Komunikasyon sa Akademikong Filipino.docx
Document Details
Uploaded by SharperQuatrain
Full Transcript
: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Nagagamit nang may lalong mataas na antas ng kasanayan at kahusayan ang Filipino sa akademikong pangangailangan. MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG-AARAL NG WIKA Pagbibigay kahulugan sa wikang Filipino Ang wikang Filipino ay maaaring pag-usapan at talakayin bila...
: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Nagagamit nang may lalong mataas na antas ng kasanayan at kahusayan ang Filipino sa akademikong pangangailangan. MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG-AARAL NG WIKA Pagbibigay kahulugan sa wikang Filipino Ang wikang Filipino ay maaaring pag-usapan at talakayin bilang” Isang wika Pambansang lingua franca Wikang pambansa Wikang opisyal Isang midyum Larangan ng edukasyon Larangan ng komunikasyon Isang disiplina o aralin Elementarya Sekundarya 101 Tersyarya Pambansang lingua franca, kung ginagamit upang magkaunawaan at makapag-ugnayan ang mga nag-uusap na may magkaibang katutubong wika na nagmula sa iba’t-ibang probinsya Wikang pambansa, ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV Seksyon 6 na nagsasaad: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal ng komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Wikang opisyal, ayon sa Seksyon 7: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.” Isang midyum, sa Sekyon 7, tiniyak ang mga wikang panturo. Bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang Department of Education, Culture and Sports (dating Ministri ng Edukasyon, Kultura at Isports) ng palisi sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s. 1987 (dating Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974). Layunin ng kautusan ang pagtatamo ng kompetens sa Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon. Pangarap ng kinauukulan na magkaroon ng kasanayan and buong sambayanang Pilipino sa wikang Filipino at kasanayan sa wikang Ingles upang matugunan ang pangangailangan ng bansa pati na rin ang pangangailangang global. Bilang disiplina, hindi lamang wikang panturo, kundi mga tiyak na sabdyek / aralin mula antas elementary hanggang kolehiyo Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag- ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Samakatuwid, wika ang behikulo n gating ekspresyon at komunikasyon na epektibong magagamit. Sa panahong maging ganap na ang pagkatuto ng tao ng kanyang wikang kinagisnan, nasa kanya na hindi lamang ang kakayahang bumuo ng anumang pangungusap na ibinabagay niya sa kahit ano pa mang sitwasyon kundi pati umunawa ng kahit ano ring pangungusap na maririnig niya sa unang pagkakataon sa kanyang wika. Kaugnay ng nabanggit na kaisipan sa Blg. 2, ang pag-aaral ng isang wika tulad ng Filipino ay binubuo ng dalawang kakayahan: 102 Kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila; tinatawag itong kakayahang panlinggwistika o linguistic competence Kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon; tinatawag itong kakayahang komunikatibo o communicative competence Ang isang ispiker ng wika ay nag-aangkin ng kakayahang panlinggwistika o linguistic competence dahil nasa kanyang subconscious ang kabuuan ng pamamaraan ng pagbuo ng salita, pangungusap, at kombinasyon ng mga ito. Samakatuwid ang mga patern at mga tuntunin sa pagbuo ng mga pangungusap ang grammar ng isang wika. Kaugnay ng kaisipan sa Blg. 5, mahalagang maunawaan na lahat ng wika ay may grammar at nahahati sa sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika. Ponolohiya – patern o kumbinasyon ng mga tunog sa loob ng isang wika Mga Ponemang Segmental—ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa o mabigkas Katinig—ipinakikita ang mga ponemang ito batay sa paraan ng artikulasyon (pamamaraan ng pagpapalabas ng hangin) at punto ng artikulasyon (bahagi ng bibig na ginagamit para makalusot ang hangin) Patinig—may limang pangunahing patinig ang Filipino (a, e, i, o, u); ang mga tunog /e/ at /i/, gayundin ng /o/ at /u/ -- ay mga tunog na maaaring magkapalitan na hindi nababago ang kahulugan ng salit. Hal. babae – babai; noon – nuon Diptonggo—pinagsamang tunog ng isang patinig (a, e, i, o, u) at isang malapatinig (w, y) Hal. bruha, droga, globo Mga Ponemang Suprasegmental—karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi mga simbolo laman upang matukoy ang paraan ng pagbigkas Diin Tono, intonasyon, punto Hinto / antala Alfabetong Filipino—may 28 letra; tulad din ng tawag sa ingles ang tawag sa bawat letra, maliban sa letrang ñ na bigkas- Kastila Silanikasyon—paghahati ng mga pantig sa wikang Filipino; mga halimbawang patern ng silabikasyon sa wikang ito: PKK - eks – tra KPKK - is – kawt KKPK - trak KKPKK- mag – drayb KPKKK- a – nawns – ment 103 Morpolohiya—may kinalaman sa pagbuo ng salita Mga paraan ng pagbuo ng salita Paggamit ng salitang ugat - sariwa Paglalapi - napaka-sariwa Pag-uulit - maganda-ganda Pagtatambal - silid-aklatan Mga pagbabagong morpoponemiko Asimilasyon pang + bansa = pambansa Pagpapalit ano + ano = anu-ano Paglilipat y + in + akap = yinakap = niyakap Pagkakaltas bili + han = bilihan = bilhan Pagdaragdag paalala + han = paalalahan; paalalahan + an = paalalahanan Pag-aangkop hintay + ka = teka Bahagi pa rin ng mga paraan ng pagbuo, pati ng pagpapalawak, ang mga bahagi ng pananalita ng wikang Filipino.Ginagamit sa iba’t ibang pagpapahayag ang mga sumusunod na saklaw ng pambalarilang kayarian (grammatical structures): Mga Salitang Pangnilalaman a. Mga Nominal b. Pandiwa c. Panuring Pangngalan - Pokus - Pang-uri Panghalip - Aspekto - Pang-abay Mga Salitang Pangkayarian (Functional Words) Mga Pang-ugnay Pangatnig Pang-angkop Pang-ukol Mga Pananda Pantukoy Pangawing Sintaks – pagbuo at pagpapahaba ng mga pangungusap Batayang pangungusap at mga bahagi nito: Panaguri Paksa Sa Filipino, normal o karaniwan ang pagsasabi muna ng panaguri, kasunod ang paksa tulad nito: Kumakanta si Martin Nievera. (Panaguri + Paksa) sa halip na: Si Martin Nievera ay kumnakanta. (paksa + ay + panaguri) Magagamit na panaguri ng pangungusap ang iba’t ibang bahagi ng pananalita, kabilang ang nominal, pang-uri, at pandiwa, at pang-abay, tulad ng mga sumusunod na halimbawa: 104 Pangungusap = Panaguri + Paksa Mga Nominal Pangngalan - Doktor + ang kapitbahay ko. Panghalip - Sila + ang barkada ko. Panghalip Pamatlig- Iyon + ang alaga niyang aso. Pariralang Nominal- Ang dalagang iyan + ang nililiyag ko. Pangungusap = Panaguri + Paksa Pang-uri Payak - Duwag + si Berto. Maylapi - Mataba + si Berto. Inuulit - Maligayang-maligaya + si Berto. Tambalan - Balat-sibuyas + si Berto. Pariralang Pang-uri- May makinis na balat + si Berto. Pandiwa Walang komplemento- Naglalaba +ang nanay. May komplemento- Naglilinis ng mesa sa kusina + ang nanay. (aktor,layon, taga-tanggap, ganapan, atbp) Pang-abay Pamanahon - Kamakalawa pa inilibing + ang napatay na sundalo. Pamaraan - Malikot matulog + ang sanggol Panlunan - Sa Baguio nagbakasyon + ang mag-anak. Magagamit na paksa (simuno, topic, pinag-uusapan, sentro, pokus ng usapan) sa pangungusap ang mga pariralang nomina. Inihuhudyat ng nauunang pananda o marker ang (para sa pangngalang pambalana), si / sina (para sa mga tangi o personal na pangalan) ang paksa ng pangungusap sa Filipino. Ginagamit ang ang sa anumang bahagi ng pananalita na ginawang nominal, maging ito ay pangngalan, pang-uri, pandiwa, o pang-abay. Pangungusap = Panaguri + paksa Pariralang Pangngalan = Nagwawalis + ang Metro Aide. Pariralang Pang-uri = Nagwagi + ang pinakamataas sa lahat. Pariralang Pandiwa = Isabay mo + ang mga nahuli. Pariralang Pang-abay = Binati ko + ang nanalo kahapon. Sa mga pangungusap na verbal (kung saan ang pandiwa ang panaguri), nagiging pokus ng pangungusap ang paksa pagkat nagkakaroon ng semantic na relasyon ang pandiwa sa paksa. Halimbawa: Batayang Pangungusap (BP) Naglinis (ng mesa) ang nanay (sa kusina). Sa BP na ito, nakapokus sa actor / tagaganap (ang nanay) ang pangungusap at mga komplemento naman “ng mesa” (layon) “sa kusina” (ganapan). Sa pagbabago ng panlapi, pansining maipopokus ang iba’t ibang komplemento tulad ng sumusunod: Pokus sa layon: Nilinis ng nanay ang mesa sa kusina. 105 Pokus sa ganapan: Pinaglilinisan ng nanay ng mesa ang kusina. Pokus sa sanhi: Ikinapagod ng nana yang paglilinis ng mesa sa kusina. Pokus sa instrumento: Ipinanlinis ng nanay ng mesa sa kusina ang tubig sa timba. Pokus sa direksyon: Puntahan mo ang kusina (na pinaglilinisan ng mesa ng nanay) Bukod pa sa batayang pangungusap, na binubuo ng kompletong panaguri at paksa, mayroon pang ibang uri ng pangungusap sa wikang Filipino: Pangungusap na Hango sa Batayang Pangungusap Nasa anyong tanong BP: Kumain na ang mga panauhin. Mga tanong ng hango sa BP Masasagot ng Oo o Hindi Kumain na ba ang mga panauhin? Kumain na ang mga panauhin di ba? Talaga bang kumain na ang mga panauhin? Ano, kumain na ang mga panauhin? Humihingi ng impormasyon Sino ang kumain na? Kailan kumain ang mga panauhin? Paano kumain ang mga panauhin? Saan pupunta ang mga panauhin? Ano ang ginawa ng mga panauhin? Ilang panauhin ang umalis na? Masasagot ng mayroon o wala May umalis na bang mga panauhin? Wala pa bang umalis na mga panauhin? Humihingi ng alternatibo Umalis na ba o hindi ang mga panauhin? Alin ang gusto mo: iyan o ito? Ano ang uunahin ko: ito ba o iyan? Mga pangungusap na tiniyak ang panaguri Batayang Pangungusap Hangong Pangungusap (BP) (HP) Bakla ang nakita niya. (Sino ang nakita niya?) Ang bakla ang nakita niya. (Tinitiyak kung sino ang nakita.) Mga konstruksyong binaliktad o inverted Inverted—ito ang tinutukoy na di-karaniwang ayos sa Filipino na malimit gamitin sa mga nasusulat na literatura at formal na rehistro. Pangungusap = Paksa + ay (‘y) + Panaguri BP: Nagmeryenda na si Nanang. 106 HP: Si Nanang ay nagmeryenda na. Iba pang konstruksyong binaliktad o inverted BP: Umalis na kahapon ang mga balikbayan. HP: Kahapon, umalis na ang mga balikbayan (hindi ngayon). Mga Pangungusap na naghahayag ng negasyon BP: Umakyat ang mga bata. HP: Hindi / Di-dapat umakyat ang mga bata. Ayaw kong umakyat ang mga bata. Huwag sanang umakyat ang mga bata. Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa Penominal - tumutukoy sa kalagayang pangkalikasan (Binubuo ng panaguring pandiwa na may kasamang pang-abay) Umuulan! Lilindol daw. Temporal - nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian (Binubuo ng pang-uri na may kasamang pang- abay) Mainit! Kay init ngayon. Eksistensyal - nagsasaad ng pagka-mayroon May mga mag-aaral na sa awditoryum. Alas diyes na. Lunes ngayon. Tag-araw. Bagong Taon na naman. Ka-pandiwa - nagsasaad ng katatapos na kilos Kaaalis lang niya. Pambating panlipunan- magagalang na pananalita ng pakikipagkapwa-tao Kumusta ka? Salamat. Panawag - panawag na pangkamag-anak Hoy! Pssst! Tena! Manang! Pandamdam - nagpapahayag ng matinding damdamin Aray ko! Sus! Aru! Ow, talaga! Modal - nangangahulugan ng “gusto” / “nais” / “ibig” Gusto kong matulog. Semantika – may kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap Nabanggit na sa simula na binubuo ang grammar ng wika ng pronolohiya, morpolohiya, sintaks at panghuli, semantika. Tumutukoy ang naunang tatlo sa pag- aaral ng anyo (form) at patern ng wika, tumutukoy naman ang semantika sa pag- aaral ng kahulugan mismo sa wika. Paano ang pagbibigay o nairerepresenta sa isipan ng tao ang kahulugan? 107 Denotasyon at konotasyon Halimbawa: PASKO Denotasyon: ika-25 ng Disyembre para sa mga kristyano, araw ng kapanganakan ni Kristo Konotasyon: panahon ng pagbibigay ng mga regalo, pagpunta ng mga inaanak sa ninong at ninang, karoling ng mga bata, pagkain ng bibingka at puto- bumbong Sinonim, antonim, polisemi at homofon Sinonim - mga salitang magkapareho ng kahulugan Halimbawa: payak-simple magbili-magtinda magkatulad-magkapareho Antonim - mga salitang magkasalungat ang kahulugan Halimbawa: mataas-mababa Maliwanag-madilim Polisemi - mga salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na magka- ugnay Halimbawa: Mataas ang marka ng anak ko sa Ingles. Nag-iwan ng marka ang kanyang kagat sa braso ng bata. Homofon - salitang magkapareho ng tunog o anyo subalit magkaiba ang kahulugan. Nagdudulot ng pagkalito o di kalinawan ang homofon sa pangungusap. Halimbawa: bangka Maliit na sasakyang pandagat na yari sa kahoy Taong tagabigay ng baraha sa isang klase ng sugal Pangungusap: Hindi pa dumarating ang bangka. Mahirap alamin ang konteksto. Sino / Ano ang tinutukoy? Ang sasakyang pandagat o isang manunugal. Parapreys - mga magkakaparehong kahulugan ng mga pangungusap ‘Kumanta ang koro ng mga lumang kanta’ ‘Mga lumang kanta ang kinanta ng koro’ ‘Naglaro ang mga bata ng basketbol’ ‘Nagbasketbol ang mga bata’ 108 Matapos na matalakay ang mga batayang kaalaman sa ilalim ng una, kakayahang panlinggwistika, dumako naman tayo sa ikalawa—ang kakayahang pangkomunikatibo sa pag-aaral ng wika. Hindi lamang naaayon sa kaalamang makagamit ng mga pangungusap na may wastong balarila kundi may kakayahan pa ring ipakita at gamitin ang alinmang gawi ng pakikipag-usap (speech behaviour or speech act) na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon ang kakayahang komunikatibo (communicative competence). Kung kahulugang komunikatibo ang susuriin sa isang pahayag, tiyak ba iuugnay ito sa tungkulin ng komunikasyon at ang kaugnay na gawi ng pagsasalita tulad ng ipinakikita ng sumusunod na tsart ni Gordon Wells. Tungkulin ng Komunikasyon (Functions of Communication) Gawi ng Pagsasalita (Speech or Communication Acts) A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba (Controlling function) Pakikiusap, pag-utos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay babala B. Pagbabahagi ng damdamin (Sharing feelings) Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon, pahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat K. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon (Getting factual information) Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pagsagot D. Pagpapanatili sa pakikipagkapuwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapuwa (Ritualizing function) Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin E. Pangangarap at paglikha (Imagining / Creating function) Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao, paghula Paano natin maipakikita na nagagamit natin ang wikang Filipino nang may lalong mataas na antas ng kasanayan at kahusayan? Naririto ang mga halimbawa ng mga inaasahang kasanayan (Belvez, et.al., 1990): Naisasagawa ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag o gawi ng pagsasalita kaugnay ng pagtugon sa iba’t ibang tungkulin ng komunikasyong kinakaharap sa pang-araw-araw na sitwasyon. Nagagamit ang angkop na pahayag sa pagdalo sa isang pagtitipon Nakakasali sa isang makabuluhang gawain ukol sa pagtatanong ng direksyon, tao o bagay. 109 Malinaw na naipapahayag ang iba’t ibang kaisipan ayon sa lugar o sitwasyong kinaroroonan Nasasabi nang malinaw at may paggalang ang pagpapagawa ng isang bagay o gawain Nasasabi nang mabisa ang mga iniisip at niloloob Nakapaghahatid at nakapaghaharap nang mabisa ng iba’t ibang impormasyon Naipapahayag at natutukoy ang mga saloobing moral. Naisasagawa ang wastong pakikipagkapwa Nakalilikha nang pasalita ng ilang tugma, kuwento, at patalastas Naisasagawa nang mabisa ang iba’t ibang gawaing komunikasyon sa pag- aaral. Nakakapakinig at nakalalahok sa isang talakayan ng panayam na napakinggan Nakapagsasagawa at nakasasagot sa isang interbyu Naibubuod ang balitang nabasa o napakinggan Nalalagom ang kuwento, editoryal o patalastas na narinig Nakapagbabalangkas at nakapag-uulat Nakapagbibigay ng isang panuto at paglalarawan Nakakasali nang mabisa sa isahang pagbigkas Nakapag-uusap tungkol sa mga tsart, grap, mapa, at larawang-guhit Natutukoy ang pangunahing paksa ng mga narinig na paglalahad Nakapagbibigay-katwiran, kuru-kuro o opinyon tungkol sa mga balita o pangyayaring narinig o nabasa Nakapagsasagawa ng isang biglaang pagpapahayag (extemporaneous speech) Nagsasabi nang makabuluhan sa isang pagpupulong Nakapagbibigay ng isang gawaing padikta (Gagamiting paksa rito ang iba’t ibang lawak ng pag-aaral sa kurikulum) Nakakapakinig at nakasasali sa iba’t ibang talakayan kaugnay ng ibang lawak ng pag-aaral sa kurikulum Naririnig nang may pang-unawa at natatalakay nang mabisa ang mga paksa tungkol sa kasaysayan, pamahalaan, at konstitusyon Nakapagpapahayag ng kaisipan at gawaing kaugnay ng musika, sining, kagandahang-asal at gawaing pantahanan. Sa pagsasalita at pagsulat ang wastong paggamit ng mga salitang karaniwan ay lubhang kailangan. Kailangang sumusunod ito sa mga alituntuning panggramatika. Nakatutulong sa maayos, malinaw at mabisang