Kontemporaneong Programang Panradyo (Baitang 8)

Summary

This document is a presentation about contemporary radio programming for 8th grade. It covers learning competencies, radio broadcasting terms, types of radio broadcasting, and more. The presentation is in Tagalog.

Full Transcript

KONTEMPORANEONG PROGRAMANG PANRADYO Baitang 8 l Bb. Jocelyn Legaspi LEARNING COMPETENCIES: 1.Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng kausap. 2.Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag. 3.Nabibigyan ng kahulu...

KONTEMPORANEONG PROGRAMANG PANRADYO Baitang 8 l Bb. Jocelyn Legaspi LEARNING COMPETENCIES: 1.Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng kausap. 2.Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag. 3.Nabibigyan ng kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting. 4.Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan. KONTEMPORANEONG PROGRAMANG PANRADYO Ayon sa Philippine Statistics Authority, radyo ang ikalawa sa pinakaginagamit at pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon sa Pilipinas. Sa katunayan, noong 2013 ay tinatayang dalawang- katlong bahagi ng populasyon ng bansa ang nakikinig ng radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig sa loob ng isang linggo. MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAKIKINIG NG RADYO ANG MGA TAO. Una, ang makasagap ng balita lalo na sa mga taong nakatira sa liblib na lugar. Radyo ang pangunahing pinagkukunan nila ng impormasyon. Ilan sa mga programang panradyo ay ang DZMM, DZBB Super Radyo, DZRH at marami pang iba. MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAKIKINIG NG RADYO ANG MGA TAO. Pangalawa, panawagan. Malaki rin ang tulong ng mga programa sa radyo lalo na sa pananawagan ng mga nawawalang kapamilya. MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAKIKINIG NG RADYO ANG MGA TAO. Pangatlo, musika. Hanggang sa kasalukuyan ay patok pa rin ang iba’t ibang FM Radio Station tulad ng Love Radio, Wish FM, at iba pang himpilan na nagpapatugtog ng mga paboritong awitin ng masa sa iba’t ibang panahon sa tulong ng mga DJ. MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAKIKINIG NG RADYO ANG MGA TAO. Pang-apat, hindi lamang telebisyon ang may tinatampok na drama. May mga drama rin sa radyo na sinusubaybayan ng mga tao. MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAKIKINIG NG RADYO ANG MGA TAO. Panglima, ang mga talakayan ng mga radio anchors kung saan sila ay nagbibigay komentaryo o opinyon sa isang napapanahong isyu. Malaki ang impluwensiyang hatid nila sa mga tao sapagkat nakapanghihikayat sila at nakapagpapabago ng pananaw ng kanilang mga tagapakinig. RADIO BROADCASTING ay ang komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves upang maghatid ng musika, balita, at iba pang uri ng programa ng isang istasyon sa maraming indibiduwal na tagapakinig. (Skretvedt, R. and Sterling,. Christopher H., 2018) TAGAPAGBALITA AT KOMENTERISTA SA RADIO Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ito, nakakaimpluwensiya sila nang malaki at malawakan sa kabuuan ng lipunan, katulad na lamang ng panawagan nila sa pagliligtas sa kalikasan. ISKRIP taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting. Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director, tagaayos ng musika (musical scorer), editor, at mga technician. MG A U RI NG RAD IO BROADCASTING 1.PUBLIC RADIO O RADYONG PAMPUBLIKO kung saan purong pagbabalita lamang at walang halong patalastas. Karamihan sa mga pampublikong radyo na ito ay gobyerno ang nagmamay-ari. Kadalasan ito ang nagiging pamamamaraan ng pamahalaan upang makapaghatid ng impormasyon sa kanyang mga nasasakupan. 2. C O MMERCIAL R A DIO O R A DYONG P ANGKOMERSIYO na naglalayong ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga ineendorsong produkto na pagmamay-ari ng mga pribadong sektor na naglalayong kumita. 3. COMMUNITY RADIO O RADYONG PANGKOMUNIDAD na naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng isang komunidad. 4. C A MPUS R A DIO O R A DYONG P ANGKAMPUS kung saan ang istasyon ito ay eksklusibo lamang sa loob ng isang pamantasan o paaralan na naghahayag ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob ng kampus gayundin ang mga mahahalagang anunsiyo mula sa mga namumuno ng eskuwelahan. MGA SALITANG GINAGAMIT SA RADIO BROADCASTING a. Acoustics Kalidad ng tunog sa isang lugar b. Airwaves midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala ring spectrum. c. AM Nangangahulugang amplitude modulation; tumutukoy sa standard radio band. d. Amplifier Kakayahang baguhin ang lakas ng tunog. e. Analog isang uri ng waveform signal na diretcho o tuwid. f. Announcer ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga anunsyo g. Backtiming ito ang pagkalkula ng oras bago marinig ang boses sa isang kanta upang kapag dinugtungan ito ng kanta. h. Band lawak ng naaabot ng pagbobroadcast. i. clutter lubhang maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismong programa na sunod sunod na pinapatugtog j. feedback isang nakakairitang tunog na nililikha ng pagtatangkang palakasin ang ispiker sa paglalapit dito ng mikropono. k. FM isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternating current l. frequency ang teknikal na kahulugan nito ay ang electromagnetic wave frequency m. interference tunog na tila may naggigisa dahil sa pagbobroadcast ng dalawanh]g estasyon ng radyo sa iisang band n. mixing ito ang pagtitimpla at pagtiyak ng tamang balanse ng tunog o. open mic isang mikroponong nakabukas sa partikular na oras p. playlist opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin ng isang estasyon sa isang takdang araw o linggo q. queue hanay ng mga patalastas na pinagsunod-sunod r. ratings tantiya ng dami ng tagapakinig sa isang programa ng ipinapakita sa anyo ng porsiyento ng mga taong isinarbey s. share bilang ng taong nakinig sa isang istasyon sa takdang panahon t. sign-on ang oras na ang estasyon ng radyo ay nagsisimula sa pagbobroadcast nito. u. simulcast ang pagbobroadcast ng iisang programa sa dalawa o higit pang magkakaibang estasyon v. sound byte kapirasong boses ng isang tao na kinuha mula sa isang interbyu na isinasama sa isang balita w. streaming ang paglilipat ng audio patungong digital data at pagsasalin nito sa internet x. transmitter ang pinanggagalingan o tagalikha ng signal sa isang transmission medium y. voiceovers isang teknik pamproduksiyon na pinagsasalita ang isang tao na maaaring live o inirekord Isa sa mga trabaho ng radio anchors ang magbigay kuro- kuro sa isang isyu base sa mga detalye ng isang balita o usapin. Katotohanan ay ang pagpapahayag ng isang ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Mapapatunayan ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito. Sa pagpapahayag ng katotohanan maaaring gumamit ng sumusunod na pananda: batay sa resulta, pinatutunayan ni/ng, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa. Halimbawa: 1. Batay sa resulta ng botohan, si Anna Marie na ang bagong pangulo ng SSLG Council. 2. Pinatutunayan ni Ginoong Santos ang mga paratang laban sa suspek. 3. Mababasa sa 1987 Constitution ang iba’t ibang batas sa Pilipinas. 4. Sang-ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, magsisimula ang mga klase sa pampublikong paaralan sa ika-05 ng Oktubre. 5. Tinutukoy ng testimonya ni Don Juan na ang mga tagapagmana ng kaniyang mga ari-arian ay ang kaniyang mga anak at apo. Opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. Kung ikaw naman ay magpapahayag ng sariling pananaw o opinyon, maaaring gumamit ng pananda gaya ng sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, atbp. Halimbawa: 1. Sa aking palagay, hindi matutuloy ang pagsusulit bukas. 2. Sa nakikita ko, marami ang nagkakagusto kay Denmark. 3. Sa pakiwari ko mas gusto niya ang kaibigan ko kaysa sa akin. 4. Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na ako ang lumayo, kaysa ipagsiksikan ko ang sarili ko sa taong hindi naman ako ang gusto. Sa kabilang banda, maaring magpahayag ng isang opinyon ang isang tao kahit hindi ginagamitan ng mga hudyat o pananda. Halimbawa: Magaling siyang magturo. Ibig sabihin, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga ebidensiya samantalang ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling paniniwala lamang. Tandaan, bagamat ito’y isang paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang paghabi ng opinyon ay nakabatay sa kanyang karanasan o mga nabasang prinsipyo o kaisipan. hinuha o inference ay isang kilos o proseso ng pagkakaroon ng kongklusyon tungkol sa isang bagay mula sa mga kilalang katotohanan o ebidensya. (Merriam-Webster, 2021). Ito ay isang palagay, isang hula, sa salitang Ingles ito ay guess, hypothesis o inference. Ang paghihinuha ay pagbibigay-kahulugan o paliwanag sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman sa isang larawan o pangyayari base sa iyong obserbasyon. Kadalasan ay ginagamitan din ito ng mga kataga gaya ng sa hinuha ko, sa hinuha niya, mahihinuha na, hula ko, marahil, baka, waring, tila, maaaring at iba pa. Halimbawa: 1. Ang hinuha ko kung bakit siya nagagalit sa kaniyang ama ay dahil sa pag-iwan nito sa kanilang mag-ina. 2. Kung susuriin natin ang mga datos, mahihinuha na magagaling ang mga batang may sapat na kain sa akademikong gawain kumpara sa mga batang hindi nag- aalmusal. 3. Sabi naman ni Mario, ang hinuha niya kung bakit nagkasakit sa bato si Aira ay dahil sa pagkahilig nito sa maaalat na pagkain. Personal na Interpretasyon ay ang pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang bagay, lengguwahe, o iba pa, at ito ay ipinaliliwanag mo para sa mga ibang tao na hindi maintidihan ito. Ito ay nakabatay ayon sa sarili mong pananaw. Halimbawa: 1. Ang isang pagiging tahimik na tao ay hindi nangangahulugan na hindi sila marunong makipagkapuwa. Hindi lang sila sanay sa ingay. 2. Kapag ang tao ay nanaginip tungkol sa pera, ibig sabihin ay matindi ang kaniyang pangangailangan. 3. Makikita mo sa kislap ng kaniyang mga mata ang nais niyang iparating. Mga Pahayag Ay Puwedeng Positibo O Negatibo Masasabi nating positibo ang pahayag kapag nagsasabi ng kaaya-aya o may kagandahan ang hatid sa mambabasa. Ang mga positibong pahayag ay karaniwang ginagamitan ng mga panandang totoo, tunay, talaga, sadya at iba pa. Halimbawa: 1. Totoong mas maganda si Ana kaysa kanyang kapatid. 2. Tunay na malakas ang kaniyang loob dahil hindi siya nagpapaapekto sa mga bumabatikos sa kaniya. May mga pahayag na bagamat ginagamitan ng negatibong salita ay nanatiling positibo pa rin sa mga tagapakinig nito. Halimbawa: Ang hindi niya pagsipot sa kasal ay nagdulot sa babae na makahanap ng bagong pag-ibig. Negatibong Pahayag ay kabaliktaran sa inihahatid ng positibo. Ito ay mga pahayag na may diwang negatibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng nakararami. Ginagamit sa negatibong pahayag ang mga hudyat o panandang wala, ayaw, ngunit, subalit, hindi at iba pa. Sa kabilang banda, may mga pahayag na negatibo kahit hindi ito ginagamitan ng hudyat o pananda dahil sa diwa nito na hindi ayon sa diwa ng iba. Halimbawa: Depektibo ang nabili kong bagong cellphone. Sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahayag na nagpapakita ng katotohanan o facts, maiiwasan ang pagkalito ang isang indibiduwal sa kung ano ang tunay na nangyari na makakapagbigay paliwanag sa isyu o usapin. Magagamit niya itong batayan para sa pagbibigay pananaw o interpretasyon lalo na sa larangan ng pananaliksik.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser