M2_Q2_AP8 PDF - Araling Panlipunan - Ikalawang Markahan

Document Details

DependableOrphism6580

Uploaded by DependableOrphism6580

Don Jose M. Ynares Sr. Memorial National High School

Miah C. Auman

Tags

Roman history Roman civilization Tagalog study guide social studies

Summary

This is a Tagalog study guide on the contributions of the Roman civilization. It includes multiple-choice questions and activities for students.

Full Transcript

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 2- Kontribusyon ng Kabihasnang Romano (Week 2) Naikonseptwalisa ni Miah C. Auman 1 Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kontrib...

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 2- Kontribusyon ng Kabihasnang Romano (Week 2) Naikonseptwalisa ni Miah C. Auman 1 Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayang Pangkasanayan Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Kakayahan: Naipaliliwanag ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano. Paksa /Subject Kontribusyon ng Kabihasnang Romano (AP8DKT-IIc-3) Subukin Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 2, sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. Panuto. Pagpipilian. Isulat ang letra na may tamang sagot sa sagutang papel. 1. Sa Pilipinas ang pangunahing batas ay ang Konstitusyon. Ano naman ang pangunahing batas na nalikha sa Roma? A. Codex B. Hypocaust C. Twelve Tables D. Code of Hammurabi 2. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa Codex o hardbound book ay tama MALIBAN SA_______ A. Ang aklat na ito ay nakatali ang mga pahina. B. Naimbento ito ni Julius Caesar, isang diktador. C. Ang mga pahina nito ay mga papyrus na naimbento sa Egypt. D. Ang mga Muslim ang pinaniniwalaang gumamit at nakabuo ng Koran. 3. Ano ang kahulugan ng Roman numeral na X sa numero? A. 5 B. 8 C. 9 D. 10 4. Ano ang sistema ng pamahalaan ng Rome? A. Presidensyal B. Republika C. Komunismo D. Parliamentaryo 2 5. Sino ang kauna-unahang emperador na kumilala sa relihiyong Kristiyanismo? A. Augustus B. Constantine C. Nero D. Sulla 6. Sa kasalukuyan, saang bansa matatagpuan ang Rome? A. Greece B. Italy C. Spain D. United Kingdom 7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pamana ng mga Romano sa larangan ng estruktura? A. aqueducts B. colosseum C. pyramid D. Roman Arches 8. Sino ang tinaguriang Ama ng Panitikang Romano? A. Horace B. Livius C. Ovid D. Virgil 9. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat na may ambag sa larangan ng kasaysayan ng Rome? A. Cicero B. Livy C. Varro D. Virgil 10. Ang estrukturang simbolo ng pagwawagi ng mga heneral na bumalik sa Rome upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay. A. colosseum B. estatwa C. Fountain D. Triumphal na arko 11. Ang sistemang numero na nagmula sa sinaunang Rome at kinatawan ng mga kumbinasyong mga titik mula sa alpabetong Latin. A. Algebra B. Decimal C. Fractions D. Roman numerals 12. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat na may ambag sa larangan ng kasaysayan ng Rome? A. Cicero B. Livy C. Varro D. Virgil 13. Ano ang tawag sa sentralisadong sistema ng pagpapainit o heating system ng gusali sa kabihasnang Roma? A. acta diurna B. codex C. hypocaust D. legion 14. Alin sa mga sumusunod ang KABILANG sa mga sangkap sa paggawa ng konkretong kalsada? A. alketran B. lupa C. plastik D. sirang bato 15. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa Panahon ng Imperyong Roma ay Tama MALIBAN sa______________. A. Namuno ang labinlimang (15) na emperador ng Roma. B. Itinatag ito ni Augustus bilang unang emperador ng Roma. C. Si Constantine the Great ay naging huling mahusay na emperador. D. Itinatag ang Labindalawang Talahanayan o Twelve Tables isang batas. Aralin Kontribusyon ng Kabihasnang 1 Romano Alamin Sa puntong ito tatalakayin natin ang mga naiambag ng mga Romano sa kabihasnan. Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod: A. Natutukoy ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa daigdig; B. Naisasalin ang kahulugan ng Roman numerals; at C. Napahahalagahan ang mga pamana ng mga kabihasnang Romano. Panimulang Gawain LARAWAN-SURI: Bago tayo mag-umpisa sa ating talakayan subukan nating kilalanin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung ano ang pangalan ng mga ito. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel. 3 aqueduct colosseum pantheon triumphal arch 1. 2. https://www.architecturaldigest.com/story/colosseum 3. 4. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA-NC Tuklasin at Suriin Mga mag-aaral, tunghayan natin ngayon ang kasaysayan ng Roma o Rome at ang kanilang kontribusyon sa kabihasnan. Ang Kabihasnang Roma ♦ Ang Rome o Roma ay itinatag sa ♦ Ang kambal ay sinagip at inaruga ng kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. isang babaeng lobo. Nang lumaki ang ng mga unang Romano na dalawa at nalaman ang kanilang nagsasalita ng Latin, isang sangay ng pinagmulan, inangkin nila ang trono at wikang nabibilang sa Indo-Europeo. itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber Sila ay lumipat sa gitnang Italy at River noong 753 B.C.E. nagtayo ng sakahang pamayanan sa ♦ Ayon sa isang matandang alamat ang Latium Plain. Rome ay itinatag ng kambal na sina ♦ Lumawak ang kabihasnang Romano Romulus at Remus. Habang mga patungo sa isang maimpluwensyang sanggol pa lamang, inilagay sila sa imperyo at umabot ito sa Europa, isang basket at ipinaanod sa Tiber Kanlurang Asya, Hilagang Africa at sa River ng kanilang amain sa takot na mga isla ng Mediterranean. angkinin ng kambal ang kanyang trono. 4 Naitatag ang kabihasnang Romano noong 625 B.C.E. at bumagsak ito noong 476 A.D. Sinakop at isinama ng Imperyong Romano ang mga kulturang impluwensya ng mga Griyego. Ang kasaysayan ng Imperyong Romano ay nahahati sa tatlong magkakaibang mga panahon; Panahon ng Mga Hari (625-509 B.C.E.), Republika ng Roma (509-31 B.C.E.), at Imperyong Romano (31 B.C.E.- 476 A. D.). ♦ Panahon ng Mga Hari (625-510 B.C.E.) ay ang unang panahon sa kasaysayan ng Roma at ito ay tumagal hanggang 510 B.C.E. Sa maikling panahong ito, pinamunuan ng hindi kukulangin sa anim na hari. Isinulong ang militarista o lakas ng militar na tinatawag na legion, pang-ekonomiya, produksyon at kalakal ng mga lampara na langis. Sa politika, nabuo ang Konstitusyong Romano. Nagtapos ang panahong ito ng pinaalis ng mga Romano ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. ♦ Ang Republika ng Roma (509-31 B.C.E.) ay itinatag ni Lucius Junius Brutus, na hindi pinamumunuan ng isang hari. Itinaguyod ang isang bagong pamahalaan na kung saan pinamunuan ng mga pinakamataas na uri; senador at mga kabalyero. Sa panahon ng krisis, isang diktador ay maaaring hirangin upang mapanatili ang kaayusan ng republika. Itinatag ang “Labindalawang Talahanayan” o Twelve Tables, isang pamantayan ng mga batas para sa pampubliko, pribado, at pampulitikang usapin. Patuloy na lumawak ang kapangyarihan ng Republika at nakuha ang kontrol sa buong peninsula ng Italya noong 338 B.C.E. ♦ Ang Panahon ng Imperyong Romano (31 B.C.E.- A.D. 476) ay itinatag ito ni Augustus bilang unang emperador ng Rome. Namatay siya noong 14 C.E. at ang titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senado kay Tiberius na siyang pinili ni Augustus na humalili sa kanya. ♦ Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng Imperyo noong 476 C.E., ang Rome ay nagkaroon ng iba’t-ibang uri ng emperador. Namuno ang labinlimang (15) emperador ng Roma. Si Constantine the Great ay naging huling mahusay na emperador at unang kumikilala sa Kristiyanismo. Nag-isyu siya ng isang utos na nagpoprotekta sa mga Kristiyano sa imperyo at sumanib siya sa Kristiyanismo sa gitna ng kanyang pag-aagaw buhay. Ang Kontribusyon ng Kabihasnang Romano Ambag Edukasyon Roman Numerals ▪ Isang sistemang numero na nagmula sa sinaunang Roma at kinakatawan ng mga I 1 kumbinasyon ng mga titik mula sa V 5 alpabetong Latin. Karaniwang paraan ng X 10 pagsulat ng mga numero sa buong Europa L 50 hanggang sa Huling Gitnang Panahon o Late C 100 Middle Ages. D 500 M 1000 5 Roman Alphabet ▪ Ang alpabetong Romano o Roman Alphabet ay tinatawag din itong alpabetong Latin o Latin Alphabet. Ang sistemang pagsulat na ito ay karamihang ginagamit sa buong mundo ngayon. https://edsitement.neh.gov/lesson-plans/lesson-3- roman-alphabet-our-alphabet Ang Unang Pahayagan o Newspaper ▪ Ang Acta Diurna ay ang unang pahayagan na inilathala sa Roma, noong 59 B.C.E. Inukit ito sa mga bato o sa isang tilad na metal o metal slab. Ang pahayagan ay nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Modernong Imburnal at ♦ Ang Romano ay tinaguriang pinakamahusay Sanitary Management sa larangan ng inhenyerong sibil o civil engineering. ♦ Ang mga tubo ng paagusan o imburnal ay halos nakakonekta at ang tubig ay regular na umaagos mula sa mga sapa. Ang kanilang mga kanal ay tinatakpan upang matiyak ang kalinisan at walang kontaminasyon sa mga kalye o daanan. Paggamit ng Arko sa mga Estruktura aqueducts ▪ Ayon sa kasaysayan hindi ang mga Romano ang naka imbento ng paarkong disenyo ng mga estruktura. Sila lamang ang gumagamit dahil mas matibay ito kaysa mga disenyong pahalang o horizontal beams. ▪ Itinayo ang mga aqueducts sa Roma upang magdala ng tubig mula sa mga pinagkukunan nito patungo sa mga This Photo by Unknown Author kabahayan at sa mga pampublikong palikuran at mga bukal o fountains. Roman Triumphal Arches ▪ Tinatawag itong arko ng tagumpay dahil madalas na iginawad ng senado sa mga nagwaging heneral tuwing bumabalik sa Roma upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay. ▪ Makikita natin ngayon ang mga disenyong ito sa mga pintuan ng simbahang Katoliko. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA 6 Colosseum ▪ Ang Colosseum ay kilala bilang Flavian Amphitheater, isang hugis-itlog o oval na ampiteatro na itinayo sa gitna ng lungsod ng Roma. ▪ Ginawa para sa labanan ng mga gladiator. ▪ Pinakamalaking ampiteatro na may kapasidad na 50,000 hanggang 80,000 na manunuod. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA Pantheon ▪ Ang Pantheon ay isang templo ng mga diyos at ngayon ay ginawang Simbahang Katoliko o Catholic Church. Itinayo ito ni Emperador Hadrian at hanggang sa kasalukuyan makikita parin ito sa lungsod ng Roma. ▪ Ang Pantheon dome ay isang konkretong gusali na ang ibabaw ay natatakpan ng mga tanso. https://www.tiqets.com/en/rome- attractions- ▪ Ang hypocaust ay isang sentralisadong Air Conditioning sistema ng pagpainit o Heating Sytem ng gusali. Ang init ay galing sa ilalim ng sahig at umiikot ito sa silid. ▪ Sa panahon ng tag-init napanatili ang lamig ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng isang tubo na kung saan dumadaloy ang malamig na tubig na galing sa mga aqueducts. ▪ Nagpatayo sila ng mga bukal o fountains Hypocaust upang mapanatiling malamig ang mga https://en.wikipedia.org/wiki/Hypocaust pampublikong lugar. Kongkretong Kalsada Nakasanayan ng mga Romano ang paggawa ng mga matitibay na kalsada na tinatawag nila itong viae. Gumamit ang mga Romano ng mga sirang bato na hinahaluan ng semento, buhangin at sirang mga tiles. Ang ganitong uri ng kongkreto ay tumitigas dahil sa mga reaksyong kemikal na nahaluan ng tubig. https://interestingengineering.com/ Codex Si Julius Caesar ang unang Romano na nakaimbento ng mga aklat na nakatali ang mga pahina o hard bound books na tinatawag itong Codex. Gamit ang mga pahina ng papyrus upang mabuo ito. Pinaniniwalaan na ang mga Unang Kristiyano ang pinakaunang gumamit sa bagong teknolohiya at nakabuo ng mga kopya ng Bibliya. https://www.ancientpages.com 7 Mga Batas at Pamamahala (Laws and Governance) Mga Terminolohiya sa ▪ Ang Corpus Juris Civilis koleksyon ng mga batas Batas Romano at ligal na interpretasyon na binuo sa ilalim ng Byzantine emperor Justinian I mula 529 (Roman Law Terminology) hanggang 565 CE. ▪ Batas Sibil – isang batas namay kaugnayan sa karapatan ng mga mamamayan. Halimbawa ng Batas Sibil o Civil Case * Ang pagtatalo sa pag-aari ng mga lupain. Batas ng Roma Twelve Tables ▪ Twelve Tables- isang hanay ng mga batas na nakasulat sa 12 mga tansong tablet na nilikha sa sinaunang Roma noong 451- 450 BCE. ▪ Ang batas na nagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng lahat ng mamamayan. ▪ Ginagamit ito upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. http://theancientexpress.weebly.com/t welve-tables.html Literatura Cicero ▪ Marcus Tullius Cicero ay isang Italyanong estadista, pilosopo, abugado, at iskolar. ▪ Itinaguyod ang mga prinsipyo ng republika sa panahon ng mga krisis na humantong sa pagtatatag ng Imperyong Romano. ▪ Kahuli-hulihang tagapagtanggol ng Republika ng Romano. https://upload.wikimedia.org/wikipe di Livius ▪ Lucius Livius Andronicus ay isang kilalang manunulat at nagtatag ng epikong tula at drama ng Romano. ▪ Kinikilala bilang Ama ng Panitikang Romano at ang kanyang unang obra ay ang Odyssia. ▪ Naging isang guro ng mga marangal na pamilya o noble family bilang tagasalin o translator ng wikang Greek sa Latin. https://www.urbisetorbis.org/vitae/li vius-andronicus/ Virgil ▪ Siya ay isang makatang Romano na tinaguriang pinakatanyag na manunulat sa kanyang kapanahunan. ▪ May-akda ng epikong Aeneid na hango sa Iliad na akda ni Homer. ▪ Isinulat din niya ang Eclogues (or Bucolics), at tulang Georgics tungkol sa buhay sa probinsya https://en.wikipedia.org/wiki/Virgil at pagsasaka. 8 Kasaysayan Livy ▪ Titus Livius isinulat niya ang Kasaysayan ng Roma at ang Roman People tungkol ito sa maalamat na kasaysayan ng Roma hanggang sa paghahari ni Augustus. ▪ Sa kanyang kapanahunan sa Roma, hindi siya kailanman naging senador o humawak ng posisyon sa gobyerno. https://en.wikipedia.org/wiki/Livy Relihiyon Katolisismo o Roman ▪ Naging tanyag ang Kristiyanismo sa pahanon ng Catholicism Imperyong Romano o Roman Empire. ▪ Sa pamumuno ni Constantine the Great nag isyu siya ng Edict of Milan, kinilala at naging legal ang relihiyong Kristiyanismo sa buong Emperyong Romano. ▪ Noong 380 A.D., sa ilalim ni Emperor Theodosius I, ang Kristiyanismo ay naging opisyal na relihiyon ng imperyong Romano at tinatawag https://en.wikipedia.org/wiki/History itong Katolisismo o Roman Catholic. _of_the_Catholic_Church Agham at Pilosopiya Marcus Terentius Varro ▪ Pinakadakilang iskolar ng sinaunang Romano at may akda ng Res Rusticae ito ay tungkol sa isang praktikal na tagubilin (instructions) sa agrikultura at pag-aalaga ng hayop. ▪ Ang iba pa niyang mga gawa ay tungkol sa matematika, heograpiya, at biyolohiya o biology. https://prabook.com/web/marcus.varro/37235 93 Isaisip Natuklasan natin ang makulay at kahanga- hangang kabihasnang Roma. Pumili ng isang makabuluhang ambag ng mga Romano na tumatak sa inyong isipan. Ipaliwanag kung bakit mo ito napili. 9 Isagawa at Pagyamanin Isagawa 1. PAGYAMANIN ANG AMBAG NG ROMAN NUMERALS. Isulat ang katumbas ng mga sumusunod na Roman numerals na nasa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel. Halimbawa: XX =20 1. X 2. L 3. M 4. V 5. I 6. V + I 7. X+V= 8. L+X 9. D+I 10. M+L Isagawa 2. Cloze Puzzle. Buuin ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Augustus Batas Sibil Catholic Church Constantine Etruscans Remus Romulus Twelve Tables Viae 1. Si ________________ ang nag-isyu ng Edict of Milan. 2. Ang imperyong Romano ay itinatag ni _______________, ang unang emperador ng Rome. 3. Sa pagtatapos ng Panahon ng mga Hari, pinaalis ng mga Romano ang punong _________________ at nagtayo ng Republika. 4. Sina _________ at ____________ ay ang dalawang kambal na unang nagtatag sa kabihasnang Rome. 5. Tinatawag na ____________ ang mga matitibay at kongkretong kalsada. 6. Ang Pantheon ay isang templo ng mga diyos at ngayon ay ginawang ________. 7. Ang _________ ay batas na may kaugnayan sa karapatan ng mga mamamayan. 8. Ang Republikang Romano ay may ___________, ang Pilipinas naman ay may Konstitusyon bilang gabay sa karapatan ng mamamayan. Tayahin PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang sumulat sa Kasaysayan ng Roma at ang Roman People? A. Cicero B. Livy C. Pliny D. Virgil 2. Alin sa mga sumusunod na pinuno ang nakaimbento ng mga aklat na nakatali ang mga pahina o hard bound books. A. Augustus B. Constantine C. Julius Caesar D. Varro 3. Sino ang nagtatag ng imperyong Romano? A. Augustus B. Caligula C. Constantine D. Nero 4. Aling pamana ng Rome ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng kompetisyon sa pagitan ng mga pahayagang Banat Balita, The Freeman at Sunstar Daily? A. Acta diurna B. Codex C. Colosseum D. Hypocaust 10 5. Ang kahuli-hulihang emperador sa Roma na kinilala niya ang Kristiyanismo at kinalaunan siya ay sumanib nito. A. Constantine B. Hadrian C. Julius Caesar D. Nero 6. Alin sa mga makata ng Roma ang may-akda ng epikong Aeneid na hango sa Iliad na akda ni Homer? A. Cicero B. Livy C. Livius D. Virgil 7. Ang sistema ng pamahalaan ng Rome noon ay Republika, ano naman ang kasalukuyang sistema ng pamahalaan dito sa Pilipinas? A. Komunista B. Demokrasya C. Monarkiya D. Parliamentarya 8. Saan matatagpuan ang lungsod estado ng Rome? A. Egypt B. Italy C. Greece D. Spain 9. Paano napanatili ng Rome ang malamig na kapaligiran sa mga pampublikong lugar? A. Nagtanim ng mga pine trees C. Naglagay ng mga aiconditioner B. Nagpatayo ng mga bukal o fountains D. Nagbibigay ng libring pamaypay 10. Anong pagbabago ang hatid sa pagpapatupad sa Edict of Milan? A. Naging emperor si Constatine the Great. B. Pinahinto ang mga paligsahan sa Colosseum. C. Naging mahina ang kapangyarihan ng emperor. 11. Alin sa mga sumusunod na pamana ng kabihasnang Roma na naging batayan ng ating sistema sa pagsulat? A. Codex B. Newpapers C. Roman Alphabet D. Roman Numerals 12. Gumamit ang Romano ng pa-arkong disenyo sa kanilang mga estruktura dahil mas matibay ito kaysa mga disenyong pahalang o horizontal beams. Saang pintuan natin kadalasang makikita ang mga disenyong ito ngayon? A. Paaralan B. Mall C. Simbahan D. Sinehan 13. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa Codex o hardbound book ay tama MALIBAN sa_______. A. Ang aklat na ito ay nakatali ang mga pahina B. Naimbento ito ni Julius Caesar, isang diktador C. Ang mga pahina nito ay mga papyrus na naimbento sa Egypt D. Ang mga Muslim ang pininiwalaang gumamit na nakabuo ng Koran 14. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa Colosseum ay tama MALIBAN sa_________. A. Nagsisilbing tahanan ito ng mga diyos at diyosa. B. Itinayo ito sa gitna ng lungsod estado ng Roma. C. May kapasidad na 50,000 hanggang 80,000 na manunuod. D. Estrukturang pinakamalaki sa panahon ng imperyong Romano. 15. Isang pamantayan ng mga batas para sa pampubliko, pribado, at pampulitikang mga usapin. A. Acta Diurna B. Codex C. Hypocaust D. Twelve Tables Karagdagang Gawain Kopyahin at sagutin ang tanong sa ibaba sa sagutang papel. 1. Sa kabihasnang Romano, nailathala ang unang pahayagan o newspaper na nakaukit sa mga bato o sa isang tilad o metal slab. Sa bagong teknolohiya na ginagamit gaya ng internet, mahalaga pa ba sa ngayon ang mga newspapers o pahayagan? Bakit? 11 Sanggunian Aklat: Blando, R.et al.(2013). Kasayasayan ng Daigdig: Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral: Pasig City, Philippines. DepEd –IMCS. Bustamante, E., & Abendaño, F.,(2015,2016). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. Queszon City, Philippines: St. Bernadette Publishing House Corporation. Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Online Sources: Ancient Pages.(2017). Ancient Romans Invented The First Bound Book. Retrieved October 6, 2020, from https://www.ancientpages.com/2017/09/25/ancient-romans Biography.com Editors.(2014) Constantine I Biography, April 1, 2014, Retrieved September 28, 2020, from https://www.biography.com/ Cartwright, M.(2013). Romulus & Remus, October 3, 2013, Retrieved September 28, 20202 from https://www.ancient.eu/image/1456/romulus--remus/ Jordan Group Construction.(2014). Concrete Used in Ancient Rome. Retrieved October 5, 2020, from https://jordangc.com/concrete-used-ancient-rome McIntosh, M.(2018). Roman Law, from the Twelve Tables to the Corpus Iuris Civilis. Retrieved October 8, 2020, from https://brewminate.com/roman-law Milwaukee Public Museum, (n.d.) The Roman Empire: A Brief History. Retrieved September 28, 20202 from https://www.mpm.edu/research-collections/anthropology/ Mr. Donn's Sites bfor Kids & Teachers, (n.d.). Roman Achievements & Inventions. Retrieved October 9, 2020, from https://rome.mrdonn.org/achievements.html# Pinterest.com, (n.d). Maps of Italy. Retrieved July 28, 2022 from https://www.pinterest.ph/pin/569494315377485635/?autologin=true Vyas, K.(2018).19 Greatest Inventions of the Roman Empire That Helped Shape the Modern World. Retrieved October 2, 2020,from https://interestingengineering.com/19-greatest-inventions-of-the- roman-empire-that-helped-shape-the-modern-world Wikipedia, The free encyclopedia. (n.d.).Hypocaust. Retrieved October 2, 2020, from https://en.wikipedia.org/wiki/Hypocaust 12 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] 13

Use Quizgecko on...
Browser
Browser