Mga Aralin sa Wikang Filipino, PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin ukol sa Wikang Filipino, kabilang ang mga bansang multilingual sa larangan ng edukasyon. May mga talakayan din ukol sa papel ng edukasyon, industriyalisasyon, at iba pang paksa na may kaugnayan sa wikang Filipino.
Full Transcript
Week 1 Batay sa awitin na inawait kanina, ano ang kinalaman nito sa pagkakaroon ng maraming wika sa bansang Pilipinas? Ayon kay Roberto T. Anonuevo, Direktor –Heneral ng Komisyaon sa Wikang Filipino (2018) Napatunayan ng (wikang) Filipino na kaya itong tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing kat...
Week 1 Batay sa awitin na inawait kanina, ano ang kinalaman nito sa pagkakaroon ng maraming wika sa bansang Pilipinas? Ayon kay Roberto T. Anonuevo, Direktor –Heneral ng Komisyaon sa Wikang Filipino (2018) Napatunayan ng (wikang) Filipino na kaya itong tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon dahil ang komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino at Pamela Costantino mayroong 100 wika sa Pilipinas Makikita sa Grap ang mga pursyeto o dami ng tao na nagsasalita sa wikang kanilang kinasanayan, ang mga Wika na nasa Grap at ang Sampong (10) ng wika sa Pilipinas na ginagaamit ng nakararaming mamamayan. Batay naman kay Lorenzo Hueves y Panduro (1784) bago pa ang kolonyalisasyon ay pamilya ng malayo-polinesyo ang wikang Filipino. Sa Pananaliksk nina Costantino at Wilhelm Schmidt (1899) na Awstronesyan ang pamilya ng wika ng kinabibilangan ng mga wika sa Pilipinas. Makikita sa Grap kung paano nakulong ang wikang Filipino sa wika ng ibang bayan batay kung sa paano ito namulaklak sa kultura at wiikang Filipino, ang pagiging Multilinggual ng Pilipinas ay naging instrumento upang mag karoon ng adaptasyon ang wika ng ibang bayan sa wikang Filipino. 1.2 Makilala ang mga bansang Multilingual din ang gamit sa Edukasyon Mga Bansang Multilingual ARUBA Isa sa mga bansang bumubuo ng kaharian ng Netherlands at malapit sa Venezuela Papiamento Wikang umusbong mula sa portuges, Kastila, Dutch at Ingles EAST TIMOR (TIMOR-LESTE) Wika Tetum May kabisahan din sa wikang Portuges at Ingles INDIA Hindi at English ang opisyal na wika LUXEMBOURG Luxembourish ang wika ng maliit na bansa (Hiram na salita mula sa salitang pranses ang Luxembourish) MALAYSIA Wika Malay (opisyal na wika) Malay at English ang parehong ginagamit sa panturo Mandarin (tinuturo sa mga may lahing tsino) MAURITIUS Bansang tinuturing na bahagi ng Africa. Wika Eglish at Pranses (wika ng paaralan) Mauritian Chreole (Wikang umusbong sa Pranses ngunit hindi naiintindihan ng mga Pranses) SINGAPORE Wika Mandarin Chinese, Malay at Tamil (opisyal na wika ng Singapore) English (Lingua Franca) SOUTH AFRICA Labing isa (11) ang opisyal na wika. English (Lingua Franca) Afrikaan (wikang gamit sa kanlurang kontinente) SURINAME Hilagang America Wika Dutch (Paaralan, kalakaran at midya) Sranan Tongo (Sranan) (wika na may impluwensyang dutch) 1.3 Maunawaan ang Mother-Tongue-Based Multilingual Education Hamon ng Mother-Tongue-Based Multilingual Education Habang nililinang at pinauunlad ang Filipino, nang naluklok na Pansamantalang Punong Komisyoner ng KWF si Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco ay naging direksiyon ng ahensiya ang pagtangkilik sa multilingguwalismo. Katuwang ang Kongresista o Representatibo na si Kgg. at abugado magtanggol Gunigundo ng Valenzuela. Ang Orihinal na House bill blg. 4719 na humihikayat na ipagamit ang unang isinumite sa Senado noong 2008 na ang paksa ay ang pagpapagamit sa unang wikang bilang midyum ng pagtuturo sa mga basikong edukasyon Kinatigan ito ng kagawaran ng Edukasyon at isport sa pamamagitan ng paglalabas ng Ordinansa Blg. 74 na nagtatalakay sa pagsasainstitusyon ng paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral. Napakalaki ng naging epekto ng pangsasakatuparan ng Mother-Tonguebased, Multilinggual Education o MTB-MLE. Isa iton sa mga naging bagong direksyon sa pag-iimplementa ng K to 12. Week 2 4.1 Magamit ang Wikang Filipino sa iba’t-ibang tiyak na sitwasyon pangkomunikasyon sa lipunang at Paaralang Pilipino Ayon kay G. Eugene Y. Evasco ang anomang wika sa daigdig tulad ng wikang Filipino, ay nalilikha, nililinang, pinagyayaman at hindi lamang basta isinilang. Kaya naman masasabi ring ang wika ay may kakayahang makiangkop sa pagbabagong nagaganap sa lipunang kayang pinagsisilbihan Malinaw na pinapahayag ni E. Evasco ang kalakasan ng wika pagdating sa usapin ng paggamit dito sa umiiral na buhay ng isang Bansa. Sa Panahon ni dating pangulong Gloria Makapagal-Arroyo ginawa ang Pang-ehekutibo (E.O) 210 na nag-aanyas na ibalik ang Ingles bilang wikang panturo sa bansa. Nilimitahan ang paggamit ng wikang Filipino at itinakda nalamang ito bilang wikang panturo sa mga asignaturang Filipino at araling Panlipunan Sinusugan pa ito ng kongreso nang ipasa ang House Bill 4701 “Act Prescribing English as Medium of Instruction in the Philippines School” Taliwas ito sa mga obsebasyon ng mga kritiko. Pinatunayan ito ng pag-aaral ng UNITED NATION (UN) Ayon sa United Nation (UN) The Organization is fully aware of the crucial importance of languages when seen against the many challenges that humanity will have to face over the next few decades. Languages are indeed essential to the identity of group and individual and to their peaceful coexistence 4.2 Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midya Marami ang nanatiling buo ang paniniwala na ang mga umiiral na wika sa Pilipinas ay ang sagot sa mga suliranin ng Pambansang Edukasyon. Ayon kay Dr. David San Juan ng konvinor ng Tanggol Wika at dalubguro sa Pamantasan ng De La Salle, ang Wikang Pambansa ang tanging wika ng mga kilusang panlipunan. Ang Pagsilang ng Tanggol Wika Sa inilabas na Memo ng CHED na CMO #20, Serye ng 2013 tahasang inaalis ang mga asignaturang sa wika, agham panlipunan at kasaysayan sa antas ng tersyaryo Dr. David San Juan (Dalubguro ng Pamantasang De La Salle University Matapos ilabas ang CMO #20, serye ng 2013 nagkaroon ng protesta at pagkilos napinangunahan ng Tanggol Wika o mga Tagapag tanggol sa wika na pinangungunahan ni Dr. Davin San Juan ng De La Salle University Naglabas si Dr. David San Juan ng isang Papel na may Pamagat na Alyansa ng Mga Tagapagtanggol bg Wikang Filipino/TANGGOL WIKA Internal na kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2-14-2017) ARGUMENTO 1: WALANG MAKABULUHANG ARGUMENTO ANG MGA ANTI-FILIPINO – ANG KAMPONG TANGGAL WIKA – SA PAGPAPATANGGAL NG FILIPINO AT PANITIKAN ARGUMENTO 2: DAPAT MAY FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO DAHIL ANG IBANG ASIGNATURA NA NASA JUNIOR AT/O SENIOR HIGH SCHOOL AY MAY KATUMBAS PA RIN SA KOLEHIYO ARGUMENTO 3: ANG FILIPINO AY DISIPLINA, ASIGNATURA, BUKOD NA LARANGAN NG PAG-AARAL, AT HINDI SIMPLENG WIKANG PANTURO LAMANG ARGUMENTO 4: PARA MAGING EPEKTIBONG WIKANG PANTURO ANG FILIPINO, KAILANGANG ITURO AT LINANGIN DIN ITO BILANG ASIGNATURA ARGUMENTO 5: BAHAGI NG COLLEGE READINESS STANDARDS ANG FILIPINO AT PANITIKAN ARGUMENTO 6: SA IBANG BANSA, MAY ESPASYO RIN SA KURIKULUM ANG SARILING WIKA BILANG ASIGNATURA, BUKOD PA SA PAGIGING WIKANG PANTURO NITO ARGUMENTO 7: BINIGYAN NG DEPED AT CHED NG ESPASYO ANG MGA WIKANG DAYUHAN SA KURIKULUM, KAYA LALONG DAPAT NA MAY ESPASYO PARA SA WIKANG PAMBANSA ARGUMENTO 8: PINAG-AARALAN DIN SA IBANG BANSA ANG FILIPINO – AT MAY POTENSYAL ITONG MAGING ISANG NANGUNGUNANG WIKANG GLOBAL – KAYA LALONG DAPAT ITONG PAG-ARALAN SA PILIPINAS ARGUMENTO 9: MALAPIT ANG FILIPINO SA BAHASA MELAYU, BAHASA INDONESIA, AT BRUNEI MALAY, MGA WIKANG GINAGAMIT SA MALAYSIA, SINGAPORE, INDONESIA, AT BRUNEI, NA MGA BANSANG KASAPI NG ASEAN, KAYA’T MAHALAGANG WIKA ITO SA KONTEKSTO MISMO NG ASEAN INTEGRATION ARGUMENTO 10: MABABA PA RIN ANG AVERAGE SCORE NG MGA ESTUDYANTE SA FILIPINO SA NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT) ARGUMENTO 11: FILIPINO ANG WIKA NG MAYORYA, NG MIDYA, AT NG MGA KILUSANG PANLIPUNAN: ANG WIKA SA DEMOKRATIKO AT MAPAGPALAYANG DOMEYN NA MAHALAGA SA PAGBABAGONG PANLIPUNAN ARGUMENTO 12: MULTILINGGWALISMO ANG KASANAYANG AKMA SA SIGLO 21 ARGUMENTO 13: HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI MAPAPAUNLAD NG PAGSANDIG SA WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG BANSA ARGUMENTO 14: MAY SAPAT NA MATERYAL AT NILALAMAN NA MAITUTURO SA FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO Panunuri sa Kahalagahan ng Wikang Filipino Ayon kay Bienvenido Lumbera Sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid ang kamalayan natin bilang indibiduwal at karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapanguarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong napapasailalim sa nasabing kapangyarihan. Ang sariling wika ay hindi nakakabawas ng katalinuhan at katangahan kung gagamitin sa iba’t ibang larangan, Kung ay usapin ay karunungan.. Lesson Proper for Week 3 Completion requirements FILIPINO BILANG WIKA NG SALIKSIK SA IBA’T IBANG LARANG Sa pagtalakay sa Filipino bilang wika ng saliksik, hindi maisasantabi ang pagtalakay sa intektwalisasyon ng Filipino. Iniaangat ng bayan ang antas ng wika sa estado nagagamit ito sa intelekwal na usapin at intelektwal na materyales o babasahin. Kinikilala ang pananaliksik bilang refleksiyon ng talino at husay ng mananaliksik, matagal nang nakasusulat ng pananaliksik sa Filipino ang mga Pilipino lalo na ang mga nakapagdalubhasa sa Filipino. Marami nang mga aklat sa matematika at Agham ang tinangkang isulat sa Filipino. May mga aklat pangmedisina o pangkalusugan ang naisulat sa Filipino. Pananaliksik sa Agham at teknolohiya Marahil kung walag pananaliksik ay atrasado pa rin ang ating pamumuhay sa kasalukuyan. Ang mga kagamitang pantahanan ay mas higit na nagpapadali sa mga gawain ng bawat miyembro ng pamilya. Higit na nagkakaroon ng mabilis na komunikasyon ang bawat isa kahit na nasa malayong distansya bunga ng pagkakatuklas ng mga cellphone. Pananaliksik sa Negosyo at Industriya Ang pagpapatupaf ng mga kapasyahan sa isang negosyo ay batay na rin sa resulta ng maingat na pagpaplano at pagsusuri kung aling pananaliksik ang higit na angkop sa lalong ikaangat ng negosyo. Pananaliksik sa Edukasyon Higit sa lahat mahalaga ang pananaliksik sa larangan ng edukasyon. Mahalaga makapagtatag ng matibay na pundasyon ng karunungan sa isip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga pamamaraang lalong makapagpapaunawa sa mga mag-aaral ng kanilang lektura. Ang inobasyon sa pasilidad at kagamitang panturo ay nakasalalay din sa gagawing pagtuklas sa pananaliksik ng mga implikasyon nnito sa larangang akademiko Pananaliksik sa Politika Dito higit na kailangan ng maingat na pag-aaral at pag-iimbestiga sa larangang ito ay walang hanggang ang pagtuklas ng mga kaparaanan sa nagpapatatag ng ekonomiya at kalagayang pampulitika sa bansa. Sa papanaw ng mga ekonomista ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at maaring maging daan sa pagsasaayos ng kalagayan ng pampulitika ng bansa. 4.2 Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan Pananaliksik ng mga Guro Ang mga sumusunod na halimbawa ng pananaliksik ng mga Guro ay ilan lamang sa mga gawa ng Guro. (Nasa Libro ng Filipino sa Iba’t ibang disiplina ang iba pang halimbawa Pahina 50-63 Pananaliksik ng mga mag-aaral Ang mga sumusunod na halimbawa ng pananaliksik ng mga Guro ay ilan lamang sa mga gawa ng mag-aaral. (Nasa Libro ng Filipino sa Iba’t Ibang disiplina ang iba pang halimbawa. Lesson Proper for Week 5 Completion requirements PAG-UNLAD PANGKAALAMAN 4.1 Maunawaan ang Pambansang Industriyalisasyon Sa proseso ng pagtatatag at pagpapaunlad ng mga industriya na magpapasigla sa ekonomiya at tutustos sa pang-ekonomiyang pangangailangan ng isang bansa. Tungo sa transformasyon ng ekonomiya mula agrarian patungong industriyal Mabibigat na industriya salik sa paglikha ng mga makina at sangkap sa produksyon Intermedyong industriya Lilikha ng mga spare parts para sa produksyon Magagaan na industriya Lilikha ng mga produksyong pangkunsumo ng mayayaman Sa indutriya nagmumula ang mga kagamitang kinakailangan ng mamamayan. Magbibigay rin ng batayang pangangailangan at sapat na trabaho Ang pag-unlad ng kaalaman at teknolohiya ay mapapabilis pang lalo sa pag-unlad ng produksyon Malawak na kalupaan sa bansa Mataba at pabor sa agrikulturaMahigit 12.4M ektaryang lupang agricultural ang tinataniman ng palay,niyog, mais, saing, tubo, cassava, manga, rubber at iba pa. 4.2 Malaman ang Kahalagayan ng Industriyaliyasyon Napakasagana ng ating aquatic resources 200 milyong ektaryang karagatan, 421 na ilog, at mahigit 69 na lawa Noong 2011, ikalima ang pilipinas sa prodyuser ng isda sa buong mundo. Likas na mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang mineral Panglima sa buong mundo sa dami ng yamang mineral Aabot sa 58.1 bilyong metro tonelada Ang reserbang mineral sa bansa. Ikatatlo tayo sa pagprodyus ng ginto. Ika-apat sa copper, ikalima sa nickel, at ika-anim sa chromite sa buong mundo. Maraming mapagkukunan ng enerhiya Natural gas, geothermal, hydrothermal, solar, wind Tinatayang aabot sa 39.5T cubic feet ang reserbang natural gas ng bansa. Sa geothermal resources naman ay airing umabot ng 2,600MW ang maaaring malikhang enerhiya. Maari ring pagkunan ng hydrothermal energy ang mahigit na 400 na ilog sa bansa. Sa taya, aabot ng 10,097MW ang potential energy na pwedeng ma-generate mula sa ating mga hydropower plants. Malaking potensyal ng ating human resources Aabot ng 26 milyon ang skilled workers na may trabaho sa bansa. Sa 26M na skilled workers ng bansa, 2 milyon ditto ay mga propesyunal. Wala pa rito ang mga pwersa sa produksyon na hindi makakuha o hindi makapagtrabaho. 4.3 Malaman ang Kakulangan ng Pilipinas pagdating sa NI Ano ang balakid sa pagtataguyod ng NI sa Pilipinas? Hinubog an gating ekonomiya ng mga malalaking bansa, lalo na ang US, upang maging supplier ng hilaw na materyales at lakas paggawa sa kanilang bayan, Sa ganitong kalagayan, nawalan ng pagkakataon na sumigla ang mga lokal na industriya ng bansa. Paano isasagawa ang NI sa Pilipinas? Pagpapaunlad ng agrikultura Reporma sa lupa Mekanisasyon sa agrikultura Pagtatayo ng mabibigat ng industriya Industriya ng bakal Industriya ng langis Pagpapatibay at pag-reorient sa mga magagaan na industriya Textile garmet food processing. Paano mapapaunlad ang S&T sa ilalim ng NI? Bansot at atrasado ang kalagayan ng science and technology (S&T) sa Pilipinas. Isang sanhi nito ay ang kawalan ng batayang mga industriya na sana’y mangangailangan ng bagong kaalaman at kagamitan para sa pagpapahusay ng produksyon. Mahahalagang punto na dapat isaalang-alang sa NI Kailangan ang maayos ay masusing pag-aaral, pagpaplano at pagpapatakbo ng ekonomiya. Dapat nakabatay sa pangangailangan ng mamamayan at hindi sa dayuhan. Siguraduhin ang matalino at likas-kayang paggamit ng mga rekursong pangkalikasan. Iwasan ang lahat ng mapandambong na gawi sa industriya ng pagmimina, pagtotroso at iba pa. Respetuhin ang karapatan ng mamamayan para sa ligtas at mapayapangmamumuhay. Kabilang dito ang karapatan ng pambansang minorya na magpasaya sa sarili at lumahok sa pagpaplano sa ekonomiya. Paunlarin at payabungin ang ekonomiyang rural. Kaugnay ng tunay na reporma sa lupa, ang NI ay mangangahulugan ng pag-desentralisa ng kaunlaran mula sentrong urban patungong kanayunan. Siguraduhin ang pantay na relasyon sa anumang papasuking kasunduang pangkalakalan sa sinumang bansa. Ibasura ang mga di pantay na kasuduang nagdudulot ng kahirapan sa mga mamamayan. Mga dapat gawin para maisulong ang NI Ang tunay at makabuluhang pagbabago at hindi makakamit nang madalian. Nasa ating mga kamay ang pagsulong ng pagbabago ang pambansang industriyalisasyon. Kaugnay ng NDFP-GPH Peace Talks kung saan ang NI ang isang mayoryang laman ng agenda para sa repormang sosyo-ekonomiko. Kailangan ang maigting na pakikihalok ng mamamayan para iparinig ang ating mga panawagan sa parehong panig.