekot Salitang kolokyal  syota, datung Panghihiram ng mga salita  axis, Xerox Paghahambing ng mga magkakatulad at magkakaibang salita Halimbawa: Malapad at maluwang makipot at maluwag Paggamit ng tayutay  parang anghel Paggamit ng idyomatikong pahayag  kamay na bakal Ugnayan ng mga salita Paggamit ng context clue Paggamit ng diksyunaryo Mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa pagbasa ng mga tekstong akademiko: Pagbasang pahapyaw (skimming)—isang paraang ginagamit ng mambabasa upang makuha ang nilalaman ng teksto o materyal sa mabilisang paraan. Hindi nito pinagtutuunan ang detalye, kundi ang kabuuang paksa o pangunahing kaisipan ng isang artikulo o seleksyon para makabuo ng buod o lagom ng binabasa. Higit na mahaba ang oras para sa skimming kaysa sa scanning. Pagbasang pasuri (scanning)—ito naman ang palaktaw-laktaw na pagbabasa na isinasagawa ng mambabasa upang mabilis na matukoy o matagpuan ang isang tiyak na impormasyon tulad ng pangalan, lugar, bilang o petsa. Hindi rin masinsinan ang pagbabasa ng teksto. Sa sandaling makita ang impormasyong hinahanap, hindi na ipagpapatuloy ang pagbasa. Pagbuo ng prediksyon o hinuha—bumubuo ng palagay o implikasyon ang isang bumabasa batay sa mga pahiwatig o implikasyong ibinibigay ng manunulat at tagapagsalita; hindi tuwirang sinasabi ng may-akda ang nais niyang sabihin kayat kailangang 113 matuklasan ng mambabasa ang nakatagong kahulugan ng mga salita sa teksto. Paglalahat o paglalagom—naisasagawang maisaayos ang mga impormasyong nakuha sa teksto sa pamamagitan ng pagbubuod, pagbabalangkas at pagtatala. Pagbuo ng kongklusyon—nakabubuo ng kongklusyon sa pamamagitan ng mahahalagang detalyeng makukuha sa teksto; pagkatapos, gagamitin ang mga detalyeng nabanggit upang maiugnay sa mga karanasang bunga ng obserbasyon o dili kaya’y nabasa ng mambabasa. Pagsuri at pagkilala ng mga ideyang katotohanan at opinyon Kahulugan ng katotohanan (fact) Ang nagawang bagay Kasalukuyang ginagawa, binub uo, ginagampanan Aktwal na umiiral, subhektibo o obhektibo man ang konsiderasyon Kahulugan ng opinyon (Silapan at Fabros III, 1999) Pagpili, paghiling, o malayang pagpili Kuru-kuro, pala-palagay na batay sap unto de bista ng isang tao; maaaring mali ito sa pamamaraan ng iba, subalit isang katotohanan sa nagpapahayag nito Isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon Mas mahina sa positibong kaalaman, na batay sa obserbasyon at eksperimento Isang paghuhusga Pagkilala sa hulwaran o istilong ginamit ng awtor sa pagsulat— kasanayan ito sa pagsusuri kung anong hulwaran o istilo ang ginamit ng awtor upang mabuo at maipahayag ang mga kaalaman o ideya sa mga babasahing teksto; maaari rin namang alamin ang layunin, saloobin at panauhan (point of view) ng manunulat tungkol sa kanyang isinulat. Nagbigay sina Montgomery at Moreau (2003) nasa Alejo, et.al., (2005:107) ng pitong anyo ng tekstong ekspositori. Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Anyo Paglalarawan Karaniwang Aplikasyon Paglalarawan Tinipong katibayan sa paksa. Paggamit ng pang-uri at pang- abay. Saklwa ang lahat ng pang-akademikong gawain, sining, musika, P.E. Pagtatala Pag-iisa-isa ng mga halimbawa na may kaugnayan sa paksa. Agham Matematika Pagsusunod-sunod Pagpapahayag ng kaayusan ng mga hakbang, proseso o Agham Matematika 114 pamamaraan Sanhi / Bunga Pagpapaliwanag kung bakit nangyari ang isang bagay. May naunang pangyayari at may sumunod na pangyayari Kasaysayan Problema / Solusyon Pagbibigay ng problemang maaaring malutas nang mahigit sa isang solusyon. Kailangang ipahayag ang problema at magmungkahi ng plano kung paano ito malulutas. Agham Paghahambing at Pagkokontrast Pagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawa o mahigit pang sangkap o bahagi. Agham Panlipunan Heograpiya Kagalingan at kahinaan, sang- ayon at di sang-ayon, sinang- ayunan at sinalungat na pananaw Pagsusulat ng akda o seleksyon sa pamamagitan ng pagbabasa— layunin nito na maisulat ang naging epekto ng binasa sa sariling damdamin, kuru-kuro, kaisipan at ugali ng mambabasa. Samakatuwid, lahat ng uri ng paksa ay sinasaklaw nito at lahat ng uri ng tao ay maaaring tagabasa nito. Naririto ang mga halimbawang uri ng sulatin: Personal na uri – impormal na anyo Mapanuri o kritikal – pormal na anyo Maaari rin namang ganito ang sulatin: Pinaikling pagsulat ng katha na tinatawag na presi na ang ibig sabihin ay mahigpit na pinanatili ang mga pangunahing kaisipan, ayos ng pagkakasulat, pananaw ng sumulat at himig ng orihinal (Silapan at Fabros III, 1999: 117). Hawig o parapreys—isang pagpapaliwanag ng isang akda o babasahin na tangkang ibigay ang kahulugan upang maunawaan sa higit na madaling paraan; karaniwang itong ginagawa sa mga tula o kasabihan sapagkat hindi lantad ang mensahe. Analisis at balidasyon ng kaalaman—isang paraang lumilinang sa kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral upang analisahin/tayahin/ebalweytin ang mga ebidensiya ng pangyayari; mula rito makabubuo ng pangangatuwirang pasaklaw o pangangatuwirang pabuod Pagtukoy sa damdamin, tono, layunin at pananaw ng teksto—naririto ang dapat tandaan sa pagtukoy ng damdamin, tono, layunin at pananaw: Ang himig (mood) ng isang teksto, ang damdaming nadarama ng bumabasa (halimbawa: pagkatakot, pagkainis, pagkalungkot, pagtataka, o pag- aalinlangan) 115 Tono (tone) ng isang teksto, ang saloobin ng awtor tungkol sa paksang inilalahad (halimbawa: mapagbiro, malungkot o nang-uuyam) Layunin o pananaw ng pagkakasulat, karaniwang nasisinag sa tono o dili kaya’y sa himig Uri ng estilo Pormal o di pormal Obhetibo o subhetibo Positibo o negatibo Pagbibigay interpretasyon sa mapa, tsart, grap, at talahanayan— naririto ang mga patnubay upang mabasa ang mga ito nang mabisa: Basahing mabuti ang legend na karaniwang makikita sa mapa Basahin ang mga impormasyon sa gilid at ibaba ng grap Basahin ang pamagat at subseksyon ng teksto Pag-uuri ng mga ideya / detalye Ang pangunahing ideya—ito ang pinakamahalagang diwa tungkol sa pinag- uusapan sa isang talata maging ito ay nasa anyong paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay o pangangatuwiran Nagagawang malinaw ang isang kumplikado o masalimuot na paksa sa pamamagitan ng mga pangungusap na tiyakang sumusuporta sa pangunahing ideya Tinatawag na mga pangunahing detalye ang mga pangungusap na sumusuporta upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata Tinatawag namang mga maliliit na kaugnay na detalye ang mga pangungusap na nagpapaliwanag sa mga pangunahing detalye. 116 Pagkilala sa pamaksang pangungusap Ang pamaksang pangungusap ay pangungusap na kumakatawan sa sentral na ideya sa loob ng isang talata. Pangungusap itong kumokontrol sa diwa ng talata na nakatutulong sa kalinawan at kaisahan ng ideya May 2 bahagi ang paksang pangungusap—simuno at panaguri; sa iba’y tinatawag itong topic at comment. Halimbawa: ➢ Matatagpuan ang lantad na pamaksang pangungusap sa— Unahan - una’t hulihan Gitna - hulihan ng talata lalo na kung ang mga talata ay naglalahad at nangangatuwiran. Bakit nasa unahang posisyon ang pamaksang pangungusap? --kung ang pangkalahatang ideya ay pinalawak ng mga argumento o ng mga tiyak na halimbawa o ilustrasyon Bakit nasa gitna? --kung naghahambing o nagbibigay impormasyon Bakit sa unahan at hulihan? --kung ibig magbigay-diin sa ideyang naipahayag sa una --nagbibigay ito ng impresyon ng kabuuan ng ideya Bakit sa hulihan? --kung ang pruweba, ilustrasyon, halimbawa, at mga detalye ay naipakita muna bago ipahayag ang proposisyon Ipinahihiwatig lamang ang pamaksang pangungusap sa uring di-lantad lalo pa’t ito ay talatang naglalarawan at nagsasalaysay. Pananaliksik / Reserts—mapanuri at kritikal na pag-aaral tungkol sa isang isyu, konsepto, at problema Mga mapaghahanguan ng paksa - sarili - internet - dyaryo - magasin -radio 117 - tv (cable) - mga awtoridad - kaibigan - kakilala - kaklase -guro Magsisilbing proposal ng sulating pananaliksik ang konseptong papel. Binubuo ito ng apat na bahagi: Rasyunal (rationale) Layunin Metodolohiya Inaasahang output o resulta May dalawang panimulang gawain sa pananaliksik Paghahanap ng materyales Paggawa ng pansamantalang bibliograpi Mula sa paghahanap ng datos, susunod ang pagdedesisyon sa format at uri ng balangkas na gagawin para mabuo ang pansamantalang balangkas ng napili mong paksa Magiging batayan ng maayos na dokumentasyon ang anyo o klase ng tala tulad ng: direktong sipi - buod ng tala - presi sipi ng sipi - hawig (paraphrase) - salin / sariling salin Sa kasalukuyang konteksto ng pananaliksik, mahalaga ang interbyu bilang bagong bukal ng impormasyon kayat dapat na batid ng mananaliksik ang mga hakbang sa mabisang gamit nito. Dalawang bagay naman ang may bigat sa pananaliksik: Proseso ng pagbuo ng mga bagong insights o kabatiran Panghihikayat upang tanggapin ng iba na totoo at wasto ang bagong ideyang natuklasan Upang magkaroon ng kabuluhan ang anuman ideya o kinalabasan ng pananaliksik kailangang maisulat ito sa isang maayos at mabisang paraan na binibigyang pansin ang mga sumusunod: Iba’t ibang prinsipyo sa pagsulat ng burador Ang wastong dokumentasyon ng pananaliksik Presentasyon ng papel sa maayos na estilo at format

Use Quizgecko on...
Browser
Browser