Pagsasalin - Lesson 5 Dalumat PDF

Summary

This document provides a comprehensive overview of translation, including its definition, principles, considerations, techniques, and the qualities of a translator. It also explores the function of a translator and examines various aspects of translation such as literal and free translations, borrowing, adapting to new languages, etc. The document is an educational resource intended for advanced studies in translation studies.

Full Transcript

MAGANDAN GARAW! PAGSASALIN ng Tekstong Makabuluhan SA DALUMAT NG/SA FILIPINO Kahulugan Ng Pagsasalin Mga Simulain Sa Pagsasalin Mga Konsiderasyon Sa Pagsasalin Mga Paraan Ng Pagsasalin Mga Katangian Ng Tagasalin Mga Tungkulin Ng Tagasalin Pagsasalin Ng Tuluyan O Prosa Ang Paghihiram Pag-Eebalweyt...

MAGANDAN GARAW! PAGSASALIN ng Tekstong Makabuluhan SA DALUMAT NG/SA FILIPINO Kahulugan Ng Pagsasalin Mga Simulain Sa Pagsasalin Mga Konsiderasyon Sa Pagsasalin Mga Paraan Ng Pagsasalin Mga Katangian Ng Tagasalin Mga Tungkulin Ng Tagasalin Pagsasalin Ng Tuluyan O Prosa Ang Paghihiram Pag-Eebalweyt Ng Salin A. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Ang pagsasalin ay madalas na tinatawag ding paglilipat. Kung iisipin, maaari nga namang maituring na paglilipat ang pagsasalin,ngunit kailangang linawin kung ano nga ba ang ililipat. Kailangang pakatandaan na ang inililipat ay hindi ang mismong salita sa isang wika tungo sa ibang wika, bagkus ang inililipat ay A. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.. A. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Sa madaling salita, ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.. A. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Nagagawa ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal (Theodore Savory, 1968) Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal (Gregorry Rabasa) A. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003) KAHULUGAN NG PAGSASALIN Nida (1964;sa Almario,et al.,1996 sa Bernales,et al., 2014) Translation consist of producing in the receptor language the closest, natural equivalent of the message of the source language, first in meaning and second in style KAHULUGAN NG PAGSASALIN Newmark (1958;sa Almario,et al.,1996 sa Bernales,et al., 2015) Translation is an excercise which consists in the attempt to replace a written message in one language by the same message in another language. KAHULUGAN NG PAGSASALIN Catford (1965;sa Santiago,2003; sa Bernales,et al., 2014) Translation may be defined as the replacement of textual material in one language (source language) by equivalent textual material in another language ( target language) Larson,1984;sa Almario,et al.,1996 sa Bernales,et al., 2014 Transalation is reproducing in the receptor language a text which communicates the same message as the source language but using the natural grammatical and lexical choices of the receptor language. Mga Paraan ng Pagsasalin ayon kay John Drayden Metaphrase. Ito ang literal na paglilipat ng isang awtor ang salita sa salita at linya sa linya tungo sa ibang wika. Paraphrase. Ito ang pagsasalin sa kahulugan ng sinabi ng awtor ngunit sa paraang nababago at nadadagdagan ang kanyang wika. Imitasyon. Ito ang ganap na kalayaang lumihis sa salita at kahulugan ng awtor kaya nagdudulot lamang ng pangkalahatang pahiwatig mula sa orihinal B. Mga Simulain sa Pagsasalin 1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong gumagamit nito. 2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakayahan. 3. Ang salin ay kailangang matanggap ng bagong mambabasa. 4. Ang pagsasaling Ingles-Filipino, kailangang bigyang-halaga ang nagbabagong anyo ng wikang Filipino. 5. Sa pagsasalin, isaisip ang pagtitipid ng mga salita. 6. Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan lamang kung ito ay nakapaloob sa pahayag. C. Mga Konsiderasyon sa Pagsasalin 1. LAYUNIN Kung ang isang akda ay naglalayong magbigay ng kasiyahan sa mambabasa, ang salin ay nararapat na kakitaan din ng naturang layunin. Hindi dapat na mag-iba ang reaksiyon ng mambabasa ng orihinal at salin. 2. MAMBABASA Dapat ay may tiyak na tatanggap ng teksto dahil ang uri ng mambabasa ng salin ay makakaimpluwensiya din sa magiging anyo ng salin. 3. ANYO Kung tula ang isasalin, nararapat lamang na tula pa rin ang anyo ng salin,gayundin ang nobela ay hindi maaaring maging maikling kwento sa salin. 4. PAKSA Mahalagang kilalaning mabuti ng isang nagtatangkang magsalin ang akdang kanyang nais isalin. Hindi maaaring habang siya ay nagsasalin ay tila naangangapa siya sa dilim. 5. PANGANGAILANGAN Isang katotohanang napakaraming obrang naisulat sa ibang wika ang kailangang mabasa at mapahalagahan din sa ibang wika kung kaya’t mahalagang gawin ang pagsasalin. Kung hindi kailangan ng salin huwag magsalin. D. MGA PARAAN NG PAGSASALIN Newmark (sa Almario,et al.,1996 sa Bernales,et al., 2014) Unang pangkat ay kiling Ikalawang pangkat ay sa sa orihinal na wika target na wika Sansalita-Bawat-Sansalita Adaptasyon Literal Malaya Matapat Idyomatiko Semantiko Komunikatibo A. Sansalita-Bawat-Sansalita  word-for-word translation  Kung ito ang tanging paraan na gagamitin, tiyak na magbubunga ng kalituhan sa bagong mambabasa.  Maaaring gamitin sa pagsisimula ng gawain, sa prosesong tinutuklas ang kahulugan ng orihinal. B. Literal  Ang kakayahan ng isang tagasaling unawain ang kalaliman nng wika ng orihinal at hanapin ang katumbas nito sa target na wika ang nangingibabaw.  Isinasalin ang mensahe sa pinakamalapit na natural na katumbas na nagbibigay-halaga sa gramatikal na aspekto. C. Matapat  Ginagawan ng solusyon ang mga balakid at suliranin nang hindi isinasakripisyo ang orihinal at hindi naman nilalapastangan ang salin.  Ginagamit ng tagasalin ang lahat ng kanyang kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika. D. Semantiko  Pinangingibabaw ang pagiging katanggap- tanggap ng salin sa mga bagong mambabasa.  Pagtiyak na natural sa pandinig at paningin ang salin at hindi lumalabag sa paniniwalang katanggap-tanggap E. Adaptasyon  Tila isinasantabi ang orihinal.  Maituturing na pamamaraang malayo sa orihinal  Karaniwang nagaganap sa pagsasalin ng mga tula.  Ginagamit lamang ang orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong akda. F. Malaya  Inilalagay ng tagasalin sa kanyang kamay ang pagpapasya kung paano isasalin ang mga bahaging maituturing na may kahirapan.  Minsa’y napapahaba ang salin dahil sa labis na katapatan sa teksto at nababale-wala ang konteksto.  Hindi na iniisip kung ang salin ay tapat sa orihinal. G. Idyomatiko  Ang kakayahan ng isang tagasaling unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at hanapin ang katumbas nito sa target na wika ang nangingibabaw.  Hindi nalilimita ng anyo,estruktura at ng literal na antas ng salita ang tagasalin. H. Komunikatibo  Naililipat niya ito sa paraang madaling tanggapin ng mga bagong mambabasa dahil ang ginagamit niya ay karaniwan at payak.  Hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakahulugan ang tagasalin ngunit maging sa konteksto ng mensahe E. MGA KATANGIAN NG TAGASALIN Nararapat na magkaroon ng sapat na kakayahan at kasanayan ang tagasalin. Hindi sapat na nakapagsasalita ng dalawang magkaibang wika upang makapagsalin na. Hindi rin maaaring sabihing kahit na anong teksto ay maaaring maisalin. Kailangan ng mataas na antas ng kakayahan sa dalawang wikang sangkot sa gawaing pagsasalin gayon din ang maingat na pagpili ng tekstong isasalin. Katangian ng tagasalin ayon kay Nida (1964 )at Savory( 1968) 1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. 