Full Transcript

**UNANG MARKAHAN** **(Monthly exam)** **KABULUHAN AT KAHULUGAN NG WIKA** **DEPINISYON NG WIKA** Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ang mga sumusunod ay ang mga tao...

**UNANG MARKAHAN** **(Monthly exam)** **KABULUHAN AT KAHULUGAN NG WIKA** **DEPINISYON NG WIKA** Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ang mga sumusunod ay ang mga taong kilala sa wika at komunikasyon at ang kanilang mga konsepto o pananaw ukol sa depinisyon ng wika. **1. Gleason (1961)** -- ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. Halimbawa: Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng mga tunog. Gayunman hindi lahat ng tunog ay makabuluhan o may hatid na makabuluhang kahulugan, hindi lahat ng tunog ay itinuturing na wika. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Mga tunog ito na mula sa kalikasan, at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao. **2. Finnocchiaro (1964)** -- ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan. Halimbawa: Ang simbolo ay binubuo ng mga Biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. Halimbawa nito ang simbolo ng krus, araw, ahas, elemento ng kalikasan (lupa, tubig, apoy, hangin) at marami pang iba na sumasalamin sa unibersal at iba't ibang kahulugan mula sa sinaunang sibilisasyon hanggang ngayon. Nangangahulugan lamang na ang tanging layunin kung bakit may wika ay upang magamit ito sa pakikipagtalastasan. **3. Sturtevant (1968)** -- ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. Halimbawa: Lumutang ang konseptong "ponosentrismo" na nangangahulugang "una ang bigkas bago ang sulat". Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng anomang wika ng tao. **4. Hill (1976) --** ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. Halimbawa: Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema (pinakamaliit nay unit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan). Maraming uri ng tunog, maaaring ito ay galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig s abatis, langitngit ng kawayan, pagaspas ng mga dahon, kulog at iba pa. Ngunit ang binibigkas na tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagbigkas ng tao tulad ng labi, dila, ngipin, galagid, at ngala-ngala. **5. Brown (1980)** -- ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao. Halimbawa: Ang mga ponema (sinasalitang tunog) ay pinili sa pamamaraang napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika o batay sa kapasyahan sang-ayon sa preperensya ng grupo ng mga tao. **6. Bouman (1990)** -- ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag. Halimbawa: Pinakamabisang instrumento ang wika upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagaman maaaring makipagugnayan sa pamamagitan ng mga senyas, pagguhit o mga simbolo, hindi pa rin matatawaran ang paggamit ng wika upang maisakatuparan ang malawak at mabisang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa. **7. Webster (1990)** -- ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Halimbawa: Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang mga tao. Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang kaibahan ng kanilang ginagamit na salita sa mga Pilipino. **Ano ang wika?** Binigyang kahulugan ni **Henry Gleason** ang wika bilang sistematikong balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang kultura. Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang **"lengua"** na ang literal na kahulugan ay **dila at wika.** Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng: ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento rin ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na naipalalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng Kalayaan. **Mga Kahalagahan ng Wika** Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. **Ang Wika bilang *Lingua Franca*** Ang wikang ginagamit sa komunikasyon ng dalawang taong may magkaiabang wika ay tinatawag na ***lingua franca.*** Ito ang nagsisilbing tulay ng unawaan ng iba't ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. **Mga** **Katangian ng Wika** **Ang wika** ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon. Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon (Wikipedia). Bilang isang ispesipikong lingguwistikong konsepto, ang wika ay tumutukoy sa mga tiyak na lingguwistikong sistema na ang kabuuan ay pinangalanan na katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Nihonggo, Mandarin, Filipino, at iba pa (Bernales, 2001). Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal na relasyon ng wika at dila ay umiirral sa maraming wika patunay ito sa historikal na pagprominente ng sinasalitang wika. Ang mga eksperto ay ang wikang ginagamit sa komunikasyon ng dalawang taong may magkaibang wika ang tinatawag na ***lingua franca**.* Ito ang nagsisilbing tulay ng unawaan ng iba't ibang grupo ng taong may kaniya-kaniyang wikang ginamit. Sa Pilipinas, Filipino ang itinuturing na ***lingua franca*** ng daigdig. May kani-kaniyang pagpapakahulugan sa wika bilang isang pangkalahatang konsepto man o bilang isang ispesipikong lingguwistikong konsepto. Ayon **kay Webster (1974),** ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo. Ayon kay A. **Hill** (sa Tumangan.et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language? ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado na estraktura. **Katangian ng Wikang Filipino** Halos gayon ang binigay na kahulugan ni **Gleason (Tumangan,et. al., 2000)** sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Mula sa mga kahulugang nabanggit, ang mga pangunahin at unibersal na **katangian ng wika ay ang sumusunod**: 1. **Ang wika ay may masistemang balangkas** 2. **Ang wika ay pinipili at isinasaayos** Ang mga salitang ginagamit natin, pasalita man o pasulat ay nangangailangan ng tamang pagpili para tayo ay maunawaan ng ating mga kausap. Sa tamang pagpili at pagsasaayos, maaaring ito ay tumutugon sa mga sumusunod: A. **Taong kausap** - bata man o matanda, pareho kayo ng wika o hindi, propesyon, at iba pa. B. **Konteksto** - para maging epektibo ang pakikipagtalsatasan , mahalagang maisaayos at mapili ang wika na gagamitin ayon sa konteksto ng pag-uusap. **3. Ang wika ay arbitraryo** **4. Ang wika ay ginagamit** **5. Ang wika ay nakabatay sa kultura** **6. Ang wika ay nagbabago** **7. Ang wika ay sinasalitang tunog** \* Sinasabing makabuluhan ang tunog kung nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita. Tinatawag ang makabuluhang tunog na ito na ***[ponemik]***. \* kapag di nagbabago ang kahulugan ng salita ito ay tinatawag na [***ponetik***.] Pansinin, na bagama't magkaiba ang isang salita sa bawat linya, hindi nagbago ang kahulugang ibinibigay ng mga ito. Halimbawa : kape- cafế **Antas ng Wika** Maaari ring pangkatin ang mga barayti ng wika ayon sa kategoryang pormal o hindi-pormal. **1.Pormal** -- Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. - Kahati sa buhay - Bunga ng pag-ibig - Pusod ng pagmamahalan **2. Impormal**-Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. - Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) - Nakain ka na? (Kumain ka na?) - Buang! (Baliw!) - Nasan, pa\`no,sa'kin,kelan - Meron ka bang dala? - Chicks (dalagang bata pa) - Orange (beinte pesos) - Pinoy (Pilipino) **Mga Teorya ng Wika** 1. **Teoryang Aramaic Ang Unang Wika** 2. **Teoryang Bow-wow** 3. **Teoryang Dingdong** 5. **Teoryang Pooh-pooh** Sinasabi sa teroyang ito na dahil ang tao ay may taglay na damdamin at kapag nasapol ang damdaming ito, nakapagbulalas siya ng mga salita kaakibat ng nararamdamang tuwa, lungkot , takot, pagkabigla, at iba pang -uri ng damdamin. Halimbawa: 6. **Teoryang Yo-he-ho** Teoryang nagsasaad na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya'y gumagamit ng pisikal na lakas. May mga salita, tunog o ekspresyon na nasasambit ang tao kapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay sa pag-eehersisyo, sa pagluluwal ng sanggol, at sa mga kompetisyong pampalakasan. 7. **Teoryang Ta-ta** Ang ta-ta ay paalam sa o "goodbye" sa Pranses na binibigkas ng dila nang pababa-pataas katulad ng pagkampay ng kamay. Ang teoryang ito ay nagsasabing ang kumpas o galaw ng kamay ay kanyang ginagawa upang magpaalam. 8. **Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay** Ang pakilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga sinaunang tao bilang partisipant /gumaganap sa mga festival, selebrasyon, ritwal o okasyon tulad ng pakikidigma,pagtatanim, pag-ani, pangingisda, pagpapakasal, paghahandog o pag-aalay ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga salita sa kalauna'y binigyan ng kahulugan ng mga ito. **Mga uri ng Di- Berbal na Komunikasyon** 1\. **Oculesics**- tumutukoy sa gamit ng mata. Hal: paglaki at panlilisik ng mat ana nangangahulugan ng pagkagalit. 2\. **Haptic**s- tumutukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos sa taong kinakausap. 3\. **Kinesics**-tumutukoy sa galaw ng katawan Hal: pagkibit-balikat ay nangangahulugang"hindi alam o ewan" 4\. **Objectics**-paggamit ng tao ng bagay tungo sa mas mabisang paglalahad ng mensahe. Hal: mabilis na pagdampot ng tsinelas ng isang galit na ama upang paluin ang kinagagalitan niyang anak. 5\. **Olfactorics**-paggamit ng pang-amoy sa paglalahad ng mensahe. Hal: alam natin kapag may dumaang trak nap uno ng basura: alam natin ang amoy ng adobo at iba pa. 6\. **Colorics**- ang kulay ay nagtataglay rin ng anyong pagpapakahulugan. Hal: puti ay sumisimbolo sa kalinisan. 7\. **Pictics**- facial expressions sa Ingles, tumutukoy sa paggalaw ng mukha dahil sa maraming muscles na taglay nito. Hal: ang pagpapalipat-lipat mula sa kanan, kaliwa, taas at pababa ng labi ng tao ay nangangahulugan ng pagiging iritado nito. 8\. **Iconics**- paggamit ng mga icon upang masabi ang nararamdaman ng isang tao Hal: paggamit ng emoticon 9\. **Proxemics (Proksemika)**- Ayon kay Edward T. Hall. Ito ay katawag nangangahulugang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya. Hal: Ang pagsasalita sa harap ng mga estudyante at ang pag-uusap ng masinsinan na magkaibigan. 10**. Chronemics (Kronemika)-** may kaugnayan sa oras. Ang paagamit ng oras ay maaaring kaakibat ang mensahe. Hal: Kung ang isang tao ay lagging huli sa trabaho ay nangangahulugang aiya at tamad o walang gana sa paggawa. **Ang Mundo ng Komunikasyon at ang Mundo ng Wika** Ano ba ang bumubuo ng komunikasyon? Sa Bernales et. al (2013) anim (6) na mahahalagang **sangkap ng komunikasyon** ang tinalakay: Sa proseso ng komunikasyon, hindi maiiwasan ang **mga sagabal** na maaaring maging daan ng miskomunikasyon. Kaya nararapat lamang na maging sensitibo ka sa mga ito. **1. Semantikong Sagabal.** Hindi nangangahulugan na iisang wika ang ginagamit ng dalawang sangkot sa komunikasyon ay hindi na magiging sagabal ang wika. Maaaring may partikular na register ng wika na ginagamit ang sender na hindi tuwirang maunawaang ng tagatanggap. **2. Pisikal na Sagabal.** Isang halimbawa ay ang ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay mg *sound system*, hindi mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan. **3. Pisyolohikal na Sagabal.** Ito ay matatagpuan sa katawan ng mga nag-uusap tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita. Ang pagkakasakit ay isa ring halimbawa nito **4. Sikolohikal na Sagabal.** Ang mga halimbawa nito ay mga *biases, prejudices,* at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe. **5. Sistematik na Sagabal.** Natutungkol ito sa mga organisasyon o mga samahan kung saan nararapat na sundin ang hirarkiya sa proseso ng komunikasyon. Halimbawa, sa opisina, kung hinaing ang isang empleyado, hindi siya maaaring dumiretso sa pangulo ng kumpanya kundi sa kaniyang *supervisor* o kaya ay dumulog siya sa *Human Resource Office* ng kaniyang kumpanya. Kung hindi alam ng isang empleyado ang sistema, maaring manahimik na lamang siya dahil sa kawalang kaalaman. **6. Atityudinal na Sagabal.** May pagkakataon na ang ating asal ay nagiging sagabal sa proseso ng komunikasyon. Maaring tayo ay walang interes sa pinag-uusapan o di kaya ay ayaw natin makisangkot kung kaya't wala tayong interes. **Ang Komunikasyon ng Tao** Bahagi na ng buhay ang komunikasyon, dapat tandaan na may iba't ibang uri ng pakikipag-usap. Kung ikaw ay nakikipag-usap sa iyong sarili o kaya ay nagdarasal. Ito ay tinatawag na **intrapersonal na komunikasyon.** Sa sandaling ibahagi mo ang iyong nararamdaman, kaisipan o opinyon sa isang tao o maliit na pangkat, ito ay tinatawag na **interpersonal na komunikasyon**. Kung sensitibo ang iyong kausap, magkakaroon siya ng ideya sa iyong pagkatao kung susuriin ang iyong pananalita. Sa pamamagitan ng interpersonal na komunikasyon ay nakapagpapatatag ng mga ugnayang pantao. Sa sandaling ikaw ay nakisangkot sa mga malalaking usapan kung saan kinapapalooban ng malalaking pangkat ng tao, ito ay tumutukoy sa **komunikasyong pampubliko**. Halimbawa nito ay pangangampanya ng politiko. Ang palabas sa telebisyon din ay maituturing na pampublikong komunikasyon. Kapuna-puna ito sa mga sumikat na teleserye tulad ng Ang Probinsyano, Encantadia at marami pang iba na nag-t*rending* pa sa *Social Media.* Napakahalaga ng komunikasyon sa apang-araw-araw na buhay. Sa pagising sa umaga, magpapasalamat na agad sa Panginoon. Sa hapag kainan ay magkakaroon ng kwentuhan. Malaking bahagi ng buong araw ay kinasasangkutan ng komunikasyon kung kaya't tunay na masasabi na mahalaga ang pakikipagtalastasan at sa gawaing ito at mahalaga din ang kaalaman sa wika na siyang pangunahing instrumento natin. Ang wika, isa sa mga mahahalagang instrumento ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan ay nabigyang depinisyon o kahulugan ng iba't ibang mga manunulat. Ang mga kahulugang ito ay naipakilala sa inyong mga asignatura sa mas mababang antas ng iyong pag-aaral. Sa paksang ito, ipinakikilala ang konsepto ng wika, wikang pambansa, wikang panturo, at wikang opsiyal para sa pagkilala at pang-unawa nito sa lipunang Pilipino. **Ang Papel ng Wika** Makabuluhan ang papel ng wika sa anumang lipunan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mahalaga ang naging gampanin ng paggamit ng wika ng mga iba't ibang sektor para sa pagsasakatuparan ng kanilang mga gawain sa araw-araw. Ang wika na binigyang kahulugan ni **Tumangan** (1997) bilang isang paraan ng pananagisag o pagbibigay ng kahulugan upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng ibang tao ay nagpapakilala lamang na ang wika ay may malaking papel sa lipunang napagkakaunawaan. Ayon kay **Whitehead,** ang wika ay nagpakilala sa kabuuan ng kaisipan ng mga taong lumikha nito. Nangangahulugan na ito ay sumasalamin sa anumang nagawa at ginagawa ng isang pangkat ng taong gumamit nito. Ayon kay **Carlyle**(n.d.), ito ay gumaganap bilang saplot ng kaisipan o mas angkop na sabihing saplot kalamnan, ng katawan, at ng pag-iisip.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser