Full Transcript

INTEGRATED SCHOOL (11-12) #51 Lizares Ave., Bacolod City, Philippines 6100 · www.uno-r.edu.ph · [email protected] · 0344332449 loc 137 MGA BABASAHIN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang...

INTEGRATED SCHOOL (11-12) #51 Lizares Ave., Bacolod City, Philippines 6100 · www.uno-r.edu.ph · [email protected] · 0344332449 loc 137 MGA BABASAHIN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Panahon ng Katutubo TEORYANG PANDARAYUHAN Kilalarin ito sa tawag na Wave Migration Theory na pinasikat ni Dr. Beyer noong 1916. Pinaniniwalaan niyang ang tatlong pangkat ng taong pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Negrito, Indones, at Malay. Ngunit nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan ni Dr. Fox ang harap ng bungo at isang buto sa Yungib ng Tabon. Ito ang patunay na mas may naunang taong dumating sa Pilipinas kaysa sa Malaysia. Kasama sa nahukay ay ang mga kagamitang bato tulad ng chertz, buto ng ibon at panicking nagppapatunay na nabubuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran. May mga bakas rin ng uling na siyang katibayan ng pagluluto nila. Taong Tabon ang itinawag sa labing natagpuan na pinaniniwalaang nanirahan sa yungib na may 50,000 taong nakaraan. Noong 1962, ay napatunayang unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at Indonesia. Pinatunayan nina Landa Jocano sa kanyang pag-aaral na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas. Sa ginawa nilang pagsusuri, ang taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Teking na kabilang sa Homon sapiens at taong Java naman na kabilang sa Homo Erectus. Dr. Armand Mijares Nakatagpo ng isang buto ng paa sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao na nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalilipas. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano Ang teoryang pandarayuhan mula sa rehiyong austronesyano ay isa sa pinakabagong teoryang tungkol sa pinamulan ng lahing Pilipino na kung saan, pinaniniwalaang ang mga Pilipino ay nagmula sa Lahing Austronesian. Ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay natataglay ng patakarang Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 pangkabuhayan, kultura, at paniniwalang panrelihiyon. May sariling wikang ginamit ang mga katutubo noon ngunit walang wikang nanaig sa Pilipinas noon. Napatunayang marunong sumulat at magbasa ang mga katutubo. Mga biyas ng kawayan, dahon ng palaspas at balat ng punongkahoy ang pinakapapel nila noon. Ang ginagamit nilang panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal (lanseta). Ang mga gawa ng mga katutubo noon ay sinunog ng mga Kastila dahil ito raw ay gawa ng demonyo. Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niya na may sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon. Baybayin ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga katutubo. Binubuo ito ng labinpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labin-apat (14) na katinig. Panahon ng mga Espanyol “Barbariko, di sibilisado at pagano” Ang kalagayan ng mga katutubo noon. Dapat silang gawing sibilisado sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Kristiyanismo ang layunin ng mga kastila na maikintal sa isip at puso ng mga Pilipino at naging usapin ang kung anong wika ang gagamitin sa pagapapalawak nito. KATUTUBONG WIKA - Mas mabisa itong gamitin sa pagpapatahimik ng mga mamayan. Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, paghahati ng mga isla ang kanilang unang ginawa. Dahil sa iilan lang ang mga prayleng nangangasiwa, nahirapang silang palaganapin ang kanila relihiyon, patahimikin at gawing masunuring ang mga Pilipino kung kaya’t nabuo ang limang orden. Limang Orden ng mga Misyonerong Espanyol Agustino Pransiskano Dominiko Heswita Rekoleto HINDI NAGAMIT ANG WIKANG KATUTUBO dahil sa… Paghahati ng mga pamayanan. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Pagpigil sa mga kalakakalan. Pagsikil sa kalayaan sa paggamit ng wika. WIKANG KATUTUBO - Pinag-aralan ng mga misyonerong Espanyol upang mapalaganap ang Kristiyanismo. Kapani-paniwala at mas mabisa kung mga banyaga mismo ang gumagamit at nagsasalita ng katutubong wika. Napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang kanilang ginagamit ngunit napalayo ang kanilang loob sa pamahalaan dahil wikang Espanyol ang gamit ng mga ito. Naging usapin kung anong wika ang gagamitin ng mga Pilipino bilang wikang panturo. UTOS NG HARI na wikang katutubo ang gamitin nguit hindi ito pinansin. Wikang Espanyol ang mungkahi ng Gob. Tello na ituro sa mga Indio. Carlos I at Felipe II - naniwalang kailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino. Carlos I - ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Haring Felipe II - Pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng mga katutubo noong ika-2 ng Marso 1634. Ngunit ito ay nabigo. Carlos II - Lumagda ng isang dekrito ng probisyong iminungkahi ni Haring Felipe II. Carlos IV - Lumagda ng dekritong nag-uutos na gamitin ang Espanyol sa lahat ng paraalan. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Panahon ng Rebolusyong Pilipino Pagtatak ng rebolusyonSa kolonisasyon ng España sa Pilipinas sa tatlong-daan tatlumpu’t tatlo (333) na taon. Sa taong 1872, napukaw rin ang damdamin ng mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga Español sa ating mga kapwa. Sa taong 1872, gumawa ng kilusan ang mga propagandista na naging unang hakbang para mabigyan malay ang mga mamamayan na maghimagsik para sa sariling bayan. Nagsimula ang kilusan nang binitay ng mga Español sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora, o mas kilala natin na ang GomBurZa. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Mga Propagandista ▪ José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda Isinulat ang mga sumusunod: El Filibusterismo (The Reign of Greed) Noli Me Tangere (Touch Me Not) Mi Ultimo Adios (My Last Farewell) Naniniwala si Rizal na wika mismo ang magiging batayan ng pagkakaisa ng ating mga kababayang Pilipino. Hinggil sa mga libro, ang El Filibusterismo ay isinulat ni Rizal alay sa tatlong paring martyr (GomBurZa). Ang Noli Me Tangere naman ay pagbabatikos sa kapangyarihan ng simbahang Katoliko sa mga Pilipino. ▪ Andrés Bonifacio y de Castro Tintawag na “Ama ng Rebolusyong Pilipino.” Si Bonifacio ang nagtatag ng Kataas-taasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala bilang KKK. Itinatag ang KKK noong Hulyo 7, 1892 sa ilalim ng layunin na palayain ang Pilipinas sa marahas na kadena ng mga Español. Naitaguyod rin ang KKK sapagkat nakita ni Bonifacio na ang La Liga na may layuning mapayapang reporma ay naging walang saysay. Dito ginamit at binigyang importansiya ang wikang Tagalog. Ang KKK ang naging unang hakbang sa pagtaguyod ng ating wika. ▪ Emilio Aguinaldo Nakuha ni Aguinaldo ang Independence ng Pilipinas mula sa mga Español at siya mismo’y itinanghal bilang unang at pinakabatang Presidente ng Pilipinas. Panahon ng mga Amerikano Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Ingles ang naging wikang panturo noong panahong ito. Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan. Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles na kilala sa tawag na Thomasites. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. ANO nga ba ang bernakular? Konsepto ng katutubo, unang wika, wika sa lugar, at wika ng rehiyon, salita, kilos, galaw, senyas, simbolo, busina, at iba pa anuman na umiiral at nabigyan ng kahulugan na nagagamit bilang mensahe sa komunikasyon. Ayon sa Kawanihan ng Pambayang Paaralan, nararapat na Ingles ang ituro sa pambayang paaralan. Ilan sa mga kadahilanan ay: ⨳ Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay mag-reresulta sa suliraning administratibo. ⨳ Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyolanismo sa halip na nasyonalismo. ⨳ Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. ⨳ Malaki ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa. ⨳ Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. ⨳ Ang ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham. ⨳ Dahil nandito na ang wikang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito. Ilan sa mga katwiran ng mga tagapagtaguyod ng bernakular ay ang mga sumusunod: ⨳ "Walumpong porsiyento ng mag-aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lamang. ⨳ "Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primary. ⨳ "Nararapat lamang na Tagalog ang linangin sapagkat ito ang wikang komon sa Pilipinas. ⨳ "Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin. ⨳ "Ang paglinanang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. ⨳ "Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. ⨳ "Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino. ⨳ "Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na iyo ay pasiglahin. Layuning maitaguyod and wikang ingles at alituntuning dapat sundin: Pagsasanay sa mga Pilipino ng maaaring magturong Ingles at ibapang aralin. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 ⨳ Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon. ⨳ Pagbabawal ng paggamit ngbernakular sa loobng paaralan. ⨳ Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles. ⨳ Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan. ⨳ Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan. Panahon ng mga Hapones Pagsulong ng Wikang Pambansa ⨳ Ipinagamit ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. ⨳ Panahong namayagpag ang panitikang Tagalog. ⨳ Pinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles. ⨳ Pinagbawal maging ang paggamit ng aklat at peryodiko tungkol sa Amerika. Ordinansa Militar Blg. 13 Nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapones (Nihonggo) Ito ay ayon sa Philippine Executive Commision na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas. Sa panahon ng pananakop ng mga Haponas ay: Binuksan muli ang paaralang-bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat. Ngunit binigyan-diin ang paggamit ng Tgalog. Ang Gobyerno-Militar ang nagtuturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan. Ang mga nasipag-tapos ay binigyan ng katibayan: Junior, Intermediate, at Senior. KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay isinilang ang KALIBAPI na ang layunin ay ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng imperyong Hapones. Si Benigno S. Aquino Jr. ang hinirang na direktor ng KALIBAPI. Ang pangunahing proyekto ng kapisanan ay ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito ang SWP (Surian ng Wikang Pambansa) Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang Pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano. Nagkaroon din ng debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa tagalista. Nagkaroon din ng argumento sang mga Tagalog sa di-Tagalog. Isa rin sa usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalamang panglingguwistika. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Tatlong Pangkat ang namayagpag sa Usaping Pangwika sa panahong ito. ⨳ Pangkat ni Carlos Ronquillo ⨳ Pangkat ni Lope K. Santos ⨳ Pangkat nina N. Sevilla at G.E. Tolentino Si Jose Villa Panganiban ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di-Tagalog. Ito ay mababasa sa kanyang gin ana “A Short to National Language” na makatutulong upang lubos na matutunan ang wika. Sa panahon ng mga Hapones, nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika. Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles. Napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang wikang ito. Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan Panahon ng Pansarili ito ay ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4,1946. Ipinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570. Panahon ng pagbangon sa nasalanta sa digmaan,dahil bumabangon pa rin ang bansa mula sa digmaan,naging sentro ang gawaing pang ekonomiko. Naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong,pagunlad at paggamit ng wikang pambansa. Bagamat ang wikang Pilipino ay ginagamit sa paggawa ng pelikula't komiks,naging paboritong medyum pa rin nga mga Pilipino ang Ingles. Agosto 13,1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa,mula Tagalog naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas ni Jose Romero Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma ay nakalimbag sa Pilipino Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 S 1967 na inutos ni dating pangulong Marcos na ang lahat ng mga edisipyo,gusali at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino. Memorandum Serkular Blg172(1968) ni Rafael Salas na nag uutos na ang mga ulong liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Memorandum Serkular Blg 199(1968) ay nag tatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaan na dumalo sa seminar ng Filipino na pangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa. Noong 1969 ay nilagdaan ni dating Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapangpaganap Blg. 187 na nag uutus na ang lahat ng kawani,tanggapan, kagawaran at iba pang sangay ng gobyerno ay gagamit ng wilang Pilipino sa Lingo ng Wikang Pambansa at lahat ng transaksyo. Hunyo 19,1974 ang Kagawarang ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawarang Blg.25 S 1974 ng mga panuntunan na nagpaparupad ng Parakarang Edukasyong Bilingualismo. Saligang Batas 1987 ni Corazon Aquino ay nalinaw ang mga kailangang gawain upang maitaguyod ang wikang Filipino. Ang Seksyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 ay nag sasaad ng mga sumusunod: Sek 6.Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nililinang ,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika Sek7. Ukol sa layunin ng kumunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas,Ingles. Sek8.Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,Arabic at Kastila Sek9.Dapat magtatag ang Kongreso ng isang konstitusyon ng wikang pambansa na binubuo ng kinatawan ng ibat ibang rehiyon at disiplina na magsasagawa,mag uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang wika. Tinupad ito ng Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na nag-aatas na lahat ng kagawaran at sangay ng pamahalaan ay magsasagawa ng hangbang para magamit ang wikang Filipino sa mga transaksyon. Sa panahon naman ni Arroyo siya ay naglabas ng Executive Order No.210 noong Mayo 2003 na nagbabalik sa monolingguwal na wikang panturo,na ang Ingles. Sa kasalukuyan marami pa rin ang sagabal sa pagtangkilik ng wikang Filipino,ngunit kung pagbabatayan natin ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino ay mabilis ang pagsulong nito. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Noong Agosto 5 ,2013, sa pamamagitan ng Kapisayahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang kalupunan ang KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino:Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit ng buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon,sa pagbibigkas at pagsusulat na paraan,ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sama sama nating abutin ang wagas na hangaring maging wika ng karunungan ang wikang pambansa. Sitwasyong Pangwika sa Iba’t Ibang Larangan Mayroong mahabang kasaysayan ang wikang Filipino mula sa panahon ng ating mga ninuno. Mula sa panahon ng mga Espanyol, rebolusyong Pilipino, ng mga Amerikano at Hapones, ng pagsasarili hanggang sa kasalukuyan. Sa mahabang kasaysayang ito makikita ang paglago, pagunlad at pagbabago-bago ng wika. Sitwasoyng Pangwika sa Telebisyon Ang TELEBISYON ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng taong naaabot nito sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas at ng buong mundo sa tulong ng cable o satellite channel. Ang Wikang Filipino ang nangungunang lengwaheng ginagamit sa telebisyon sa ating bansa dahil halos Halimbawa ay ang mga: teleserye mga pantanghaling palabas mga magazine show, news and public affairs o sa pagbabalita komentaryo dokumentaryo reality shows mga programang pang-showbiz mga programang pang-edukasyon Ang mga programang ito ay sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood kung kaya naman halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaintindi at nakakapagsalita sa wikang Filipino. Ang hindi pag lagay ng mga subtitle o pagda-dub sa mga palabas na ito sa wikang rehiyonal ay isa sa nagging malaking dahilan kunga bakit sinsabing 99% ng mamamayang Pilipino ay nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Sa mga probinsya kung saan rehiyonal na wika ang ginagamit, ramdam ang malakas na impluwensya ng wikang ginagamit sa telebisyon. Maging sa mga paskil na nasa paligid ay naisulat sa wikang Filipino, at sa mga nagtatanong sa wikang Filipino ay sinasagot rin gamit ang nasabing wika. Ito ay ilang patunay na sa pagdami ng manonood ng telebisyon ay lalong lumalakas ang hatak ng midyum na ginagamit sa mga mamamayan saanmang dako ng bansa at ng mundo. Sitwasyong Pangwika sa Radyo Filipino ang wikang ginagamit May iba ring programa sa FM na gumagamit ng Ingles Hal. Morning Rush May ibang estasyon na gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kapanayam ay Filipino ang wikang ginagamit Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo Filipino ang wikang ginagamit sa tabloid maliban sa People's Journal at Tempo Ingles ang wikang ginagamit sa mga broadsheet Karaniwang binibili ng masa dahil mas mura at higit na naiintindihan ng nakararami Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo Tabloid Filipino ang wikang ginagamit Di Pormal na wika May pula, malalaki at sumisigaw na headline Naglalayong makaakit agad ng mambabasa Naglalaman ng sensiyonal at litaw sa mga ito ang barayti ng wika Broadsheet Ingles ang wikang ginagamit Pormal na wika Tabloid Sitwasyong pangwika sa Pelikula Maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipapalabas taon-taon Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum Filipino at mga barayti nito ay tinatangkilik din subalit halos lahat ay Inlges ang pamagat. Sitwasyong pangwika sa Pelikula, Radyo at Dyaryo Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Filipino ang wika o lingua franca ng telibisyon, radyo at tabloid. Mas nananaig ang tonong impormal. Hindi gaano ka istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo Layunin ng telebisyon, radyo at dyaryo Maraming babasahin at palabas na ang layunin ay mang-aliw, manlibang at lumikha ng ugong ng kasayahan (Tiongson,2012) Pangunahing layunin ng paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit ng mas maraming tagapanood, tagapakinig o mambabasa upang makakita ng mas malaki. Para lumaganap ang Filipino at magamit din ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng wikang Filipino. Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan Ang wikang Ingles ay higit na ginagamit sa: Boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay ang mga dayuhang customer. Mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata, at iba pa. Website ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala. Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa: Mga pagawaan o production line, mga mall, mga restaurant, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naabot ng mga impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami ang gagamitin. Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.” Naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga talumpating binibigay niya katulad ng SONA o State of the Nation Address. Makabubuti ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon Ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa silid-aralan ay ayon sa itinatadhana ng K to 12 Basic Education Curriculum. Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo. Bagama’t marami pa ring edukador ang hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay naktutulong nang malaki upang higit na malinag at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin and wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit nilang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-aaralan. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Sitwasyong Pangwika sa Text Ang SMS (Short Messaging System) o kilala bilang text message. Isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinapadala at natatangggap sa ating bansa arawaraw. Pilipinas- “Texting Capital of the World” SMS ( Short Messaging System) Murang mag-text kaysa tumawag sa telepono. Higit na popular kaysa pagtawag sa telepono o cellphone. Sa pagpindot sa keypad ay nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas angkop na pahayag. Ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text? Pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Pinaiikli ang baybay ng mga salita dahil mayroong 160 characters lang ang nilalaman ng isang padalahan ng mensahe kaya nangyayari ito para makatipid sa espasyo at para mapabilis ang pagpindot. Walang sinusunod na tuntunin sa pagpapaikli ng salita, gayundin sa kung Ingles o Filipino. Halimbawa: Okay -> Ok / K Dito -> D2 Pinaghahalo ang ingles at Filipino at saka dinadaglat para masabing “ d2 na me. Wr na u ?” Mula sa “Nandito na ako. Where are you na?” Halimbawa: Madala tinatanggalan ng patinig para mapaikli ang salita: Puwede = Pwd Saan ka na ba? = sn k n b? Sa salitang ingles naman ay ginagamit na lang ang mga titik at numerong katunog ng salita: Are = r You = u See = C Be = b Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 for = 4 Are you going to see me today? = R u goin 2 c me 2day? Shortcut sa mga parilala sa Ingles: Minsa’y nakapagdudulot nd kalituhan ang ganitong mga paraan ng pagpapahayag sa text o SMS subalit ito’y tinatanggap ng lipunan bilang isa sa mga katangian ng wika. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy itong nagbabago at yumayabong sa sumasabay sa pagbabago ng panahon. Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Fliptop Ito’y pagtatagalog oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ang magkakatigma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at nabibilang sa ib’t ibang barayti ng wika. Pagkaraniwan na ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban. Laganap ang fliptop sa mga kabataan. May mlalaking samahan na silang nagsasagawa ng kompetisyong tinatawag na battle league. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok ay may tigatlong round at ang panalo ay dindesisyunan ng mga hurado. May mga fliptop na isiisinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng fliptop ay sa pamamagitan ng YouTube. Pick-up Lines Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ang isang ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan s pick-up line, masasabing Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 ito’y nakakatuwa, nakapagpangingiti, nakakakilig, cute, cheesy, at masasabi ring corny. Madalas itong nakikita sa mga kabataang magkaibigan o nagkakakibigan. Nakikita rin ito sa mga facebook wall, sa twitter, at sa iba pang social media network. Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis mag-sisp at malikhain. “BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. Nauso ito dahil sa impluwensiya n “Boy Pick-up” o ogie Alcasid sa programang Bubble Gang na may ganitong segment. Naging matunog ito lalo na’t gamitin n Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati; at isinulat niya ito sa kanyang aklat na Stupid is Forever. Hugot Lines Tinatawag ding love lines o love quotes. Mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis. Karaniwang ay ngamula ito sa linya ng ilang tauhan sa mga pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas nakagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsa’y mga ito ay nakasulat sa Filipino subalit madalas, TagLish, o pinaghalong Tagalog at Inlges ang gamit na salita sa mga ito. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet Social Media Daan ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay malayo man o malapit. Naging madali ang makabalita sa mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-post ng impormasyon at larawan. Paggamit Ng Wika Sa Social Media Katulad sa text, karaniwan din ang: code switching pagpapaikli ng mga salita paggamit ng daglat Hindi tulad sa text, mas pinag-isipan ang mga salita o pahayag bago ito i-post. Internet Ang internet ang pinanggalingan ng mga website na pinagkukunan ng mga impormasyon at Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 kaalaman. Ingles - pangunahing wika ng internet. dahil mahigit 3 bilyong tao sa buong mundo ang konektado sa Internet. Pilipino: 1.35% lamang sa kabuoang bilang Mga Babasahin At Impormasyon Sa Internet Dokumentong pampamahalaan saligang batas kautusang pampamahalaan impormasyon sa iba't-ibang sangay ng pamahalaan Akdang pampanitikan Mga awitin sa Filipino Mga balita mula sa mga online na pahayagan Diksyonaryong Filipino Video ng mga broadcast Impormasyong pangwika Mga blog at komento Sitwasyong Panwika Sa Internet At Social Media Sa internet bagama't marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalmaang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang mga babasahing nasusulat sa Filipino ay hindi kasindami ng sa Ingles, at maaring hindi pa ito nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamayan, lalo na sa mag aaral na naghahanap ng mga impormasyon na nakasulat sa ating sariling wika. Mabuti at Masamang Epekto ng Social Media at Internet KASANAYANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO “Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita Marapat ding maunawaan at magamit nito nang tama ang wika.” Alam mo ba!? Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala at maimpluwensiyang linggwista at anthropologist at maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan. Ipinakilala ni Hymes ang konsepto ng kasanayang pangkomunikatibo o communicative competence. Bahagi ng gusto niyang malaman ay kung paano magkakaiba-iba ang wika ng mga ito sa iba’t ibang kultura. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 KASANAYANG KOMUNIKATIBO Ang terminong kasanayang komunikatibo o communicative competence ay nagmula kay Dell Hymes noong 1966. Kasama si John J. Gumperz ay nilinang nila ang konseptong ito bilang reaksyon sa kasanayang linggwistika (linguistic competence. Noam Chomsky, 1965) Ang isang tao ay may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang naangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo. Bagaric, et. al. 2007 Sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginagamit sa teksto. Higgs at Clifford, 1992 Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Dr. Fe Otanes (2002) Ang kasanayang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura – Ito’y ang wikang kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito. Shuy, 2009 SILID-ARALAN ANG DAAN TUNGO SA PAGLINANG NG KASANAYANG PANGOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO Sa silid-aralan nagaganap ang pormal na pagkatuto ng wika. Kayarian o gramatika (bahagi ng pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya Pagtataya (pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit) Nasusukat ang kasanayang pangkomunikatibo sa: Tatas sa pagsasalita ng wika Kakayahang umunawa Makagamit ng tamang salita o wika Mga pagtataya: Tula Pagtatanghal Pick-up lines Sanaysay Fliptop Hugot lines Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 Ulat Facebook post Maikling Kwento Email Blog Videotape KOMPONENT KASANAYANG KOMUNIKATIBO Kasanayang Lingwistik o Gramatikal Sinabi ni Canale at Swain na ang kasanayang lingwistika ni Chomsky ay kapreho lang ng kasanayang gramatikal kung kaya naman ang tinukoy nila ang modelo sa kasayanang lingwistika bilang kasanayang gramatikal. Ang kasanayang gramatikal ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang- ortograpiya. Canale at Swain Modelong SPEAKING ni Dell Hymes Setting - ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. Participant - ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kausapin. Ends - mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigayang konsiderasyon ang pakay o layunin ng paikpag-usap. Act Sequence - ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. Keys - ang tono ng pakikipag-usap. Dapat isaalang-alang kung ito ba ay porml o di- pormal. Instrumentalities - tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat. Norms - paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. Genre - diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran. KAKAYAHANG PRAGMATIK AT ESTRATEJIK URI NG KOMUNIKASYON Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring verbal o di-verbal. Maliwanag na sa isang sitwasyong pakikipagtalasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap. May Dalawang Uri ng Komunikasyon: 1. VERBAL kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe. 2. DI-VERBAL Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025 kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap. Mahalaga ang di-verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe at pinananatili ang resiprokal na interaksyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe. IBA’T IBANG PAG-AARAL SA MGA ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON 1. Kinesika(Kinesics) – kilos o galaw ng katawan ( body language) 2. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – nagpapakita ng emosyon kahit hindi ito sinasabi upang maunawaan nang lubusan ang mensahe ng tagapaghatid. 3. Galaw ng mata (Oculesics) – nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin. Ipinababatid nito ang damdaming ating nararamdaman 4. Vocalics – mga di-lingwistikong tunog na may kaugnay sa pagsasalita. 5. Pandama O Paghawak (Haptics) – ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe. 6. Proksemika (Proxemics) – espasyo o layo sa pagitan ng kausap at kinakausap. Iba’t iba ang proxemic distance ang ginagamit: intimate,personal o public. 7. Oras(Chronemics) – tumutukoy kung paano ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Hal: pagdating nang huli sa klase o job interview–kakulangan ng disiplina pagtawag sa telepono sa disoras ng gabi – pangiistorbo o maaaring emergency. Ikalawang Markahan – Taong Panuruan 2024-2025

Use Quizgecko on...
Browser
Browser