3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Pansinin na maraming pagkakataon na hindi natin maisalin nang maayos sa Filipino ang isang kaisipang nasusulat sa Ingles sapagkat ginagamit nating kasangkapan ang Filipino sa pagpapahayag ng kaisipang nakabuhol sa kulturang dayuhan. Halimbawa: “He plants some rice.” “He cooks some rice.” “He eats some rice.” F. MGA TUNGKULIN NG TAGASALIN 1. Pagbasa at pag-unawa sa teksto. ang unang mahalagang tungkulin ng isang tagasalin ay tuklasin ang kahulugan ng isang akda sa pamamagitan ng maingat na pagbabasa ng teksto. 2. Paghahanap ng tumpak na anyo upang muling maipahayag ang mensahe ng akda. sa sandaling binabasa ng isang tagasalin ang orihinal na teksto, unti-unting nabubuo sa kanyang isipan ang posibleng salin ng teksto. 3. Muling pagpapahayag ng mensahe sa bagong wika ang hangad ng isang tagasalin ay maging tanggap sa bagong mambabasa ang salin. G. PAGSASALIN NG TULUYAN O PROSA Akdang Tuluyan o Prosa  sanaysay  talumpati  nobela  maikling kwento  saliksik  lektyur  panayam Pangunahing problema sa pagsasalin ng mga akdang tuluyan: 1. problema sa idyoma 2. problema sa panghihiram 3. problema sa balangkas/kayarian ng mga pangungusap Magagamit ng tagasalin ang sumusunod na tatlong pamatnubay na tanong ni Savory (sa Santiago,2003): 1. Ano ba ang sinasabi ng awtor? 2. Ano ba ang kaniyang ibig sabihin? 3. Paano ba niya iyon sinabi? Tatlong batayang panuntunan ni Woodhouselee na dapat tandaan na bawat tagasalin 1. Ang salin ay kailangang magtaglay ng buong diwa o ideya ng orihinal 2. Ang estilo at paraan ng pagsulat ng salin ay kailangang maging katulad ng sa orihinal. 3. Kailangang taglayin ng salin ang luwag o gaan ng pagpapahayag sa orihinal Apat na Hakbang/Paraang Segmentasyon 1. Paghahati ng mga pangungusap sa mga segment. Tinatawag din itong thought units o translational units. Three years ago,/ I left America/in grief/ to burry my husband,/Ninoy Aquino./I thought/I had left/also to lay to rest/his restless dream/of Philippine freedom./Today,/I have returned/as President/of a free people. 2. Pagsasalin ng bawat segment. Karaniwang pagkakamali ng marami ang paghinto sa hakbang na ito. hindi iyon maaari dahil anng salin sa hakbang na ito ay hilaw na hilaw pa. Tatlong taon ang nakalipas,/nilisan ko ang America/na nagdadalamhati/upang ilibing ang aking asawa,/Ninoy Aquino./Akala ko,/nilisan ko ito/upang ipahinga na rin/ang kanyang ‘di mapalagay na pangarap/ng kalayaan ng Pilipinas./Ngayon,/ako ay nagbalik/bilang Pangulo/ng isang malayang mga tao. 3. Pagsasaayos ng mga saling segment. Sa pagsasaayos ng salin, maaaaring gawin ng tagasalin ang paglilipat, pagbabawas,pagdaragdag at/o pagpapalit ng mga salita. Tatlong taon ang nakalipas,nilisan ko ang America/na nagdadalamhati/upang ilibing ang aking asawa,/Ninoy Aquino./Akala ko,/nilisan ko iyon/upang malimot na rin/ang kanyang marubdob na pangarap/ para sa kalayaan ng Pilipinas./Ngayon,/ako ay nagbalik/bilang Pangulo/ng isang malayang sambayanan. 4. Pagsasama-sama ng nabuong mga pangungusap. a. pagsusuri kung kohirent ang mga pangungusap b. pag-alam kung may mga salitang paulit-ulit na kailangang kaltasin o palitan. c. pagsusuri kung may mga pangungusap na maaaring pag-isahin d. pagsususri kung may pangungusap na dapat gawing dalawa o higit pa upang maging malinaw ang diwa. Tatlong taon ang nakalipas, nagdadalamhati kong nilisan ang America upang ilibing ang aking asawa,si Ninoy Aquino.Akala ko’y nilisan ko iyon upang limutin na rin ang marubdob niyang pangarap para sa kalayaan ng Pilipinas.Ngayon,ako ay nagbalik bilang Pangulo ng isang malayang sambayanan. H. PAGSASALING INGLES- FILIPINO 1.Basahin muna nang buo ang isasalin upang maunawaan ang pangkalahatang diwang napapaloob dito bago magsalin; 2. Isagawa ang unang borador ng salin; 3. Iedit o pakinisin ang salin; 4. Ipabasa sa iba nang malakas ang salin; at 5. Rebisahin ang salin at/o ipaedit sa iba. J. PANGHIHIRAM Ang panghihiram ng mga salita o kataga mula sa orihinal na wika ay hindi pagsuko ng target na wika. Ito ang nagiging daan sa paglago ng bokabularyo ng ano mang wika. Mga Ilang Konsiderasyon bago Manghiram ayon kay Almario,et al. (1996;sa Bernales,et al., 2014) 1. Larawang parirala 2. Tumbasang panlahat-tiyak 3. Salitang wala sa kultura 1. Larawang parirala. Sa mga pagkakataong walang tiyak na katumbas ang kaisipan mula sa orhinal na wika, mainam na lumikha ng larawan ng orihinal ang tagasalin sa pamamagitan ng isang parirala o pangungusap. Halimbawa: Zoology Tagalog- Pag-aaral ng mga hayop 2. Tumbasang panlahat-tiyak. Sa paghahanap ng katumbas, maaaring ang kaisipang panlahat sa orihinal na wika ang maging kaisipang tiyak sa target na wika. Ito ay hindi maiiwasan lalo na kung ang konseptong tinutukoy ay hindi bahagi ng kultura ng target na wika. Halimbawa: rice He ate rice. - Kumain siya ng kanin. 3. Salitang wala sa kultura. Walang dalawang wika ang magkatulad na magkatulad dahil walang dalawnag kultura ang magkatulad na magkatulad. Kaugnay nito, maaasahang may mga kaisipang bahagi ng isang kultura ang wala sa isang kultura. Maaaring bumuo ng laarawang parirala ang tagasalin. Halimbawa: ( Ama Namin) Give us this day, our daily bread. Tagalog- Bigyan mo po kami ng Dalawang uri ng Panghihiram 1. Panghihiram na kultural ito ay madalas na nagaganap dahil sa pagiging magkaiba ng kultura ng dalawang wikang sangkot sa gawaing pagsasalin. tuwirang hinihiram ang salita nang walang pagbabago. halimbawa: pinakbet,saluyot at dinengdeng na hiram sa Ilokano. 2. Panghihiram na polotikal uri ng panghihiram na bunsod ng pagiging makapangyarihan ng orihinal na wika sa target na wika. halimbawa: wikang Kastila at wikang Filipino. sibuyas, kamusta,mesa,komidor,kwelyo K. PAG-EEBALWEYT NG SALIN Dalawang bahagi ng proseso ng pagsasalin a. aktwal na pagsasalin b. pag-eebalweyt o pagsubok sa salin Ayon kay Santiago (2003), ang pagsubok o pag-eebalweyt ng salin ay nangangahulugan ng pag-alam sa iba’t ibang maaaring kahinaan nito tulad ng sumusunod: 1. Kung ang diwa ng salin ay tulad ng orihinal. 2. Kung may malabong diwa sa salin. 3. Kung may mga salitang malalim. 4. Kung may masalimuot na mga balangkas ng pangungusap. 5. Kung may mga salitang lipas na o sinauna. 6. Kung natural ang salin at hindi halatang salin. 7. Kung gumamit ng mga artipisyal na salitang hindi naman ginagamit, hindi nauunawaan ng madla at kakatwa. 8. Kung hindi konsistent ang ipinanumbas na salita sa mga partikular na salita. Mga Paraan ng Pagsubok ng Salin 1. Readability test. Pagpapabasa ito nang malakas sa iba( mas mabuti kung isa o ilan sa pinag-uukulang pagkat) ng salin. Maaaring i-record ang gagawing pagbasa. Maaari ring gawin nang tahimik ang pagbasa at ipamarka ang mga bahaging hindi naunawaan. 2. Pagbabalik-salin o Back translation- ito ay mailalarawan sa sumusunod na hakbang: a. Orihinal b. salin c. balik sa orihinal na wika 3. Comprehension Test- pagsukat ito sa pag- unawa ng mambabasa sa salin. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG MGA GURO NG Panuto: Isalin ang mga sumusunod na salita ayon sa pamantayan ng isang tagasalin. 1. John bought a candy for Mary 2.He ate a cup of rice 3.The farmers harvested rice 4.He bought a kilo of rice 5.Tell the children to return to their seats. 6.His paper was soaked in water. 7.Jose watered the plants 8.The plants were watered by Jose 9.Her heart is as white as snow 10.Pedro saw a movie.