Kabihasnang Tsino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Antique National School
Tags
Summary
Ang presentasyong ito ay tungkol sa kabihasnang Tsino. Isinasama nito ang impormasyon tungkol sa mga sinaunang pamayanan, lipunan, at kultura, kasama ang kanilang mga imbensyon at paniniwala.
Full Transcript
Kabihasnang Tsino Antique National School para sa Ikawalong Baitang @ThirDee Ang pangalang 'China' ay nagmula sa Sanskrit na Cina na isinalin bilang 'Cin' ng mga Persiano at tila naging popular sa pamamagitan ng kalakalan sa Silk Road. Ang mga R...
Kabihasnang Tsino Antique National School para sa Ikawalong Baitang @ThirDee Ang pangalang 'China' ay nagmula sa Sanskrit na Cina na isinalin bilang 'Cin' ng mga Persiano at tila naging popular sa pamamagitan ng kalakalan sa Silk Road. Ang mga Romano at Griyego ay kilala ang bansa bilang 'Seres', "ang lupain kung saan nagmumula ang seda". Si Marco Polo, ang kilalang manlalakbay na nagpakilala sa Tsina sa Europa noong ika-13 siglo CE, tinatawag ang lupain bilang 'Cathay'. nagmula ang China sa pangalan ng Dinastiyang Tsino na Qin, na binibigkas na 'Chin‘. Sa Mandarin Chinese, kilala ang bansa bilang 'Zhongguo' na nangangahulugang "gitnang estado" o "gitnang imperyo". Saan Nagsimula ang Kabihasnang Tsino? Ang Huang Ho River o Yellow River ay tinaguriang "Duyan ng Kabihasnang Tsino" dahil dito unang umusbong ang mga sinaunang pamayanan at lipunan ng mga Tsino mahigit 4,000 taon na ang nakalipas. Bakit tinawag na Yellow River ang Ilog Huang Ho? Yellow River ang tawag sa Ilog Huang Ho dahil sa kulay ng tubig nito, na nagmumula sa dami ng loess (isang uri ng dilaw na buhangin o sediment) na nahuhugasan mula sa mga kabundukan at napapadpad sa ilog. Bakit tinawag na China’s Sorrow ang Ilog Huang Ho? Tinawag din itong "China's Sorrow" dahil sa matitinding pagbaha na dulot ng ilog sa nakaraan. Ang pagbaha ng Huang Ho ay nagdulot ng malawakang pagkawasak ng mga komunidad, pagkamatay ng maraming tao, at pagkasira ng mga pananim. Ang Ilog Huang Ho Ang Ilog Huang Ho (Yellow River) ang pangalawang pinakamahabang ilog sa Tsina at ang ikaanim na pinakamahabang sistema ng ilog sa mundo, na may tinatayang haba na 5,464 km (3,395 mi). Ang Ilog Huang Ho Ang kapatagan ng Ilog Huang Ho ay ang lugar kung saan isinilang ang sinaunang kabihasnang Tsino. Ayon sa tradisyonal na kasaysayan ng Tsina, ang dinastiyang Xia ay nagmula sa mga pampang nito noong humigit-kumulang 2100 BC. A yon sa tala ni Sima Qian sa Shiji (c. 91 BC), itinatag ang Xia matapos magsama-sama ang mga tribo sa paligid ng Ilog Huang Ho upang paghandaan ang madalas na pagbaha sa lugar. Ang Shiji ( 史記 ), kilala rin bilang "Records of the Grand Historian," ay Sima Qian isang mahalagang akdang pangkasaysayan ng Tsina na isinulat ni Sima Qian noong bandang 91 BCE. binubuo ng 130 kabanata at naglalaman ng mga detalyadong ulat tungkol sa mga dinastiya, mga hari, mga heneral, mga kilalang tao, at mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Tsina. Kulturang Yangshao isang neolitikong kultura na umiral sa mga lambak ng ilog Wei at gitnang bahagi ng ilog Huang Ho sa hilagang Tsina mula 5000 B.C.E. hanggang 3000 B.C.E. Ang kultura ay ipinangalan sa Yangshao, ang unang nahukay na nayon ng kulturang ito, na natuklasan noong 1921 sa lalawigan ng Henan. Kulturang Yangshao nagpapakita ng unang pamayanang agrikultura sa Tsina, na nagtatanim ng millet, trigo, bigas, kaoliang, at posibleng soybeans. pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, aso, manok, tupa, kambing, at baka nangingisda gamit ang lambat, at nangongolekta ng mga prutas at mani. Kulturang Yangshao Kilala ang Yangshao sa kanilang pulang pottery na may pinturang puti at itim, pinalamutian ng mga mukha ng tao, hayop, at mga disenyong geometriko. Gumawa sila ng mga palakol at ulo ng palaso mula sa pinakintab na bato. Pamayanang Banpo 10,000 metro kuwadrado na pamayanan sa tabi ng Ilog Wei sa Xi'an, Shaanxi ang nahukay noong dekada 1950. 46 na bahay ang nahukay at karamihan ay pabilog. Ang mga bahay ay may tungkod na gawa sa kahoy at may matarik na bubong na yari sa nipa. Ang mga libingan at mga pugon sa paggawa ng pottery ay nasa labas ng gilid ng moog. Pamayanang Banpo ang mga kababaihan ang namumuno (matrilineal). Ang bawat libingang babae na nabuksan ay may higit na mga gamit sa libingan kaysa sa mga lalaki. walang libingan sa 250 na natagpuan at inimbentaryo ang nagpapakita ng anumang tanda ng isang lalaking pinuno ngunit maraming ebidensya para sa mga babaeng lider. Pamayanang Banpo Ang mga tao ng Banpo ay mga mangangaso at mangangalap na lumipat sa isang agraryong kultura (pagsasaka). Natagpuan sa lugar ang mga kagamitang pang-agrikultura tulad ng mga panggapas (sickle) at araro. Ang Ah mi (matandang babae) ang pinuno ng tahanan at ang nagdedesisyon sa lahat ng mahahalagang bagay. Kulturang Longshan Isang kulturang neolitiko sa gitna at ibabang bahagi ng lambak ng ilog Huang Ho sa hilagang Tsina mula mga 3000 hanggang 1900 BCE. Ang kultura ay ipinangalan sa kalapit na bayan ng Longshan (kilala bilang "Bundok ng Dragon") sa Zhangqiu, Shandong. Kilala ang kultura sa mga pinakintab na itim na pottery kaya’t tinatawag din itong “Black Pottery Culture.” Kulturang Longshan Ang pinakamahalagang pananim ay ang foxtail millet, ngunit natagpuan din ang mga bakas ng broomcorn millet, bigas at trigo. Ang karaniwang pinagkukunan ng karne ay ang baboy. Ang mga tupa at kambing ay inaalagaan na rin noong ika-4 milenyo BCE. Kilala rin ang maliliit na antas ng produksyon ng seda sa pamamagitan ng pag-aalaga ng silkworm. Mitolohiyang Tsino Unang ipinanganak ang kalahating- diyos at kalahating-tao na si Pangu na naghiwalay sa itlog ng mundo sa langit at lupa, ang Hundun ( 混沌 , "pinagmulang kaguluhan"). Ang langit at lupa ay nasa kaguluhan katulad ng itlog ng manok, at ipinanganak si Pangu sa gitna nito. Sa loob ng 18, 000 na taon, ang Langit at ang lupa ay bumukas at lumitaw. Sa bawat araw, ang langit ay tumataas ng 10 talampakan, ang lupa ay lumalaki ng 10 talampakan, Pangu o Pan Gu at sa bawat araw, si Pangu ay lumalaki ng 10 talampakan. Mitolohiyang Tsino Nang si Pangu ay malapit nang mamatay, ang kanyang katawan ay nagbago. Ang kanyang hininga ay naging hangin at ulap; ang kanyang tinig ay naging mga pagkulog. Ang kanyang kaliwang mata ay naging araw; ang kanyang kanang mata ay naging buwan. Ang kanyang apat na mga binti at limang dulo ay naging ang apat na pangunahing puntos at ang limang tuktok. Ang kanyang dugo at semilya ay naging tubig at mga ilog. Ang kanyang mga kalamnan at ugat ay naging mga arte ng lupa; ang kanyang laman ay naging mga bukirin at lupain. Ang kanyang mga buhok at balbas ay naging mga bituin; ang kanyang balahibo sa katawan ay naging mga halaman at puno. Ang kanyang mga ngipin at buto ay naging metal at bato; ang kanyang mahalagang utak ay naging mga perlas at jade. Ang kanyang pawis at mga likido sa katawan ay naging bumubuhos na ulan. Lahat ng kuto sa kanyang katawan ay naapektuhan ng hangin at naging ang mga taong may itim na buhok. Fuxi Shennong Huangdi Unang emperador at Diyos ng agrikultura Dilaw na Emperador lumikha ng unang na nagturo sa mga tao at itinuturing na sistema ng pagsulat, kung paano magtanim tagapagtatag ng Tsina, agrikultura at at magturok ng mga sistemang pangingisda halaman. pampulitika at militar Nuwa Emperor Shun Emperor Yao isang diyosa na kilala pinangunahan niya nagtaguyod ng pagpili sa kanyang papel sa ang pagkontrol sa ng lider batay sa paglikha at pag-aalaga malawakang pagbaha kakayahan at ng sangkatauhan. sa ilog Huang Ho. moralidad. DINASTIYA tumutukoy sa isang serye ng mga pinuno o mga hari na nagmula sa parehong pamilya o angkan na nagmamana ng kapangyarihan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. isang mahabang panahon ng pamamahala ng isang tiyak na pamilya sa isang bansa o rehiyon. Dinastiyang Xia (2070-1600 BCE) Emperador Yu the Great – tagapagtatag ng dinastiyang Xia at namahala para kontrolin ang pagbaha at nagtatag ng irigasyon na nagbunga ng paglago ng agrikultura. Kultura at Kabuhayan Pagtatanim ng millet at trigo Paggamit ng sistema ng irigasyon (kanal at dam) paggawa ng mga kasangkapan at kagamitan mula sa luwad (palayok), kahoy, at bato paggawa ng mga kasangkapan at armas mula sa bronse kalakalan sa pagitan ng iba't ibang lugar sa loob ng dinastiya Ang mga pagbubuwis ay maaaring sa anyo ng mga produkto tulad ng ani at mga kalakal. Simpleng pamumuhay at pangunahing industriya na nakasentro sa agrikultura, pangingisda at paggamit ng lambat. Domestikasyon ng mga hayop paggawa ng mga kasangkapan at kagamitan tulad ng araro at panggapas (pang-ani) Ang mga bahay ay may mga pader na gawa sa lupa at bubong na gawa sa mga materyales tulad ng dayami o kahoy. Paggamit ng mga alahas at mga palamuting gawa sa jade Oracle Bone Script umusbong noong huling bahagi ng Dinastiyang Xia, (1200– 1050 BCE) at ito ang pinakamaagang anyo ng sinaunang pagsusulat sa Tsina. Oracle Bone –maaaring mula sa balakang ng baka o shell ng pagong. Relihiyon at Paniniwala Ancestor Worship - mga ritwal upang igalang at bigyang pugay ang kanilang mga ninuno. Divination -isang ritwal na pamamaraan upang makakuha ng mga pahayag mula sa mga espiritu o diyos gamit ang oracle bone. Antas ng Tao sa Lipunan Emperador - nasa tuktok ng lipunan at may pinakamataas na kapangyarihan at awtoridad. mga tagapamahala - nagkakaroon ng mahalagang papel sa administratibong aspeto ng pamahalaan. Mandarin o iskolar - nagtatrabaho sa mga usaping administratibo, paggawa ng mga batas, at pangangasiwa ng mga proyekto Mahistrado -responsable sa pangangasiwa ng mga lokal na usapin at kaayusan sa mga nasasakupan nilang Mandarin o iskolar lugar (bureaucrat) Magsasaka, Artisano, Mangangalakal, Karaniwang Tao at Alipin Pagbagsak ng Dinastiyang Xia Dahilan: Panloob na hidwaan, pag- aalsa ng mga lokal na pinuno, at hindi matagumpay na pamamahala. Emperador Jie – huling emperador ng dinastiyang Xia Dinastiyang Shang (1600-1046 BCE) Itinatag ni Zi Lu o mas kilala bilang emperador Tang (unang hari ng Shang). Naging kabisera ng Tsina ang Anyang. Ipinatayo ni Tang ang palasyo ng Xia She upang gunitain ang dinastiyang Xia. Kultura at Kabuhayan agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan Umunlad ang mga sistema ng irigasyon Karaniwan ang bronze casting at paggawa ng palayok Nagkaroon ng lokal at panlabas na kalakalan Paggawa ng alahas at tela Ang emperador at mga mataas na opisyal ang nagmamay-ari ng lupa at likas na yaman. Nagpatuloy ang oracle bone script writing Hangtu –isang pamamaraan ng pagtatayo ng mga pundasyon, sahig, at pader gamit ang pinagsiksik na likas na hilaw na materyales tulad ng lupa, tisa, apog, o graba. Wan-lien-li – isang perpetual calendar na nilikha ni Wan- Nien na binubuo ng 365 na araw. Nagsimula ang kaisipang “Mandate of Heaven” o ang paniniwala sa hari o bahay-hari bilang itinalaga ng mga diyos. Paniniwala at Relihiyon Ang pinakamataas sa mga diyos ng Shang ay si Shàngdì ( 上帝 ), o tinatawag ding si Dì. Si Shangdi ang kumokontrol sa mga pangyayari sa klima, nakakaimpluwensya sa ani, at palaging nilalapitan ng mga Shang para humingi ng suporta sa militar. Pan Geng – inilipat niya ang kabisera sa Yin dahilan upang tawagin ang dinastiya bilang dinastiyang Yin Shang. Emperador Zhou o Di Xin – huling emperador ng dinastiyang Shang. Dahilan ng Pagbagsak ng Dinastiyang Shang Ang huling hari ng dinastiyang Shang, si Haring Zhou (Di Xin), ay kilala bilang isang malupit at walang awang pinuno. Maraming mga lokal na pinuno ang nag-alsa laban sa Shang dahil sa hindi patas na pamamahala at mataas na buwis. Sa labanan ng Muye, natalo ng hukbo ni Haring Wu ang hukbo ni Haring Zhou ng Shang, na nagdulot ng pagbagsak ng dinastiya at pagtatag ng