Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga talakayan tungkol sa mga isyung moral tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, alkoholismo, aborsiyon, pagpapatiwakal, at euthanasia. Ang iba't ibang pananaw at perspektibo ay tinalakay hinggil sa mga moral na isyung ito.

Full Transcript

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY Ano ang kahulugan ng salitang isyu? Ayon sa website na www.depinisyon.com, ang isyu ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas. Mar...

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY Ano ang kahulugan ng salitang isyu? Ayon sa website na www.depinisyon.com, ang isyu ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas. Marahil sa pagsulong ng agham at sa mabilis na agos ng pamumuhay ng mga tao, tayo ay nakararanas ng kalituhan at unti-unti nang nagbabago ang ating pananaw sa moralidad. Ang mga gawi na itinuturing na masama sa mga nagdaang panahon ay nagkakaroon na ng iba’t ibang pagtingin sa kasalukuyan. Dahil din sa nakalilitong mensahe ng media, mahirap makabuo ng matalino at mabuting posisyon ukol sa mga isyung ito. Sa kasamaang-palad, ang iba ay nakalilikha na ng mga opinyon nang hindi pa nasusuri at napag- iisipan ang iba’t ibang panig, mga argumento, at batayan sa pagbuo ng posisyon kaugnay ng iba’t ibang isyung moral. Dahil din sa nakalilitong mensahe ng media, mahirap makabuo ng matalino at mabuting posisyon ukol sa mga isyung ito. Sa kasamaang-palad, ang iba ay nakalilikha na ng mga opinyon nang hindi pa nasusuri at napag- iisipan ang iba’t ibang panig, mga argumento, at batayan sa pagbuo ng posisyon kaugnay ng iba’t ibang isyung moral. Madalas mong marinig na ang tao ay natatangi at espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos. Sa kadahilanang ito, ang buhay na ipinagkaloob sa tao ay itinuturing na banal o sagrado. Sa aklat na “Perspective:” Current Issues in Values Education” (De Torre, 1992) sinasabi na, “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at bansa. Kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya.” Ang buhay na ipinagkaloob sa tao ay kakaiba sa buhay na mayroon ang ibang nilikha. Bagaman ang tao ay nilikhang malaya, hindi nangangahulugang ito ay ganap. Nabanggit noon na kailangan nating maging mapanagutan sa ating kalayaan. Kung ating susuriin ang pahayag na ito, mapatutunayan natin na bagama’t may kalayaan tayong mabuhay at pumili ng landas na ating tatahakin habang tayo ay nabubuhay, hindi bahagi nito ang pagsira o pagkitil sa sariling buhay o ng ibang tao kung sakaling napagod tayo at nawalan na ng pag-asa. Mga Isyu tungkol sa Buhay Ang Paggamit ng Pinagbabawal na Gamot Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung moral na kinakaharap ng ating lipunan ngayon. Ito ay “isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.” Ang Paggamit ng Pinagbabawal na Gamot Ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng masasamang epekto sa isip at katawan. Karamihan din ng mga krimen na nagaganap sa ating lipunan ay malaki ang kaugnayan sa paggamit ng droga. Ang Paggamit ng Pinagbabawal na Gamot Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na gumon sa ipinagbabawal na gamot. Ang ilan sa kanila ay naiimpluwensiyahan sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan o mga taong nakasasalamuha sa kanilang paligid. Nakalulungkot isipin na ang mga ilang kabataang tulad mo ay kasama sa mga taong gumon dito. Ngunit bakit nga ba pati ang kabataan ay nagiging biktima ng masamang bisyong ito? Ang Paggamit ng Pinagbabawal na Gamot Karamihan sa mga kabataan ay nais mapabilang sa isang barkada o samahan (peer group). Kung hindi sila matalino sa pagpili ng sasamahang barkada, maaaring mapabilang sila sa mga gumagamit ng droga. Samantala, ang iba naman ay nais mageksperimento at subukin ang maraming bagay. Iniisip nila na sila ay bata pa at may lisensiya na gawin ito. Ang ilan pa sa kanila ay nagsasabing may mga problema sa kani-kanilang mga pamilya at nais magrebelde. Ginagamit nila ito upang makalimutan ang kahihiyan at pagtakpan ang sakit na kanilang nadarama. Ang Paggamit ng Pinagbabawal na Gamot Sang-ayon ka ba sa mga dahilang ito? Makatuwiran bang ibaling sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot kung sakaling may mga suliraning pinagdadaanan ang iyong pamilya? Hindi, sapagkat ito ay walang kabutihang maidudulot sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Maaari itong makaapekto sa kanilang pag-aaral at personal na buhay. May tuwiran din itong epekto sa pag-iisip at damdamin ng isang tao. Ang Paggamit ng Pinagbabawal na Gamot Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito, na karaniwang nagiging sanhi ng maling pagpapasiya at pagkilos. Ito ay kadalasang nauuwi sa paggawa ng mga di kanais-nais na bagay na higit na nakaaapekto sa ating pakikipagkapuwa tulad ng pagnanakaw at pagkitil ng buhay ng ibang tao. Bukod pa rito, nagpapabagal at nagpapahina rin ito sa isang tao na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng maraming kabiguan sa buhay. Alkoholismo Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ang alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay may masasamang epekto sa tao. Ito ay unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na maging malikhain. Dahil sa kaibahan ng kanilang pag-uugali at kawalan ng pokus, nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang mga nagugumon sa alkohol. Alkoholismo Ang ilan sa mga away at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas ng ating mga tahanan ay may kinalaman sa labis na pag-inom ng alak. Kung minsan, nauuwi pa ang mga away na ito sa iba’t ibang krimen. Alkoholismo Sa pagkakataong ito, masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa. Alkoholismo Maaaring hindi siya masisi sa kaniyang ginawa dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at wala sa tamang pag-iisip, ngunit may pananagutan pa rin siya kung bakit siya uminom ng alak at gaano karami ang kaniyang nainom. Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung paiiralin lamang ang pagtitimpi at disiplina. Bukod sa epekto nito sa ating pag-iisip at pag-uugali, apektado rin ang ating kalusugan. Alkoholismo Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer, sakit sa atay at kidney. Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang mga nabanggit na sakit, maaaring magresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang tao. Bilang nilikha ng Diyos, inaasahan sa atin na isabuhay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan - tanda ng pagmamahal sa buhay na ipinagkaloob Niya sa atin. Aborsiyon Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon. Ang isyung ito ay may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga mananaliksik at ng publiko – higit lalo sa pagiging moral at legal nito. Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na isyu sa buhay? Aborsiyon Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. Aborsiyon Makatuwiran ba ang aborsiyon o pagpapalaglag? Maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng ina? Siya ba ay nagtataglay na ng mga kapakanang moral at mga legal na karapatan na dapat pangalagaan? Paano naman ang kapakanang moral at karapatan ng ina? Ano-anong mga pamantayan ang maaaring sumuporta sa kasagutan sa mga tanong na ito? Aborsiyon Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daan upang magkaroon ng dalawang magkasalungat na posisyon ang publiko: ito ay ang Pro-life at Pro- choice. Pro-Life Ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; ito ay nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kaniya ay pagpatay, na tuwirang nilalabag ang mga pamantayang moral at batas positibo. Pro-Life Ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina (halimbawa, hindi niya ginawa ang tamang pag-iingat upang epektibong maiwasan ang hindi nilalayong pagbubuntis), dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito. Tungkulin niya na iwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak. Pro-Life Ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis. Pro-Life Ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa lipunan o sa buong mundo. Pro-Life Ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay masama. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na: a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at pinansiyal na aspekto. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na: b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahaybata ng kaniyang ina. Hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng isang fetus dahil umaaasa pa rin ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay. Ang unang prayoridad samakatuwid, ay ang katawan ng ina, at may karapatan siyang magpasiya para rito. Ang katawan ng isang babae ay bahagi ng kaniyang sarili, at nararapat siyang maging malaya na gawin kung ano sa palagay niya ang kinakailangan para sa kaniyang katawan at pangkalahatang kalusugan sa anumang sitwasyon. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na: c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan. Ayon sa ilang pananaliksik, ang mga sanggol na ipinanganak bunga ng mga ganitong kaso ay nahaharap sa mataas na panganib ng kapabayaan o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na: d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin sa bahay- ampunan ang sanggol pagkatapos, maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga bata. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na: e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. Mas mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na linggo ng pagbubuntis ang nagresulta ng mga pangunahing komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon. Habang itinuturing itong iligal, tiyak na maraming babae ang patuloy na sasailalim nang palihim sa ganitong proseso at maglalagay sa kanilang kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa kamatayan. Dalawang Uri ng Abortion Kusa (Miscarriage) Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan. Sapilitan (Induced) Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot. Isang ina na limang buwan nang nagdadalang-tao ang nagkaroon ng malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Kung hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay. Ang Prinsipyo ng Double-Effect Ito ay isang mahirap na desisyon sapagkat magpapasya ang tao kung alin sa kanyang mga pagpipilian na kilos ang nararapat, dahil kapag ginawa niya ang isa ay maari naman itong maka apekto sa isa Ang Prinsipyo ng Double-Effect Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may mga oras kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto. Bilang resulta, nagkakaroon ng isang problemang etikal. Ang isang halimbawa ay ang sitwasyon na inilahad kanina kung saan kinakailangang mamili kung aalisin ang bahay-bata ng ina upang malunasan ang kaniyang karamdaman, ngunit maaaring ikamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan, o hindi ito aalisin subalit maaaring magkaroon ng komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay. Ang Prinsipyo ng Double-Effect Kung gagamiting batayan ang Prinsipyo ng Double Effect sa sitwasyong ito, maaaring pumili ng isang kilos na magdudulot ng masamang epekto kung matutugunan ang sumusunod na apat na kondisyon. Una, ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti. Kung iuugnay sa nasabing sitwasyon, ang pagsagip ng buhay ng ina o ng sanggol ang nararapat na ilayon, at hindi ang pagkitil ng alinman sa dalawa. Samakatuwid, ang direkta at intensiyonal na pagpatay sa sanggol ay itinuturing na masama, kahit pa bunga ng masamang gawain o pagsasamantala ang pagbubuntis. Hindi kailanman magiging mabuti ang pumatay ng inosenteng sanggol. Gayunman, maaaring gamitin ang Prinsipyo ng Double Effect sa sitwasyon ng isang inang may karamdaman at nararapat alisin ang bahay-bata upang sagipin ang kaniyang buhay, kahit maaari itong maging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. Ngunit kinakailangan pa ring matugunan ang tatlo pang natitirang kondisyon ng Prinsipyo ng Double Effect. Ikalawa, ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may layuning mabuti. Halimbawa, pinahihintulutan o hindi itinuturing na masama ang pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ng ina, kung hindi naman ito ang totoong layunin ng ina bagkus gamutin ang kaniyang karamdaman. Ang pagpanaw ng kaniyang anak ay epekto lamang ng isasagawang panggagamot at hindi tuwirang ginusto. Ikatlo, ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang pamamaraan. Halimbawa, sa isyu ng aborsiyon, ang kamatayan ng hindi pa isinisilang na sanggol ay hindi maaaring gamitin bilang isang paraan ng paglilimita ng paglaki ng pamilya, pagpigil sa kapanganakan ng mga may depekto, o sa pagpapahusay ng karera ng mga magulang. Sa kabilang banda, ang paggamot sa nakamamatay na sakit ng ina sa pamamagitan ng pag-alis ng kaniyang bahay-bata ay katanggap-tanggap kahit pa maaaring ikamatay ito ng kaniyang anak. Ikaapat, kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging katanggap-tanggap ang masamang epekto. Sa kaso ng aborsiyon, hindi masasabing makatuwiran kung ang gagamiting dahilan sa pagsasagawa nito ay ang pagpapanatili ng hubog ng katawan, pigilin ang kapanganakan ng mga batang may depekto, o kahit pa para iwasan ang kahihiyan dahil ang ipinagbubuntis ay bunga ng masamang gawain. Sa kabilang banda, magiging katanggap-tanggap ito kung dahil sa pagsagip ng buhay ng ina ay hindi maiwasan ang pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Sa huli, mas makabubuti pa rin kung makahahanap ng iba pang paraan (medikal o hindi) kung saan parehong maililigtas ang buhay ng ina at ng sanggol. Pagpapatiwakal Ano ang iyong naiisip at nararamdaman sa tuwing may mababalitaan kang nagpatiwakal? Napapanahong pag-usapan ang isyu ng pagpapatiwakal o suicide dahil may ilang kabataang tulad mo ang nagsagawa na nito, at patuloy pang nadaragdagan ang bilang nila. Pagpapatiwakal Ano ba ang kahulugan ng pagpapatiwakal? Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal. Hindi na mahalaga kung anuman ang piniling paraan, hangga’t naroroon ang motibo. Ngunit bakit nga ba may mga taong nagpapatiwakal? Ang kawalan ng pag-asa (despair) ay isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit may ilang taong pinipiling kitilin ang sarili nilang buhay. Ito ay tumutukoy sa pagkawala ng tiwala sa sarili at kapuwa, gayundin ang pagkawala ng paniniwala na may mas magandang bukas pang darating. Marami sa mga nakararanas nito ay itinuturing ang kanilang sarili na wala nang halaga. Ayon kay Eduardo A. Morato sa kaniyang aklat na Self-Mastery (2012), upang mapigilan ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag-isip ang isang tao ng mga malalaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang kinabukasan. Ang pananatili sa isang mahirap na sitwasyon ay maaari lamang makaragdag sa kawalan ng pag-asa. Bukod pa rito, mahalagang maging positibo sa buhay upang mabawasan ang mabigat na dinadala ng isang tao. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon. Euthanasia Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Euthanasia Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag ding assisted suicide, sa kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya. Isang halimbawa nito ay maaaring ang isang maysakit ang humihiling sa isang taong may kaalaman sa mga gamot na bigyan siya ng isang labis na dosis ng pampawala ng sakit Euthanasia Ang sakit at paghihirap ay likas na kasama sa buhay ng tao. Ang pagtitiis sa harap ng mga pagsubok ay isang anyo ng pakikibahagi sa plano ng Diyos. Samakatuwid, hindi maaaring hilingin ng isang tao na tapusin ang kaniyang paghihirap sa pamamagitan ng kamatayan. Higit na mabuti kung pagmamahal at pag-aalala ang ibibigay sa kanila, hindi kamatayan. Euthanasia Hindi ipinipilit ang paggamit ng mga hindi pangkaraniwang mga pamamaraan at mamahaling mga aparato upang pahabain ang buhay ng isang tao. Sa madaling salita, ang pagpapatigil sa paggamit ng mga life support ay hindi itinuturing na masamang gawain. Ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa natural na proseso. Ang ipinagbabawal ay ang mga gawain na tuwirang naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay ng lason o labis na dosis ng gamot Paano ang buhay para sa mga Di-normal? (Persons with Disabilities o PWD) Madalas nating marinig na ang buhay ng tao ay sagrado o banal. Naniniwala ka ba rito? Ang pahayag na ito ay karaniwang ginagamit bilang argumento sa mga isyu tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at alak, aborsiyon, pagpapatiwakal, at euthanasia. Kung susuriin, bakit mas mataas ang pagpapahalagang ibinibigay sa buhay ng tao kung ikukumpara sa buhay ng ibang nilalang? May malalim bang dahilan ito? Ano-ano ang mga patunay na sumusuporta sa pahayag na “ang buhay ay sagrado?” “Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga pinakamahihina at madaling matukso, mga may sakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang at respeto.” – Papa Francis ng Roma Ang pahayag ni Papa Francis ay tumutukoy sa dignidad ng tao na nagmula sa Diyos. Ito ay likas sa tao. Ito ay umiiral sa pangkalahatan, samakatuwid taglay ng lahat ng tao. Dahil sa dignidad, nagiging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan, at kakayahan ay may dignidad. Masasabing isang maliwanag na batayan ang pagkakaroon ng dignidad kung bakit obligasyon ng bawat tao ang igalang ang sariling buhay at ang buhay ng kaniyang kapuwa. Ang buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang gamitin natin sa mabuting paraan. Subalit hindi natin maitatanggi na marami sa mga gawain ng tao ngayon ay taliwas sa kabutihan at may tuwirang epekto sa ating dignidad. Hindi lahat ay naisasapuso at napaninindigan na sagrado ang buhay at nararapat itong pangalagaan. Ngunit, paano ang buhay para sa mga taong di-normal? Halimbawa, ang isang mag-asawa ay nagkaroon ng anak na may Down Syndrome. Maaari ba nating sabihin na walang karapatan mabuhay ang bata dahil ang kalidad ng buhay na magkakaroon siya ay lubhang limitado? Kung susundan natin ang pahayag ni Papa Francis ng Roma, lahat ng tao, kahit iyong isinilang na may kapansanang pisikal o sa pag- iisip ay may karapatang mabuhay at bigyan ng paggalang. Nararapat nating isipin na bawat isa sa atin, normal man o hindi, ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon at makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan Sa pananaw ng iba’t ibang mga relihiyon, ang buhay ay sagrado. Ito ay kaloob mula sa Diyos. Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser