KABANATA II Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Don Honorio Ventura State University
2024
Tags
Summary
This document discusses communication, its importance, types, and significance in different contexts. The document is part of a course or module at Don Honorio Ventura State University, focusing on the ways Filipinos use communication in daily life, its history, and theory.
Full Transcript
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa...
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph KABANATA II Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Panimula → Esensiyal ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Mahalaga ito maging sa mga ordinaryong mamamayan at higit itong mahalaga sa mga propesyunal sa pagganap sa kanilang trabaho. Dahil sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging mahusay ang bawat isa sa lahat ng pagkakataong siya’y nasasangkot sa mga komunikatibong sitwasyon (Bernales, et al., 2016). A. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON → Isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo, nagaganap ang pakikipagkomunikasyon. Etimolohiya ng Salita → Komunikasyon – Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis”, ang salitang “komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang katawagang pakikipagtalastasan. Ang “communis” ay nangangahulugang panlahat o para sa lahat. ✓ Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang pagpapakahulugan sa komunikasyon batay sa mga sumusunod na eksperto: → Louis Allen (1958) – Ang komunikasyon ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig, at pag-unawa. → Keith Davis (1967) – Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa. → Newman at Summer (1977) – Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso. → Birvenu (1987) – Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala, at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang. → Keyton (2011) – Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito. MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO 1. Pangangailangan upang makilala ang sarili o Komunikasyon – malaking tulong upang mahubog ang pagkatao. 2. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo o Bukod sa daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap. 3. Pangangailangang praktikal o Maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung walang komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo pa napuntahan at iba pa. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON 1. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan. 2. Ito ang ginagamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa mga suliraning panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. 3. Ito ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo ay magkaunawaan at magkaintindihan. 4. Sa pamamagitan ng komunikasyon natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. 5. Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at makipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao. 6. Isa itong paraan upang mas maunawaan at maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng ibang tao. 7. Upang maipahayag, maihatid at maibigay ang impormasyon sa mabisang paraan. DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph B. MGA ANYO, ELEMENTO, AT ANTAS NG KOMUNIKASYON 1. Anyo ng Komunikasyon I. Pormal at Impormal na Komunikasyon o Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring tayain batay sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sino-sino at paano maisasagawa ang prosesong ito. ✓ Mga Salik na Dapat Isaalang-alang: a. Uri ng wikang gagamitin o Pormal – pino, matalino at ayon sa rehistro ang wika ng mga kalahok o Direkta o di-maligoy na at seryosong tono na pagpapahayag. (pormal at impormal) b. Balangkas ng komunikasyon - Tumutukoy ang balangkas sa pagkakasunuod-sunod ng mga segment ng komunikasyon. o Pormal – depinido o tiyak ang balangkas o Impormal – may laya II. Berbal at ‘Di-berbal na Komunikasyon → Berbal – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita. (sa mga rally – mga nakasulat sa banner) → ‘Di-Berbal – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw gaya ng senyas, pagtaas ng kamao, pagkakapit-bisig at iba pa. 2. Elemento ng Komunikasyon Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon; a. Nagpapadala (Sender) – Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon. Ito ay maaaring tagapagpadala ng mensahe. b. Mensahe – Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap ng mensahe. o mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika – pasalita o mensaheng relasyunal o ‘di-berbal – pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap c. Daluyan / Tsannel – Ito ang daanan o midyum ng mensahe. May dalawang kategorya ng daluyan. Ang unang daluyan ay ang sensori o tuwirang paggamit ng 5 senses, ikalawa ay ang daluyang institusyonal. d. Tagatanggap (Receiver) – Magbibigay pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Sa madaling salita, siya ang magde-decode. Katulad ng tagapagdala ng mensahe, ang kawastuhan ng pagde-decode niya sa mensahe ay maaaring maapektuhan ng kanyang layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, pananaw o persepsyon, at kredibilidad. e. Sagabal – Ito ang tinatawag na communication noise o filter, mga bagay na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon. 1) Semantikong sagabal – Ito ay matatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Ito ang mga salita o pangungusap na may dalawa o higit pang kahulugan. 2) Pisyolohikal na sagabal – Ito ay matatagpuan mismo sa katawan ng nagpadala o tagatanggap ng mensahe. Ito ang kapansanan sa paningin, pandinig, o pagsasalita. 3) Pisikal na sagabal – Ito ay ang mga ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound system. 4) Teknolohikal na sagabal – Maling pag-type o shortcut, walang internet connection o mahina ang signal ng WIFI. 5) Sikolohikal na sagabal – Ito ay ang pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring bunga ng misinterpretasyon ng mga kahulugan ng mensahe. f. Tugon (Feedback) – Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng nagpadala (sender) at tagatanggap (receiver) matapos nilang maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe. Ito ay maaring mauuri sa tatlo: 1) Tuwirang tugon – Ipinadala at natanggap agad matapos ipadala at matanggap ang mensahe. 2) ‘Di-tuwirang tugon – ‘Di-berbal na pagtugon. 3) Naantalang tugon – Mga tugon na nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap. DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph 3. ANTAS NG KOMUNIKASYON → Intrapersonal – Isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal. → Interpersonal – Ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap. → Pangkatan – Ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang tao na may iisang layunin. → Pampubliko – Pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang mga politiko na nagkaroon ng talumpati sa madla. → Pangmadla – Magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko tulad ng cellphone, telebisyon at radyo. C. ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON → Kultura – Tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang masalimuot na kabuuang binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan. Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa Pagpapadala ng Mensahe (Edward Hall, 1959) 1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura. 2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng mga ‘di-berbal na palatandaan (clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon, ugnayan at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon sa kapwa. Sa inyong palagay, saang kategorya nabibilang ang bansang Pilipinas? Maggay (2002) → Ayon sa kanya, ang Pilipinas ay may high-context na kultura dahil madalas na hindi lantad o hindi direkta ang mensaheng nais nating iparating sa ating kausap. → Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahubugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano nating itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan. Bakit ang Pilipino hindi maayos sumagot, at kung sumagot naman ay mali-mali? Halimbawa: 1. Tanong – “Kumain ka na ba? Sagot – “Busog pa ako.” 2. Tanong – “Nasa’n ka na?” Sagot – “Malapit na ako.” 3. Tanong – “Anong oras na?” Sagot – “Maaga pa.” URI NG KULTURA AYON SA MGA IBANG SOSYOLOHISTA AT ANTROPOLOHISTA → Sosyolohista – Pinag-aaralan kung paano kumikilos ang mga tao sa loob ng mga lipunan at iba pang mga grupo. → Antropolohista – Inaaral nila ang pagkakakilanlan at ang kasaysayan ng sangkatauhan. 1. Indibidwalistikong Kultura → Ang mga indibidwal na kultura ay ang nagbibigay diin sa mga pangangailangan ng indibidwal kaysa sa mga pangangailangan ng pangkat sa kabuuan. → Ang mga indibidwal na kultura ay binibigyang diin na ang mga tao ay dapat na malutas ang mga problema o makamit ang mga layunin sa kanilang sarili nang hindi umaasa sa tulong mula sa iba. Halimbawa: America, Australia, Canada DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph 2. Kolektibong Kultura → Ang mga kultura ng kolektibista ay binibigyang diin ang mga pangangailangan at layunin ng pangkat sa kabuuan sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat indibidwal. → Ang mga kultura ng kolektibista ay karaniwang naiiba sa mga kulturang indibidwal kung saan ang pagkakaisa at pag-iimbot ay pinahahalagahan ang mga ugali sa mga kolektibong kultura. Halimbawa: South Korea, Asia, Great Britain PAGKAKAIBA NG DALAWANG URI NGKULTURA AYON KAY ADLER AT ELMHORST (2008) INDIBIDWALISTIKONG KULTURA KOLEKTIBONG KULTURA 1. Nangingibabaw ang pagpapahalaga sa sarili bago 1. Inuuna ang kapakanan ng miyembro ng pamilya ang pamilya. bago ang sarili. 2. Ang pakikipagkaibigan ay nakabatay sa shared at 2. Nabibilang sa kakauntinggrupo subalit permanente common interest. ang pagiging kasali nito. 3. Itinuturing ang sarili bilang hiwalay na entidad sa 3. Ang oryentasyon ay binubuhay ang konsepto ng lipunan. Independent o malaya. pagiging “Tayo” o ekstended na pamilya. Kendra Cherry (2018) → Itinuturing na mahusay ang isang indibidwal na malakas, self-reliant, mapaggiit, at independent sa isang lipunang indibidwalistiko. → Taliwas ito sa isang kulturang kolektibo na namamayani ang pagsasakripisyo, pagiging matulungin, mapagbigay, at pagkakaroon ng isip na mahalagang unahin ang kapwa kaysa sarili. D. KOMUNIKASYONG PILIPINO Melba Padilla Maggay (2002) → Ayon sa kanya, isang aspekto ng ating kultura na malimit na kinatitisuran ng mga dayuhan ay ang mataas na antas ng pagkakaalanganin sa ating pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. → Ang ganitong paniniwala ay tinatawag nating pahiwatig na kung saan isang pangkagawiang komunikasyon na likas sa mga Pilipino. Kailangan nga ba maituturing na oo ang Oo at hindi ang Hindi kapag ang Pilipino ang nagsasabi nito? Mga Salitang May Kaugnayan sa ‘Pahiwatig’ Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino 1. Pahaging – isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis, kumbaga parang isang balang dumaan ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin. 2. Padaplis – Isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o masanggi nang bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na sumagi at nag-iwan lamang ng kaunting galos. 3. Parinig – Isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid. 4. Pasaring – Tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng pula, puna, paratang at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan. 5. Paramdam – Isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu, sa pamamagitan ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam. 6. Papansin – Tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon, kadalasang ginagawa kapag pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat na pansin. 7. Paandaran – Isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling may pagkakataon. DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph Melba Padilla Magay (2002) → Ayon rin sa kanya, bahagi na rin ng ating kultura ang mga salitang tuwirang nagpapahayang ng damdamin at nagbubulalas ng damdamin. → Kadalasan, ang ganitong mga pahayag ay nangyayari sa mga kapalagayang-loob na ng kausap. URI NG TUWIRANG PAGPAPAHAYAG 1. Ihinga – Tumutukoy ito sa pagpapahiwatig ng sarili sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga lihim na kinakailangang ilabas upang mapawi ang hirap na nararamdam sa loob. 2. Ipagtapat – Ito ay ang mga taong mapagkakatiwalaan at kapanipaniwala. 3. Ilabas – Ito ay tumutukoy sa paglalantad ng isang bagay na maselan o nakatago. 4. Ilahad – Ito ay isang maayos na pagsasalaysay ng isang kwento o lihim na mga pangyayari na lihim sa karamihan maliban sa matalik na kaibigan. E. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO → Bukod sa komunikasyon berbal, marami ring pamamaraan ng pagpapahayag ng saloobin ang mga mamamayang Pilipino gamit ang di-berbal. URI NG KOMUNIKASYONG ‘DI-BERBAL 1. Katawan (Kinesics) – mensaheng nagagawa sa pagkilos ng katawan, mata, mukha, pananamit at kaanyusan, tindig, kilos, at kumpas ng kamay. 2. Espasyo (Proxemics) – Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo. Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Sinasabing may kahulugan ang espasyong namamagitan sa magkausap. Ang distansyang ito ay maaaring magpahiwatig kung anong uri ng komunikasyon ang namamagitan sa magkausap. 3. Paralinggwistika (Paralanguage) – Paraan ng pagbigkas ng salita. Mayroon itong apat na aspeto: o Pitch – pagtaas at pagbaba ng tono ng tinig. o Volume – lakas o hina ng tinig o Bilis – bagal o tulin ng pagsasalita o Kalidad – klase o uri ng tinig 4. Oras (Chronemics) – Ito ay ang pag-aaral na tumutukoy sa kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring may kaakibat na mensaheng nais iparating. 5. Pandama (Haptics) – Primitibong anyo ng komunikasyon. (Pagtapik sa balikat, pagpisil, paghablot) 6. Tunog (Vocalics) – Paggamit ng tunog liban sa pasalitang tunog. (Pagbuntong hininga, pagsutsot) 7. Mukha (Pictics) – Pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng ‘di-berbal, hindi maipagwawalang-bahala ang ekspresyon ng mukha dahil kadalasang nagpapakita ito ng emosyon kahit hindi ito tuwirang sinasabi. 8. Ilong (Olfactorics) – Nakatuon sa pang-amoy. (Pagpapabango at pagtatakip ng ilong) 9. Kulay (Colorics) – Nagpapahiwatig ito ng damdamin o oryentasyon. 10. Simbolo (Iconics) – Paggamit ng simbolo o icons na may kinakatawang mensahe. 11. Galaw ng mata (Oculesics) – Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin. Sinasabing ang mga mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito. Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit hindi natin ito sinasalita. 12. Bagay (Objectics) – Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. → Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod: A. Pagtatampo (tampo) – Ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o kaibigan. B. Pagmumukmok (mukmok) – Ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan. DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph C. Pagmamaktol (maktol) – Akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik, o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe. D. Pagdadabog (dabog) - Ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay, at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog. F. GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO → Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw napakikipagsapalaran at nag-iiwan ito ng kakintalang maaaring magdulot ng karanasang magpapatakbo ng buhay. 1. Tsismisan – Batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang Kastila na “chismes” na tumutukoy sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. o Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College – Nilinaw niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao. 2. Umpukan – Isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. → Nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-buhay magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng mga bagay-bagay. o Salamyaan – Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa nito bilang talastasang bayan. Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang SALAMYAAN sa Lungsod ng Marikina. o Ayon din sa kanya, ang salamyaan ay isang silungan kung saan ang mga Marikenyo, partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-salo, at namamahinga. 3. Talakayan – Tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pang katao. Kalimitang tinatalakay ang mga problema na layuning bigyan-solusyon o kaya ay mga patakarang nais ipatupad. Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan: o Panel Discussion – Isang pormat na ginagamit sa isang pulong, o kumbersasyon. Maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol sa isang paksang pinagkasunduan. o Simposyum – Isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan. o Lecture-Forum – Isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang espisipikong paksa. 4. Pagbabahay-bahay – Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo. 5. Pulong-Bayan – Isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan. → Sa Kulturang Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad. → Ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu, problema, kabahalaan, programa at iba pang usaping pangmamamayan na madalas isinasagawa kapag may mga programang nais isakatuparan o problemang nais lutasin (San Juan, et al., 2019) 6. Mga Ekspresyong Lokal – Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al. (2018), ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 Academic Year 2024-2025 FIRST SEMESTER URL: http://dhvsu.edu.ph → Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. → Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika. MGA HALIMBAWA: o “Susmaryosep!” - (pinaikling Hesus, Maria at Hosep) o “Bahala na.” – (mula sa Bathala na) o “Ano ba ‘yan!” o “Manigas ka!” o “Hay naku!” Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan, nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging dinamiko at malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko ‘day! at Juice ko Lord na mula sa D’yos ko po! ay ilan sa mga patunay nito. Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga Gen Z ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: Charot; echos; charing; E di wow!; Ikaw na!; na kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit, at konteksto sa lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019). Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal sa Pag-unlad ng mga Pilipino sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon 1. Naging dinamiko ang wikang Filipino. → Ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. Sa patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino. 2. Pagyaman ng bokabularyo Filipino. → Ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa pakikipagpahayagan. 3. Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino. → Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o kabataang Pilipino. DHVSU Vision Mission Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic Region in producing globally competitive professionals who are capable of development of students to become globally competitive professionals through quality creating, applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of development of the humanity and society. society.