Lecture 5_Krisis ng Pamayanang Pilipino, 1588-1663 PDF

Summary

Lecture 5: Krisis ng Pamayanang Pilipino (Crises of the Filipino Community) 1588-1663. This lecture details the crises faced by the Filipino community during the period of 1588 to 1663, including social, political, and economic challenges.

Full Transcript

Krisis ng Pamayanang Pilipino 1588-1663 Krisis ng Pamayanang Pilipino Tadhana ng Estado ni Raha Sulayman (1588 - 1602) Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Krisis ng Pamayanang Pilipino Nakabase sa estadong bayan ni Sulayman, magsisimulang m...

Krisis ng Pamayanang Pilipino 1588-1663 Krisis ng Pamayanang Pilipino Tadhana ng Estado ni Raha Sulayman (1588 - 1602) Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Krisis ng Pamayanang Pilipino Nakabase sa estadong bayan ni Sulayman, magsisimulang magpalawak ng teritoryo ang kapangyarihang Kastila sa Pilipinas noong 1588 nang masugpo ang Sabwatan ng Tondo. Sa pulitika, nagulo ang dating pagkakaayos ng kapangyarihan ng mga radya at datu. Ang datu ay naging gobernadorcillo at ang mga maginoo at ilang timawa/maharlika ay nakipagsabwatan sa mga prayle at, bilang mga natuto at marurunong magKastila krisis na rin sa kaayusan ng lipunan: naging nakatataas na uri ang mga Kastila, sa ibabaw ng gitnang uring binubuo ng mga nakikipagtulungan mula sa dating mga maginoo at ilang timawa/maharlika. Barangay Walang sentrong administratibo “The Spanish chroniclers endlessly repeated that the Filipinos lived without polity, sin policia, and for them that term was a synonym for barbarism” (Phelan, The Hispanization of the Philippines, p. 44) Bagamat ganito ang tingin ng tagalabas, malinaw na may mga estadong etniko na at mga kompederasyon ng mga Datu sa ibat ibang mga pook sa Pilipinas. Hari ng Espanya Pamahalaang Kolonyal Ehekutibo Panghukuman (Gobernador Heneral) (Royal Audencia, Residencia, Visita) Probinsyal na hindi pa Pangbayan Probinsyal Pasipikado buong hawak ng mga (Ayuntamiento – (Alcaldia – Alcalde Mayor) Espanyol Cabildo/Konseho) (Corrigimiento – Pueblos Corregidor) Cabildo (Gobernadorcillo) Konsehong Pangsyudad -Alcalde (Mayor) -Regidores (Konsehal) Barrios -Alguacil Mayor (Hepe ng Pulis) (Cabeza de Barangay) -Escribando (Sekretarya) Barrios (Cabeza de Barangay) Maginooo Maharlika Peninsulares /Timawa Insulares/ Alipin/ Filipino/ Uripon Creoles Principalia / Meztiso Indio Tagalabas: Tulisanes, Vagamondos. Cimmarones etc. Chua, 2014 Chua, 2014 Krisis ng Pamayanang Pilipino Sa ekonomiya, pumasok ang mga encomiendas na ginagamit na pangtustos sa mga gastusin ng mga namumuno. Sa mga pagbabagong ito, nawalan ng mga lupa ang mga nakararaming timawa at napalaya o “tinimawang alipin” at naging mga bayarang magsasaka (Sakada/Obrero) na lamang sila. Itinatag ang mga ciudades (Sugbu, Maynila, Arevalo, Nueva Caceres) at mga villas (Fernandina, Nueva Segovia) bilang mga sentro ng isang pangkapuluang sistemang pulitiko-administratibo na ang pinakasentro ay ang dating estadong bayan. Encomienda at Tributo Encomienda – encomendar (to Proteksyon entrust) Relihiyon Pabuya sa mga conquistador Instruksyon (Royal, Eklesyastikal, Pribado) Kabuhayan para sa mga Kastila: Pandaraya at Pagpiga sa mga Pilipino mekanismo ng paniningil ng tributo Pwersahang pagtatrabaho Tunggalian sa pagitan ng simbahan at pamahalaan Pagkuha ng mga produkto ng mga Pilipino ng walang anumang bayad SISTEMANG TANORES Pang-aalila Pagbuhay sa institusyon ng pang aalipin sa pagpapautang na kung hindi makakabayad ay magiging katulong ang may utang o anak nito (Hernandez, 2010) Pagkakataon para sa molestasyon ng mga kabataang babae Kimuell-Gabriel, 2014 Tributo Tributo – karaniwang buwis ng mga Pilipino na 8 reales (18-50 anyos) Sanctorum – buwis sa simbahan 3 reales Donativo – buwis para sa kampanya sa mga Muslim ½ reales Caja de Comunidad – 1 reales para sa pagpapagawa ng mga daan, tulay POLO Y SERVICIOS Pagkuha ng mga Troso Pagtatrabaho sa Galyon Pagsasagwan sa mga Bangkang Pandigma Paggawa ng mga Gusali at Simbahan Sistemang Bandala Paraan ng pagkakakitaan ng Pamahalaan batay sa pwersahang pagbili ng pamahalaan sa mga produktong agrikultural ng mga magsasakang Pilipino. Naglalagay din ng quota ang pamahalaan sa kada probinsya na siyang dapat ay sasapat ang magiging ani ng mga magsasaka upang maabot ang quota Madalas na ang binabayad lamang ng pamahalaan ay promissory notes dahil sa walang pondo ang pamahalaan, na siyang resulta na hindi kumikita at nalulugi pa nga ang mga magsasakang Pilipino Mula Tungong Pueblo – isang organisadong bayan Villa – mas malaki kaysa pueblo ngunit mas kompleks ang sistema ng pamamahala Ciudad – mas malaki sa villa at pinakakompleks ang administrasyon. Krisis ng Pamayanang Pilipino Ang sistema ay pinalakas sa pamamagitan ng pagsisiguro nito sa dakong timog (Mindanao, Sulu, Brunei at hanggang sa Indo-Tsina). Malaki rin ang kaugnayan nito sa pagsisiguro sa Kalakalang Galyon. Kinabaka ng mga Pilipino (higit sa lahat ng mga Muslim) ang bagong sistemang pangestado na nakasentro sa dating kasakupang pang-estado. Sa kabila nito, maitatatag pa rin ang ilang mga bayan sa pamumuno ng mga Espanyol gaya ng Ternate (1603) at Zamboanga (1635), ngunit, dulot ng banta ng pamimirata ni Koxinga, kinailangang isentro ng mga Espanyol ang pwersa nito sa Maynila na siyang naging malaking daan para muling makuha ng mga Muslim ang mga naitatag na bayan sa Mindanao. Tadhana ng Estado ni Raha Sulayman (1588 - 1602) Sa kabila ng lumalakas na puwersa ng mga Kastila sa Maynila, ang mga estadong hindi pa nila naabot ay nagpatuloy sa kinagawiang pakikipag- ugnayan sa isa’t isa at sa ibayong dagat. Ang pagsulpot ng puwersang Kastila sa Timog ay naging sanhi rin ng pagbubuklod ng mga estadong etniko/sambayanan sa Mindanao at Sulu. Nang mahawakan na ng mga Espanyol ang Maynila, ipinasok ng mga Kastila ang Kristiyanismo upang mapadali ang paglaganap ng kanilang kultura at ang pagsakop sa bansa. Nagtayo sila ng mga gusali, gumawa ng mga armas at sasakyang dagat. Binago rin nila ang mga ruta ng kalakalan upang isentralisa sa Maynila. Tadhana ng Estado ni Raha Sulayman (1588 - 1602) Dahil sa malakas ang ugnayang Maynila-Brunei sa panahong ito, minabuti ng mga Kastilang putulin ang ugnayan ito sa pananalakay sa Brunei. Nagtagumpay ang mga Kastila ngunit nabigo naman dahil sa tinamaan ang hukbo ng Disenterya. Pinutol naman ang ugnayang kalakalan ng Maynila sa timog na bahagi ng Pilipinas, at isinentro ang kalakalan mula Tsina sa Maynila lamang at iniugnay ito sa ruta ng Kalakalang Galyon, tungong Acapulco – Cadiz Dulot ng nasabing pagkasentro ng kalakalang Tsina-Maynila, naipon sa Maynila ang mga Tsino na nagbunsod sa pagkabuo ng Parian sa labas ng Intramuros na magiging China Town. Pagpasok ng mga Orden Augustinian Order (1565) Franciscan Order (1577) Manila and Morong – CALABARZON. Jesuits (1581) Manila, Leyte, Cebu, Bohol, Samar and Mindanao. Dominicans (1587) Manila, Cagayan and Pangasinan. Recollect (1606) Manila, Bataan, Zambales, Mindoro, Masbate, Ticao, Burias, Romblon, Negros, and Mindanao. Sa Pagpasok ng mga Orden Magsisimula ang mga misyong pangrelihiyon sa pagsasalin sa mga Pilipino sa Katolisismo Kaalinsabay ng pagsasalin ay ang pagsusulat ng mga tala ng mga misyonerong Espanyol tungkol sa kultura at wika ng mga Pilipino kung kayat maililimbag ang ibat ibang Relacion at Vocabulario sa tulong na rin ng mga Pilipinong natutong magkastila (Ladino). 1593 1589 Tadhana ng Estado ni Raha Sulayman (1588 - 1602) Sa pagbagsak ng mga dating pinuno ng Tundo, ang mananatiling malakas na sentrong pulitikal ng dating kaayusan ay ang mga sultanato. Hinikayat ni Raja Buisan ng Maguindanao ang Datu ng Leyte na makipagsandugo sa kanila upang labanan ang mga Espanyol noong 1602 1602 ay nakipag alyansa si Datu Buisan kay Raja Sirongan ng Cotabato upang salakayin ang Cuyo at Calamianes. Matapos ang tatlong taon ay manunumpa sa Hari ng Espanya si Sirongan dahilan upang tanggalin ang alyansa nina Buisan at Raha Muda (Kudarat) kay Sirongan, at kalaunan ay magiging sakop ito ng magiging Sultan na si Kudarat noong 1619. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Dulot ng nabanggit nang pagbabago ng ruta ng kalakalan sa dating kaayusan (Mula Tsina-Pilipinas-Indo-Malaysia tungong Tsina-Maynila- Mexico-Europa) ikinagalit ito ng mga sultan at datu ng Sulu at Maguindanao, at nagbunsod ito ng mga pananalakay. Habang pinapalakas ng mga Kastila ang Maynila sa panahong ito, patuloy ang mga banta di lamang sa mga Muslim sa Mindanao, kundi maging ang kaalitan nitong mga Olandes. Dulot ng pag-aaklas ng mga Olandes sa Europa, sinalakay din nito ang mga Espanyol na nasa Pilipinas. Samakatuwid, may dalawang banta sa pamahalaang Espanyol, ang bantang panloob ng pananalakay ng mga Moro, at iba pang aklasang bayan, at ang digmaan nito sa mga Olandes sa panlabas na aspekto. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Dulot ng dalawang banta, nagkaroon ng matinding opensiba ang Maynila. Upang mas mapalakas ang depensa ng mga Kastila, nagpatayo ng mga Balwarte sa Maynila, at nagtatag ng mga presidio sa Dapitan at Butuan. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Panloob na Banta Pangayaw – laganap sa Pilipinas ang pangayaw sa panahong ito, at mas lumakas pa lalo na sa timog Pilipinas dahil sa pagkaputol ng ruta ng kalakalan sa timog. Gayundin, maging ang mga Camucones ng Tawi Tawi ay aktibo sa pangayaw sa panahong ito. Malakihang Pangayaw naman ang tugon ng mga Ilanun, Balangigi, Sama-Badjaw, Maranaw, at Maguindanaon Nariyan din ang mga pananalakay ng mga Negrillos sa Panay, at mga Zambal sa Pampanga. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Panloob na Banta Matapos ang mga pananalakay, kukunin ang mga kagamitang mapapakinabangan sa sinalakay na bayan nito, at kukunin din ang mga maaaring gawing alipin na maaaring ibenta sa mga karatig na lugar. Kung kaya’t tinagurian ng mga Espanyol ito bilang Pirateria o Pamimirata Ganito ang naging mga pangyayari noong 1602 sa lugar ng mga Pintados (Bisaya), Cebu, at Oton (Panay), sinasalakay ang mga ito ng mga Moro at napagtatagumpayan nila ang mga ito. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Opensiba ng Maynila (Panloob) : Katolisismo Malaking bahagi ang ginampanan ng mga misyonerong Espanyol sa pagsasalin sa Kristiyanismo ng mga Pilipino. Sa ganitong paraan din, maiibsan ang mga lugar na nagsasagawa ng pangayaw dahil sa hindi na ito ginagawa ng mga naging Katoliko kapagkadaka. Mapagsasama sama rin ang mga Pilipino noon sa proseso ng Reduccion. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Opensiba ng Maynila (Panloob) : Katolisismo Ang reduccion ang paglilipat ng mga Filipinong nasa maliliit at kalat- kalat na barangay sa isang lugar na madaling maabot ng mga prayle. Itinatayo sa lugar na ito ang isang simbahan, pamilihan, himpilang militar, at munisipyo o casa tribunal. (Hernandez, 2010) Dahil sa inintindi ng mga prayle ang wikang lokal, naging madali rin para sa mga Pari na ito ang pagkatuklas sa mga aklasang bayan dahil sa mga pangungumpisal ng mga tao sa kanya. Ang Hispanisadong Bayan: Maynila o Intramuros, ang dating estado ni Raha Sulayman Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Dahil sa banta ng pananalakay ng mga Sultanato ng Mindanao at Sulu, kaalinsabay din ang digmaan sa pagitan ng Kastila-Olandes, kinailangan magpagawa ng napakaraming mga kagamitang pandigma gaya ng mga galyon, na siyang nagbunsod ng malawakang polo y servicios upang magputol ng mga troso sa ibat ibang probinsya upang magamit sa pagpapagawa ng mga kagamitang pandigma, bukod dito ay bilang mga puwersang militar o maging tagasagwan sa mga digmaan. Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Panloob na Banta Pag aaklas ng mga Sangley (1603) Opensiba ng Estado ng Maynila (1602 - 1635) Madalas na kaisipan natin sa polo y servicios ay pagpapahirap na ginawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ngunit, may kaakibat dapat na bayad ang pagtatrabahong ito, sa kabilang banda, hindi ibinibigay ng mga Espanyol ang kabayarang ito sa mga nag popolo sa Pilipinas, at bukod dito, malayo ang lugar kung saan sila dinadala at nagiging dahilan ito para hindi nila magawa ang kanilang gawain sa mga sakahan. Nagbunsod ng ibat ibang mga aklasang bayan ang ganitong pagpapahirap na ginawa ng mga Espanyol. 1635 ay maitatatag ang Zamboanga, ngunit hindi rin magtatagal ay aatras ang mga ito dulot ng banta ng pamimirata ni Koxinga. Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Upang supilin ang pagsasalakay mula sa Mindanao, nagtatag ng mga kuta ang mga Kastila sa Timog. Ang kuta sa Zamboanga ay itinatag noong 1635 kasabay ng pagsimula ng misyong Heswita sa Mindanao at ng pagsakop sa Ternate (Silangang Indonesya). Dahil sa kakulangan ng gagawa para sa kuta, ipinadala ang mga manggagawa mulang Kabite, Cebu, Bohol at Panay sa ilalim ng Polo y servicio Ang Lanao at Jolo ay sinalakay rin at pansamantalang inokupa ng mga Kastila noong 1637-1638. Ang mga pananalakay at pagsakop na ito, kasama ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ay nag-udyok sa mga Muslim na lalo pang atakehin ang mga teritoryong napasa-Kastila sa Mindanao, sa Kabisayaan at hanggang sa Luzon mismo. Naglunsad si Muhammad Dipatuan Kudarat ng isang jihad, isang digmaang banal, noong 1656. Real Fuerte de San José (1635) Real Fuerte de Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza(1719) Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Dulot ng pagkakatatag ng mga Espanyol sa Zamboanga noong 1635, magsisimula ang pagsakop sa mga karatig bayan nito gaya ng Magindanao sa utos ni Gob. Hen. Sebastian Hurtado de Corcuera, at sinimulang salakayin ang Lamitan noong Marso 13, 1637. Umatras sa mga kuta si Kudarat at mga kasamahan nito at muling sinalakay ng mga Espanyol ngunit hindi pa rin nahuli si Sultan Kudarat, matapos ng mga pananalakay ay bumalik ng Maynila sina Corcuera at sinasabing nagwagi ang mga ito kahit hindi nila nadakip at nagpapatuloy pa rin ang Sultanato ni Kudarat. Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Matapos ng mga pananalakay na ito, binuo ni Sultan ang Konpederasyon ng mga Muslim sa Mindanao na siyang naging dahilan para hindi magtagumpay ang mga pananalakay ng mga Espanyol. Dulot ng kagalingan sa pananalita at mga pagpapaliwanag ni Kudarat sa naging karanasan ng Luzon at Visayas, nagsama sama ang mga ibat ibat grupong etnikong Muslim sa Mindanaw. Sa Anino ni Sultan Kudarat (1635 - 1663) Hindi nagtagal ang pananatili ng mga Kastila sa Mindanao. Noong 1663, umatras ang mga ito sa takot kay Koxinga, isang piratang Intsik. Dinepensahan nang tuluyan ang Maynila at nilisan ng mga Kastila ang Ternate, Zamboanga at Dapitan. Dulot ng pag-atras ng mga Espanyol sa Maynila, naibalik sa dating kaayusan ang mga pamayanang minsang napagtayuan ng kuta ng mga Espanyol, at nanatili ang pagdepensa ni Sultan Kudarat dito hanggang sa kanyang kamatayan sa katandaan noong 1671. Nagbunga ito ng pansamantalang katahimikan ng mga sultanato; at bumalik lamang ang mga Kastila noong 1718. Krisis ng Pamayanang Pilipino Ang Krisis ng Pamayanang Pilipino ay magreresulta sa pagkakahati ng mga bayang Pilipino sa tatlong grupo: 1. Taal na Salansang Pagkasaysayan at Pang estado 2. Nabagong taal na salansang pangkasaysayan at pang estado sa hulmang Islamiko 3. pinakabagong salansang pangkasaysayan at pang estado. Ang tatlong estadong ito ang siyang pagmumulan din ng pagkakahati sa katawagan sa mga Pilipino bilang Moro (Muslim na Pilipino), Infieles (Pilipinong hindi nasakop ng mga Espanyol at hindi rin naging Muslim), at Indio (mga Pilipinong naging Kristiyano. Infieles Indio Moro Krisis ng Pamayanang Pilipino Resulta rin sa panahong ito ang pagbabago ng pulitika, ekonomiya, at panlipunang aspekto. Pagtatayo ng mga Simbahan at pagtatatag ng mga Diocese sa Pilipinas, at pagpapakilala ng relihiyong Katoliko sa ibat ibang gawain tulad ng Pagsisimba, mga pista, pasko, semana santa, at pasyon. Panahon din ng pagsisimula ito ng mga pagkubkob sa mga Babaylan upang maipalaganap ang Kristiyanismo ng mga Misyonerong Espanyol at kalaunan ay maglilimbag pa (1593) ng Doctrina Cristiana Krisis ng Pamayanang Pilipino Pagkuha sa mga lupain ng mga katutubo, at ang pamahalaang Espanyol ang magsasagawa ng pagsasalegal ng pagmamay ari ng mga lupain sa Sistema ng Encomienda Pagmomonopolisa sa ekonomiya sa pamamagitan ng Kalakalang Galyon Pagbabago ng uring panlipunan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser