Full Transcript

Masining na Pagpapahayag Nagagamit ang angkop na repertwa ng wika sa pagpapahayag ng kaalaman, karanasan at saloobin. MGA BATAYANG KONSEPTO Sa lahat ng uri ng gawain, kailangan ng tao ang makipagtalastasan sa kanyang kapwa. Isinasagawa ito sa dalawang paraan—pagpapahayag na pasalita at pagpapahay...

Masining na Pagpapahayag Nagagamit ang angkop na repertwa ng wika sa pagpapahayag ng kaalaman, karanasan at saloobin. MGA BATAYANG KONSEPTO Sa lahat ng uri ng gawain, kailangan ng tao ang makipagtalastasan sa kanyang kapwa. Isinasagawa ito sa dalawang paraan—pagpapahayag na pasalita at pagpapahayag na pasulat. Ang retorika ay may mahalagang papel sa masining at mabisang pagpapahayag (Bisa 1992:2) Anumang may sining ay maganda; maganda kung ang mga salitang gagamitin ay magsasaalang-alang sa himig o tono, sa ritmo, sa talinghaga, sa diksyon. Anumang mabisa ay nagbibigay ng mabuti o magandang resulta o bunga; mabisa kung magiging paraan ang paggamit ng wika para makapaghatid ng maliwanag na impormasyon, makapagpahayag ng makabuluhang ideya, at makapagkintal ng mga impresyon sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Samakatuwid sa paggamit ng dalawang salitang nabanggit sa kaisipan blg. 2 kaugnay ng wika, ang masining at mabisang pagpapahayag ay maayos, maganda, malinaw, tama at epektibong pagpapahayag ng ano mang naiisip, nadarama sa paraang maaaring pasalita o pasulat. Dalawang mahahalagang bagay ang hindi maaaring paghiwalayin sa pag- aaral ng masining at mabisang pagpapahayag: 119 Retorika (ayon sa klasikong depinisyon (Badayos, 2001:4) Agham ng pagpapahinuhod (Socrates, 350 BC) Kakayahan sa pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon ng anumang paraan ng paghimok (Aristotle) Ang sining ng argumentatibong komposisyon (Richard Whatley) Retorika (ayon sa kontemporaryong depinisyon)—ang pinakamabisang pagpili / paggamit ng mga salita upang makabuo ng isang makabuluhan at epektibong mensahe Grammar / balarila—ang wastong gamit / pagkakaayos ng mga salita upang makabuo ng mga pangungusap na gramatikal Kung gayon sa mga kaalamang pambalarila (tulad ng wastong gamit, tamang mga panuring, pandiwa, atbp.) nakasalalay ang kawastuhan at kalinawan ng ating pagsasalita at pagsulat. Kahit na maganda ang pahayag kung hindi wasto ang mga gamit at ugnayan ng mga salita, hindi lamang makakabawas iyon sa kalinawan ng pahayag kundi gayundin sa pagiging kaakit-akit nito. Samakatuwid, kasama ng retorika ang balarila para makamit ang mabisang pagpapahayag. Paano ba ginagamit ang retorika sa proseso ng mabisang pagpapahayag? Paggamit ng mga Alusyon at Talinghaga Alusyon—mga karunungang bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno Nagdaragdag ito ng kasiningan sa pagpapahayag tulad ng mga sumusunod: Salawikain—matalinghaga ang salawikain at karaniwang kapupulutan ng aral hinggil sa buhay at pamumuhay. Ito ay mga taludtod na may sukat at tugma. Itinuturing na hiyas n gating wika ang mga salawikain sapagkat tulad ng hiyas, ito ay nakapagpapaganda ng pagpapahayag. Halimbawa: Aanhin ko ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago. (Ito ay tungkol sa maayos na pakikitungo sa kapwa tao o sa mga kapitbahay.) Kasabihan—mga bukambibig na hinango mula sa karanasan ng buhay na nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin ng tao. Naglalaman ng mga kaisipang nagpapahayag ng mga katotohanan na sadyang may pagkakaugnayan ang buhay sa kaasalan ng tao. Halimbawa: Pili nang pili, nauwi sa bungi. (Sa kapipili o sobrang pagkapihikan maaaring matapat sa pangit o may kapansanan) Mahahalagang pahayag din na kinuha o hinugot sa mga akda ng kilalang tao o lider ng bansa. Mga halimbawa: Ang katapatan ko sa aking partido ay magwawakas sa pagsisimula ng katapatan ko sa aking bayan. –M.L. Quezon 120 Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. –Jose P. Rizal Kawikaan—iba ang kawikaan sa salawikain. Ang kawikaan ay hindi nagtataglay ng talinghaga kaya tiyak ang kahulugan. Karaniwan nang binubuo ito ng taludtod o mga taludtod na maaaring may sukat at tugma at maaari ring wala. Mga halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Huwag ipagpabukas ang kaya mong gawin ngayon. Paggamit ng mga salitang ginagamit na idyoma / sawikain Mga lipon ng salita na ang dalang kahulugan ay iba kaysa sa kahulugang literal ng mga salitang bumubuo nito. nakatutulong sa mabisa, makulay at makahulugang pagpapahayag ang paggamit ng idyoma. Pinakapuso ng lahat ng salita ang idyoma (Santiago, 1994). Kapag inalis ang idyoma ng isang wika, masisira ang komunikasyon ng mga taong gumagamit nito. Yumayaman at yumayabong ang isang pahayag kung ginagamitan ng idyoma na minana pa natin sa ating mga ninuno. Gayunpaman kung susuriin ang kahulugan ng bawat salita, tila mali at lihis ito sa mga tuntuning pambalarila. Ayon kay David Minsberg (nasa Tanauan, et.al., 2003:4) maaaring malaman mang kahulugan ng bawat idyoma sa pamamagitan ng: Pag-unawa sa kaugnayan nito sa ibang bagay Pagsuri sa kaugnayan nito sa ibang salita sa loob ng pangungusap Paggamit nito nang malimit hanggang sa ito’y maging bahagi na ng sariling bokabularyo Mga halimbawa: Naghugas ng kamay Buhay alamang Buwaya sa katihan Paggamit ng tayutay / patalinghagang anyo ng pagpapahayag Iniuugnay ang kaalamang retorika sa patalinghagang pagpapahayag o sa ibang salita’y tayutay. Tayutay—isang pahayag na sadyang masining at kaakit-akit. Naghahayag ito ng makulay at mabisang pagpapakahulugan. Pangunahing layunin ng retorika na makapagpahayag nang maganda, masining, at maayos. Ang mga sumusunod ay mga uri ng patalinghagang pagpapahayag o tayutay: Pagtutulad (simile)—paggamit ng tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Halimbawa: Ang tren ay parang alupihan. Pagwawangis (metaphor)—paggamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, gaya ng, 121 animo’y, atbp. Halimbawa: Tinik siya sa lalamunan ni Angelo. Pagbibigay-katauhan (personification)—pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa. Halimbawa: Sumasayaw ang mga alon sa karagatan. Pagmamalabis (hyperbole)—isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan. Halimbawa: Nagliliyab ang mga mata ng galit nag alit na lalaki. Pagtawag (apostrophe)—isang pabulalas na pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o wala sa tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng kalikasan na binibigyan ng katangiang pantao. Halimbawa: Pag- ibig! Masdan ang ginawa mo. Pagpapalit-tawag (metonymy)—paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng di-tinukoy na salita; ang pagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinukoy. Halimbawa: Malalim na pilat ang naiwan sa kanyang puso. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)—pagbanggit sa bahagi bilang pantukoy sa kabuuan; maaari rin namang nag-iisang tao ang kumakatawan sa isang pangkat. Halimbawa: Isang kayumanggi ang pinarangalan sa larangan ng boksing. Paghihimig (onomatopoeia)—paggamit ng mga salitang ang tunog ay gumagagad sa inilalarawan; naipapahiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita Halimbawa: Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak. Pagsalungat / oksimoron/ epigram (oxymoron)—paggamit ng dalawang salitang magkasalungat o pahayag na nagsasalungatan Halimbawa: tumatawa’y umiiyak may lungkot at tuwa mabuting kaaway Paralelismo (parallelism)—paggamit ng inihahanay na kaisipan sa magkakahawig na istruktura, tulad ng: sama-samang nabubuhay sama-samang namamatay Paglumanay (euphemism)—paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag; pagpapahayag na gumagamit ng mga malumanay at magagandang pananalita upang tukuyin ang isang pangyayari na maaaring kung sasabihin nang tiyakan ay masakit o pangit sa pandinig. Halimbawa: Ang 122 babaeng naglalaro ng apoy (nagtataksil) ay humantong sa isang makabagbag damdaming tagpo sa harap ng kapitbahay. Paano naman ginagamit ang balarila sa proseso ng mabisang pagpapahayag? Saklaw ng balarila o grammar ang mga sumusunod: (1) tamang gamit ng mga salita; (2) tamang pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; (3) tamang pagkakaugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa. Paggamit ng mga tamang salita ang ng at nang ng ginagamit bilang pantukoy (Maluwang ang looban ng simbahan) ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay tamang pagkakaugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa (Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw.) ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa (Ang mga iskawt ay nagpunta ng Baguio) ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangngalang paari (Tumanggap ng plake ang kanyang anak) ginagamit bilang tagatanggap ng kilos (Ayaw siyang layuan ng agam-agam.) ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat (Gumagawa siya ng manika.) ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig na balintiyak (Tinulungan ng kapatid ang kanyang ina sa pagluluto.) ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian (Nabali ang mga paa ng mesa.) nang ginagamit bilang pang-abay (Itinali nang mahigpit ang bihag.) ginagamit bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o “upang” (Sumulat ka nang sumulat ng mga kuwento nang manalo ka sa patimpalak.) ginagamit bilang salitang panggitna sa mga salitang inuulit (Iyak nang iyak ang dalagang malungkot.) ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito rin ang panimula ng katulong na sugnay (Maghugas ka ng pinggan nang makakain na kayo.) ang din at rin, daw at raw 123 rin at raw Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y. (siya raw / rin Ikaw raw / rin Tinalakay raw / rin) din at daw Ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa /w/ ay /y/. (takot din / daw Malakas din / daw) ang sina at sila sina—ginagamit kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan na tinutukoy sa pangungusap (Naglilinis sina Gel at Lisette ng bahay.) sila—ginagamit bilang panghalip na panao (Umalis na sila kangina pang umaga.) pinto, pintuan pinto—bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas (Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang magnanakaw.) pintuan—ang kinalalagyan ng pinto (Hindi pa napipinturahan ang pinto sa pintuan.) pahirin, pahiran pahirin—alisin sa pamamagitan ng pamunas o sa pamamagitan ng kamay (Pahirin mo ang sipon sa kanyang ilong.) pahiran—lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng pamunas o sa pamamagitan ng kamay (Pahiran mo ng langis ang natutuyo mong balat.) may at mayroon may—ginagamit ang may kung ang sumusunod o kasunos na salita ay: pangngalan (May tao sa tanghalan.) pandiwa (May pumatay sa mga ipis na nasa cabinet.) pang-uri (May mataas na sapatos ang guro niya.) pantukoy (May mga panoorin sa patyo ng simbahan.) pang-ukol na sa (May sa daga ang ank mong iyan.) mayroon—ginagamit ang mayroon kung: sinusundan ng panghalip (Mayroon kayong libreng gamot sa baranggay.) 124 sinusundan ng isang kataga (Mayroon yatang pagsusulit ngayon.) bilang panagot sa tanong (May kapatid ka pa ba? Mayroon.) Pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita Nabanggit na, na may dalawang uri ng pagpapahayag: pasalita at pasulat. Bakit tayo nagsusulat? Mahalaga ang katanungang ito sapagkat kasangkot na sa iba’t ibang layunin ng pagsulat ang aitng mambabasa. Kapag nababanggit ang mambabasa, isinasaalang-alang na rin ang uri ng wikang gagamitin, pati na ang tono at istilo ng pagpapahayag. Ang mga salita ay may kaantasan din. Isinasaalang-alang ng mga aral sa wika ang kaantasang ito. Sa gayong ang mga salitang bibitawan o gagamitin ay bumabagay sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan. Sa ganang kabagayang ito ng mga salita, masasabing may pormal at di-pormal na mga salita. Salitang pormal—mga salitang istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika. Nasa ilalim ng uring ito ang: Pambansa—mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may sirkulasyon sa buong kapuluan at lahat ng paaralan Pampanitikan—mga salitang matayog, malalim, mabigat, makulay at sadyang mataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. Salitang hindi pormal o impormal—mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kasama dito ang: Lalawiganin—mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito; tatak ito ng mga maka-rehiyonal na ugali ng tao. Balbal—tinatawag din slang sa Ingles. Tinatawag din salitang- kanto, salitang-lansangan, salita ng mga bakla. Kolokyal (colloquial)—mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagka-bulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Halimbawa: PORMAL KOLOKYAL saan naroon sanaron naroon, naroroon naron nasaan nasan kaniya kanya kani-kaniya kanya-kanya 125 almirol aywan piyesta almidon, almirol ewan pista PORMAL DI-PORMAL Pambansa kapatid baliw Pampanitikan kapusod nasisiraang-bait Lalawiganin tugang (Bikol) buang (Bisaya) Balbal utol buwang ang tono ng mga salitang gagamitin ay maaaring pauyam, malisyoso, seryoso, nakikiusap, o maaaring neutral Tamang pagkakaugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa. Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging epektibo ito. Narito ang ilang patnubay upang magawa ang kaisahan sa pangungusap (Tumangan, et.al., 1997: 21-22): Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan. Ang pagtataglay ng maraming kaisipan sa pangungusap ay labag sa kaisahan ng pangungusap dahil lumalabo ang pangunahing isipang ipinahahayag. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang panulong na sugnay. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingan ng salita. Ilapit ang panghalip sa pamanggit sa pangngalang kinakatawan nito. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap. Sa kabilang banda, nagiging malinaw ang mga pangungusap ng talata kapag may wastong paglilipat-diwa. May mga salita at pariralang ginagamit sa paglilipat- diwa na nakatutulong upang maunawaan ang tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap. Sa bawat kaisipang ililipat, naririto ang angkop na salita o pariralang maaaring gamitin: Kaisipang idinaragdag—at, saka, pati, gayundin Kaisipang sumasalungat—ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman, sa kabilang dako Kaisipang naghahambing—katulad, kawangis ng, animo’y, anaki’y Kaisipang nagbubuod—sa katagang sabi, sa madaling sabi, kaya nga Kaisipang nagsasabi ng bunga o kinalabasan—sa wakas, sa dakong huli, kung gayon, sa ganoon 126 Paglipas ng panahon—noon, habang, di-naglaon, samantala, sa di-kawasa, hanggang Mga uri ng pagpapahayag / diskurso Maraming paraan ng pagpapahayag na maisasagawa sa paraang pasalita o pasulat na makatutulong upang makaakit at maging mabisa ang ating pagpapahayag. Paglalahad—hangarin nito na maipaliwanag nang obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye na pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang linaw nang lubos na maunawaan ng may interes (Arrogante, 1994: 117) Paglalarawan—hangarin nito na sa pamamagitan ng mga angkop na salita, maipakita ang kaanyuan at kabuuan ng tao, bagay, sitwasyon, insidente o senaryo. Pagsasalaysay—hangarin nito na mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay (Tumangan, et.al., 1986:3) Pangangatwiran—hangarin nito na hikayatin ang iba pa na tanggapin ang katotohanan o kawastuhan ng isang paninindigan o dili kaya’y baguhin ang kanilang pag-iisip o impluwensyahan ang kanilang pag-uugali at pagkilos sa pamamagitan ng mga makatwirang pahayag 9Semorlan, et.al., 1999: 155)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser