Mastery Test: Ghana, Mali, and Aksum PDF
Document Details
Uploaded by FavoriteMinimalism8725
University of Cebu - Lapu-Lapu and Mandaue
Tags
Summary
This document is a past paper on the history of the Ghana, Mali, and Aksum empires. The paper provides an overview of the empires' rise, prominent rulers, key characteristics, and eventual decline. It includes details about trade routes, interactions with other cultures, and political structures.
Full Transcript
# Ghana Nagsimulang humina ang imperyong Ghana noong taong 1076 CE nang sinalakay ng mga Almoravids, isang dinastiyang Muslim sa Morocco ang kabisera ng imperyo. Sinundan pa ito ng pamamayagpag ng mga karibal na sentro ng kalakalan sa Silangang Aprika at pagbabago sa klima kung saan nagkaroon ng ma...
# Ghana Nagsimulang humina ang imperyong Ghana noong taong 1076 CE nang sinalakay ng mga Almoravids, isang dinastiyang Muslim sa Morocco ang kabisera ng imperyo. Sinundan pa ito ng pamamayagpag ng mga karibal na sentro ng kalakalan sa Silangang Aprika at pagbabago sa klima kung saan nagkaroon ng mahabang tag-init. Nakaranas pa sila ng digmaang sibil. Nilusob din sila ng mga Sosso sa pamumuno ni Sumanguru. Sinakop sila ni Sundiata Keita., isang pinuno na mula sa isang pangkat ng mga Aprikano. Noong 1235 CE ay natalo niya ang Kaharian ng Sosso at noong 1240 CE tuluyang tumapos sa imperyo ng Ghana. ## Mali Isang mahalagang hari ng Mali ay si Abu Bakr II, ninais niya maglayag palabas ng Aprika. Mga arkitekturang Mali, ilan sa gusali naitayo noon ay makikita sa Timbuktu. Ginamit ang Lupa at Kahoy sa pagtayo ng mga gusali. Isang mahalagang bahagi ng kanilang lipunan ay ang Musika. Bahagi ito ng kanilang pasalitang kasaysayan. Ginamit sa pagpapahayag ng pananampalataya sa kanilang mga diyos. Ginagamit din ang pag-awit upang bigyang pugay ang kanilang mga pinuno at mga mandirigma. Bumagsak ang imperyong ito noong taong 1468 dahil sinakop ni Haring Sunni Ali ng Songhai. Pinalawak niya ang kaniyang imperyo at pinili ang Niani bilang kabisera ng imperyo. Pinili niya ito sapagkat malapit ito sa llog Sankarani at napapaligiran ng bundok. Ang mga pamayanang nasakop ng imperyo ay pinagbayad ng tributo sa Mansa bilang pagpupugay sa pinuno, isa ito sa sistemang nakadagdag sa yaman ng imperyo. Tinawag na mga Malinke ang taong naninirahan sa timog ng Ghana at sila ang nagtayo ng pamayanang Mali. Ang imperyong Mali ay pinasimulan ni Sundiata Keita nang matalo niya ang Kaharian ng Sosso sa Labanan sa Kirina noong 1235 CE. Ang pangalan niya ay nangangahulugang "lion prince". Pinag-isa niya ang lahat ng mga lokal na pinuno ng mga pamilya o Mansa at itinalaga niya ang sarili bilang "pangkalahatang Mansa" o "hari". Sinakop niya ang lungsod ng Timbuktu sa Mali dahil ito ang magiging sentro ng kultura, kalakalan, at pamahalaan ng imperyong Mali. Ang pangalang Mali ay nangangahulugang "lugar ng hari" mula sa wikang katutubo. # Ghana Bago dumating ang Islam sa Kanlurang Aprika ay may katutubong relihiyong namayagpag dito na may aspektong animismo. Ang pangunahing pamumuhay ng Ghana ay ang kalakalan. Sila ay may lubos na kontrol sa isang malawak na ruta ng kalakalan sa Kanlurang Aprika, ang pangunahing kinakalakal dito ay ginto at asin. Ikinalakal din ang garing, tanso, at mga alipin sa mga Berber. Nang dumating ang mga Arabe ay natuklasan nila ang pamamayagpag ng kalakalang ginto at binansagan pa nila ang Ghana na "lupain ng ginto". ## Ghana Ang pangalan na Ghana ay hango sa katutubong wika na Mande na ibig sabihin ay "hari". Soninke ang tawag sa mga tao rito, ang kanilang pamayanan ay matatagpuan sa savanna na napagigitnaan ng Ilog Niger sa timog-Silangan at Ilog Senegal sa timog-kanluran. Koumbi Saleh ang naging kabisera ng imperyong Ghana. Ang hari ay may lubos na kapangyarihan, siya ang pinuno ng pamahalaan, hukbo, hukom, at katutubong relihiyon. # Ghana Hindi matukoy ang tiyak na taon o petsa ng pagkakatatag sa Ghana. Ang nagagamit lamang na sanggunian hinggil sa lipunang ito ay ang mga sulatin ng mga Arabeng mangangalakal na nakarating sa rehiyon. Ang lipunang Ghana ay walang relasyon sa kasalukuyang bansa ng Ghana. Nagsimula ang imperyong Ghana dakong ika-6 dantaon CE. Narating ang rurok ng kapangyarihan noong ika-8 dantaon CE. Bumagsak ang imperyo noong ika-13 dantaon CE. # Nok Bagama't limitado ang bakal sa rehiyon ay natuto ang mga Nok sa pagbabakal. Natagpuan sa bayan ng Taruga ang mga pagawaan ng bakal. Dito natagpuan ang mga gamit para sa kanilang mga sakahan tulad ng asarol, cleaver, at palakol. Natagpuan ang mga pira-pirasong sibat at pana na ebidensiya na nakaranas sila ng mga digmaan. Sa pagsusuri ng mga arkeologo ay naganap ang agarang transisyon ng kulturang Nok mula Panahon ng Bato patungo sa Panahon ng Bakal. Hindi tiyak ang salik sa pagsibol at pagbagsak ng kulturang ito. Sinasabing maaring pananakop o pagbabago sa klima ang naging dahilan sa pagkawala ng kulturang ito. Ang mga nahukay na kagamitan sa lungsod ng Nok ay natagpuang yari sa bakal at terracotta, isang uri ng pinatuyong putik na kulay pula. Ang mga ebidensyang ito ay nagpapakita na ang kulturang Nok ay tanyag, bukod-tangi, katutubong Aprikano, dahil hindi ito naimpluwensiyahan ng mga karatig-lipunan. Sinasabing unang kulturang nabuo sa Kanlurang Aprika ang kulturang Nok. Naging dominante ang kulturang ito sa hilagang bahagi ng Ilog Niger at Ilog Benue sa kasalukuyang Nigeria. Unang natagpuan ang ilang mga gawang sining na eskultura sa lungsod ng Nok sa Nigeria noong 1943 dahil sa isang arkeologong Ingles na si Bernard Fagg. Walang naiwang sistema ng pagsulat o pasalitang kasaysayan ang lipunang ito kaya hindi natukoy ng mga dalubhasang arkeologo at historyador ang pangalan ng natagpuang lipunan. # Aksum Sa dulong bahagi ng ika-8 dantaon CE ay bumagsak na ang kanilang kaharian. Hindi lubusang sinakop ng mga Arabeng Muslim ang kabuuan ng Ethiopia kaya naman nanatili ito bilang isang Kristiyanong mayroong sariling pamahalaan. Muling babangon ng Aksum sa pagkakakilanlan na Abyssinia dakong ika-13 dantaon CE na isang tanyag na Kristiyanong lipunan sa Horn of Africa. Nakamit ng Kaharian ng Aksum ang rurok ng kanilang pamumuno noong ika-6 na dantaon CE. Humina ang kalakalan ng Aksum nang maging dominante ang mga Arabeng Muslim sa Peninsula ng Arabia dakong ika-7 dantaon CE. Dahil sa pagiging Kristiyano ng kaharian, hindi ito nakabuo ng koneksyong pangkalakalan sa mga Arabeng Muslim, naging mahigpit na karibal nila ang mga Arabe sa Horn of Africa. Napapaligiran ng mga estadong Muslim ang Kaharian ng Aksum kaya naging limitado ang transaksyon nito sa pandaigdigang kalakalan. Noong ika-6 na dantaon CE ay muling nagkaroon ng paglawak sa nasasakupan ng Aksum, pinamumuan naman ito ni Kaleb I. Pinalawak ni Kaleb ang teritoryong Aksum sa Yemen bilang ganti sa aksyon ng mga Arabe sa Yemen na pugutan ng ulo ang mga Kristiyano sa kanilang lugar. Isa sa naging kakampi ng Kahariang Aksum ay ang Imperyong Byzantine kung saan kinilala ni Emperador Justin I si Haring Kaleb I bilang "Kristiyanong hari". Nagpasiya si Haring Ezana I na maging Kristiyano, bagama't hindi naging opisyal na relihiyon ang Kristiyanismo, hindi nila pinilit maging Kristiyano ang lahat ng kanilang mamamayan. Si Frumentius naman ay kinilala sa kaniyang mga naiambag sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa rehiyon at naging kilala bilang St. Frumentius. Ang kaalaman ng mga historyador sa panahong ito ay nakatala sa tinaguriang Ezana Stone, na isang malaking bato na inukitan ng mahahalagang pangyayari patungkol sa pamumuno ni Haring Ezana I. Sila ay nakabuo ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na Ge'ez, na naging batayan ng pagsulat ng kasalukuyang Ethiopia at Eritrea. Isa sa mga tanyag na hari nila ay si Ezana I, na namuno mula sa 303 hanggang 350 CE, na kilala sa kaniyang pagsakop sa lungsod ng Meroe. Nagtatag si Ezana I ng mga pook pangkalakalan sa katimugan ng Peninsula ng Arabia upang magkaroon ng dominasyon sa Dagat Pula. Dakong ika-4 na dantaon ay dumating ang mga Kristiyanong misyonaryo at si Frumentius ang nagdala ng Kristiyanismo at naging kauna-unahang obispo rito. Ito ay matatagpuan sa rehiyong tinaguriang "Horn of Africa", ito ay matatagpuan sa kasalukuyang bansa ng Ethiopia. Naitatag ang Axum noong dakong ika-1 dantaon CE. Namayagpag ang kanilang kapangyarihan hanggang ika-6 na dantaon CE. Tuluyang bumagsak noong ika-8 dantaon CE. Mahalaga ang kanilang lokasyon dahil nagsilbi silang lagusan palabas at papasok ng Aprika. Ang kanilang kabisera ay ang Lungsod ng Aksum na matatagpuan sa Ethiopian Highlands. Monumentong itinatayo para sa mga pinuno ng Aksum na tinatawag na stele. # Meroe Ito ang huling yugto sa kasaysayan ng Kaharian ng Kush. Sagana rin sa mga mapagmiminahan ng ginto at bakal ang sinasakupan ng Meroe kaya binansagan sila bilang Panahong Meroetic. Isa sa mga tanyag na pamana nila ay ang pagtatayo rin ng mga piramide na nakuha nila sa Ehipto. Nakabuo rin sila ng sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na Meroitic Script. Ang kawalan sa kalakalan at pagbabago ng heograpiya at kapaligiran ay nagresulta sa paghina ng lipunan. Bumagsak ang Meroe noong 350 CE. Tanyag ang lungsod ng Kerma sa mga deffufas na nagsisilbing templo o himlayan ng mga yumao. Ito ay gawa sa pinatuyong mga putik o mud-brick structure. Noong nasakop ng Ehipto, naimpluwensiyahan ng Ehipto ang kultura ng Kaharian ng Kush. Bukod-tangi lamang ang mga Kush dahil sa kulay at tradisyon nilang magsuot ng mga balat na hayop. Sa pananakop ng mga banyaga ay umatras pabalik ang hukbong Ehipto at itinatatag sa Napata ang bagong kabisera ng kaharian. Sa pagbagsak ng Bagong Kaharian ng Ehipto ay lumakas ang Kush. # Nubia Rehiyon sa Hilagang-Silangan ng Aprika. Ang pangalang "Nubia" ay nagmula sa salitang Ehipto na "nebu" na ibig sabihin ay ginto. Naging kilala sila sa pangangalakal ng mga mineral tulad ng ginto at garing. Ang tanging batayan lamang ng mga kaalaman sa lipunang ito ay ang mga artepakto at mga sulatin ng Ehipto. Ang mga Nubian ay magaling sa pagpapana at binansagan sila na "Ta-Seti" na ibig sabihin ay "land of the bow". Napalitan sila ng kanilang lungsod-estado sa timog, ang Kaharian ng Kush. # Batayang Heograpiko Ang Aprika ay tinaguriang ikalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Napapaligiran ito ng malalaking anyong tubig. - Dagat Mediteraneo sa Hilaga - Dagat Pula sa Hilagang-Silangan - Karagatang Indian sa Silangan - Karagatang Atlantiko sa Kanluran Sa Silangang Aprika ay mahalaga ang Ilog Nile para sa ruta ng kalakalan na lumaganap sa buong rehiyon ng Sahara. Sa Kanlurang Aprika ay umusbong dahil sa llog Niger dahil natuklasan nila ang pagmimina ng ginto na pangunahing agrikultural na pamumuhay sa rehiyon. Sa Gitnang Aprika ay mahalaga sa kanila ang kanilang kagubatan sa pagbuo ng agrikultura.