Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo (Past Paper)
Document Details
Uploaded by LuckiestMossAgate7029
Harvard Junior High
1891
Jose Rizal
Tags
Summary
This document provides a summary of the historical context of El Filibusterismo, a novel by Jose Rizal. It highlights the reasons behind the writing of the novel, along with the time and place of composition. Key themes of the novel, such as the author's motivations, struggles, and challenges, are explored.
Full Transcript
**Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo** (number 1) Filibustero - ***[Kalaban ng Pamhalaan at Simbahan]*** ***[1. Mga Dahilan ng Pagsulat ng El Filibusterismo]*** Noong ****** taong gulang si Jose Rizal, narinig niya ang salitang \"Filibustero,\" na ipinagbawal sa kanilang tahanan dahi...
**Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo** (number 1) Filibustero - ***[Kalaban ng Pamhalaan at Simbahan]*** ***[1. Mga Dahilan ng Pagsulat ng El Filibusterismo]*** Noong ****** taong gulang si Jose Rizal, narinig niya ang salitang \"Filibustero,\" na ipinagbawal sa kanilang tahanan dahil sa takot na dulot ng pagbitay sa Gomburza (Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora) noong **Pebrero 17, 1872**. Ninais niyang ipakita ang pang-aabuso ng mga Espanyol at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kanilang kalayaan. ***[2. Lugar at Panahon ng Pagsulat]*** Sinimulan ni Rizal ang El Filibusterismo sa **London** noong **1890.** Pinag-isipan na niya ang balangkas nito habang isinusulat pa ang Noli Me Tangere **(1884-1885)**. Inilipat niya ang pagsusulat sa **Brussels, Belgium**, kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino, upang makatipid at makapag-concentrate. [**Natapos** ito noong **Marso 29, 1891**, at **nailimbag sa Ghent, Belgium** noong **Setyembre 1891** sa tulong ni Valentin Ventura.] ***[3. Mga Suliranin ni Rizal habang Isinusulat ang Nobela]*** **Kakulangan sa pera** -- Halos hindi siya kumakain at nagsanla ng alahas upang ipagpatuloy ang pagsusulat. **Personal na problema** -- [Ipinakasal si **Leonor Rivera** sa ibang lalaki]. Makikita ito sa kwento nina Paulita Gomez at Isagani. **Problema sa pamilya** -- Pinag-uusig at inaapi ang kanyang pamilya sa Calamba dahil sa usapin sa lupa laban sa mga prayle. Inilalarawan ito sa tauhan ni Kabesang Tales. **Pagkawasak ng pagkakaisa** -- Lumayo sa kanya ang ilang kaibigan sa La Solidaridad at napansin niyang hindi nagkakaisa ang mga Pilipino sa Espanya. **Mental stress** -- Napapanaginipan niya ang pagkamatay ng kanyang pamilya at minsang muntik nang sunugin ang kanyang isinulat. ***[4. Paglipat mula Paris patungong Brussels]*** Bagamat nasisiyahan si Rizal sa Paris, napagtanto niyang magastos doon, kaya lumipat siya sa Brussels, Belgium upang makatipid at tapusin ang kanyang akda. Kung ako si Rizal, lilipat din ako upang tiyakin na matatapos ko ang nobela kahit kulang ang pondo. ***[5. Problema sa Pagpapalimbag at Papel ni Valentin Ventura]*** Nang naisulat na ni Rizal ang nobela, nakahanap siya ng murang palimbagan sa **Meyer van Loo sa Ghent, Belgium**. Napahinto ang paglilimbag matapos ang mahigit **100** pahina dahil naubos ang pera ni Rizal at hindi dumating ang tulong mula sa pamilya at kaibigan. Valentin Ventura, isang mayamang Pilipino, ang sumaklolo at nagbayad ng gastos upang matapos ang paglilimbag noong **Setyembre 1891**. Bilang pasasalamat, ibinigay ni Rizal kay Ventura ang orihinal na manuskrito at isang kopya ng aklat. ***[6. Halaga ng Tulong ni Valentin Ventura]*** Malamang na hindi natapos ang El Filibusterismo kung hindi dumating si Ventura. Kung hindi nailimbag ang nobela, hindi ito magiging inspirasyon sa mga rebolusyonaryo tulad ni Andres Bonifacio at ng Katipunan. ***[7. Pagkakakumpiska ng mga Kopya ng Nobela]*** [Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng El Filibusterismo sa **Hong Kong at Pilipinas.**] Ipinapakita nito kung paano natakot ang mga Espanyol sa mga ideyang inilalahad sa aklat, lalo na sa rebolusyonaryong damdamin nito. ***[8. Epekto ng El Filibusterismo kay Andres Bonifacio at sa Katipunan]*** Kung ang Noli Me Tangere ay nagmulat sa mga Pilipino ***[tungkol sa pang-aapi]***, Ang El Filibusterismo ay nagbigay ng matinding inspirasyon kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maghimagsik noong 1896. Dedikasyon ng El Filibusterismo Inialay ni Rizal ang kanyang nobela sa Gomburza bilang pagpaparangal sa kanilang sakripisyo. Binatikos niya ang Espanya sa kanilang pagpapataw ng maling parusa sa tatlong paring martir. Pag-aari ng Manuskrito Noong **1925**, binili ng pamahalaan ng Pilipinas mula kay Valentin Ventura ang orihinal na manuskrito ng nobela. Konklusyon Pinatunayan ni Rizal na hindi hadlang ang kahirapan at pagsubok sa pagkamit ng layunin. Ang El Filibusterismo ay naging inspirasyon ng mga Pilipino sa rebolusyon at patuloy na nagbibigay ng aral sa kasalukuyang henerasyon. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ***[(number 2)]*** Mga Sagot sa Tanong Tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo ***[1. Ano-anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo?]*** Noong 11 taong gulang siya, unang narinig ni Rizal ang salitang filibustero, na ipinagbawal sa kanilang tahanan dahil sa takot sa mga Espanyol. Naging saksi siya sa pagbitay sa tatlong paring martir (GomBurZa) noong Pebrero 17, 1872, na nagdulot ng matinding galit at lungkot sa kanya. Matapos ang Noli Me Tangere (Marso 1887), lumala ang pang-uusig ng mga Espanyol sa kanyang pamilya at mga Pilipino, kaya itinuloy niya ang El Filibusterismo upang ipagpatuloy ang kanyang laban sa pamamagitan ng panulat. ***[2. Saan at kailan niya isinulat ang ikalawang obra?]*** Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa London noong 1890. Lumipat siya sa Paris, ngunit sa Brussels, Belgium niya natutukan ang pagsusulat, kasama si Jose Alejandrino. Natapos niya ito noong Marso 29, 1891, at nailimbag ito sa Ghent, Belgium noong Setyembre 1891 sa tulong ni Valentin Ventura. ***[3. Ano-anong suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat ang nobela? Paano niya ito nalampasan?]*** Pananalapi: Wala siyang sapat na pera kaya tiniis niya ang matinding pagtitipid, lumiban sa pagkain, at nagsanla ng alahas. Sa huli, tinulungan siya ni Valentin Ventura sa pagpapalimbag. Pamilya: Ang kanyang pamilya ay inusig ng mga Espanyol dahil sa usaping lupa sa Calamba. Pinagbayad sila ng mataas na buwis at pinatalsik sa kanilang tahanan. Pag-ibig: Napangasawa ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera ang ibang lalaki, kaya naipakita niya ang pighating ito sa karakter ni Isagani sa nobela. Kaibigan: Ang ilan niyang kasama sa La Solidaridad ay lumayo sa kanya, at nakita niyang walang pagkakaisa ang mga Pilipinong ilustrado sa Espanya. ***[4. Bakit kinailangang lisanin ni Rizal ang Paris at lumipat sa Brussels, Belgium nang siya ay nagsusulat ng nobela? Kung ikaw si Rizal, gagawin mo rin ba ito? Ipaliwanag.]*** Mahal ang gastusin sa Paris, kaya lumipat siya sa Brussels upang makatipid at matutukan ang pagsusulat. Kung ako si Rizal, lilipat din ako dahil mas mahalaga ang pagtatapos ng nobela kaysa sa pananatili sa isang lugar na hindi praktikal sa aking sitwasyon. ***[5. Bakit muntik nang hindi malimbag ang nobela? Ano ang naging papel ni Valentin Ventura sa pagkakalimbag nito?]*** Naubos ang pera ni Rizal habang ipinapalimbag ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium. Tumigil ang paglilimbag matapos ang mahigit 100 pahina dahil hindi dumating ang perang inaasahan niya mula sa pamilya. Si Valentin Ventura ang nagbigay ng pondo upang matapos ang paglilimbag noong **Setyembre 1891**. Bilang pasasalamat, binigyan siya ni Rizal ng orihinal na manuskrito. ***[6. Ano-ano kaya ang damdaming naghari kay Rizal nang dumating ang kaibigang si Valentin Ventura sa panahong napakatindi ng kanyang pangangailangan? Kung hindi siya dumating, ano kaya ang nangyari sa obra maestra ni Rizal?]*** Malamang ay labis siyang nagpasalamat, gumaan ang kanyang pakiramdam, at nabuhayan ng loob dahil natuloy ang paglilimbag. Kung hindi dumating si Ventura, maaaring hindi nailimbag ang nobela o matagal bago ito natapos, kaya posibleng hindi ito umabot sa mga rebolusyonaryong Pilipino sa tamang panahon. ***[7. Bakit nakumpiska sa Hong Kong at Pilipinas ang mga kopya ng El Filibusterismo? Ano ang pinatutunayan nito sa kapangyarihan ng mga Espanyol noon?]*** Tinanggal ng mga Espanyol ang mga sipi ng El Filibusterismo dahil itinuturing nila itong mapanganib at nag-uudyok ng paghihimagsik. Ipinakita nito kung gaano kahigpit ang kontrol ng Espanya sa Pilipinas at kung paano nila pinipigilan ang paglaganap ng mga ideyang makabayan. ***[8. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang akdang ito ni Rizal?]*** Ang El Filibusterismo ay nagpalalim sa galit ng mga Pilipino sa mga Espanyol at nagbigay-inspirasyon kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang ituloy ang rebolusyon noong **1896**. Itinuring nilang isang mahalagang babasahin ang nobela upang mapalawak ang diwang makabayan at ituro ang pang-aapi ng mga dayuhan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ buod Buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal at ang karugtong ng Noli Me Tangere. Sinimulan niya ito sa London noong 1890, at natapos sa Brussels, Belgium noong Marso 29, 1891. Nailimbag ito sa Ghent, Belgium noong Setyembre 1891 sa tulong ni Valentin Ventura, matapos maubusan ng pondo si Rizal. Ang nobelang ito ay inialay niya sa GomBurZa bilang pagpupugay sa kanilang sakripisyo noong Pebrero 17, 1872. Sa El Filibusterismo, inilarawan ni Rizal ang mas madilim na pananaw sa rebolusyon at itinampok ang karakter ni Simoun, isang taong may balak na pabagsakin ang gobyernong Espanyol sa pamamagitan ng dahas. Habang isinusulat ang nobela, maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Rizal: Naging mahigpit ang pang-uusig sa kanyang pamilya sa Calamba. Naipit siya sa matinding kahirapan, kaya nagtipid sa pagkain at nagsanla ng alahas. Nabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahang si Leonor Rivera. Lumayo sa kanya ang ilang kaibigan sa La Solidaridad, at nakita niyang hindi nagkakaisa ang mga ilustrado sa Espanya. Dahil sa matapang na mensahe ng nobela, kinumpiska ito ng mga Espanyol sa Hong Kong at Pilipinas. Ngunit kahit sinubukan nilang pigilan ang pagkalat nito, naging inspirasyon ito sa Katipunan, lalo na kay Andres Bonifacio, upang ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan ng Pilipinas. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, nanatili si Rizal sa kanyang adhikain na gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Ang kanyang panulat ang naging pinakamalakas niyang sandata laban sa pang-aapi, na humantong sa isang rebolusyong nagpatalsik sa mga dayuhan sa Pilipinas. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ (Number 3) Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo ***[I. Pagsisimula ng Pagsulat ng Nobela (1890)]*** Sinimulan ni Jose Rizal ang El Filibusterismo sa London noong 1890, kasunod ng Noli Me Tangere. Layunin niyang ipagpatuloy ang pagpapakita ng katiwalian ng pamahalaang Espanyol at ang epekto ng pang-aapi sa mga Pilipino. Ang inspirasyon niya ay ang pagbitay sa GomBurZa noong Pebrero 17, 1872, isang trahedya na nagtulak sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas. **[*II. Pagsusulat sa Brussels,* Belgium (1890-1891)]** Dahil mahal ang gastusin sa Paris, lumipat si Rizal sa Brussels, Belgium, kung saan natutukan niya ang pagsusulat. Nakipagtulungan siya kay Jose Alejandrino, isang kaibigan at rebolusyonaryo. Habang sinusulat ang nobela, dumaan siya sa matinding pagsubok: Pananalapi: Labis na nagtipid, madalas na hindi kumakain, at nagbenta ng kaniyang mga alahas. Pamilya: Inusig ng mga Espanyol at pinalayas sa kanilang tahanan sa Calamba. Pag-ibig: Ikinasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki, na nagdulot ng labis na pighati kay Rizal. Kaibigan: Nawalan ng suporta mula sa ilang kasama sa La Solidaridad dahil sa hindi pagkakaintindihan. ***[III. Paglilimbag sa Ghent, Belgium (Marso-Setyembre 1891)]*** Natapos ni Rizal ang nobela noong **Marso 29, 1891**, ngunit nahirapan siyang ipalimbag ito dahil sa kakulangan ng pera. Pinili niyang ipalimbag ito sa Ghent, Belgium, kung saan mas mura ang printing press. Noong Setyembre 1891, naubos ang kanyang pondo, kaya huminto ang paglilimbag matapos ang mahigit 100 pahina. Sa tulong ni Valentin Ventura, natuloy ang pagpapalimbag, at natapos ang buong aklat noong Setyembre 1891. ***[IV. Pagtanggap at Epekto ng Nobela]*** Dedikasyon: Inalay ni Rizal ang nobela sa GomBurZa bilang pagpupugay sa kanilang sakripisyo. Pagtutol ng mga Espanyol: Kinumpiska ang mga kopya sa Hong Kong at Pilipinas, dahil itinuturing itong mapanganib at nag-uudyok ng rebolusyon. Ipinakita nito ang matinding censorship at kontrol ng Espanya sa Pilipinas. Inspirasyon sa Rebolusyon: Naging mahalagang babasahin ng Katipunan, lalo na kay Andres Bonifacio, dahil inilantad nito ang pang-aapi ng mga Espanyol. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Himagsikang 1896. ***[V. Pangkalahatang Mensahe ng Nobela]*** Mas madilim ang tono ng El Filibusterismo kumpara sa Noli Me Tangere. Sa halip na edukasyon at reporma, itinampok ni Rizal ang dahas at rebolusyon bilang posibleng solusyon sa pang-aapi. Ang pangunahing tauhan, si Simoun, ay isang rebolusyonaryong may planong pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan ng isang marahas na paghihiganti. ***[VI. Konklusyon]*** Ang El Filibusterismo ay patunay ng tapang at determinasyon ni Rizal sa paglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Sa kabila ng matinding pagsubok, natapos niya ang kanyang obra, na naging sandata ng rebolusyonaryong Pilipino laban sa Espanya. Ang nobelang ito, kasama ang Noli Me Tangere, ay naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, na humantong sa isang matagumpay na rebolusyon laban sa mga dayuhan.