Dinastiyang Zhou. Dinastiyang Zhou (1046-256 BCE) itinuturing na may pinakamahabang panahon ng pamumuno sa Tsina. Ji Fa o Haring Wu – nagtatag ng dinastiyang Zhou (Chou) at unang naging emperador nito. Fengjian – sistemang pyudalismo at ang pamamahagi ng lupa sa mga maharlika. Fenghao – sentralisadong pamahalaan sa magkabilang panig ng ilog Feng. Kultura at Kabuhayan Irigasyon at teknolohiya sa agrikultura Sistemang pyudalismo at pamamahagi ng lupa Ang mga yaman ng dinastiya ay ginagamit para sa pagtatanggol ng teritoryo Bronze Casting at paggawa ng palayok pagpapatayo ng mga estruktura tulad ng mga pader ng lungsod, mga dike, at iba pang mga proyekto sa imprastruktura Umunlad ang kalakalan Pagtataguyod ng “Mandate of Heaven” Ang mga aral ni Confucius at iba pang mga pilosopiya ay isinama sa sistema ng edukasyon. Shijing – ang aklat ng mga awit at isa sa Limang Klasiko ng Panitikan sa Tsina. The Art of War – sinulat ni Sun- Tzu na nag-uulat ng mga alituntunin at taktika sa digmaan at pagsusulong ng kapayapaan. Ang Taoismo (Daoismo) ay isang sinaunang pilosopiya at relihiyon na nagmula sa Tsina na nakatuon sa pamumuhay nang naaayon sa "Tao" , na nangangahulugang "Daan" o "Landas." Layunin nito na maunawaan at sundin ang natural na daloy ng uniberso at kalikasan, at sa pamamagitan nito ay makamit ang balanseng pamumuhay. Si Lao Tzu (Laozi) ay isang sinaunang pilosopo at tagapagtatag ng Taoismo. Kilala siya bilang may- akda ng Tao Te Ching, isang aklat na naglalaman ng mga pilosopikong aral tungkol sa "Tao" o "Daan" (ang prinsipyo ng uniberso) at "Te" (kabutihan o birtud). Mga Kaisipan ng Taoismo Ang "Tao" ay itinuturing bilang ang likas na batas ng uniberso at ng lahat ng bagay. Ang Wu Wei ay nangangahulugang "non-action" o "effortless action," na tumutukoy sa pamumuhay na hindi sumasalungat sa likas na daloy ng mga bagay. Ang Yin at Yang ay simbolo ng dalawang magkasalungat at pantay na puwersa na nagbibigay balanse sa uniberso. Ang Yin ay kumakatawan sa dilim, katahimikan, at pasibong enerhiya, habang ang Yang ay tumutukoy sa liwanag, aktibidad, at masiglang enerhiya. Ang Taoism ay nagtuturo ng pamumuhay sa simplisidad, kung saan ang mga materyal na bagay at labis na ambisyon ay tinuturing na hindi mahalaga. Ang Pakua o Bagua ay isang mahalagang simbolo sa tradisyong Taoismo at Feng Shui. Binubuo ito ng walong trigram (tatlong linya), na kumakatawan sa iba't ibang aspeto ng kalikasan, pwersa ng uniberso, at mga prinsipyo ng Yin at Yang. Ang Confucianismo ay isang pilosopiya at sistema ng etikal na paniniwala na binuo mula sa mga aral ni Confucius (Kongzi), isang kilalang pilosopo mula sa Tsina noong ika-5 siglo BCE. Saklaw nito ang moralidad, tamang asal, paggalang sa nakatatanda, at ang pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng tamang relasyon sa pamilya at komunidad. Mga Aral ng Confucianismo Ren - tumutukoy sa pagmamahal sa kapwa at kabaitan. Li - tumutukoy sa mga tradisyunal na ritwal, etiketa, at tamang pag-uugali na nagpapakita ng respeto, lalo na sa mga nakatatanda at sa mga nasa mas mataas na antas ng lipunan. Xiao - isang pangunahing konsepto na nagpapakita ng debosyon at paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang at mga ninuno. Yi - paggawa ng tama batay sa moralidad, hindi lamang sa personal na interes o pakinabang. Zhong - pagiging tapat, hindi lamang sa salita kundi pati na rin sa kilos. Junzi - modelo ng isang marangal at mabuting tao. Mga Teksto ng Confucianismo Analects (Lunyu) - ang pangunahing koleksyon ng mga kasabihan at aral ni Confucius, na tinipon ng kanyang mga mag-aaral. Book of Rites (Liji) - aklat na nagpapaliwanag sa tamang asal at ritwal na dapat sundin sa iba't ibang bahagi ng buhay. Lipunang Pyudal ng Dinastiyang Zhou: Hari Maharlika Mga Manananggol Mangangalakal Manggagawa magsasaka Panahon ng Warring States (Zhanguo Shidai) Ito ay isang panahon ng matinding kaguluhan at digmaan sa pagitan ng iba't ibang estado sa Tsina na nagresulta sa pagbuo ng isang nagkakaisang imperyo sa ilalim ng Dinastiyang Qin. Minarkahan ang pagkakahati ng Tsina sa pitong pangunahing estado: Qin, Chu, Qi, Yan, Han, Wei, at Zhao. Haring Nan – huling hari ng dinastiyang Zhou. Sa ilalim ni Haring Nan, ang Dinastiyang Zhou ay nagkaroon ng malalim na krisis sa pamamahala, dahil ang kapangyarihan ay higit na lumipat sa mga lokal na prinsipe at estado. Dinastiyang Qin (221-206 BCE) unang dinastiya ng imperyal na Tsina at pinagbuklod ang mga Warring States. Haring Ying Zheng – ipinahayag ang kanyang sarili bilang “Shi Huangdi” o “Unang Emperador” at itinatag ang dinastiyang Qin. Kultura at Kabuhayan Pagkakaroon ng pamantayan ng sukat at timbang malawak na proyekto ng pampublikong paggawa, kabilang ang pagbuo ng Great Wall nagpatupad ng reporma sa pag-aari ng lupa, na nagbigay ng lupa sa mga magsasaka at naglaan ng mga pag-aari sa mga lokal na pinuno. Inirekomenda ni Punong Ministro Li Siu ang pagsira sa kasaysayan ng nakaraang dinastiya maliban sa kasaysan ng Qin Nanatili ang mga akda tungkol sa medisina, siyensya, agrikultura at dibinasyon. Code of Qin isang mahalagang kodigo ng batas na ipinatupad ng Dinastiyang Qin noong panahon ng pamumuno ni Shi Huangdi, ang unang emperador ng Tsina. isang sistematikong kodigo na layuning pamahalaan ang lipunan at magpatupad ng mahigpit na batas sa ilalim ng sentralisadong pamahalaan ng Qin. Legalismo (Legalism) ay isang pilosopiyang pampulitika na nagmula sa Tsina noong panahon ng dinastiyang Qin at ito ay pangunahing ipinahayag ni Han Feizi. Panuntunan ng Legalismo nagtuturo na ang kaayusan sa lipunan ay makakamtan sa pamamagitan ng mahigpit na batas at matinding parusa. ang kapangyarihan ay dapat na nakatuon sa isang sentral na awtoridad upang mapanatili ang kontrol at kapayapaan. naniniwala na ang mga tao ay likas na makasarili at hindi mapagkakatiwalaan at upang maiwasan ang kaguluhan, kinakailangan ang mahigpit na sistema ng batas at parusa. Great Wall ng Estado ng Chu Kilalá bilang “Square Wall,”ay ipinatayo ng estado ng Chu (isa sa mga warring states) ang moug o pader na matatagpuan sa hilagang bahagi ng kabisera ng lalawigan ng kaharian noong ika-7 siglo BCE. Great Wall ng Estado ng Qi Sa katimugang bahagi ng estado ng Qi, unti- unting ginawa ang isang malawak na pader gamit ang mga umiiral na dike ng ilog, bagong itinayong mga pader, at mga hindi madaanang lupain ng bundok. Great Wall ng Estado ng Zhongshan Sa estado ng Zhongshan, isang sistema ng pader ang itinayo upang pigilan ang pagsalakay mula sa mga estado ng Zhao at Qin sa timog-kanluran. Mga sumunod na pagpapatayo ng bahagi ng Dakilang Muog May dalawang linya ng depensa sa estado ng Wei: ang mga pader ng Hexi (“Kanluran ng ilog Huang Ho”) at Henan (“Timog ng Ilog”). Ang estado ng Zheng ay nagtayo rin ng isang sistema ng pader, na muling itinayo ng estado ng Han matapos sakupin ang Zheng. Nakumpleto ng estado ng Zhao ang isang pader sa timog at isang pader sa hilaga; ang pader sa timog ay pangunahing itinayo bilang depensa laban sa estado ng Wei. Pagtatayo ng Estado ng Qin ng Dakilang Muog Ang estado ng Qin ay lumago sa aspeto ng politika at militar upang maging pinakamalakas sa pitong estado, ngunit madalas itong inaagaw ng Donghu at Loufan, dalawang nomadikong grupo mula sa hilaga. Ang Qin ay nagtayo ng pader na nagsimula sa Lintiao, umakyat sa hilaga sa kahabaan ng Liupan Mountains, at nagtapos sa Huang He (Yellow River). Pagtatayo ng Estado ng Yan ng Dakilang Muog Sa estado ng Yan, dalawang hiwalay na linya ng depensa ang inihanda —ang Northern Wall at ang Yishui Wall—bilang pagsisikap na depensahan ang kaharian mula sa mga pag-atake ng mga grupo mula sa hilaga tulad ng Donghu, Linhu, at Loufan, pati na rin mula sa estado ng Qi sa timog. Great Wall sa Ilalim ng Dinastiyang Qin Noong 221 BCE, nakumpleto ni Shihuangdi, ang unang emperador ng Qin, ang pagsakop sa Qi at sa gayon ay nagkaisa ang Tsina. Inutos niya ang pag- aalis ng mga pader na itinayo sa pagitan ng mga naunang estado. Great Wall sa Ilalim ng Dinastiyang Qin Inatasan si Heneral Meng Tian upang magtayo ng garison sa hilagang hangganan laban sa mga pagsalakay ng nomadikong Xiongnu at upang ikonekta ang mga pader ng Qin, Yan, at Zhao sa tinatawag na “10,000-Li Long Wall.” Terracotta Army mga mala-taong laki ng estatwa ng terra-cotta na natagpuan sa libingan ng unang emperador ng Qin, si Qin Shi Huang-ti (na tinatawag ding Shihuangdi), malapit sa Xi’an, lalawigan ng Shaanxi, Tsina. Kinilala itong UNESCO World Heritage site noong 1987. Emperador Qin Er Shi – huling emperador ng dinastiyang Qin. Chu-Han Contention labanan sa pagitan ng dalawang pangunahing pwersa na naglaban para sa kontrol ng Tsina matapos ang pagbagsak ng Dinastiyang Qin. Ang Chu ay pinamumunuan ni Xiang Yu at ang Han sa ilalim ng pamumuno ni Liu Bang. Labanan sa Gaixia nagtagumpay si Liu Bang nang magpakamatay si Xiang Yu at kanyang konsorte na si Lady Yu. Dinastiyang Han (206 BCE – 220 AD) Liu Bang o Emperador Gaozu – nagtatag ng dinastiyang Han, ang ikalawang dinastiya ng imperyal na Tsina. Nahati ang imperyo sa dalawang panahon: Kanlurang Han at Silangang Han. Nahati ang imperyong Han dahil sa pag-angat ni Wang Mang na nagdeklara ng pagwawakas ng dinastiyang Han ngunit nagtagumpay si Gaozu na manatili sa kapangyarihan. Kultura at Kabuhayan Pagbubukas ng Silk Road na naging daan sa pakikipagkalakalan sa Kanluran nagpatupad ng mga proyekto sa imprastruktura, tulad ng pagbuo at pagpapabuti ng mga kalsada at kanal, upang mapadali ang kalakalan at transportasyon sa buong imperyo. Ang mga pook tulad ng Luoyang at Chang'an (ngayon ay Xi'an) ay naging mga pangunahing sentro ng politika at kalakalan. Ipinakilala ni emperador Wen ang sistema ng serbisyo sibil na may layuning tiyakin ang kalidad at kakayahan ng mga opisyal ng gobyerno. ang Confucianism ay naging opisyal na pilosopiya ng estado pag-unlad sa larangan ng pottery, bronzeware, at jade carving. Records of the Grand Historian" (Shiji) ni Sima Qian – nagtakda ng pamantayan at anyo para sa pagsusulat ng kasaysayan ng Tsina. Zhang Heng - isang tanyag na iskolar at imbentor mula sa dinastiyang Han sa Tsina. Isa sa kanyang pinakatanyag na imbensyon ay ang seismoscope (seismograph), isang instrumento na ginamit upang matukoy ang pagkakaroon ng mga lindol. Huangdi Neijing (Yellow Emperor's Inner Canon) - isang pangunahing teksto sa tradisyunal na medisina ng Tsina. Ang paggawa ng papel ay isang mahalagang imbensyon na iniuugnay kay Cai Lun noong mga 105 CE. Ang papel ay naging isang pangunahing materyal para sa pagsulat at dokumentasyon na naging susi sa paglaganap ng kaalaman at kultura. Ang pagbuo ng sundial na ginamit upang masukat ang oras sa pamamagitan ng paggamit ng araw ay isang mahalagang imbensyon sa panahon ng Dinastiyang Han. Ang magnetic compass ay isang mahalagang imbensyon para sa nabigasyon na ginamit ang magnetic properties upang tukuyin ang direksyon. clepsydra o water clock ay ginamit upang sukatin ang oras sa pamamagitan ng pagdaloy ng tubig. Ang mga prinsipyo ng acupuncture ay umusbong at pinalawak noong Dinastiyang Han. Ang pagbuo ng crossbow na ginamit sa militar ay nagbigay- daan sa mas epektibong estratehiya sa digmaan. Ang crossbow ay naging pangunahing armas sa mga labanan ng Dinastiyang Han. Relihiyon at Paniniwala Nanatili ang animism at ancestor worship Ang mga Taoist na templo at seremonya ay naging bahagi ng relihiyosong buhay sa panahon ng Han. Ang Confucianism ay hindi isang relihiyon sa tradisyunal na kahulugan ngunit isang sistema ng etikal na prinsipyo at moralidad. Pinalitan ang Legalismo ng pilosopiyang Confucianismo. mga ritwal para sa mga ninuno, mga taon ng agrikultura, at mga seremonya sa mga diyos at espiritu. Yellow Turban Rebellion isang malawakang paghihimagsik ng mga magsasaka laban sa pamahalaan ng Dinastiyang Han sa Tsina na nagsimula noong 184 CE. pinamunuan ni Zhang Jue, isang lider ng relihiyosong kilusang Daoist at nagtatag ng kilusan na tinawag na "Way of Supreme Peace", na may layuning pabagsakin ang Han Dynasty. Ang pangalan ng rebolusyon ay hango sa mga dilaw na turban o telang isinusuot ng mga rebelde. Three Kingdoms’ Dynasty Dinastiyang Wei sa Dinastiyang Shu sa Dinastiyang Wu Hilagang Tsina ni timog-kanlurang Tsina sa silangang Tsina Cao Cao ni Liu Bei ni Sun Quan "Romance of the Three Kingdoms" ni Luo Guanzhong - isang makulay na epiko na naglalarawan ng mga kaganapan at tauhan sa panahon ng Three Kingdoms at nagkaroon ng malalim na epekto sa kulturang Tsino. Si Zhuge Liang, ang tanyag na estratehista ng Shu, ay kinikilala sa iba't ibang inobasyon, kabilang ang wooden ox, isang maagang bersyon ng kariton para sa pagdadala ng mga suplay, at ang repeating crossbow, na kayang magpalabas ng maraming palaso nang sunud- sunod. Sistemang Juntian Zhi - ang mga sundalo ay pinapatira sa mga lupa upang magsaka at tustusan ang kanilang mga sarili na nagbabawas ng pasanin sa mga imbakan ng estado at nagpapataas ng ani ng agrikultura. Dinastiyang Jin isa sa mga makasaysayang dinastiya sa Tsina na itinatag ni Sima Yan, na kilala rin bilang Emperor Wu, matapos pabagsakin ang Dinastiyang Wei sa pagtatapos ng panahon ng Three Kingdoms. Dinastiyang Sui (581– 618 AD) Yang Jian (Yang Chien) – isang komandante na muling pinag-isa ang Tsina at itinatag ang dinastiyang Sui sa kanyang pamumuno bilang si Emperador Wendi. Kultura at Kabuhayan Ipinatupad ang mga simple na batas at ipinakilala ang mga reporma sa lupa Pagpapalawig ng Equal Field System (Jun tian) Pagtatayo ng Grand Canal (nag-uugnay sa ilog Yangtze at ilog Huang He) na nagpabilis sa kalakalan, pagpapalitan ng mga produkto, at pagdadala ng mga butil mula sa mga lalawigan sa timog patungo sa hilaga, lalo na sa kabisera ng estado. Ang Buddhism ay patuloy na lumaganap at naging pangunahing relihiyon sa Tsina sa panahon ng Sui. Ang mga karaniwang tao, lalo na ang mga magsasaka, ay namuhay ng simple at nagsusumikap upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga bahay ay karaniwang gawa sa putik at kahoy ang pagkain ay pangunahing binubuo ng bigas, gulay, at kung minsan ay karne. Ang pananamit sa panahon ng Sui ay simple para sa karaniwang tao, ngunit ang mga mayayaman at mga opisyal ay nagsusuot ng mas masalimuot at makulay na damit na gawa sa seda at iba pang mamahaling materyales. Relihiyon at Paniniwala Animismo at Ancestor Worship Buddhism o Budismo Taoismo Ang mga ritwal at pag-aalay ay ginagawa upang makuha ang pabor ng mga espiritu at maiwasan ang mga kalamidad. pagsasagawa ng mga ritwal at nagbibigay ng mga anting- anting upang matulungan ang mga tao sa kanilang araw- araw na pamumuhay. Ang mga Confucian na prinsipyo tulad ng "piety" (paggalang sa mga magulang at nakatatanda) at "righteousness" (pagiging makatarungan) ay nanatiling mahalaga sa lipunan. Alchemy - paniniwala sa mga paraan ng pagpapahaba ng buhay, imortalidad, at mga ritwal para sa proteksyon laban sa masasamang espiritu. Yangdi (Yang Guang) – anak ni Wendi at huling emperador ng dinastiyang Sui. Dinastiyang Tang (618 - 907 AD) Itinatag ni Li Yuan ang dinastiyang Tang. Siya ay naging si Emperador Gaozu. Ipinakilala ang burukrasya sa pamahalaan Dinastiyang Tang (618 - 907 AD) Ang pinakadakilang panahon sa kasaysayan ng Imperyal na Tsina. Ito ay isang panahon ng reporma at pag-unlad sa kultura na nagtatag ng mga patakaran na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa rin sa Tsina. Lady Wu o Eperatris Wu Zetian – binago ang pangalan ng dinastiya at tinawag itong “Dinastiyang Zhou”(683-704 AD) Eunuch - tagapagsilbi sa palasyo at pinagkakatiwalaan dahil wala silang kakayahang magkaanak at magkaroon ng interes sa politika. Bakit walang kakayahang magkaanak ang mga “Eunuch”? …dahil sa Ang castration o pagkakapon ay ang proseso “CASTRATION” ng pag-alis o pagsira sa mga reproductive organs ng isang tao o hayop, kadalasan ang mga testicles sa mga lalaki o ovaries sa mga babae. Sa mga lalaki, ito ay tinatawag na orchiectomy, at sa mga babae, oophorectomy. tagapangasiwa ng mga harems (tahanan ng mga asawa o concubines ng hari). pinapadala sa mga misyon ng pakikipagkasundo o diplomasya, mangasiwa sa pagpapatupad ng mga batas o utos ng emperador. tagapagturo ng mga prinsipe at prinsesa. tagapayo ng mga emperador at mga miyembro ng pamilya ng hari. Kultura at Kabuhayan Ang mga pantalan tulad ng Chang'an (ang kabisera) at Guangzhou ay naging sentro ng internasyonal na kalakalan. napabuti ang edukasyon, buwis, agrikultura Naranasan ng Tsina ang Gintong Panahon sa pamumuno ni emperador Xuanzong kung saan naging popular na relihiyon ang Budismo na kalaunan ay pinalitan ng Taoismo bilang opisyal na relihiyon. Gintong Panahon ng Sining at Kulturang Tsino. Ang paggawa ng papel, na ipinakilala mula sa Han Dynasty, ay pinabuti sa Dinastiyang Tang. Naimbento ni Yi Xing ang orasan (mechanical clock) at ang unang mekanismo nito. Ang pulbura o gunpowder ay naimbento sa China noong ika-9 na siglo AD sa panahon ng Tang Dynasty (618–907 AD). Hindi ito inimbento ng isang partikular na tao kundi natuklasan ng mga alchemists habang naghahanap sila ng elixir ng buhay, isang uri ng gamot na pinaniniwalaang magbibigay ng imortalidad. Ang woodblock printing ay unang naimbento sa China noong Tang Dynasty (618–907 AD), at ito ay isang mahalagang teknolohiya para sa pagpapalaganap ng mga teksto, lalo na ang mga relihiyosong aklat at dokumento. Bagama't walang tiyak na pangalan ng isang tao o grupo na maaaring ituring na eksaktong nakaimbento ng woodblock printing, ang mga Budistang monghe ang isa sa mga pangunahing gumamit at nagpaunlad ng teknolohiyang ito Ang unang kilalang woodblock printed document ay isang kopya ng Diamond Sutra, isang sagradong tekstong Budista, na nailimbag noong 868 AD sa panahon ng Ang pinakamatandang Tang Dynasty. librong naimprenta o Ang dokumentong ito nailimbag sa ay natagpuan sa kasaysayan ng daigdig. Dunhuang, isang lungsod na malapit sa Silk Road. Tang Legal Code – ipinatupad sa ilalim ng Tang Dynasty (618–907 AD) sa China, at ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalaga at pinakamaimpluwen syang legal na sistema sa kasaysayan ng Tsina. Binubuo ng 2 bahagi: Lü ( 律 ) - ang mga batas criminal na nakatuon sa mga krimen at parusa. Ling ( 令 ) - mga administratibong regulasyon at patakaran na nagtatakda ng mga tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal 5 Pangunahing Parusa: 1. Paghagupit gamit ang Baston (flogging) – pinakamagaang parusa. 2. Pagkakulong – maaaring pansamantala o pangmatagalan. 3. Pagputol sa Bahagi ng Katawan – isang mas mabigat na parusa. 4. Pagsasapubliko ng Krimen – para sa mga seryosong kaso. 5. Pagbitay – para sa pinakamabibigat na krimen. Ang Equal Field System o "Juntian Zhi" - ay isang sistema ng pamamahagi ng lupa na ipinatupad sa China noong Northern Wei Dynasty (386–534 AD) at na-perpekto sa panahon ng Tang Dynasty (618–907 AD). Ang pangunahing layunin ng sistemang ito ay upang magkaroon ng patas na pamamahagi ng lupa sa mga mamamayan at maiwasan ang konsentrasyon ng mga lupain sa iilang tao o pamilya, na siyang karaniwang sanhi ng kaguluhan at paghihirap sa lipunan. Ang Tang Materia Medica (Tang Bencao o Bencao Texts) - ang unang opisyal na pharmacopoeia na iniutos ng pamahalaan ng dinastiyang Tang. Ito ay itinalaga ni Emperador Gaozong noong taong 657 AD, at ito ay pinangungunahan ng mga kilalang doktor at eksperto sa medisina noong panahon iyon. Ang civil service exam sa China na kilala bilang Imperial Examination o keju ay unang ipinakilala noong panahon ng Sui Dynasty (581–618 AD). Ito ay ganap na ipinatupad ng pamahalaan noong Tang Dynasty (618–907 AD). Ang sistema ng pagsusulit na ito ay naglalayong pumili ng mga opisyal ng pamahalaan batay sa kakayahan, sa halip na sa pinagmulan o katayuan sa lipunan. Qianli Chuan – isang barko na unang naimbento at ginamit sa China noong panahon ng Tang Dynasty (618– 907 AD). Ito ay gumagamit ng paddle wheel technology na nakatulong sa pagpapabilis ng paggalaw nito sa tubig. si Li Gao, isang opisyal ng Tang, ay iniulat na gumamit ng mga barkong may paddle wheel sa Yangtze River sa mga operasyong militar. Relihiyon at Paniniwala Ancestor Worship Kristiyanismo Buddhism (Budismo) Confucianismo Taoismo panahon ng pag-usbong ng Buddhism sa Tsina. Ang mga monasteryo at templong Buddhism ay lumago. Ang Taoismo ang naging opisyal na relihiyon ng Tsina sa panahon ng dinastiyang Tang. paggamit ng mga amulet, charms, at mga ritwal para sa kasaganaan, proteksyon laban sa masamang espiritu, at pag-aalis ng malas ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang Feng Shui ay isang mahalagang aspeto ng buhay noong panahon ng Tang. Ang divination o paghula ng hinaharap gamit ang mga pamamaraan tulad ng I Ching (Yijing) na isinasagawa upang makakuha ng gabay at pagpapasya sa mga mahahalagang aspeto ng buhay. Si Ai ang huling emperador ng Tang na namuno sa trono mula 904-907 CE hanggang sa siya ay patayin ni Zhu sa edad na 15. Panahon ng Limang Dinastiya at Sampung Kaharian (907-960 AD) Rebelyon ni An Lushan – isang digmaang sibil na pinamunuan ni An Lushan para supilin ang pamahalaan at itatag ang dinastiyang Yan ngunit ito ay nabigo. Ang limang dinastiya ay binubuo ng Later Liang (907–923), Later Tang (923–936), Later Jin (936–946), Later Han (947–950), at Later Zhou (951–960). Ang sampung kaharian sa timog at kanlurang bahagi ng Tsina ay ang Wu, Min, Southern Han, Southern Tang, Qi, Chu, Yuan, Liang, Jingnan, at Hunan. Ang mga pintor tulad nina Dong Yuan at Jing Hao ay nag-ambag sa pagbuo ng mga estilo at teknik sa larangan ng sining na nagbigay- diin sa kagandahan ng kalikasan. Ang teknolohiya ng woodblock printing na naimbento noong Dinastiyang Tang ay patuloy na umunlad sa panahong ito. Dinastiyang Song (960 – 1279 AD) Itinatag ng heneral ng Huling Zhou na si Zhao Kuangyin na hinirang bilang emperador ng hukbo noong 960 CE. Ang kanyang titulo ng paghahari ay Taizu (Grand Progenitor). Dinastiyang Khitan Liao sa hilaga - nagkontrol sa depensibong lugar ng Great Wall of China Kultura at Kabuhayan Industriya ng pag-iimprenta, papel, tela, at porselana. Ang mga produktong ito ay iniluluwas sa kahabaan ng Silk Road kasama ang tsaa, seda, bigas, at tanso. Kasama sa mga inaangkat ang mga kabayo, kamelyo, tupa, telang koton, garing, mga hiyas, at pampalasa. Umunlad bilang isang mas modernisado at industriyalisadong bansa umunlad ang kalakalan sa pagitan ng mga estado at ang mga tributo ay bumalik sa Tsina bilang bayad para sa mga produktong iniluluwas nito. Pagkaimbento ng barkong may paddle-wheel, pulbura, perang papel, ang nakapirming kompas, ang timon sa hulihan ng barko, mga lock gate sa mga kanal Ang Yingzao Fashi ay isang mahalagang teknikal na akda sa arkitektura at inhinyeriya na isinulat sa panahon ng Song Dynasty (960–1279 AD) sa China. Ang pangalan nito ay maaaring isalin bilang "The State Building Standards" o "The Treatise on Architectural Methods and Techniques.“ Ang akda ay isinulat ni Li Jie, isang kilalang inhinyero at arkitekto ng Song Dynasty. Ang Zizhi Tongjian o "Comprehensive Mirror to Aid in Government," ay isang mahalagang kronolohiya na sumasaklaw sa kasaysayan ng China mula sa Warring States period (403–221 BC) hanggang sa Song Dynasty (960–1279 AD). isinulat ito ni Sima Ang foot binding ay isang sinaunang tradisyon sa Tsina na nagsimula noong dinastiyang Song (960–1279 AD) at tumagal hanggang sa simula ng ika-20 siglo. Ito ang pagbalot ng mga paa ng batang babae gamit ang mahigpit na linen na tela kung saan ang mga daliri ng paa ay pinipilit na itiklop at binabalot upang mapanatiling maliit ang laki nito. Lotus Feet – ang maliit na paa na simbolo ng kagandahan at estado sa lipunan noong panahong iyon. kadalasang nagsisimula sa edad na 4 hanggang 9 taon para sa mga babae. Relihiyon at Paniniwala Pure Land Buddhism - isang mahalagang anyo ng Buddhism noong panahong iyon, na nakatuon sa pagdarasal sa Amitabha Buddha. Zen Buddhism (na kilala rin bilang Chan Buddhism sa Tsina) ay umunlad sa panahon ng Song. Taoism Confucianism Ancestor Worship Ang mga pamilya ay nagsasagawa ng mga seremonya upang magbigay-galang at mag-alay sa kanilang mga ninuno, na nakikita bilang may kakayahang magbigay ng pagpapala at proteksyon sa kanilang mga inapo. Ang Feng Shui ay ginagamit sa pagpaplano ng mga gusali, bahay, at mga lunsod upang makamit ang balanse at kaayusan. Lipunan Ang emperador ay itinuturing na diyos o isang banal na tagapamahala na may direktang koneksyon sa langit. Ang mga miyembro ng nobility o aristokrasya ay may mataas na ranggo sa lipunan at kadalasang may ari-arian, lupa, at mga titulo o pagkilala. Ang mga opisyal ng gobyerno ay may mataas na katayuan sa lipunan, lalo na ang mga pumasa sa civil service examinations na nakabatay sa Confucian classics. Manggagawa Negosyante Magsasaka Mga alipin Emperador Bing – huling emperador ng dinastiyang Song. Dinastiyang Yuan (1271 – 1368 AD) Itinatag ng mga Mongol. Ang kanilang unang emperador ay si Kublai Khan. Shizu – titulo ni Kublai Khan Yuan – ang “origin”, “center”, “main pivot” Bingbu - Kagawaran ng Digmaan na responsable para sa pag-aasikaso ng lahat ng aspeto ng mga pwersang militar ng dinastiya. pinamumunuan ng isang Bingbu Shangshu na may kapangyarihang magtakda ng mga polisiya at magbigay ng mga utos sa mga pwersang militar. Ang jiaochao ay ang uri ng papel na pera na ipinakilala at ginamit sa ilalim ng dinastiyang Yuan, na itinatag ng mga Mongol sa ilalim ng pamumuno ni Kublai Khan. Ang kauna-unahang perang papel sa Tsina ay tinatawag na "jiaozi" na ipinakilala noong Tang Dynasty (618–907 AD). Ang Pax Mongolica ("Mongol Peace") ay tumutukoy sa panahon ng kapayapaan at kaayusan na pinanatili ng mga Mongol sa ilalim ng kanilang imperyo, partikular sa panahon ng Dinastiyang Yuan (1271–1368 AD) sa Tsina at ng mga Ilkhanate sa Persia. Kultura at Kabuhayan Tax-farming system - sa ilalim ng sistemang ito, ang mga kolektor ng buwis o mga opisyal ng pondo ay binibigyan ng kontrata para kolektahin ang buwis mula sa mga tiyak na lugar. land tax - nagpapataw ng buwis sa mga may-ari ng lupa batay sa laki ng lupa at uri ng pananim. Pinatanggal ang pagsusulit sa serbisyo sibil na magpapabor sa mga opisyal na Tsino na may edukasyong Confucian. hindi pagpapagamit sa mga Tsino na kumuha ng mga pangalan ng Mongol, magsuot ng mga kasuotan ng Mongol matuto ng wikang Mongol. Pinagbawalan ang pag-aasawa sa pagitan ng magkaibang lahi Ang mga Mongol ay nagdagdag ng ilang uri ng pagkain mula sa kanilang sariling kultura, tulad ng dumplings at mga pagkaing gawa sa karne. Relihiyon at Paniniwala Ang mga tradisyonal na relihiyon ay pinahintulutan na magpatuloy hangga't hindi nila bantaan ang estado Tibetan Buddhism ang naging pangunahing relihiyon. Umiral din ang Shamanismo at Ancestor Worship Ang Feng Shui ay ginamit sa pagpaplano ng mga gusali, tahanan, at iba pang mga estruktura upang mapanatili ang balanse at kasaganaan. Ang paggalang sa pamilya, partikular sa mga magulang at lolo't lola, ay nanatiling mahalaga sa panahon ng Yuan. Lipunan Ang apat na antas ng tao sa lipunang Yuan: mga Mongol; Semu - mga tao mula sa Gitnang Asya at/o nagsasalita ng mga wika ng mga Turko; Hanren - mga Tsino sa hilaga, mga Tibetano, Khitan, Jurchen, at iba pa; Nanren - mga Tsino sa timog na opisyal na pinamumunuan ng Song. Toghon Temur – huling emperador ng dinastiyang Yuan Northen Yuan Dynasty – pinamunuan ni Zhu Yuanzhang o Emperador Hongwu Dinastiyang Ming (1368 – 1644 AD) Itinatag ni Zhu Yuanzhang o emperador Hongwu (Ming Taizu). Ang Da Ming Lü ay ang batas na ipinatupad sa ilalim ng Dinastiyang Ming (1368–1644 AD) sa Tsina. Ito ay isang komprehensibong sistema ng batas na nagtatakda ng mga regulasyon, parusa, at pamantayan para sa lipunan sa panahon ng Dinastiyang Ming. Forbidden City sa Beijing (kilala sa wikang Tsino bilang Zijincheng (Purple Forbidden City') – ipinatayo ni emperador Yongle mula 1407 na itinuturing na UNESCO world heritage ngayon. Kultura at Kabuhayan pinalapad ang Grand Canal upang madaling marating ng mga barko ng trigo ang kabisera. Ang Great Wall of China ay inayos upang mas mahusay na ipagtanggol ang hilagang hangganan. nagsimulang gamitin ang pilak bilang pangunahing uri ng salapi sa kalakalan. Itinatag ang Imperial Astronomical Bureau para sa pagbuo ng mga kalendaryo at pagtukoy ng mga astronomical phenomena. Zheng He (1371-1433) - malawakang itinuturing bilang pinakamahusay na manlalakbay ng Tsina. isang eunuch na Muslim na umasenso upang maging isang admiral sa imperial na plota. Wang Yangming - nagtaguyod ng Chan Buddhism na nagmungkahi ng mga radikal na bagong ideya. muling ipinakilala ng Ming ang tradisyonal na sistema ng civil service examination Akdang Pampanitikan Shuihuzhuan - tungkol sa isang grupo ng mga mabubuting tulisan. Xiyouji -tungkol sa isang pari na naglalakbay patungo sa India upang kolektahin ang mga kasulatang Budhista. Jin Ping Mei - isang mausisa at mapangahas na satira ng pamahalaan ng Ming na nag-aaral sa buhay ng mayamang negosyante. The Peony Pavilion ni Tang Xianzu – pinakasikat na dula tungkol sa isang binata na nahuhulog sa pag-ibig sa isang dalagang babae na siya lamang nakikilala nito sa panaginip. Yongle Dadian - isang ensiklopedya ng lahat ng mahahalagang akdang pampanitikan ng Tsina na may mahigit sa 22,000 kabanata na nilikha sa panahon ng pamumuno ni Emperador Yongle. Relihiyon at Paniniwala Confucianism, Buddhism, Taoism, at Folk Religion, kasama ang mga bagong impluwensya tulad ng Kristiyanismo mula sa mga misyonerong Kanluranin. Hui Muslims - mga Tsino na Muslim na naninirahan sa mga rehiyon ng China tulad ng Yunnan at Gansu. Society of Jesus (Jesuits) sa pangunguna ni Matteo Ricci - nagdala ng Katolisismo sa China. Chinese astrology - naglalaman ng Chinese zodiac na may 12 hayop na kumakatawan sa iba't ibang taon. Mandate of Heaven - isang mahalagang paniniwala sa pamahalaan ng Tsina. Naniniwala ang mga Tsino sa feng shui Gumagamit ang mga Tsino ng amulets, incense, at rituals para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa masamang kapalaran, masasamang espiritu, at natural na sakuna. npghahangad na maging immortal o makamit ang kawalang-kamatayan sa pamamagitan ng alchemy, ritwal, at meditasyon. Ang Confucianism ang sentral na ideolohiya ng Dinastiyang Ming, lalo na sa pamahalaan at lipunan. Lipunang Ming Emperador at Imperyal na Pamilya Shidafu - mga iskolar at opisyal ng pamahalaan Nongmin - mga magsasaka Gongren - mga artisano at manggagawa Shangren -mangangalakal Shibing - mga Kawal Nuli -mga alipin at mababang uri ng tao sa lipunan Ang huling emperador ng Ming, si Chongzhen ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal sa halip na mahuli. Dinastiyang Qing (1644 – 1912 AD) huling imperyal na dinastiya ng Tsina. Ang unang emperador ng dinastiyang Qing ay si Nurhaci. Ang unang emperador ng Qing na nagkaroon ng titulo ng "Huangdi" o "Emperador" matapos ang pagsakop ng Beijing noong 1644, ito ay si Emperador Shunzhi. Luying o Army of the Green Standard - nakadestino sa buong bansa upang pigilan ang mga lokal na pag-aaklas. Kultura at Kabuhayan Tribute System - ang mga bansang katabi ng Tsina ay nagbibigay ng tribute (pagkilala at buwis) bilang kapalit ng proteksyon o benepisyo mula sa imperyo. Kabilang dito ang Korea, Vietnam, at ilang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Canton System - tanging opisyal na daungan para sa pakikipagkalakalan ay ang Guangzhou kung saan ang mga dayuhang mangangalakal ay maaaring makipagkalakalan sa ilalim ng mahigpit na kontrol ng pamahalaan. Ang monopolyo sa ilang mga produktong Tsino tulad ng tsaa at seda. Unequal Treaties -nagbukas sa Tsina sa pandaigdigang kalakalan bunga ng digmaang opyo bagama’t sa hindi pantay na kondisyon. Ang Confucianismo ay nanatiling pangunahing pilosopiya at ideolohiya ng pamahalaan at lipunan. ang eksaminasyong sibil ay nagpapatuloy pagsusuot ng tradisyonal na damit, tulad ng cheongsam para sa kababaihan at changshan para sa kalalakihan. Dream of the Red Chamber ni Cao Xueqin - isa sa apat na dakilang klasiko ng panitikang Tsino. Ang nobela ay umiikot sa pamilyang Jia, partikular sa batang si Jia Baoyu, at ang kanyang mga relasyon sa kanyang mga kamag-anak at mga kasamahan. Ang pangunahing tema ay ang pagkakaiba-iba ng mga relasyon sa pamilya, pag- ibig, at ang kabiguan ng mga ambisyon ng mga tauhan. Ang Summer Palace ay orihinal na itinayo noong 1750 sa panahon ng Dinastiyang Qing sa ilalim ni Emperador Qianlong. Ang orihinal na istruktura ay tinatawag na Qingyi Garden. Ito ay isang UNESCO World Heritage Site. Peking Opera - umusbong bilang isang pangunahing uri ng sining na nagsasama ng musika, sayaw, at drama. Itinuturing itong UNESCO Intangible Cultural Heritage. Relihiyon at Paniniwala Ang Budismo, Taoismo, at Confucianismo ay nanatiling pangunahing relihiyon at pilosopiya. Ang mga misyonerong Kristiyano mula sa Kanluran ay nagsimulang pumasok sa Tsina paggalang sa mga nakatatanda, pagsunod sa mga tradisyon at katapatan sa pamilya napanatili ng mga Manchu ang kanilang paniniwala sa Shamanismo, na pinagsasama ang pagsamba sa kalikasan at mga ninuno. Naniniwala sila sa kapangyarihan ng mga espiritu ng kalikasan at ang papel ng mga shamans (espirituwal na mga lider) upang ipagpatuloy ang kanilang tradisyong panrelihiyon. Feng shui - sistema ng geomancy o sining ng pag-aayos ng espasyo na naglalayong magdala ng balanse, magandang enerhiya, at kasaganaan sa buhay ng isang tao. Ito ay literal na nangangahulugang "hangin" (feng) at "tubig" (shui). Bagua - isang mapa na ginagamit upang suriin ang enerhiya ng isang lugar. Nahahati ito sa walong bahagi na tumutugma sa iba't ibang aspeto ng buhay, tulad ng pamilya, kayamanan, kalusugan, karera, at relasyon. Lipunang Qing Emperador - pinakamataas na pinuno sa lipunan at itinuturing na “Anak ng Langit” o “Son of Heaven.” Ang pamilya ng emperador. gentry o scholar-gentry, sila ay mga iskolar at opisyal ng pamahalaan na nakapasa sa mahigpit na eksaminasyong sibil. Nong - ang mga magsasaka. Gong - ang mga manggagawa at artisan. Shang - mga mangangalakal na itinuturing na pinakamababa sa karaniwang tao dahil sila ay kumikita mula sa palitan ng mga kalakal, hindi mula sa paggawa o paglikha ng mga bagay. Ang mga alipin ay nasa pinakamababang antas ng lipunan, karaniwang mga manggagawa na may limitadong karapatan. Karamihan sa kanila ay mga bihag ng digmaan o angkan ng mga kriminal. Mga Entertainer at Prostitutes - itinuturing na kabilang sa mga mababang uri ng lipunan. Si Emperador Xuantong (Xuāntòng Huángdì), na kilala rin sa pangalang Puyi, ay ang huling emperador ng Dinastiyang Qing at ang pinakabatang emperador sa kasaysayan ng Tsina. Ipinanganak noong February 7, 1906, siya ay naging emperador noong 1908 at nanungkulan hanggang sa 1912. Noong 1932, si Puyi ay pinili ng mga Hapones bilang puppet emperor ng Manchukuo, isang bansa na itinatag ng mga Hapones sa Manchuria. Siya ay tinawag na Emperador Kangde ng Manchukuo hanggang sa pagtatapos ng World War II noong 1945. Rebolusyong Xinhai - nagbigay daan sa pagtatatag ng Republika ng Tsina. Ang Dinastiyang Qing ay bumagsak noong 1911 sa panahon ng Xinhai Revolution, na nagdulot ng pagtatatag ng Republic of China. Ang Qing Dynasty ay pinalitan ng bagong republika, at si Puyi ay napilitang talikuran ang kanyang kapangyarihan.