IMG_6665.jpeg
Document Details
Uploaded by HarmlessMaclaurin
Notre Dame University
Tags
Full Transcript
## Ilapat Ang Natutuhan 2.1 Basahin at Sagutin Basahin ang transkrip ng talumpati ni Pangulong Manuel L. Quezon tungkol sa paglikha ng pambansang wika. Makikita ito sa URL na `http://www.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-announcing-the-creation-of-a-national-language-december-30-1937/` (...
## Ilapat Ang Natutuhan 2.1 Basahin at Sagutin Basahin ang transkrip ng talumpati ni Pangulong Manuel L. Quezon tungkol sa paglikha ng pambansang wika. Makikita ito sa URL na `http://www.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-announcing-the-creation-of-a-national-language-december-30-1937/` (huling binisita noong 3 Dis 2014). Sumulat ng reaksiyon sa mga pananaw ni Pangulong Quezon tungkol sa pangangailangan sa iisang wika. Aling mga pahayag ang iyong sinasang-ayunan at hindi sinasang-ayunan? ## Panahon ng Hapones Hindi pa man nakokompleto ng Pilipinas ang 10 taong transisyonal na pamamahala ng Pamahalaang Komonwelt na dapat sana ay magtatapos noong 1945, naantala na ito ng biglang pagpasok ng mga puwersang Hapones bunsod ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong ika-7 ng Disyembre 1941, binomba ng Hapon ang base-militar ng Estados Unidos sa Pearl Harbor, Hawaii na nagpasimula ng digmaan ng dalawang bansa na bahagi ng mas malawak na Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagsapit ng ika-2 ng Enero 1942, tuluyan nang nasakop ng Hapon ang Maynila at inilagay ang Pilipinas sa ilalim ng Imperyong Hapones. Noong ika-10 ng Hulyo 1943, isang bagong Saligang Batas naman ang binuo ng Preparatory Commission for Philippine Independence na pinagtibay noong ika-4 ng Setyembre 1943. Nang sumapit ang ika-14 ng Oktubre 1943, pinasinayaan na ang Ikalawang Republika ng Pilipinas, itinuturing na isang gobyernong papet na itinatag ng mga Hapones na ang pangulo ay si Jose P. Laurel. Ang tunay na layunin ng Hapon sa pagpapasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya ay ang pagsusulong ng Greater East Asia Co-propserity Sphere, isang rehiyon ng mga bansa sa Silangang Asya na mapagkukunan ng Hapon ng mga hilaw na sangkap at mapagluluwasan nito ng mga produkto. Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, na pinamumunuan ng Imperyong Hapones, ay isa ring ideolohiyang naglalayong gawing nakapagsasariling rehiyon ang Silangang Asya, nagtatamasa ng pantay na kasaganaan, at malaya sa anumang impluwensiya ng Amerika at Europa (Duiker at Spielvogel, 2006). ## Pagnilayan Ano kaya ang kalagayan ngayon ng Asya, lalo na ng Pilipinas, kung nagtuloy-tuloy ang Greater East Asia Co-prosperity Sphere? Ipaliwanag. ## Kasaysayan ng Pambansang Wika at Mahahalagang Konseptong Pangwika 21