Module 9. Anatomiya ng Jologs PDF
Document Details
Uploaded by UnwaveringSloth327
Aurora State College of Technology
Teo Marasigan
Tags
Summary
This module discusses the Jologs youth subculture in the Philippines, analyzing their style, trends, and cultural context. It examines how the Jologs subculture, often marginalized, defines itself in relation to mainstream Filipino culture. The document also explores the societal factors and historical context surrounding the rise of the Jologs subculture.
Full Transcript
Lesson 8. Anatomiya ng Jologs At the end of the lesson, students should be able to: a. Define jologs in the context of Philippine popular culture; b. Explain the jologs culture in the Philippines; and c. Create their own subcultural practice which is reflected i...
Lesson 8. Anatomiya ng Jologs At the end of the lesson, students should be able to: a. Define jologs in the context of Philippine popular culture; b. Explain the jologs culture in the Philippines; and c. Create their own subcultural practice which is reflected in their style. A. Read the following excerpt. Anatomiya ng Jologs ni Teo Marasigan Mga kabataan sila, tinedyer at mas matanda pa. Kadalasan, nakatira sa mga komunidad ng maralitang tagalungsod – iyung tinatawag ng iba na “iskwater,” “iskwa-kwa,” “iskwating” – o maralita sa kanayunan. Mga anak ng mga manggagawa, magsasaka at mala-manggagawa, gayundin ng mga tinatawag na “lumpen” – mga sangkot sa mga gawaing anti-sosyal: nagnanakaw, nagbebenta ng droga, sangkot sa prostitusyon. Lantad sila sa iba’t ibang midya: telebisyon (ang iba’y may cable TV, at karamiha’y may mga programa at estasyong nagpapalabas ng mga music video), radyo, Internet. Gayundin sa iba’t ibang gaheto para sa midya: cellphone para sa musika at video, murang mga DVD player at DVD para sa mga pelikula, ang iba’y may mga i-pod para sa musika. Kung papaniwalaan ang suri ni Fredric Jameson, Marxistang Amerikano, na tampok na kahulugan ng “globalisasyon” sa antas ng kultura ang pag-igting ng komunikasyon at midya – na resulta ng pag-unlad ng teknolohiya para sa mga ito – masasabing anak ang mga “jologs” ng globalisasyon. Hindi aksidenteng nagsimula silang tawaging ganyan noong huling bahagi ng dekada ’90, matapos ang pagrurok ng magagandang retorika kaugnay ng “globalisasyon” – bagamat tiyak na sintomas din sila ng pagpapatuloy ng isang matagal-nang tradisyon ng pag-uugnayan ng mga uri sa lipunan. Noong huling bahagi ng dekada ’90, “hip-hop” ang subkulturang makikita sa kanila. Nitong huli, iba na: iyung tinatawag na “punk” bagamat malaganap din ang tinatawag na “emo rock.” May pagkakatulad ang hip-hop at punk: Nagmula ang una sa maralitang mga komunidad ng mga Aprikano-Amerikano sa US, nagmula ang ikalawa sa mga komunidad ng manggagawa sa Britanya. May hibo ng angas at protesta sa rasista at elitistang lipunan, bagamat madalas na seksista rin, ang una. Mas tampok ang angas at protesta sa elitistang lipunan ng ikalawa. Pareho silang palaban, taas-noo. Ang“emo rock,” sa kabilang banda, ay tila mas impluwensya ng mga bandang Kano. Mahilig sa itim, naglulunoy sa kalungkutang kadalasa’y resulta ng pag-ibig. May nakapagsabing kakatwa ang mga titik ng mga kantang “emo”: kadalasang tungkol sa pag-ibig na hindi nauunawaan, dahil hindi naman nasasabi at inuunawa, at nagdudulot ng grabeng pighati sa personaheng kumakanta. Kabaligtaran samakatwid ng mga titik ng mga kanta ng Bon Jovi, halimbawa, na OA – “over-the-top,” sabi ni Kenneth Guda – ang pagpapahayag ng pag-ibig: “I wanna lay you down in a bed of roses / Cause tonight I sleep in a bed of nails / I wanna be just as close as the Holy Ghost is…” Pananamit at pisikal na itsura ang tampok na tatak nila. Nakakabili sila sa mga murang tindahan ng damit, ukay-ukay at mumurahing stall sa mga mall. Kasabay ng paglalako sa kanila ng iba’t ibang subkultura, binibihisan din sila; kasabay ng pagbibigay ng pantasya ang pananamit. Maaaring ang mga damit na ito ang binibili nila sa perang dati na nilang inilalaan sa damit, maaaring katas ng pinaghirapan ng mga magulang o kamag-anak na OFW, nagtatrabaho, o gumagawa ng mga aktibidad na anti-sosyal. Mayroon din silang bukod-tangi at tawag-pansing mga estilo sa buhok. May mga espasyo rin sila, kung saan madalas silang nakikita ng mga tumatawag sa kanilang “jologs”: mga mall, lalo na iyung hindi pang-alta sosyedad, mga bakanteng lote para sa mga nagse-skateboard, mga Internet café. Parang ulap na punung-puno ng ulan, naglalakad sila sa kalsada, sama-sama sa pagdalo sa mga konsyertong rock. Hindi naman sila nagpipilit na magmukhang mayaman. Isa lang ang subkulturang niyayakap nila sa iilang imahe at molde ng pagiging kabataan – at oo, ng “uso” at “astig” din – na nakahapag sa kanila, na ipinang-aakit at idinidikdik din sa kanila. Wala silang gaanong pagpipilian. Pero dahil dito, tinawag at tinatawag silang “jologs.” Hindi tinatawag na “jologs” ang mahirap na nakasuot ng damit na karaniwan nang itinuturing na pang-mahirap tulad ng maruming t-shirt at pantalong maong. Hindi “jologs” ang magsasakang naka-kamisa chino, kahit ang taong-grasa, ang manggagawang naka-uniporme. Pero “jologs” ang mga maralita na tila umaalis sa pang-kulturang “lugar” na itinatakda sa kanila ng lipunan – tumutulad sa mga Amerikano, lumilibot sa mga espasyo kung saan nakikita sila ng iba. Tiwala sa sarili, masayang ipinapakita ang kanilang subkultura, bagamat parang may sariling mundo sa pagsasaya. Kaya pang-distansya ng mga nasa nakatataas na uri ang salitang “jologs” – pagmamaliit (sa mga binabansagan) at pagmamataas (ng mga nagbabansag). Partikular ang uring gumagamit nito: petiburgis – mga estudyante, propesyunal. Sila ang mas lantad sa mga “jologs,” hindi ang mga anak ng mga burgesya-komprador at malalaking panginoong maylupa. Bihira sigurong marinig ang salitang ito sa mga mansyon ng mga Cojuangco at Lopez. Kaya nilang iwasan at layuan ang mga “jologs.” Ang mga petiburgis, hindi. Sila ang nababastusan sa mga ito, naaalibadbaran, nandidiri. Jologs ang Cueshe, hindi ang Bamboo – “far from it!” pahabol pa ng iba. Jologs si Vhong Navarro, hindi si Billy Crawford. Jologs si Andrew E. pero hindi si Gloc-9. Jologs si Marian Rivera, bagamat hindi na daw si Judy Ann Santos. Sa mga sirkulo ng mga petiburgis, tinatawag nang “jologs” ang kung anu-ano at kung sinu-sino na maaaring niyayakap sa aktwal ng mga tinatawag na “jologs” at maaari ring hindi. Ang hindi niyayakap ng mga “jologs,” may marka nila, ng pagiging “masa”: malabis sa emosyon o kaya’y kengkoy, may palatandaan ng pagiging maledukado at mahirap. Obserbasyon ni Barbara Ehrenreich, progresibong manunulat na Amerikana, paunti nang paunti ang pagkakataong magkita nang mata-sa-mata ng mayayaman at mahihirap sa US. Ang mayayaman, sa ibang lugar nakatira, nagtatrabaho, namimili, nagpapalipas-oras, nagrerelaks. May mga sasakyan sila – ang iba’y panghimpapawid pa – para makalipat-lipat sa kanilang mga espasyo. May katulad na obserbasyon si Neferti Xina M. Tadiar, feministang Pinay, sa sikat niyang sanaysay hinggil sa mga flyover sa Metro Manila. Aniya, paraan din ang mga istrukturang ito para malampasan at maiwasan ng mayayaman sa bansa ang mga espasyo ng mahihirap na naglawa sa ibaba – tindahan sa bangketa, barung-barong, traysikel at pedikab. Pagpapatuloy ng tunguhin at lohikang ito ang panukalang magtayo ng pader paikot sa UP: ang ilayo ang mga anak-mayaman at umaastang anak-mayaman sa “banta” ng mga “jologs” at ng mga kauri nila – kasama na ang kontrobersyal na mga krimen sa kampus. Natural na sa UP ito magiging isyu, dahil matagal nang nababakuran ang Ateneo, La Salle at iba pa. Gusto nitong panatilihin ang pantasyang liberal ng isang unibersidad ng malayang talakayan sa balangkas ng konserbatibong mga hakbangin – kasama ang pag-demolish sa mga tahanan ng mga maralita sa paligid ng kampus. Ang pagkilala na bahagi ang UP ng lipunan ay nagtutulak ng pagpapatianod sa mapanupil na mga hakbanging ginagamit ng lipunan laban sa maralita. Ang paghubog ng mga bagong midya sa kabataan, na isa sa mga nagluwal ng “jologs” ay isa ring dahilan sa naikwento ng isang kaibigang organisador ng mga kabataan at estudyante: Na mabilis dumami sa mga komunidad ng maralita ang Karatula o Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan, makabayang organisasyong pangkultura ng kabataan. Ang “jologs” na ba ngayon ang dating “bakya”? Jologifikasyon Ni: Rolando Tolentino Signs of the times. Lahat ay gustong maghubad para sa Blackout fashion show ng Bench, ang “fashion event of the year.” At sino naman itong nag-aaya sa atin na gumamit ng Colgate na parang hirap sa ingles, kontodo sing-along pa sa mga imahen ng young love, sweet love? Sa Nestea naman, hinihikayat tayo ng liga ng mga Carmen Miranda na matrona na bumili ng tig-sasampung pisong sachet, kontodo production number sa kalye? Sa isang cellphone na pangmahirap, may moral lesson sa maysakit na manggagawa na tumawid ng ilog at umakyat ng bundok para lamang magsabi sa kanyang bisor na hindi siya makakapasok. Si Gretchen Barreto na partner ni Tonyboy Conjuangco ay nagpakatotoo na sa kanyang uri at showbiz na origin. Parati na lang sumasabog ang mga moral na skandalo kahit pa sa dami ng alahas at damit na sinusuot nito. Si Borgy Manotoc ay nakikipag-ombagan. Ang Filipinong bading na alta-sosyedad ay inaakusahang tinabla pa ang Australianong may AIDS na partner nito ng halagang US$70,000. Sa pagtitipid ng Ayalang may-ari ng Trinoma Mall, ilang subkontraktwal na manggagawa ang nahulog at namatay sa pinipintahang dingding dahil wala silang harness. Pejoratibo ang salitang”jologs.” Kung gitnang uri ka, maiirita ka dahil sinasabi na hindi ka nararapat sa inaakala mong “I-belong” na pwesto. Di lamang mababang uri kundi nakakatakot na uri ng kababaan. Sa isang banda, may panganib (threat) na dala ang jologs sa gitnang uri. Sinasabi ng jologs na hindi stable ang panlipunang posisyon ng gitnang uri. Na parati silang maaring dumulas pababa para makwestyun ang kanilang gitnang uring pangarap. Sa kabilang banda, ang gitnang uring pangarap ang siyang pinapangarap ng parehong gitnang uri at jologs. Ang sa jologs nga lamang ay mabilisan, at taliwas sa gitnang uring panuntunan na kailangang paghirapan, kailangang kitain, kailangang moral. Hindi parating moral ang jologs. Sino ang matutuwang manakawan ng pinaghirapang mamahaling cellphone at notebook computer? Nang magtanong ako sa isang klase kung ilan na sa kanila ang nanakawan ng cellphone, lahat kami ay nagtaas ng kamay. Temporal at intermittent lamang ang posisyon ng gitnang uri sa bansa. Limitado ang kanilang bilang. Tinatayang may 30 porsyento lamang ang gitnang uri sa malakihang mahihirap at limitadong maykaya. Dumagsa lamang ang isang matinding krisis—pagkakasakit, aksidente, repair sa bahay o sasakyan, sabayang pag-enrol ng maraming anak—nababalaho na ang ekonomiyang lagay. Ang jologs naman ay combo meal ng lumpen proletaryado (mga latak ng lipunan dahil nababayaran kundi man nagkukusa para sa mga iligal na aktibidad) at aktwal na anakpawis na nabili na ng gitnang uring panuntunan kahit pa hindi kaya ng kanilang materyal na kondisyon. Sa pelikulang “Tirador” (Dante Brillante, 2007), ang komunidad ng lumpen proletaryado ang tinahi sa naratibo ng pagkalugmok sa matinding kahirapan sa syudad. May bungal na ang raket ay mag-shoplift, at nang kumita ay nagpagawa ng pustiso para lamang mahulog sa lababo at humahagulgol na nililimas sa mabahong imburnal. Ang anak ng snatcher nang mamatay ang ama, ang ginawa sa unang buhos ng abuloy ay isugal sa kalye. Ang isang snatcher na ama, ang kinita ay ipinambili ng shabu imbes na gatas ng kanyang sanggol. Ang mga snatcher, sa partihan ay dinudugasan ang kapwa. Sa buod pa lamang, walang may gustong magkaroon ng ganitong identidad, mapabilang sa ganitong komunidad. Ang masamang balita ay may walong taon na tayong isinadlak ni Gloria Arroyo sa jologs na predikamento. Ginawang lubhang makitid ang akses sa mobilidad, na sa huli ang inaanunsyong pag- unlad ay ramdam na lamang nang matagal ng nakakaramdam nito. Habang ang nakararaming maralita at gitnang uri ay nagmimistulang isdang naghihikahos makahinga sa lumiliit at umiinit na sapa. Sa gitnang uri, ayon na rin sa summa cum laude ng Unibersidad ng Pilipinas sa commencement speech nito, hindi na opsyon mangibang-bayan. Ang pagpipilian na lamang ay ang literal na pangingibang-bayan, tulad ng kapalaran ng overseas contract workers, o virtual na pangingibang-bayan, tulad ng call center agent sa loob ng bansa. Sa jologs, ang ipinang-iiba ay hindi bayan kundi kapalarang pang-uri. Ibig sabihin, ang instantaneous na kalakaran sa panlipunang mobilidad—snatching, drug dealing, pangdedehado ng kapwa, shoplifting—ay ang kapamaraan para maging kaiba ang jologs para sa pang-estadong panuntunan na maging gitnang uring mamamayan. Pero itong kapamaraan ng jologs ay mistulang nang kapamaraan ng mga uri sa bansa. Sa rehimen ni Arroyo, pinakamatindi ang bigwas ng neoliberalismo ng deregulasyon sa gasolina, at free-trade na nagdulot ng kapabayaan sa seguridad sa pagkain, lalo na ang bigas, pati na rin ang napakataas na VAT na 12 porsyento ng halaga sa bawat bilihin. Lahat nang karanasang ito kay Arroyo, sa pangunahin, ay across-the-board. Lahat—mayaman at mahirap, lalake at babae, may trabaho at wala, taga-syudad at taga-probinsya—ay apektado sa pagbaba ng matagal nang mababang kalidad ng buhay. Pero bakit walang nagbabalikwas? Ang epektibong nagawa ni Arroyo ay ang turingan ang panlipunang buhay, sa pangunahin at sa simula’t sapul, bilang pang-ekonomikong larangan. Lahat ng desisyon ng gobyerno, negosyo, institusyong edukasyon, media at relihiyon, ay nakabatay sa cost-benefit analysis—ang pinakamurang halaga ng gastos para sa pinakamalaking balik ng kita. Kaya sa huli, ang epekto nito ay ilagay rin sa indibidwal na mamamayan ang kalakarang magsikap, magpursigi at pagbutihin ang kanyang abang lagay. Nailipat na ng estado ni Arroyo ang responsibilidad mula sa gobyernong sarado sa benefisyo at karapatan—P125 across-the- board increase sa minimum na sahod o P3,000 sa buwanang sahod, kasama ng pagtigil sa abduction at political killings—tungo sa limitadong probisyon ng social commitment ng negosyo—sirang laruan sa toy Christmas drive ng Jollibee, lumang libro sa book drive ng ShoeMart, pagtulong sa nasalanta ng bagyo ng ABS-CBN at GMA Foundations. At matapos nitong limitadong probisyon ng negosyo, wala nang mapapala ang mamamayan. Ang serbisyo publiko ng gobyerno ay nagmistulang charity work na lamang. Imbes na sistematikong tugunan ang problema sa kalusugan, ang pagdulog ng milyon- milyong maysakit ay sa pamamagitan ng pondo ng congressman, Presidente at ng hawak nitong PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office). Na pati ang mga nasa kilusang masa at progresibong indibidwal ay nahihikayat na ring lumahok sa charity work na ito. Nagagamit na rin sila para sa operasyonalisasyon nang higit pang jologifikasyon ng kanilang dating ibinabakang uri. Na ang pangunahing proyekto nito ay di lamang pagandahin si Arroyo, hindi gawin itong naabot na tao, kundi gawin itong epektibong presidente sa inepektibong panahon. Parating ganito ang retorika ng management ng krisis ni Arroyo. Sound ang kanyang mga polisiya, kaya nga hindi raw tayo kasing apektado ng pandaigdigang krisis. Pero walang respite sa pagtaas ng presyo ng gasolina o temporaryong pagtanggal ng VAT nito na tunay na makakapagpabawas ng presyo. At ang resulta ng survey na nagsasaad na pinaka-unpopular si Arroyo, kasama ng pinakamarami ang nagugutom sa kanyang pagkapangulo (14.5 milyon), di raw matanggap ng mga tao ang masasakit na desisyong kailangang gawin ng Presidente. Para raw sa ikabubuti ng lahat at ikalalakas ng ekonomiya. Sa Hello, Garci scandal ni Arroyo, humingi ito ng paumanhin, “error in judgment” ang idinahilan. Hindi siya ang nagkamali, kundi ang isang insidente ng pag-iisip at pagkilos. At kung gayon, isolated case. Nanghingi naman ng sorry, bakit hindi patatawarin? Kung gayon, perfekto pala si Arroyo. Ang di-perfektong pandaigdigang lagay ng langis, bigas, kapital, service industries, finance market, at iba pa ang may salarin kung bakit naghihirap ang nakararami. Kung bakit ang lahat ay napapakapit sa patalim (na isa namang humanisasyon ng jologs: hindi ang jologs na tao ang may problema, kundi ang marahas na lipunan ang salarin). Ang panahong global at kung paano naapektuhan ang lokal na panahon ang nagdudulot ng pasakit sa mamamayan. Mahirap sabihing niloloko ni Arroyo ang kanyang sarili dahil mas hibang ang mamamayang hindi nagbabalikwas. Sino ang mas malaking baliw? Ang hibang na pangulo o ang mas hibang na mamamayang kaorkestradong sumasayaw sa kahibangang tugtog ng pangulo? Sa posisyong panlipunan ng docile na mamamayan, siya man ay nagpapasya batay sa neoliberal na panuntunan. Ano ba ang mapapala niya sa rally at politikal na pagkilos? Ano ba ang mababago nito sa kagyat na ikakaginhawa niya? At dahil nga wala, hindi siya lalahok. Ang kanyang aatupagin ay ang mga aktibidad na tila may mabilis na balik kahit nga hindi, mabilis napakinabang kahit nga mas ikalulugmok niya ito, mabilis na kabig kahit mas malakas ang dagok. Ang resulta, nirereafirma niya ang saklaw ng rasyonalisasyon ng pagka-pangulo. Hindi siya ang may problema kundi ang abstraktong paligid, kahit pa siya ang materyal na entidad na nakakaranas ng pagdarahop at karahasan. Na sa kanyang ekonomikong pagsusuri, mas isusugal niya ang kanyang kinabukasan kay Arroyo kaysa sa nakikibakang bayan. Dalawa ang rekurso ng nakikibakang bayan. Una, paglahok sa arena ng taktikal na ekonomiyang pakikibaka para sa higit pang benefisyo sa mamamayan at sa politikal na pagpapalawak ng hanay. Ang welgang pampaaralan ay dapat makapagdulot ng ekonomikong relief sa pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin. Ang lab fees na binabayaran ay dapat para sa gamit sa labrotoryo. Hindi dapat ipinapasok ang singil sa kuryente, pagbili ng aircon at pagpinta ng dingding sa lab fees. Wala dapat singil para sa hindi labrotoryong kurso. Kaya nga nagbabayad ng tuition fee ay para masakop ang gastos ng slide at LCD projectors, computer at iba pang batayang gamit. Ikalawa, pagpapalawak ng “menu of services” ng kilusang masa para mahagip ang progresibong sentimiento at matransforma ito sa politikal na protesta. Kung human chain ang magdudulot ng suporta ng administrasyong Katoliko sa paaralan, maaring gawin ito. Kung sa komunidad ay pagkalampag sa walang lamang kaldero, maari rin ito. Kung volunterismo ang kailangan sa komunidad para malinis ang estero at basura, maari rin ito, tulad ng pagbigay ng relief sa mga nasalanta ng bagyo. Pati na rin ang maagap na pag-take on ng kaso ng mga biktima ng disaster, tulad ng libo-libong pamilya ng mga namatay sa paglubog ng MV Princess of the Stars. Ang mahalaga sa dalawang opsyon ay ang gamit nito sa politikal na transformasyon. Sa kagyat na kahilingan, ito ay ang pagpapahina kay Arroyo, hanggang sa pagpapatalsik sa kanya. Sa pangmatagalan, ang pagpapaunlad ng egalitaryong estado ng mamamayan. Ayaw nating maging jologs pero ito na ang karumal-dumal na nagawa sa atin ng rehimeng Arroyo. Lumilingon ang marami sa atin sa kaliwa’t kanan at nag-iisip kung paano makakalamang sa kapwa gayong ang pambansang pangulo na sukdulang nakakalamang sa lahat ay hindi napapansin. Sa politikal na transformasyon, si Arroyo ay hindi na abstraksyon kundi aktwalisasyon ng estadong karahasan at ang posibilidad din ng egalitaryong kinabukasan. ***Nothing Follows*** According to Storey (2011), subcultural consumption is consumption at its ‘most discriminating.’ It is through a process called ‘bricolage’ where subcultures ‘appropriate’ for their own intentions and meanings the mass-produced goods (meaning, they combine items coming from different sources to create a new whole). It is through this appropriation where they show resistance to the meaning inscribed to the product, therefore, resisting the dominant ideology. However, once resistance has given way to incorporation, subcultural analysis stops, waiting for the next ‘great refusal.’ Task 1. Study the following pictures of youth subcultures that flourished in the past decades then answer the following: 1. What is your reaction to the sense of style of each subculture? 2. Why do you think the youth are often the ones who start subcultural practices? 3. Why do subcultures have a different cultural practice as compared to the norm? The Hippies (1960s) The Punks (started in the 1970s) The Goths (started in the 1980s) Otaku Subculture (started in the 1980s) Pinoy Jejemons (2000s) TASK 2. My Style, My Own! Direction: If you are going to start your own subcultural practice, what are you going to call it and how are you going to reflect it in your style? Illustrate the style of your choice and explain what it represents or resists in the dominant culture. Write your explanation in 2 to 3 sentences only. Name of my Subcultural Practice: _____________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. References: Storey, John. n.d. Critical theory and popular culture. 5th ed. Harlow: Pearson Longman. https://www.bulatlat.com/2008/09/06/ang-environment-ng-gay-cinema/ https://www.bulatlat.com/archive1/026roland.html Disaster, Disaster sa Paglubog ng MV Princess of the Stars, KPK ColumnJuly 9, 2008In "disaster" Syudad ng Tarps, Kulturang Popular Kultura Column, Bulatlat.comMarch 17, 2009In "2009" Lason at Reporma sa Lupa, KPK ColumnJanuary 15, 2008 PUBLISHED: July 28, 2008 FILED UNDER: kpk column TAGS: 2008 : anti-arrroyo : jologifikasyon : jologs ADAPTED FROM THE WORKS OF MS. Melissa Nacino